logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER TWO

Nasa isang sulok si Kairi sa kariderya ng kanyang panibagong kolehiyo na pinapasukan. Isa iyon prestiryosong unibersidad sa bansa. Nakapasok siya sa pamamagitan ng scholarship program ng mga magulang. Kahit labag ang mga ito sa kanyang kagustuhan ay wala na din nagawa ang mga ito. Dahil napalaki sila ng mga ito na kung may gusto silang makuha ay dapat nila iyon paghirapan.
Tinggap siya ng unibersidad bilang isang fourth year student dahil na din sa advance ang kanyang mga asignatura sa United Kingdom.
"OMG. That's her?" Tanong ng isang mag aaral na nasa kabilang mesa lamang niya. Ramdam niya ang pagmamata nito sa kanya.
"Yeah. I don't think she belongs here. Look at her glasses." Turan pa ng ibang kasama nito at sabay sabay nagtawanan.
Hindi na lang nya iyon pinansin at nagpatuloy na lamang sya sa pagkain ng kanyang sandwich habang nagbabasa ng libro. Ilang minuto lang ang nakakalipas nang marining nyang tumutunog ang kanyang cellphone. Ang tatay nya ang natawag.
"Hello tatay?" Narinig nyang nagtawanan muli ang mga estudyante sa kabilang lamesa at nagsabi pang cheap sya.
"Anong oras tapos ng klase mo? Pwede ka ba dumiretso sa opisina ko sa Makati?" Tanong ng ama sa kabilang linya.
"Alright. I don't have classes anymore. Expect me to be by three thirty. I'm just having my lunch." Iyon lang at pinutol na niya ang tawag. Sinipat niya ang orasang pambisig. Ala una pa lang. Hindi naman siguro traffic papunta sa isang branch ng kanilang hotel. Niligpit na nya ang gamit at tumayo.
Patuloy ang tawanan ng mga kapwa estudyante sa kabilang lamesa. At pinipilit na masyado siyang trying hard magbritish accent. Na kesyo hindi siya babagay sa unibersidad na iyon dahil mukha lamang syang maralita.
Bago tuluyang makaalis ay nadapa siya dahil bigla siyang tinisod ng isa sa mga ito. Kunwaring nagulat ang mga ito ngunit agad ding nagtawanan. Napapikit sya ng mariin. Sa pagkakaalam nya ay siya ang pinakabatang mag aaral doon ayon sa registrar. Ngunit tila mas isip bata pa sa kanya ang mga ito.
Nagulat siya nang susubukan nyang tumayo ay may mga kamay na umalalay sa kanya. Nakaramdam siya ng ibang sensyasyon sa mga hawak nito.
"Hey, you okay?" Barito ang boses nito.
Mas matangkad sa kanya ang lalaki kaya napatingala sya rito. Mukhang hindi ito estudyante doon sapagkat naka-coat and tie ito. Subalit hindi nya makakaila na hindi sila nagkakalayo ng edad. Malalaki ang bisig na animo ay alaga sa ehersisyo. Parang napakasarap humilig sa bisig nito. Ipinilig niya ang tingin at tumingala sa lalaking kaharap niya. Nahigit niya ang hininga nang magtama ang tingin nila. Seryoso ito.
Napakurap siya, "Fine." Agad siyang umalis sa hawak nito at nagpagpag ng kanyang mga tuhod.
"Mr. Bachli!" Gulat na bulalas ng mga estudyante sa kabilang lamesa.
Masama ang tingin na ipinukol nito sa mga estudyante. "I'll see you in my office later."
"B-But..." Pinutol nito ang protesta ng isang babae nang itaas nito ang kanang kamay.
"In my office. Later." Mariin nitong sabi. Bumaling ito sa kanya. "You. Come with me." Hindi pa siya nito hinihintay makasagot ay hinatak na siya nito palabas ng gusaling iyon.
"W-Whoa! Hold on." Sinubukan niyang agawin ang braso dito ngunit masyado iyon mahigpit. "T-Teka.. N-Nasasaktan po ako..."
Mukha naman itong natauhan. Agad nitong binitawan ang braso niya at nahihiyang tumingin sa kanya. "Sorry. I just need you to see a doctor." Paliwanag nito sa kanya,
Napakunot noong tinitigan nya ito. Natisod lang sya. Hindi naman iyon malala.
"Let's go." Akmang hahawakan muli siya nito pero nakaiwas siya. Nagtatakang tinignan naman siya nito. "What?"
"I said, I'm fine. Didn't you hear me?" Halata na sa tono niya ang inis.
"I did. I just need to make sure." Tugon nito sa kanya.
"But I'm sure of it. I'm fine. Thank you though," Nilagpasan na niya ito. Hindi pa siya gaanong nakakalayo dito nang maramdaman niya ang mga bisig nito sa kanya. Agad siyang napatili at nasiko ito sa gulat. Bigla itong napabitaw sa kanya habang iniinda ang sakit sa tagiliran. Buti na lang walang masyadong nadaan doon.
"Serves you right." Hindi na niya iyon hinitay makabawi. Nagmamadali siyang lumabas ng campus upang magtungo sa opisina ng kanyang ama.
Wala pang ala sais ng gabi ay bihis na bihis na siya sa kanyang hotel room. Wala ang kanyang nanay at may travel vlog naman si Kiara kaya siya napagpasyahang isama ng kanyang ama sa isang charity event.
Nakarinig siya ng marahang pagkatok sa pintuan. Binuksan niya iyon at bumugad sa kanya ang ama na nakabihis na rin. Ngumiti ito nang makita siya.
"You look like your mother." Napahagikgik siya sa turan ng ama.
Sa venue hall ng hotel ang nasabing salo salo. Naroon ang ibang business tycoon sa bansa pati na din ang mga anak ng iba doon.
Umangkla siya sa braso ng ama. Medyo kinakabahan siya. Ilang salo salo na rin ang napuntahan nya sa England habang nag aaral sa pa siya doon. Pero sa hindi malamang dahilan ay nanlalamig ang kanyang mga kamay.
Huminga siya nang malalim at mariing pumikit nang makapasok sila sa elevator. Tinapik siya ng ama sa kamay na siyang nagpamulat sa kanya.
"Relax. Just be yourself."
Tumango siya sa ama, "Opo." Nginitian niya ito upang hindi ito mag alala. Ngunit naroon pa din ang kaba niya.
Pinakilala siya ng ama sa ibang mga business partners nito. Nag-enjoy naman siya makisali sa mga usapan ng mga ito dahil Business managament din ang kanyang kurso. Panaka naka ay humihingi din ng opinyon ang mga ito.
Malapit na matapos ang gabi. Masasabi niyang matiwasay ang salo salo. Napukol ang tingin niya sa entrance ng venue. May bagong pasok na lalaki doon. Hindi nya maaninag ang itsura nito sapagkat hindi niya suot ang contact lense. Tila may hinahanap ito. Hindi kalaunan ay kausap na ito ng kanyang ama.
May sinenyas ang kanyang ama at lumapit ang mga ito sa kanya.
"Kairi, I want you to meet Mr. Bryant Bachli. He's a big part of this charity." Pakilala ng ama sa lalaking nasa harap na niya ngayon. Seryosong nakatitig ito sa kanya.
"Y-You?!" Hindi nya mapakaniwalang tanong dito. Ito ang lalaking yumapos sa kanya kanina sa campus!
"Oh right! He's also the vice president of your school." Dagdag pa ang ama niya.
"It's my pleasure to finally meet you, Kairi." Hindi niya mawari pero ramdam niyang may diin ang pagbigkas nito sa pangalan niya. Animo kilala siya nito noon pa.
Nagpaalam na ang ama at may iba pa itong kakausapin. Wala mismong gusto magsalita sa kanila nang lalaking kaharap niya. Titig na titig lamang ito sa kanya. Pinipilit niyang iwasan ang tingin nito. Akmang aalis na siya sa harap nito nang hindi na niya maatim ang mga titig nito nang bigla siyang kinabig nito sa bewang at marahang bumulong sa tenga niya na nagpatayo ng mga balahibo sa kanyang batok.
"I miss you."
Tila nanigas ang katawan niya at nanlambot ang mga tuhod sa ginawa nito. Napakapit sya sa braso nito upang kumuha ng suporta. Hindi niya alam kung bakit ganito na lang ang epekto sa kanya ng lalaking ito.
Iginiya siya nito sa tabi upang makaupo. Nagulat siya nang marahan nitong iangat ang laylayan ng kanyang dress. Ibaba na niya sana iyon nang pigilan siya nito at may kung anong kinuha ito sa bulsa. Nilapatan nito ng band aid ang maliit na gasgas sa kanang tuhod niya.
"There." Nakangiting sambit nito na tila proud sa ginawa.
"T-Thanks." Nahihiyang inayos niya ang suot at agad na tumayo. "Excuse me."
Hindi pa siya nakakahakbang nang hawakan sya nito sa palapulsuhan. "Don't leave me.. Again." Halos pabulong ang huling katagang binigkas nito. May bahid iyon ng lungkot at pangungulila.
"I need to go to powder room. Excuse me." Palusot niya. Nagmamadaling nilisan nya ang venue hall at dumiretso sa garden ng hotel.
Dali daling lumanghap siya ng hangin. Hindi niya nagugustuhan ang epekto sa kanya ng lalaki. Nakukuryente siya sa bawat hawak nito. Kung hindi naman ay nahihigit niya ang hininga.
Umupo siya sa isang bench at tumingala siya kalangitan. Maaliwas iyon. Kahit nanlalabo ang mata, alam niyang panay bituin ang kalangitan. Bigla niya naisip si Adonis. Noong nasa England siya, madalas rin niya panoorin ang kalangitan. Humihiling na nasa mabuting kalagayan ang lalaki.
Ngayon, hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang hilingin para sa lalaki. Noong nakaraan lang ay nagpadala ito ng sulat sa kanya. Ngunit hindi alam kung paano tutugunan iyon. Hindi niya alam kung pareho pa rin ang lalaking nakakapalitan niya ng liham noon sa ngayon.
Nang makaramdam ng lamig si Kairi ay napagpasyahan na lang niya umakyat sa kwartong naka-assign sa kanya. Nag iwan na lang siya ng mensahe sa ama na sumakit na ang kanyang paa at medyo pagod na.
Nahiga siya sa kama. Naalala niya ang ginawa sa kanya ni Mr. Bachli sa campus. Bigla siya nito niyakap. At ngayong gabi nga ay nilapatan ng band-aid ang galos sa tuhod niya. Nahihiwagaan siya sa lalaki. Animo kilalang kilala siya nito. Marahil ay kilala nga siya nito dahil kilala ito ng ama. May kakaiba nga lang dito. Parang matagal na sila magkakilala nito gayong ngayong niya lang ito nakilala.
Nagising si Kairi sa katok ng pinto. HIndi pa siya nakapagpalit ng damit. Nakatulog na pala agad siya sa sobrang pagod. Matagal na din ang huling pag-attend nya sa mga gano'ng salo salo. Sinipat niya ang orasan. Alas kwatro y medya pa lang ng madaling araw. Marahan niyang binuksan ang pinto. Walang tao sa labas no'n. Isasarado na sana niya ang pinto nang may mapansing tray ng pagkain sa tapat ng kanyang pinto. Kinuha niya iyon at ipinasok sa loob. Napangiti siya. Fresh milk na may kasamang toasted ham sandwich na may itlog ang laman no'n. Napansin niya na may note doon din sa tray.
Guten morgen, wunderschönen! Here's your breakfast. Enjoy! xoxo
Hindi na siya magtataka kung kanino manggagaling iyon. Natatawang itinabi niya ang note at sinimulang kumain. Minsan may natatagong kasweetan pa din ang kanyang ama.
Alas syete na ng umaga nang bumangon uli siya at naligo. Hapon pa naman ang klase niya kaya makakauwi pa siya sa kanilang bahay. Dumaan muna siya sa opisina ng ama pagkatapos mag check out. Abala ito sa pagbabasa ng mga dokyumento.
"Guten morgen, tay!" Masayang bati niya sa ama. Panandalian itong tumingin sa kanya bago muling ibinalik ang tingin sa papeles na hawak nito.
"Gising ka na pala. Kumain ka na muna."
Humalik siya sa pinsge nito. "Thank you, tay."
"Thank you saan?" Tanong ng tatay niya. Inalis nito ang salamin at humarap na ng tuluyan sa kanya.
Napangiti siya. Minsan ayaw talaga ng ama nila ipakita ang kasweetan nito. Nahihiya ito at baka maasar nila ni Kiara.
"Sa ham sandwich at fresh milk."
Kumunot ang noo nito. "Gusto mo kumain tayo?" Tatayo na sana ito pero nagsalita agad siya.
"Tatay naman e. Kunwari pa."
"Ano pinagsasabi mo dyan, 'nak? Gusto mo ba kumain tayo sa baba?" Tila naguguluhang tanong ng ama sa kanya.
"Ha? E, you sent me food earlier." Pinaliwanag niya sa ama ang ginawa nito. Kinuha pa niya ang note na ibinigay nito at iwinagaygay sa harap nito.
Nagulat sya nang biglang natawa ang ama at sinabing hindi nito iyon ginawa. Nawala na sa isip nito na padalhan siya ng pagkain dahil sa dami ng trabahong nakabinbin sa lamesa nito.
Nagtataka siya kung sino nagpadala sa kanya ng pagkain gayong ang mga kaibigan niya lang sa UK at kanyang pamilya ang nakakaalam na paborito niya ang combinasyon ng ham sadwich na may malasadong itlog at gatas. Isa pang pinagtataka nya ay ang pagbati sa kanya sa lenggwaheng German na ang ibig sabihan ay magandang umaga, ganda. Tila alam na alam nito na marunong siya magsalita ng iba't ibang lenggwahe.

Komento sa Aklat (94)

  • avatar
    Lyn Dequilla

    kind

    5d

      0
  • avatar
    Nathaniel Cordero

    .ndjdjeiheheh

    5d

      0
  • avatar
    Florence Gimang

    ncstory

    18/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata