logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Through Pain and Sadness

Through Pain and Sadness

Latrinidad


Chapter 1

"Tita, how are you? We haven't seen each other in fifteen years. I missed you!" ani Einstein sa malambing na boses nito sa kaniyang tiyahin na si Myla.
"No one knows how much we missed you and your Mommy, Einstein! They are your friends hijo?"
"Yes Tita. Si Ethan, Mikee, Kieffer, Arthur, Luisa, Angeline and Rachelle. My childhood friend slash bestfriends!" anito na ipinakilala ang kaniyang mga kaibigan.
"It is my pleasure to meet all of you guys! Don't be shy, okay? Feel at home, tutal dalawa lang naman kami ni Alli ang nakatira rito so, ipapalinis ko ang dalawang kwarto para sa inyo. Pagpasensyahan n'yo na at masyadong maliit ang bahay na kaya naming mag-asawa," anito habang may ngiti sa mukha.
"Oh by the way Tita. Where's my favorite cousin? Miss ko na 'yung kakulitan no'n," anito dahilan para maiba ang ekspresyon ng mukha ng kaniyang tiya.
"Ma," ani Alliah sa mangiyak-ngiyak na boses.
"Ano'ng nangyari? Bakit hindi ka umuwi kagabi?"
"Clara? Ano'ng nangyari?" hindi mapigilan ni Myla ang magtanong ng magtanong sa kaibigan ng kaniyang anak.
"Tita, mas maganda po siguro na sa kaniya n'yo na malaman kaysa sa akin manggaling. Iwan ko na po rito si Alli, may kailangan pa po kasi akong gawin sa munisipyo," ani Clara sabay talikod sa mag-tita at mag-ina.
Lalapitan na sana ni Einstein ang kaniyang pinsan nang pigilan ito ni Rachelle. Lumilipas ang mga minuto't oras hanggang sa pinaligiran sila ng katahimikan habang pinagmamasdan ang mala-statwang katawang nakatayo ni Alliah 'di kalayuan sa mahabang sofa malapit sa main door ng kanilang bahay.
"Hija, ano ba ang nangyari? Is there something wrong happened last night? Come on Alli, tell to Mama. Makikinig ako," ani ng kaniyang Ina sa sinserong tinig. Hindi pa man din alam ang dahilan kung bakit walang siglang makipag-usap si Alli sa kaniyang Ina at kahit sa kaniyang pinsan ay alam na ni Mrs. Montemayor na may bumabagabag sa kaniyang anak. Hinagod nito ang mahaba at malambot na buhok ng kaniyang anak habang naghihintay ng sagot.
"Ma,"
"I'm here Alli,"
"A-am I not enough? D-Do I deserve to be broken? All of my efforts and attention, I, I gave it. But why? Bakit kailangan ako pa ang masaktan? Wala naman akong taong sinasaktan pero bakit kailangan mangyari ito sa akin Ma? Why her? Bakit kaibigan ko pa? Bakit kaibigan ko pa ang nanakit sa akin?" humahagulgol na ani ni Alli sa harap ng kaniyang Ina at maging sa buong barkada ng kaniyang pinsan. Hindi mapigilan ni Mrs. Montemayor ang maiyak sa sinabi ng kaniyang anak. Noon pa man ay mababaw ang luha nito samakatuwid, iyakin ito bata pa lang siya.
"Couz, I know it hurts but everything is gonna be okay. Trust me Alli," Einstein comforted her in a way of hugging her tightly.
"You don't deserve to be broken. Just do forget it and face the new challenge of your life. Magiging ayos din ang lahat, maniwala ka," lalo pang hinigpitan ni Einstein ang kaniyang pagkakayakap kay Alli kahit hindi ito tumutugon.
"You better take rest early, Alli. Come on let's go,"
Mga bata pa lang ang dalawa ay palagi ng tagapagtanggol ni Alliah si Einstein kaya alam at kabisado ni Einstein ang pinsan kapag nasasaktan ito. Halos fifteen years silang hindi nagkita nang lumipat sila Alliah na manirahan sa probinsya at iwan ang magandang buhay bilang anak mayaman ng kaniyang Ina na si Myla. Nakipagrelasyon kasi ang kaniyang Ina sa isang lalaking halos walang wala sa buhay. Walang nagawa si Myla noon kung 'di protektahan ang batang nasa kaniyang sinapupunan at ilayo sa magulong mundo nito kasama ang kaniyang Mama at Papa.
Sa 'di kalayuan sa loob ng kwarto ni Alli ay pinagmamasdan ito ng kaniyang pinsan. Hindi maiwasan ni Einstein ang maiyak sa nararamdaman ng kaniyang pinsan. Hindi rin niya lubos maisip kung bakit sa taglay nitong ganda, kabaitan ay nagagawa pa siyang saktan. Ramdam niya ang bigat ng dibdib ni Alli sa nangyari na tila ba siya ang nasa kinatatayuan nito.
"Einstein, kapag nagutom siya ito ang pagkain niya. May trabaho pa kasi ako," ani Mrs. Montemayor sa kaniyang pamangkin sabay iniabot ang isang tray na naglalaman ng pananghalian ni Alli.
"Ako na po ang bahala sa kaniya Tita. Ingat po sa biyahe," tugon naman ni Einstein rito.
Halos alas-dos na ng tanghali pero hindi pa rin bumabangon sa kaniyang kama si Alli para kumain. Wala ring magawa si Einstein o kahit ang kaniyang barkada kung paano mapapakain si Alli.
"Alli. Alliah. Alliah," isang boses na paulit ulit na binibigkas ang pangalan ni Alli mula sa labas ng kanilang bahay.
"Sino ka?" agad na pagtatanong ni Rachelle sa lalaking sumisigaw sa labas ng pinto.
"I don't know who you are guys but I need to talk Alli right now." Pangungulit nitong pagpasok pero hinarangan ito ni Einstein.
"Hindi rin kita kilala pero nagpapahinga ang pinsan ko. Kaya pwede ba, umalis ka na lang?"
"I'm her boyfriend kaya pwede ba? Tumabi kayo sa daan ko!"
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Alli let me explain please," sinserong sabi nito kay Alli. Halatang nagulat ang lahat sa paglitaw ni Alli sa kanilang harapan.
"Explanation? For what Alex?" maririnig sa tinig ng dalaga ang pag-iiba sa boses nito dahil sa pag-iyak nito kani-kanina lang.
"I didn't mean it trust me. Alli, please,"
"At bakit ako maniniwala pa sa iyo, Alex? Pagod na pagod na ako sa mga paliwanag mo." Mangingiyak na sabi ni Alli habang nagtitimpi sa galit.
"I'm sorry Alli. Patawarin mo ako please give me one more chance,"
"Now you want me to forgive you? Gano'n kadali? Gano'n kadaling kalimutan ang nagyari between you and Keith? What the hell you are trying to say ha Alex? Na, na kapag pinatawad kita ayos na ang lahat, ayos na tayong dalawa gano'n ba Alex? One more chance? Nagbibiro ka ba?" Walang emosyong salita ni Alli sa binata.
"Alliah mahal kita alam mo 'yon,"
"Oh yes! You love me despite the fact that you are full of lies. I know that Alex. Kung mahal mo ako mas minahal kita kahit... kahit si Keith ang magiging Ina ng anak mo! Masarap bang pakinggan na magiging Ama ka na? O baka naman mas masarap pakinggan na pwede na kayong magsama ni Keith, 'yung babaeng noon pa lang minahal mo na."
"P-Paano ako Alex? P-Paano ako? Bakit ang sakit sakit ng ginawa mo sa akin? Hindi naman kita niloko sa halos na anim na taon ng relasyon natin! B-Bakit?"
"Please Alli. I'm drunk that time hindi ko alam ang nangyari noong gabing 'yon. Hindi, hindi ko kasama si Keith sa party na 'yon please Alli maniwala ka,"
"Nagsisisi ako na nakilala kita! Mas binigay ko ang efforts and time ko para sa iyo Alex. Mas sinasamahan kita, ini-ignore ko ang mga birthdays ng mga kaibigan ko para sa'yo pero, wala pa rin pala! Am I not enough?"
"Of course you're more than enough to me,"
"Then why? Why her and not me? Sabay natin pinangarap na magkaroon ng anak, kambal pa nga eh 'di ba? Sabay natin pinangarap na maikasal sa simbahan, na parehas natin paborito 'di ba? P-Pero, 'yung babae na tutuparan mo ng mga pangarap natin ay hindi ako at si Keith 'yon."
"Kung naging sapat ako sa iyo Alex, hindi mo magagawa ang lahat ng ito. Hindi mo ako sasaktan ng ganito. Napakasinungaling mo Alex." Galit na galit na pagkakasabi ni Alli sa harap mismo ni Alex. Wala ng nagawa si Alex kung 'di umiiyak at mapaluhod sa sakit ng nararamdaman habang si Alli ay yakap yakap ni Einstein.
"Alli ikaw ang mahal ko please,"
"Alli," agad napatingin si Alli sa lugar ng tinig na kaniyang narinig.
"Wow! Ano ito? Reunion? Reunion ng pinagpalit at pinili gano'n? Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin Keith! Hindi pa ba sapat ang lahat ng nalaman ko kagabi at may lakas ka pa ng loob para pumunta at magpakita pa sa akin?"
"Alli, please kumalma ka lang," ani Clara at Samantha nang makarating sila sa bahay ng kanilang kaibigan.
"Kumalma? Clara sinaktan at nasasaktan ako! Paano ako kakalma tulad ng gusto n'yo?"
"Alex and Keith, please ako na ang nakikiusap umalis muna kayo-"
"Pero I need to talk to her,"
"Umalis ka na muna Alex. Walang sinuman sa atin na gugustuhing makita na nagagalit si Alliah alam n'yo 'yon Keith," ani Clara habang hawak hawak ang kaibigan.
"Patawarin mo ako Alli-"
"Umalis kayo!" Hindi mapigilan ng lahat ang nagwawalang Alliah sa kanilang harapan hanggang sa unti unti itong nawawalan ng lakas. Doon lang nila napagtanto na nawalan pala ng malay ang kanilang kaibigan. Napaluhod si Clara at agad na sinapo ang katawan ng kaniyang kaibigan. Wala na ring magawa si Einstein kung 'di buhatin ito at dalhin sa kwarto ang kaniyang pinsan.
"Hindi ka kailangan ng pinsan ko Alex, kung ayaw mong ako ang makaharap mo at magkaroon ng block eye ang mukha mo umalis ka na lang baka hindi ako makapagpigil at baka ikaw naman ang dalhin sa ospital."
Kumuha ng pamaypay ang mga kaibigan ni Einstein habang sina Clara at Samantha ay kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo para ipahid sa noo ni Alliah. Noon pa man kapag nangyayari ito kay Alliah ay gano'n ang kanilang ginagawa para mawala ang init ng katawan nito.

Komento sa Aklat (79)

  • avatar
    Carissa Escarcha Velasquez

    ❤️❤️❤️❤️❤️

    17d

      0
  • avatar
    Marian Bitualla

    most beautiful story I've read

    18/07

      0
  • avatar
    Shenna Mae Culaban

    good

    12/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata