logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER FIVE

Napaungol si Kairi sa ingay ng alarm clock sa kanyang gilid. Ilang beses ito tumunog at ilang ulit pinilit patayin. Masakit ang ulo niya at hindi niya siguro kakayanin pumasok ngayon sa klase. Mukhang naparami ang nainom nila kagabi ng kaibigan.
Gumulong siya at niyakap ang kanyang unan. Inamoy amoy niya pa iyon. Nagising ang diwa niya nang mapagtantong iba ang amoy nito. Napabalikwas siya ng bangon nang mapansin na wala sya sa kanyang silid. Hindi pamilyar ang silid na iyon sa kanya. Iniikot nya ang tingin. Wala siyang kasama sa silid. Nang sipatin ang sarili, agad na napatili siya. Isang oversized t-shirt ang suot at ang kanyang panty lang. Maliban doon ay wala na.
Agad na niluwa ng pinto ang nagmamadaling si Mr. Bachli. Wala itong pang itaas ngunit nakasuot naman ito ng shorts.
"What did you do to me?!" Tili niya sa lalaki habang yakap yakap ang sarili. Hindi siya makapaniwala na sa isang saglit ay mawawala agad ang kanyang pagkabirhen. Ni wala siyang maalala sa nangyari kagabi. Lalo lamang sumakit ang ulo niya.
"What did I do to you?" Hindi mapaniwalang bulalas ni Mr. Bachli sa kanya. Hindi alam kung matatawa ito o maiiyak sa paratang niya. "You're the one who kissed me, Ms. Jones." Paalala nito sa kanya.
"That's bullshit! Ang sabihin mo, you took advantage of me." Mangiyak ngiyak niyang usal. Nakadagdag pa ang sakit ng ulo niya.
Lalo ikinainis niya ng talikuran lang siya nito at lumabas ng kwarto. Paano na siya? Paano kung magbunga ang kagagahan niya? Ikahihiya ba siya ng mga magulang niya? Pananagutan ba ni Mr. Bachli ang bata kung sakali? Ang daming gumugulo sa isip niya. Hindi siya makapag isip ng maayos dahil parang pinupukpok ng martilyo ang ulo niya. Patuloy lang sa pagragasa ang kanyang mga luha.
Naramdaman niyang lumubog ang kama. Nakatabi na sa kanya si Mr. Bachli. May dala itong pagkain. Inilapag nito iyon sa bedside table nito.
Pinalibutan siya ng bisig nito at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo. "Don't worry. I'll take the responsibility."
Nanlaki ang mata niya sa narinig. May nangyari nga sa kanila! Agad niya ito itinulak palayo. Subalit hindi ito natinag. Gumalaw galaw ang balikat nito at hindi nagtagal ay tumatawa na ito na malakas. Nagagawa pa nitong tumawa gayong siya problemadong problemado. Nagtatakang tiningala niya ito. Gusto niya ito sapakin at pagsisipain.
Inayos nito ang buhok niya at ngumiti ng matamis. "I'm just kidding, meine Liebe. Hindi ko magagawa sayo 'yon ng walang apruba mo." Hinalikan nito ang mga luha sa kanyang pisnge at pinunasan iyon gamit ang hinlalaki nito. Tumayo na ito at nagsuot ng tshirt. "Kumain ka na. I made your favorite ham sandwich with sunny side up egg. There's also fresh milk and hot soup. That's the best remedy for hangover. Take the medicine for headache as well. Kukunin ko lang ang mga damit mo." Sabi nito at tuluyan nang lumabas ng silid.
Nilingon nya ang pagkaing dala nito. Paano nito nalaman na iyon ang mga paborito niya? Tinawag rin siya ng binata ng mahal sa wikang German. Gustong gusto niyang tinatawag siya ng mahal sa wikang german noon bata pa siya. At iisang tao lang ang pinagsabihan niya sa bagay na iyon. Alam niyang german si Mr. Bachli.. Nataon lang siguro iyon.
Lumalala ang pagsakit ng ulo niya kaya kinain na niya ang inihanda nito sa kanya. Ininom din ang gamot na inilagay doon. Unti unting bumuti ang pakiramdam niya. Tumayo na siya at iniligpit ang pinagkainan. Hindi pa din nakakabalik si Mr. Bachli. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng condo unit nito. Halos kapareho ng design ang opisina nito sa tinutuluyan nito.
Napansin niya ang litratong nakapatong sa isang bookshelf. Nilapitan niya iyon upang mapagmasdan ng maagi. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang siya ang nasa larawan. Natugtog siya ng piano roon. Paano napunta dito ang larawang iyon? Si Adonis lang ang pinadalhan niya nito.
Napatigil siya nang mapagtantong si Mr. Byrant Bachli ay si Adonis! Ayon sa mga madre na din na nakausap niya kahapon, lumaki si Mr. Bachli sa mismong bahay ampunan na iyon. Malaki na ito nang ampunin ng isang pilipino na nakapag asawa ng german. Bakit hindi niya naisip yun? Bakit hindi na rin nito ginagamit ang pangalang Adonis at mas pinili nitong gamitin ang pangalawang pangalan nito?
Napalingon siya nang bumukas ang pinto ang niluwa no'n ay ang binata. Bumilis ang tibok ng puso niya.
May dala itong dalawang paper bag.
Kusang napangiti ito nang makita siya. Malalaking hakbang ang ginawa niya palapit dito. "Mabuti na pakiramda---" Agad niyang pinutol ang sasabihin nito. Tumingkayad siya at hinatak ito sa batok. Sinakop niya ang mga labi nito. Rinig niya ang pagbagsak ng dala nitong mga paper bag sa sahig. Tinugon nito ang halik niya. Ramdam niya ang pag angat ng kanyang paa. Binuhat siya nito at ipinatong sa kung anong matigas na bagay.
Napaungol siya nang ipasok nito ang dila sa kanyang bibig. Wala sa loob na napaliyad siya at idinikit ang dibdib dito. Nagsimula na ding lumakbay ang mga kamay nito sa kanyang katawan.
Dismayado nang lumayo ito sa kanya. Kunot-noong tinitigan niya ito. Hindi ba nito nagustuhan ang ginawa niya? Hanggang ngayon ay ayaw pa rin nito sa kanya?
Hinaplos nito ang nakakunot niyang noo. "Are you okay?"
Parang gusto niyang maiyak. Sa tagal niya itong hinihintay, hanggang ngayon bigo pa rin sya. "Y-Yeah." Pilit na nginitian niya ito at yumuko. Naidala na pala siya nito sa ibabaw ng lamesa.
Hinawakan nito ang baba niya at marahang itiningala siya nito. "I'm just worried, Kairi. You had a hangover. But that doesn't mean I don't love you." Turan nito na tila nabasa ang nasa isip niya.
Agad na yumakap siya sa binata. Ibig sabihin mahal din siya nito? Tama ba ang narinig niya? Mahal din sya ni Adonis. Hindi niya napigilang umiyak. Agad itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Nag aalalang tinignan siya.
"Are you really okay, meine Liebe? Why are you crying?" Lalo siyang napaiyak sa turan nito. Hindi niya maiisip na magkakatotoo ang hinihiling niya noong bata pa siya.
Mariing hinagkan niya ito. "Ikaw ba talaga si Adonis?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yes. Maybe you're thinking why I haven't used my name Adonis. It's because you said, you're the only one who wants to call me by that name." Paliwanag nito sa kanya.
Walang pagsidlan ang nararamdaman ng kanyang puso. Naaalala nito ang lahat ng sinabi niya. Humalik siya sa pinsge nito. "Thank you, my Adonis." Isang malapad na ngiti ang isinukli nito sa kanya.
Palapit pa lang ang mukha nito upang mahagkan muli siya nang tumunog ang kanyang cellphone. "Shit. My phone!" Nagmamadaling bumaba siya sa lamesa upang hanapin ang nasabing aparato. Bigla siyang nakonsensya ng si Love tumatawag. Nakalimutan niya ang kaibigan.
"Hello, Love." Pansin ang pagkunot noo ni Adonis. Bahagyang lumayo siya sa binata. "Am really sorry. I didn't mean to ditch you last night."
"Did you get laid?" Halos patili nitong tanong sa kabilang linya.
"What the hell are you talking about? No!"
"I saw what you did last night, girl! You left with this hunky man."
Napailing na lamang siya sa pag uusisa nito. Parang gusto niya itanong sa kaibigan kung ano ba ang kagagahang ginawa niya. Hindi naman niya iyon matanong kay Adonis dala na din ng hiya. "Whatever. I'll see you soon, 'kay? Love you." Paalam niya rito.
Nakatakda ang paglipad nito papuntang palawan upang makipagkita sa lalaking nakilala nito sa internet. Sobra ang pagtutol niya doon. Subalit wala siyang magawa. Nakikita naman niya na masaya ang kaibigan kaya pinili na lamang niyang suportahan ito.
"Who was that?" Tanong ni Adonis na nasa tabi na pala. Halos hindi niya mabasa ang expression ng mukha nito.
"Love." Tugon niya. Dinampot na niya ang dala nitong paper bags kanina. Hindi na niya hinitay itong magtanong uli. Dumiretso na siya sa banyo upang magpalit ng damit. Mukhang napa-laundry na nito ang damit niya kagabi. Sa isang bag na dala nito ay isang oversized tshirt at loose pants. May kasama ding rubber shoes iyon. Napangiti siya. Iyong pangalawa ang mas pinili niyang suotin. Alam na alam ng binata kung ano ang pananamit niya.
Naghihintay sa kanya ang binata sa labas ng banyo nang matapos siya. Halos hindi maipinta ang mukha nito. "Who was that?" Pangungulit nito sa kanya.
Pinulupot niya ang braso sa batok nito at marahang hinalikan ito sa labi. "That was Love, okay?" Bago pa man ito makayakap ay agad syang nakalayo na. "I'll see you later at school, Mr. Bachli."
"Sister, I heard you spent the night with Bry." Bungad ng kakambal niya nang makapasok siya sa loob ng bahay.
Mukhang hinihintay talaga siya nito. Hindi naman ito madalas magtatambay sa foyer. Madalas lang itong nasa kwarto nito. Kung wala naman ito sa kwarto ay nasa galaan ito o nasa gaming room nito.
"Saan mo naman narinig yan?" Nilagpasan niya ito. Sinundan siya ng kakambal. Hindi siya nito tatantanan hangga't hindi siya nagsasalita.
"Alam mo bang tawag ng tawag kagabi sakin si Bry? Alam na din nila nanay at tatay doon ka nagpalipas ng gabi. Baka mamaya mamanhikan agad 'yung isang 'yun." Paliwanag nito. Namula ang pisnge niya nang maalala ang tagpong halikan nila ni Adonis.
Nagtatakang tinitigan niya ang kapatid nang mapagtantong may alam ito.. "Wait. You knew all along he was Adonis?!" Hindi makapaniwalang bulalas nya.
Kiara just rolled her eyes. "Duh? Si nanay at tatay din kaya. Hindi mo alam? Sa lahat ng matalino, ikaw ang bobo sa bagay na yan, sister."
Muntik na niyang makalimutan na napakalapit ng binata sa pamilya niya. Gusto niyang magtampo sa kakambal. Ni minsan hindi siya nagsikreto dito kaya hindi niya maatim na kayang kaya siya nito paglihiman.
"When did you know?" Usisa niya sa kapatid. Ikinwento nito na pagkabalik pa lang ni Adonis sa bansa ay agad itong dumiretso sa kanila. Doon napagtanto ng binata na nasa ibang bansa na siya upang mag-aral. Halos araw araw raw itong pumupunta sa kanila upang kunin ang loob nga kanyang mga magulang. Nalaman niyang habang naghihintay ito sa kanya ay gumawa na ito ng pangalan sa industriya ng pagnenegosyo. Kaya naman hindi nakakapagtakang naging malapit ito sa kanyang magulang na tila anak na ang turing ng mga ito sa binata.
Napagtanto niyang hindi coincident ang pagtanggap muli niya ng mga liham dito nang makabalik siya sa bansa. "I thought he totally left me when all along he was just infront of me." Hindi siya makapaniwala sa nalaman. HIndi niya alam kung magagalit ba siya sa sarili o matutuwa dahil sa wakas ay natagpuan na din niya ang binata.
Excited na pumalakpak si Kiara. "Uy, sis, nagkatama ka din!" Malapad na ang ngiti nito. Ramdam niyang masaya ito para sa kanya. "So, ano? May nangyari na agad sa inyo?"
Hinampas niya ito. Halos pamulahan siya ng mukha sa narinig.
"Meron na?!" Nagtitili ito na animo'y batang nakatanggap ng candy. "Finally! Nadiligan ka na!" Aniya nito na lalong nagpapula ng mukha niya.
"Gaga. Hindi." Naiiling na sabi niya sa kakambal.
Walang paglulugaran ang sayang nararamdaman. Tila hinihele siya sa langit.
Nagngingit pa din ang loob ni Adonis. Niloloko lang ba siya ni Kairi? Bumabawi ba ito sa pag iwan niya noon?
Lalong ikinagulat niya nang makita ang dalaga sa hallway. Halos lahat ng lalaking estudyante napapalingon doon. Kung pwede lang niya ito itago, kanina pa niya 'yun ginawa. Nakasuot ang babae ng kulay puting fitted jeans, ang blusa ay tila kinulang sa tela na halos makita na ang pusod nito. Lalong lumutang ang hubog ng katawan ng dalaga.
Muling kinain na naman siya ng selos. May kausap itong lalaki. Parang may sariling mundo ang dalawa. Hindi rin nakaligtas sa mata niya ang pagtawa ni Kairi.
Lalapit na sana siya kaso humarang sa daan si Ms. Andres. "Mr. Bachli! I thought you're not coming today." Hindi makakaila ang lambing sa tono nito. Kelan ba ito matatauhan na ayaw niya dito? Kulang na lang sigawan at ipagtabuyan niya iyon.
Napalingon naman sa gawi nila si Kairi. Panandalian itong ngumiti at nagpatuloy na sa paglalakad.
Naiiling na lang siyang nilagpasan ito. Wala siya sa mood makipag-usap sa babaeng maharot. Lalo pa at mukhang nag-eenjoy si Kairi sa pakikipag usap sa lalaking 'yun.
Luminga muna siya sa paligid bago mag iwan ng note sa locker ni Kairi. Sinabihan niyang puntahan siya nito sa office kapag tapos na ang klase nito o kung wala itong ginagawa.
Naghintay siya. Ngunit hindi ito dumating. Base sa system ng schedule ng mga estudyante, kanina pa tapos ang klase nito.
Nilibot niya ang buong campus. Hindi niya ito mahagilap. Nasaan na ba ang babaeng 'yun? Pakiramdam niya, pinapahirap siya nito. O mismong binabawian siya sa mga kasalanan niya dito?
Sa center field ng campus niya natagpuan si Kairi. Kasama pa din nito ang lalaking nakita niya kanina. Hindi mapalis palis ang ngiti sa labi ng dalaga. Selfish na kung tawagin pero gusto niyang siya lang ang gumagawa no'n para kay Kairi.
Lumapit siya sa mga ito. Masarap sa tenga ang mga halakhak ng dalaga. Lalong tumindi ang selos niya.
"Ms. Jones, you're supposed to go to my office after your class. What are you doing here?"
Halata ang gulat sa mga ito. Nawala din ang mga ngiti sa labi ni Kairi. Hindi niya mabasa ang expression nito. May nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan?
Tumayo na ito. Naningkit ang mata niya sa inis nang bumeso ang dalaga sa lalaking iyon. Tinalikuran niya ang mga ito. Hindi siya lumilingon kahit tawagin siya ng dalaga.
Mabuti nang makalayo siya sa mga ito bago mandilim ang paningin niya at makapatay sya ng tao. Hindi niya hahayaang mawala ulit sa kanya ang dalaga.
"Sorry. I forgot." Bungad ni Kairi sa kanya nang makapasok ito sa opisina niya.
Pinagmamasdan lang niya ito. Madilim na ang itsura niya.
"What's that?" Puna niya sa pananamit nito.
Bahagyang tinignan nito ang sarili. "Damit?"
Inis na naihilamos niya ang mukha. Halatang pinipilosopo siya nito. "Kairi, what did I do wrong?" Pagsusumamo niya. Nilapitan niya ang dalaga. Lumalaban ito sa pakikipagtitigan.
"Nothing. I'm not just comfortable with this." Tukoy nito sa relasyon nila. Alam nyang bawal magkaroon ng relasyon ang isang faculty staff o employee ng paaralan sa mga estudyante. Alam niyang mali. Pero hindi niya mapigilan ang sarili. Ang tagal niyang nangulila dito. Ganun din naman ang dalaga sa kanya.
Niyakap niya ang dalaga. "Then I will resign." Iyon lang naman ang paraan para malaya silang dalawa. Naramdaman niyang umiling ito sa bisig niya. Bahagyang kumalas siya dito. "We'll figure it out, Schatz."
Yumuko siya upang hagkan ang mga labi nito. Hindi naman siya nabigo dahil agad din itong tumugon. Ang simpleng halik ay naging mapusok. Ramdam niya ang parehas nilang pangagailangan sa isa't isa. Dinala at inihiga niya ang dalaga sa couch. Sinigurado muna niyang nakalock ang pinto ng opisina niya.
Nakangiting tinititigan siya nang dalaga. Muli niya itong hinagkan. Nagsimula na ring maglakbay ang kamay niya sa katawan ng dalaga. Tila kuryenteng napaliyad ito sa ginagawa niya. Lumipat ang labi nya sa leeg nito at umaykat sa tenga.
"How quiet can you be?" Bulong niya dito.
"H-ha? I-I don't know, Adonis."
"I need you to be quiet as far as you can." Tumango naman ang dalaga. Binalikan uli niya ang mga labi nito. Wala siyang inaksayang oras. Iniangat niya ang damit nito at tumambad sa kanya ang hindi kalakihang dibdib nito. Panandalian niyang tinitigan ito. "Damn! You're beautiful, Liebling."
Nahihiyang tinakpan iyon ng dalaga. Nginitian niya ito at muling hinagkan. Tila nawala naman ang hiya nito. Yumakap ito sa kanya.
Nasa kalagitnaan siya ng pagnamnam sa dibdib nito nang makarinig siya ng katok sa pinto.
"Mr. Bachli?" Tawag sa kanya mula sa labas ng opisina. Bigla siyang naitulak ng dalaga. Inayos nito ang sarili. Umayos siya ng tayo. Halata ang paninigas ng kanyang alaga.
"Just a sec!"
Nagmamadaling lumipat si Kairi sa harap ng mesa niya habang patuloy ang pag ayos nito sa buhok. Pinakalma naman niya ang sarili bago tuluyan niyang buksan ang pinto.
Nahihiyang ngumiti si Kairi kay Jude na isang student assistant. Binati naman ito ng huli.
Laking pasalamat niya na na-ilock niya ang pinto kanina. Hindi pa naman hilig ni Jude ang kumatok. Basta na lang ito papasok. Minsan nasa kalagitnaan siya ng meeting ay wala ito sabi sabing pumasok. Ilang beses na niya nasabihan ang binata tungkol doon. Ngunit tila na nakakalimutan naman ito iyon.
"Uhm.." Tumayo si Kairi. Iniiwasan nitong tumingin sa kanya. "I'll go ahead, Mr. Bachli. Thank you for the advice."
Agad na kinuha nito ang gamit at nagmamadaling lumabas. Halata sa mukha nito ang pamumula niyon. Napangiti siya. Lalo itong gumaganda sa paningin niya. Lalo na kung nahihiya ito o nag-aalangan.

Komento sa Aklat (94)

  • avatar
    Lyn Dequilla

    kind

    5d

      0
  • avatar
    Nathaniel Cordero

    .ndjdjeiheheh

    5d

      0
  • avatar
    Florence Gimang

    ncstory

    18/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata