logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 3

Kabanata 3
Saviour
NAPAPIKIT ako nang magawang lagukin ang huling alak na inumin ko. Hindi ko na halos mabilang ang iniinom ko dahil labis akong nagpapakasaya sa pangungutang kay Keyus. Ayos palang mangutang do'n, walang pakialam kung bayaran siya o hindi.
Pero syempre, sinadya ko talagang mangutang para may dahilan upang magkita kami. Nang sa gayon ay matupad ko ang napakalupit kong paghihiganti.
"Naku, Mrs. Dela Meda. Mukhang nakararami na ho kayo," napatingin ako sa bartender nang kausapin niya ako.
Ah, okay. Eto yung naloko ko na mag-asawa kami ni Keyus kaya Mrs. Dela Meda ang tawag niya sa akin. Yawa, misis na pala 'ko ngayon.
"Hindi ako marunong malasing 'no! Mataas ang tolerance ko, 'kala mo!" pagmamalaki kong sabi.
Totoo naman yung sinabi ko, hindi ako lasing. Duh? Wala sa bokabularyo ko ang salitang lasing. Landi 'mana pa.
Napakamot naman siya sa ulo. Ay gago, may kuto 'ata.
"Sige po. Tawagin niyo nalang ho ako kung may kailangan kayo." saka umalis na siya sa harapan ko.
Napangiwi naman ako. Sino ba kasing may sabing kailangan ko siya? Urur.
I picked my phone and look what time is it. Alas-dose na'ng pasado. Kailangan ko ng umuwi dahil may pasok pa ako bukas.
Tumayo na ako ngunit medyo nahilo ako kaya napatawa ako. Hilo ka, ghorl?
Isinabit ko na sa balikat ko ang aking bag at handa na sanang maglakad ngunit napagewang ako ng lakad. Damn, it fvcking hurts! My head and my feet! Gusto ko nalang lumipad para makauwi na.
Sinubukan ko ulit maglakad palabas ngunit bago pa man ako makalabas ay bumunggo na ako sa isang bulto dahilan para muntik na akong mabuwal!
Ngunit bago pa man iyon mangyari ay may braso na'ng pumulupot sa aking bewang. Napapikit ako't napakapit sa dibdib nito dahil sa hilo.
"Miss, are you okay?" baritono ang boses na sumalubong sa aking tenga.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita ko ang isang lalaking maamo ang mukha pero hayop sa angas.
I smiled while closing my eyes. "O-oo naman, ako pa ba? Mataas ang tolerance ko 'no!" humagikgik pa ako sa hindi malamang dahilan. Alcohol effect, I guess?
"You sure?" nag-aalala ang tinig nito.
Tumawa ako at hinampas siya sa braso. "Oo nga! Ulit-ulit?" and laughed a bit.
Umayos na ako ng tayo ngunit nanatiling nakagabay siya sa akin. "Oy, oy! Tsansing ka ah!" marahan ko siyang tinulak.
Napaawang ang labi niya tapos natawa. "Oh! Okay, sorry. It's just that.. baka mabuwal ka ulit." paliwanag niya.
"Wow! Gentle-fvcking-man. Nice, nice! Sige, sibat na 'ko. Byiee.." nakangiti kong sabi at akmang tatalikod na sana nang hawakan niya ako sa braso dahilan para mabalik ako sa dati kong pwesto.
"You sure you're fine? I can ride you.." kumunot ang noo ko. "Home." pagtatapos niya saka tumawa.
Ngumuso ako dahil naku-cute-an ako sa tawa niya. Most especially, sa kanya.
"No thanks! Kaya kong i-handle ang bataan. Isama pa ang mayon, kaya gotta go na!" pero ayaw niya akong pakawalan. "Oy, yung kamay mo!" natatawa kong dagdag.
"Uhm.. Would you mind if I escort you outside?" he asked politely.
"At bakit naman?" baka mamaya may gusto sa 'kin 'to.
Tumawa siya ng mahina. "No, no. It's not what you think. I'm just really concerned about you. Some women got into a troubles most especially rape because they were drunk. Like you! So, don't have to worry. And oh by the way, I'm a lawyer." paliwanag niya.
"Oh! Kalma! Fine. Sa labas lang ah. Lawyer ka kaya pwede kang matanggalan ng lisensya sa ginagawa mo."
Sabay na kaming naglakad palabas ng bar. Nang makarating sa labas ay bigla niya akong hinigit patungo sa parking. Dahil nga sa wala ako sa wastong pag-iisip at idagdag pa ang hilo ko ay wala akong nagawa kundi magpahila. Ngunit pinipilit ko namang lumaban.
"Oy, nando'n yung sakayan. Ano ba!" sabi ko.
"It's dangerous there. Let me drive you home, come on."
Hanggang sa makarating kami sa isang sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat at akma akong isasakay nang nagpapigil ako.
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam. "T-teka. Kaya ko na pala ang sarili ko. M-magtataxi nalang ako." at pilit binabawi ang braso ngunit hinigpitan niya pa iyon.
"No, I insists. Come on, sweetheart." nakangiti ito ng maluwang but I somehow find it creepy.
No! Fight back, Kirsten!
"Hindi, huwag! Please, n-nasasaktan na ako."
"Tsk." he cursed.
Napahiyaw ako nang buhatin niya ako sa bewang at sapilitang ipinasok sa loob. Nanginginig na napaupo ako.
Nanlaban pa din ako ngunit sinikmuraan niya akong bigla dahilan para mawalan ako sa ng ulirat. Nanlabo ang mata ko hanggang sa binuksan niya ang boteng hawak at sapilitang ipinainom iyon sa akin.
Ilang saglit pa ay napikit na ako hanggang sa bumigat na ang talukap ng mata ko.
Oh God! Please help me..
Help.
Anyone.
Ayoko pang mawasak ang bakuran.
~°~°~
"ATE.. Ate? Mama, gising na si ate!"
Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Kaunti pa akong nasilaw sa ilaw ngunit malaon ay nakapag-adjust na ang mata ko.
What happened?
"Kirsten! Dios ko kang bata ka! Pinakaba mo pa 'ko!" napalingon ako kay Mama nang makalapit siya sa akin.
"M-mama," namaos pa ng kaunti ang boses ko.
"Kumusta ka na? May.. may masakit ba sa 'yo? Yung ulo mo, ano?" nag-aalalang tanong ni Mama.
Pinilit kong umupo kahit parang minartilyo ang ulo ko sa sakit.
"Ano pong nangyari?" mahina kong sabi.
Wala akong maalala. Ang huli ko nalang naaalala ay iyong hinalikan ko pa sa pisngi si Keyus pero matapos no'n ay wala na.
"Aba! Ikaw kasi! Nagpakalasing ka ng sobra-sobra kaya't hayo'n, buwal ka sa kalsada. Mabuti't may nagmagandang-loob para dalhin ka dito sa ospital." aniya.
Kumunot ang noo ko. Grabe, gano'n ako kabangag? Pakingshet, buti hindi nasira ang bakuran ni aling nena.
"Ang sakit ng ulo ko." daing ko pa at humawak sa ulo.
Pero mas lalo lang akong nasaktan nang batukan ako ni Mama. "Kulang pa 'yan sa kagagahan mo! Nag-inom kasing mag-isa hindi naman kaya! Nako, Kirsten ha? Pinapasakit mo ang bumbunan ko."
At nagtuloy-tuloy na nga ang pamamaril sa akin ni Mama ng laway. Parang armalite ang bunganga niyan, hangga't may masasabi, hindi iyan titigil.
"Hala siya! Klaris, dito ka muna at bibili ako ng pagkain. Hoy, babae! Hindi pa tayo tapos!" turo niya sa akin. Napasimangot nalang ako, may bala pa siya. Ano ba iyan.
I sighed at ipinahinga ang likod sa higaan. "Ate, cr lang ako ah." ani Klaris. Tumango ako kaya pumunta na siyang cr.
Napatingin ako sa kisame. Bakit wala akong maalala? Bakit hindi ko matandaan ang sinabi ni Mama?
At..
Bakit pakiramdam ko'y parang may mali?

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    Gennybel Anaca

    beautiful story

    03/07/2022

      0
  • avatar
    Grace Ann Garcia

    sinimulan ko tong basahin ng 11 i think and natapos ng 2 omj i was so speechless your story is exquisite and its gave me a goosebumps literal so i rate this 50/5 stars keep it up <3

    11/06/2022

      0
  • avatar
    Katherine Hazel Maxine Escaraman

    so good

    16/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata