logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 4

THE PAST
Hariane Fia Qiaoug's POV
Here we are in the best day of our lives
With no way of knowing
When the wheel'll stop spinning
'Cause we don't know where we're going
Nagising ako sa kantang paboritong-paborito ko talaga.
Moment of Truth.
Mukhang pinatugtog ito ni Dane habang nasa daan kami at tulog ako. Natagpuan ko ang aking sarili na nakasakay pa rin sa kotse ni Dane ngunit nasa tapat na kami ng bahay niya.
Kita ko na si Dane at may hawak siyang kumot. Binuksan niya ang pinto ng kotse at nginitian ako.
"Buti gising ka na, Ria," aniya.
"Para saan naman iyang kumot na hawak mo?" maangas kong tanong ngunit inaantok pa rin.
Nginisihan niya ako ngunit nawala rin iyon nang bigla siyang mahiya sa masama kong pagtitig sa kaniya.
"Sorry na nga kasi," saad niya. "Akala ko kasi, dito ka na matutulog. Ginigising kita kanina pero sinasapak mo lang ako at sumisigaw ka ng 'Gyreck!' habang tulog ka pa rin naman. Hanggang sa panaginip, nag-aaway pa rin kayong dalawa," mailing-iling niyang sabi.
Tama! Napaginipan ko kasi si Gyreck na sinusuntok ang malapit niya nang maging kapatid na si Shack. Galit na galit siya rito pero hindi ko na matandaan ang dahilan.
Tss, panaginip lang naman iyon. Hindi kailangang i-consider. Imposible rin naman na mag-away ang dalawang iyon. Halos hindi na nga sila mapaghiwalay eh.
"Pasok na tayo," aya ni Dane sa akin saka kinuha ang maleta ko.
"Saan mo ako papatulugin?" mapang-asar kong tanong sa kanya nang makalabas ako ng kotse niya.
"Hindi ka pa ba nasasanay? E 'di doon sa pinakamagandang guestroom na si Dad mismo ang nag-design para sa iyo," aburido niyang sagot. "Pakiramdam ko ikaw talaga ang totoong anak niya. Nag-uumpisa na akong maghinala."
Lumapad ang ngiti ko at nginisihan si Dane na palagi niyang ginagawa para mang-asar sa akin.
"I love you na talaga," sigaw ko sa tainga niya na ikinainis niya.
Tawa ako nang tawa hanggang sa makapasok sa loob ng bahay nila. Napatigil lang ako sa paghalakhak nang makarinig ako ng mga sigawan at isang eksena ng kumusyon sa Dining Area.
"I want my Dane back!' sigaw ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang ex-girlfriend ng bestfriend ko.
Nang makita ng babae ang kaibigan ko, agad itong bumalikwas ng pagtayo at yumakap. Nanlaki ang mata ko sa kaniya. Ang mismong gitnang parte ng katawan ni Dane ang yakap niya.
"Hindi naman halatang patay na patay ka kay Dane, 'no?" pagpaparinig ko pero sobrang hina lang. Ayaw ko ng away!
"Who's that girl?" maldita niyang tanong kay Dane nang mapadpad ang tingin niya sa akin. Kapag ito sinuntok ko sa nguso, plakda ito.
"I'm Dane's bestfr---"
"My best girlfriend," Dane cut me off.
Nanlaki ang mata ko pero nakita ko ang malawak na ngiti ni Tita Juliet—Dane's mom.
"Hey, lady!" panduduro sa akin ng pugitang babaeng ito. "Is that true na ikaw ang pinalit sa akin ni Dane? You are so cheap kaya! That's not true!"
Mas lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano raw? Cheap daw ako?
"For your information, hindi ako cheap. Kulang pa ang limang buhay mo para mapalitan ang buhay ko. Sinong babae ang pinaka-cheap na handang yakapin ang hinaharap ng lalaking kinaaadikan niya para lang bumalik ito sa piling niya?"
Nanlisik ang mata ng babae. Mas mabuti iyan para matanggal na ang mata niya at ipapalapa ko ang eyeballs niya sa alaga kong buwaya at tiger. Rawr!
"Excuse me. Are you pertaining to me?" pabalang niyang tanong.
"Bakit? May iba pa ba akong pinatatamaan?" pabalang ko ring sagot. "At saka tigil-tigilan mo ako ha. Nandito ako para matulog at hindi makipagsagutan sa iyo! Baka hindi kita kayang tansyahin at masapak na talaga kita!"
Sana makalimutan na ng babaeng ito ang pagiging baliw niya sa kaibigan ko.
Napasabunot siya sa kaniyang sarili at hindi niya namalayang may bote sa likod niya at naapakan niya ito. Tumama ang ulo niya sa pader at dumanak ang dugo sa lupa ng Mindanao, charotism!
Nalaglagan pa ang ulo niya ng isa pang bote na nalaglag dahil sa pagkakaalog ng pader na pinag-untugan ng babae.
"Young lady," sigaw ng isang lady guard.
Late reaction ang ate niyong girl. Mamamatay na ang young lady niya bago siya makapag-react. Kawawa naman ang pugita.
"What the heck, lady guard? Why did you bring me here? 'Di ba sabi ko ayaw kong makita ang mukha ng lalaking iyan," duro niya kay Dane nang mukhang naka-recover siya sa nangyari.
Pilit na pinipigilan ng babaeng gwardiya ang amo niya habang pilit na ngumingiti sa amin.
"Pasensya na po sa abala," saad ng gwardiya.
"Stop saying sorry. You don't need to apologize," sambit naman ng pugita. Kapag tinanggal ko ang mga galamay niya, aadobohin ko talaga kasama ang utak niya.
Nang makaalis na ang pugita ay hinarap ko si Dane.
"I can't believe na nagkaroon ka ng tanga-tangang ex. Baliw ang isang iyon."
"Kaya ko nga hiniwalayan, Ria. At saka huwag ka na magtaka, ako rin naman ang may pinakatanga-tangang bestfriend sa buong mundo," sagot niya na ikinatawa ng magulang niya.
May nakakatawa ba, huh? Sundutin ko mata niyo riyan!
"Are you pertaining to me?" panggagaya ko sa tono ng pagsasalita ng ex niya kanina.
"Tss, akyat na nga tayo. Good night po, Tito Rome at Tita Juliet," bati ko saka nag-bow para sa pagpapakita ng paggalang. Lagi ko na itong ginagawa at sanay na ako.
Pero, may na-realize ako. Bulag siguro si Tita Juliet. Hindi niya ba nakitang mali ang pinakasalan niya? Kulang ng letter O ang dulo ng pangalan ni Tito Rome. Kaya siguro hindi tragic ang ending nila at nagkaroon pa ng anak na asungot sa buhay ko dahil sa maling kasal.
"Fia, ayaw mo ba munang kumain?" aya ni Tito Rome—tatay ni Dane na sobrang bait.
"Tatanggi po sana ako pero kayo po ang nag-aya sa akin kaya kakain na po talaga ako kahit nakakahiya," I answered, straight to the point.
Tumawa ang mag-asawa at ipinag-usog ako ng upuan. Napakarami nilang pagkain kaya medyo tinablan na ako ng hiya nang bigyan ako ni Tita Juliet ng tubig.
"Wala pong juice?" tanong ko.
Napuno ng tawanan at kantyawan ang buong Dining table. Parang hindi ata ako belong dito sa bahay nina Dane. Hindi nila ako sinasali sa usapan.
"So how's your Dad, Fia?"
Grabe napakarami ko pala talagang palayaw. Minsan Ria, Fia, Hariane, Ari. Bahala sila sa buhay nila! Ayan ang gusto nila eh.
"Bakit po Daddy ko ang tinatanong niyo sa akin? Hindi po ba pwedeng tungkol sa akin ang itanong niyo?" pambabara ko kay Tito Rome.
Nang mapansin kong medyo naging awkward ang lahat dahil sa sinabi ko ay agad akong umisip ng paraan para mabalik ang lahat sa maayos na usapan.
"Biro lang po," saad ko. "Gaya pa rin po ng dati, busy pa rin siya sa mga trabaho niya kaysa sa akin na maganda niyang anak."
Bumalik na naman ang tawanan. Hindi ako mabusog-busog dahil nadi-distract ako sa kanila kaya kahit gusto ko pang kumain ay itinigil ko na.
"Baka po may gusto pa po kayong itanong sa akin?" paninigurado ko bago umakyat ng kwarto. Baka kasi balak pa nila akong ipa-presscon eh.
"Wala ka pang naaalala?" tanong ni Tito Rome. Siya talaga ang pinakamatanong sa lahat.
Kung hindi lang siya mabait sa akin, jojombagin ko na talaga siya. Sa totoo lang.
"Dad!" saway ni Dane sa tatay niya. Buti naman marunong mahiya itong kaibigan ko sa akin kaya niya sinaway ang matanong niyang tatay.
"Ano pong maaalala ko?" usisa ko.
Nagkatingin pa silang tatlo bago ibaling sa akin ang kanilang mga paningin.
"A-ah wala, Fia," sabat ni Tita Juliet. "Gustong malaman ng Tito Rome mo kung naalala mo pa na may pasok na bukas."
Awkward ang pagkakasabi ni Tita Juliet parang nahihiya rin siya sa akin. Ang weird talaga ng pamilyang Ty.
Totoo kaya ang sinabi ni Dad na halos lahat ng singkit ay may saltik? Pinapatunayan kasi ng mga tao na kaharap ko ngayon.
"Ah oo nga po pala," sambit ko. "Akyat na po ako sa kwarto na hihiramin ko sa inyo. Salamat po sa masarap na pagkain. Nabusog po ako. Good night po. Sweet dreams!"
Nginitian nila ako nang malapad. Binuhat ni Dane ang mga maleta ko papunta sa guestroom kung saan ako tutuloy ngayon.
"Dane, pwede mo ba akong samahan?" tanong ko nang akmang isasara na ni Dane ang pinto para pumunta na rin sa kwarto ko.
"W-What?" kalmadong tanong niya habang nakataas ang kaniyang mga kilay.
Hindi ko alam kung may dumi ba sa tenga ang isang ito o nagbibingi-bingihan lang siya minsan.
Parang alam ko na ang iniisip ng isang ito ah.
Nailing ako, "Huwag ka mag-isip ng kung ano-ano. Hindi kita iri-rape 'no!"
Dali-dali siyang bumalik papasok ng guestroom at umupo sa may baba ng kama ko.
"Mabuting nagkakaintindihan tayo, Ria."
Aba, iniisip niya talaga na hahalayin ko siya ah? Kapal niya naman.
"Oh, anong gagawin ko rito?" pagbasag niya sa nakabibinging katahimikan.
"Magkwento ka para makatulog ako," utos ko at humiga na sa kama habang nakaupo pa rin sa dulong bahagi si Dane.
"Ano ka? Nursery pupil? Ginawa mo pang Daycare center itong bahay namin ah. Hindi ka nakuntento sa pagtira rito."
"Ang daldal mo! Sabihin mo na lang kung ayaw mo! Lumabas ka na nga!" bulyaw ko sa kaniya. Matutulog na lang ako, may balak pa akong bwisitin ng isang ito.
"Joke lang," aniya. "Ano bang gusto mong marinig na kwento?"
Nag-isip ako pero puro 7 dwarfs ang naiisip ko. Tingina!
"Kahit ano basta tungkol sa iyo o 'di kaya naman nangyari sa reality. Iyong may originality sana ah," pagde-demand ko.
Pintay ni Dane ang lamp na nakalagay sa gilid ng kama ko at nagsimula nang magkwento.
"Makinig kang mabuti ah," saad niya at tumango ako.
"May isang babaeng tatanga-tang---" panimula niya.
"Ano ba iyan, Dane? Sasapukin kita!"
"What? Seryoso ako! Makinig ka lang kasi riyan!"
O e'di makikinig na. Galit agad eh.
"Kahit tatanga-tanga siya, alam ko kung ano ang mga kaya niyang gawin. Isa na siyang ulila. We're so so close back then. Not until, mabunggo siya ng isang kotse. Ang nakabunggo sa kaniya ay kakilala rin ng pamilya namin."
Bumuntong-hininga siya.
"3 years siyang hindi nagising. She's in coma for 3 years pero hindi ko siya sinukuan. Sabi noong nakabangga sa kaniya wala na raw pag-asa at sinabi sa akin na wala naman daw akong mapapala kung gigising ka–este siya. Dahil tatanga-tanga nga siya, tingin sa kanya ng mga tao ay walang silbi. I know her secret at wala akong balak na sabihin iyon sa iba."
"Kaso may nakaalam. Tatlong lalaki na malapit din sa buhay niya. Nagising siya after 3 years, Ria. Pero, ibang tao na siya. Hindi na siya tatanga-tanga katulad ng dati. Sobrang galing niya na sa lahat ng bagay at iyon pa ang kinatakutan ko."
"Bakit naman? Bakit ka natakot kung nagising iyong babae at magaling na siya sa lahat? 'Di ba dapat matuwa ka pa nga?" usisa ko.
Sarkastikong napatawa si Dane sa aking katanungan.
"Sana nga. Sana natuwa na lang ako para sa kanya."
"Anong nangyari noong matapos siyang magising?"
Saglit kaming nabalot muli ng katahimikan.
"Kinuha siya sa akin," kalmadong kwento ni Dane pero halata ang lungkot sa kanya.
"Sabi noong nakabangga sa kaniya, sila raw ang may pananagutan kaya roon na titira sa puder nila ang kaibigan kong tatanga-tanga. Pero, alam ko naman ang pakay nila. Dahil nga sa magaling na ang kaibigan ko sa lahat ng bagay, gagamitin nila ito para maiangat ang kumpanya nila."
"But I'm so happy pa rin. Nakikita ko pa rin siya ng mas madalas. Nagbago ang utak niya pero nandoon pa rin iyong saya sa puso niya. I'll treasure her until next life of ours. Alam kong mabubuhay pa siya sa susunod na buhay namin. That's her secret," ani Dane.
Lagi silang nagkikita? Bakit parang wala akong nakikita at nakakasama? Ngayon niya lang naikwento ang bagay na ito sa akin ah.
Dahan-dahan na akong nakaramdam ng antok at unti-unti na ring bumibigat ang talukap ng aking mga mata.
Kita ko ang pag-iling-iling ni Dane dahil hindi pa siya tapos magkwento pero tutulugan ko na siya. Alangan namang pilitin ko ang sarili ko na makinig sa kaniya, 'di ba? Hindi naman ako plastik.
"Goodnight, Fia Shause."
Dahil sa kaantukan ay kung ano-ano na ang naririnig ko. Fia Shause? Hays, kailangan ko lang itulog itong antok ko.
-------------------------------------------------------------
Dane Morisse Ty's POV
Ang bilis makatulog ni Fia. Antukin pa rin siya gaya ng dati. Alam kong sobrang tutol si Gyreck na makasama ko si Fia pero hindi niya magawang pigilan ang babaeng iyon.
Alam ni Fia ang totoong tahanan niya. Hindi maipagkakailang babalik at babalik pa rin ang bestfriend ko kung saan siya nagmula.
Fia was an orphan and my parents decided to adopt her when she was 3 years old. Ayun lang ang alam ko dati. I thought she's a kid back then just like me. Not until, I met an old woman, claiming that Fia is her friend.
I laugh so hard in front of that old woman. Sinabi ko na, "Paano mo naman po magiging kaibigan ang bestfriend ko kung mukhang galing pa po kayo sa makalumang panahon? Mas matanda pa po kayo sa Lolo at Lola ko eh."
Even though she's old and full of wrinkles, I can't deny that she is so gorgeous.
"Babalik ako," turan niya.
Mula noon, napaisip na ako tungkol sa matandang babae. Hindi naman siya mukhang nagsisinungaling. I also manage to find a way to meet her again but she's so damn hard to find.
Nangyari na nga ang isang aksidente na bumago sa lahat—ang pagkakabangga ni Fia.
Hindi ako pinayagan nina Dida at Mima na makita si Fia kahit saglit lang.
I don't have any chance to see her and all I can do is to pray for her. Na sana, okay lang siya.
Because of longingness, lagi akong matutulog doon sa kwarto ni Fia. Ako ang naglilinis at nag-aayos ng mga gamit niya.
And there, I saw a letter, written 80 years ago. It was written in different language and I need to search for it's meaning that time.
I found the answer on a Spanish book. The mysterious letter's translation in our own language was,
"Mabubuhay kang muli at hindi ito mapipigilan. Sa asul na buwan tila ika'y masisinagan. Ang araw ay yuyuko sa iyong kagandahan at tayo'y magkikitang muli, Hariela. Napakamakapangyarihan ng iyong salita, gamitin mo ito para hindi makasakit ng kapwa ngunit upang ipagtanggol lamang ang iyong sarili."
Kalakip ng sulat ay ang isang larawan. Lumang larawan kung saan naroon ang isang babae na kamukhang-kamuha ni Fia pero dalaga version at nakasuot ng saya.
Makalumang panahon nga.
Katabi ng dalaga ang isa pang binibini na napakaganda. Ang kamukha naman ng isang dalaga na iyon ay ang matandang babae na nakausap ko.
Natuklasan ko ang sikreto ni Fia. Nalaman din iyon nina Gyreck, Shack at Hades. Simula ng magising si Fia ay kinaibigan na nila ito.
Naging pinsan ni Gy si Fia and I'm always objecting to it. Lagi niyang pinapahirapan si Fia. Hades and Shack loves to play with Fia. At, alam kong gagawin nila ang lahat para lang magkaroon ng benefits sa sikreto ni Fia.
Pero lahat ng iyon ay nangyari noong bata pa kami. I thought, Shack, Hades and Gy always think of playing dirty tricks in Fia.
Habang palaki kami nang palaki at sumasabay sa galaw ng panahon, napapatunayan ko sa sarili ko na magiging ligtas sa kanila si Fia. Lalo na kay Hades.
Kahit na wala siya rito sa bansa in the past five years of Fia's life, nakagawa pa rin siya ng paraan upang mabantayan ang babaeng iniingatan ko rin.
Hindi ko nagawang pigilan ang pagiging malapit ni Fia kay Shack. Lingid sa kaalaman ko na may gusto na siya rito.
She always call me to say that she plans to surprise Shack in a date. Gumagawa rin ako ng paraan para mapigilan iyon. Isang matinding trahedya ang nangyari sa buhay ni Shack nang dahil kay Fia and that made me think that he was planning to take a revenge.
Kailangan kong protektahan si Fia mula sa kanya. Shack and I were great friends. Gusto kong magpatuloy ang pagiging magkaibigan namin kaya mabuting desisyon na pansamantalang dito na ulit tumira si Fia sa bahay namin.
Hindi dahil pabor ito sa personal na kagustuhan ko, ngunit pabor ito para sa lahat lalo na sa Pamilyang Qiaoug.
I wish them goodluck.
Lumabas na ako sa guestroom kung nasaan natutulog na ngayon si Fia.
Naabutan ko sina Mima at Dida na nag-uusap na naman sa sala. Nasa malalim silang pag-uusap nang dumating ako.
"Dida, I almost have a mini heart attack because of you, earlier," ani ko na nakapagpalingon sa kanila tungo sa direksyon ko.
Nagkibit-balikat si Dida na umaarteng hindi alam ang tinutukoy ko. Umupo ako sa harap nila.
"Tulog na siya?" Mima asked.
"I think so," tugon ko.
Lahat kami ay bumuntong-hininga. Mukhang pare-pareho ang nasa isipan namin at nagkakaisa ang utak naming tatlo.
"Ano kaya kung bawiin natin si Fia sa kanila? Atin naman talaga siya ah?" ani Mima.
I love that idea, too. But we, all know that it's so impossible for that to happen. May kasunduan ang pamilyang Qiaoug at pamilyang Ty. Ang kasunduan ay mananatiling kasunduan na kailangang tuparin.
Naisip ko tuloy na parang tuta lang si Fia kung ituring namin, pinagpapasa-pasahan.
"Hindi siya atin, Juliet. Hindi kailanman napasaatin si Fia. Siguro, tayo ang nag-alaga sa kanya sa mahabang panahon pero may isip na siya. Alam niya na ang tama at siya rin ang makapagsasabi kung sino ang pwedeng umangkin sa kanya.
Mima starts to cry again. She always cry when Dida reminds her that Fia will never be one of us, Ty's. Muntik na. Muntik na ngang makasama namin siya pero dahil sa lintek na Qiaoug, nawala na ang pangarap na iyon.
"I love Fia so much. I want her to be my daughter," palahaw ni Mima.
"I love her too, Juliet. Let's be grateful dahil kahit na matagal siyang nawalay sa atin, may pagkakataon pa rin para makasama natin siya," alo ni Dida kay Mima.
"Dane," tawag ni Mima sa pangalan ko. "Alagaan mo ng mabuti si Fia. Magiging kalmado ako kung magkasama kayong dalawa. Ingatan mo siya."
Dahil sa pag-iyak ay unti-unti ring napagod si Mima at nakatulog. Awang-awa ako sa kanya. I saw myself in her noong mawala rin sa akin si Fia Shause.
Her name screams so much power and that name marked our hearts so much.
Binuhat ni Dida si Mima papunta ng kwarto na in a bridal style. Kita ko rin ang lungkot ni Dida. Kitang-kita!
Sana maisip ni Fia na humiling. At ang hiling niya ay sana, sana manatili na lang siya rito sa bahay namin sa matagal na panahon at makawala na sa mga Qiaoug.
"Mima, tutuparin ko ang pangako ko sa iyo. Aalagaan ko si Fia nang higit pa sa pag-aalaga ko sa buhay ko. Pangako."

Komento sa Aklat (41)

  • avatar
    jisooyah

    Even tho its not completed, the plot, the storyline, and every character is interesting that made me follow the author.Hope that this book receive its deserving acknowledgement. Gonna recommend this

    23/01/2022

      0
  • avatar
    Jyrelle Alicando Rubi

    i love it

    12/08

      0
  • avatar
    Kent Archie Onida

    Okay I’m going back home now and then I’m going back to the house and then head to bed I’ll be there soon I tuio be able and I have some more of that too I hope you have a great weekend bye love love mama bye mama hi love you bye love love mama bye mama kiss me kiss

    19/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata