"Good morning everyone." Nagsitayuan kaming lahat para batiin ang professor namin. "Good morning, Prof. Himenez!" We greeted her back. "Okay, take your seat." Nang tuluyan na akong makaupo ay bigla akong kinalabit ng katabi ko. Tinignan ko siyang may pagtataka sa aking mukha. "Hera, may laro ba kayo mamaya after class?" "Oo. Bakit mo naitanong?" Bulong ko sa kanya pabalik, takot na baka ay marinig kami ng professor na nag-uusap sa klase nito. Ayaw pa naman niyang hindi nakikinig sa klase niya at talagang iki-kick out pa niya palabas. "I just ask," kibit-balikat nito. "I want to watch you later sa laro niyo." Sabi nito. "Okay. Sure why not!" I replied. "Nice. You're good talaga that's why many people idolized you. Well, I am one of those people." "Thanks Ana." Nahihiyang saad ko. "No prob." Umupo na ako ng tuwid nang humarap na ang professor sa amin na may seryosong mukha habang isa-isa kaming tinitignan. "So," panimula nito na nagsimulang nagpakabog ng dibdib ko. "Hindi ko nagustuhan ang mga ipinasa ninyong project sa akin. I did not expect that was the project you would give me and I'm expecting something more in this class. Hindi na kayo mga sophomore para bigyan ako ng mga project na hindi pinag-iisipang mabuti." Galit na wika ng prof namin sa major subject na ikinakaba ko ng husto. Siya iyong propesora na mahirap i-please dahil gusto niya 'yung papasa sa panlasa niya. Ayaw niya kasi na hindi pinag-iisipan nang mabuti at minamadali. She hates that. But, I like her how she gave her students a fair grades. Hindi siya pumapayag na binabayaran siya ng kanyang mga mayayamang estudyante para pumasa lamang sa subject niya. Pero sa ngayon, kelangan ko munang ikalma itong sarili ko dahil sa bilis ng kabog ng dibdib ko. Grabe ang kaba na dulot ng propesora ko sa akin. Siya lang talaga ang may kakayahang bigyan ako ng takot at kaba sa dibdib ko. Marami ako naging istriktong guro noong nasa high school pa lang ako, pero itong taong nasa harapan ko ngayon at habang pinapagalitan kami ay kakaiba sa lahat. Matanda na nga, makamandag pa. Sobrang nakakatakot!! Nakayuko kaming lahat at takot na salubungin ang mga tingin niya sa amin. Pinag-isipan kong mabuti ang project ko na 'yun sa kanya dahil alam ko kung papaano siya mag-isip, pero mukhang hindi pa sapat ang ginawa ko. Hindi pasado sa panlasa nito. Buong linggo kong pinag-isipan ang ideyang iyon tapos wala lang pala, hindi pala ito papasa sa taste nito. "I wanted to give you all a 5 in the card. I wanted to fail this class in my subject," Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba dahil sa sinabi niya. "But, there's one student here that passed a incredible visual techniques that I've seen so far. I really loved his idea. I love your idea, Mr. Zeigler." Umangat ang ulo ko para tignan ang taong nasa harapan ko ngayon na may maliit na ngiti sa kanyang labi. Nakakagulat na nakangiti siya ngayon dahil hindi ko pa nakikitang ngumiti si Prof. Himenez simula nu'ng naging professor ko siya. Isa itong himala. And thanks to that person, Locklan Marchan. A small smile curved into my lips before I bow my head, again. "Thank you, Prof. Himenez." He replied casually but still in a polite way. "And because of you, I am planning to give your classmates an extra point in their failed projects." Rinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko. They thankful na nabigyan kami ng isa pang pagkakataon upang maipasa ang subject niya. And I was thankful to know that too. Gaya ng sinabi ko kanina na mahirap pakiusapan si Prof. Himenez sa mga bagay na ganyan dahil siya nga iyong propesora na pantay magbigay ng grado. Wala rin siyang pakialam sa mga estudyanteng maibabagsak niya dahil hindi pumasa sa standard niya. She's a good professor, iyan lang ang masasabi ko kahit masyado siyang mahigpit at nakakatakot, pero she's really good. And I like her as a professor. I've learned a lot of things about her subject. "This will be the first and last time that I will give you a second chance. If you fail in my subject, you will fail. Understand?" "Understood, Ma'am!" "Good, and yeah, I was talking about earlier is the extra grade in your failed project." May inilabas siyang box at inalog-alog niya pa ito. "May mga number dito na parehas para sa magiging partner niyo sa project na ito, except for Mr. Zeigler, of course because he's already got a highest grade, so I was saying, this will be your extra point. Ayaw kong magpapasa ulit kayo ng gawang elementary or high school sa akin. Tutal ang subject niyo sa akin is about visual techniques. I want all of you to make a film." What? "A film, Miss Himenez?" My classmate asked. "Are you deaf, Mr. Ramirez?" Napayuko naman ito dahil tinarayan siya ni Ma'am. Shit! I'm not good in making a film. Paano ako nito? Babagsak ba ako ng tuluyan? Nagsimula na ring magbulong-bulungan ang mga kaklase ko dahil namomroblema rin ang mga ito sa kadahilanang may iba na hindi gamay ang film-making. "Quiet!" Miss Himenez rose her voice dahilan para tumahimik kami. "Kapag sinabi kong film-making ang gagawin ninyo sa akin, that is what you will do. Ayaw kong may naririnig na second comment or what! I am the professor here, you may have forgotten." I sighed! This is hell. "I already pointed that out and we already knew that film-making is the process of making a motion-picture, from an initial conception and research, through script-writing, shooting and recording, animation or other special effects, editing, sound and music work and finally distribution to an audience," she paused. "You will make a film na makakaantig sa damdamin ng mga manonood, hindi iyong minamadali ninyo 'yong project. And on how you will do it, well, it refers broadly to the creation of all types of films, embracing documentary, strains of theatre and literature in film, and poetic or experimental practices, and is often used to refer to video-based processes as well. Kayong bahala kung ano ang gusto ninyong gawin basta it's all about film. Do I make myself clear?" "Yes Ma'am." Malungkot na sagot namin sa kanya. What I'm supposed to do? Wala talaga akong alam sa filming na iyan. "Good. I'm expecting a good output from this class this time." "Ma'am?" "Yes, Ms. Aragon." "Is it a group or--" "What did I say earlier, Miss Aragon? It's by pair. Hindi ito by group, but by pair. That's why I have a box here in my table, may number dito na parehas at kung sino man ang makakuha ng the same number that will be your partner, so let's begin in the first row. Isa lang ang kukunin ninyong papel." Nagsitayuan na ang mga kaklase ko, nagdadalawang-isip pa ako kung mauuna ba ako or magpapahuli. Kasi naman, kinakabahan ako kung sino ang makakasama ko sa project na ito. And I'm expecting a better partner. Yung magaling mag-shoot or mag-film. "Hera, ikaw na." "Huh?" "Ayos ka lang ba? It's your turn already." Natatawang aniya ni Ana. "H-Huh! Ah.. oo nga. Thanks." Tumayo ako at pumunta sa harap. Oh no! Please, give me a better partner. Pumikit pa ako bago ko pinasok ang kamay ko sa maliit na butas. "Okay, next row." Wika ng propesora na nasa harapan. Bumalik ako sa upuan ko, nagdadasal na sana ay magaling sa shooting ang magiging kapartner ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa maliit na papel, dahil dito nakasalalay ang buhay ko ngayon. "Hera, what number did you get? Alam mo na ba kung sino ang partner mo? Sa akin kasi hindi ko pa alam kung sino ang parehas na number nang sa akin." I faced Ana, and I smiled a little. Itong maliit na papel na hawak ko ang magiging kapalaran ko. "I have not looked at the paper yet, so I do not know the number written on this paper." "What? Why? Lemme look to your paper." Hindi pa nga ako nakakahindi ay nakuha niya na ito sa kamay ko. That was fast. "Hera," she paused for a moment. Kumabog ang puso ko sa kaba. "What? Kilala mo ba kung sino ang may ganyang number? Anong number nakuha ko?" "Easy hahaha, you looked so tense." "Of course I am! Sino ba naman ang hindi? Major subject natin si Ma'am Himenez, hindi ako pwedeng bumagsak." Aniya ko. "I know, I feel the same way, noh! Pero hindi ko alam kung sino ang may hawak ng number na hawak mo rin. 8 ang nakuha mong number. Sa akin kasi 2." Kinuha ko sa kanya iyong papel at tinignan ang number. Makapal na tinta na itim at nakasulat sa 8 ang nakikita ko sa papel na maliit. Lilingon pa sana ako sa likuran ko para magtanong kung sino ang may hawak na same number nang sa akin, pero bigla namang nagsalita ang propesora namin na nasa harapan. "Okay! Okay! Let's be settled, everyone!" Maawtoridad na wika ni Ma'am Himenez. "When I called the number you were holding, please come in front." This is it! Pancit! "Okay, number 1. Who holds the number one?" May tumayong dalawang tao at naglakad papuntang harapan. Si Romeo at Jane, which is fit to be paired. Jane is a good filmmaker, while si Romeo ay magaling magsulat ng script dahil he is one of the actor in the theatre. Buti pa sila, sana ako rin. "Next, number 2." Tumayo si Ana na nasa tabi ko at tumayo rin ang isa kong kaklase na si Maria na nasa likuran. Ana is an actress too. Ka-team siya ni Romeo sa theatre, while si Maria, is a good filmmaker din. Kainis! Konti nalang ang natitira na magagaling sa filmmaker, baka mawalan pa ako. Pangatlo pa ako sa huli. This is very very bad! Nagsunod-sunod ang pagtawag ni Ma'am sa mga number at mukhang wala na talagang natitirang magaling na filmmaker para sa akin. Naluluha akong nakayuko, hanggang sa tinawag ang numero ko. I lazily stand up and didn't looked in my back. Wala na akong pag-asa pa. What if, magrent nalang ako ng taong magaling magfilm? Good idea, isn't it? I think, not. Malalaman ni Ma'am Himenez na nandaya ako. "Bakit si Miss Nefeltri lang ang nandito sa harapan? Nasaan ang magiging kapartner ni Miss Nefeltri?" Napaangat ako ng ulo. Wala akong kaparehas na number? I'm dead! "WHAT? YOU DO NOT WANT TO ANSWER ME!" Sumigaw si Ma'am na ikinabigla ko. Muntik na akong mapaupo sa gulat, nabigla ako sa biglaang pagsigaw niya. Nasa harapan pa naman ako at katabi ko lang siya. Kumusta naman ang eardrum ko, ano? "Ma'am, no one got another number eight." Hindi ko inaasahan na may sasagot kay Ma'am kapag galit siya. It means, that person is not afraid of her. Sabay kaming lahat na napalingon sa taong nagsalita and there, Locklan Marchan Zeigler is looking at Miss Himenez directly. Wow, matapang a! "Are you sure, Mr. Zeigler?" Nakataas na naman ang kilay ni Miss Himenez. Ang taray niyang matanda talaga. "Yes Ma'am." He answered gently. Lumingon ulit kami kay Ma'am kung ano ang magiging ekspresyon niya. "Why is that?" Still raising her eyebrow. Sarap tanggalan ng kilay, promise. "Ma'am, we're only twenty in this class and only nineteen took the number. So, there will be someone has no pair." He explained. Ilang ulit na ba akong napapa-wow sa lalaking ito. Hindi ko man lang naramdaman iyong takot niya sa taong nasa harapan namin ngayon. Gusto ko ring maging kagaya niya na matapang at hindi natatakot. He's really different, huh! "Oh yeah," biglang napaisip si Ma'am Himenez at pati na rin ako, kaming lahat actually. Bakit hindi ko nga naisip yun? "Yes, you were right Mr. Zeigler. I'm so sorry. My bad." "It's okay Ma'am." Sagot naman ng mga kaklase kong mukhang na-relieved dahil hindi na mukhang galit si Ma'am. Ang bilis niyang magbago ng mood. "Okay, ahm. How are we going to do it?" Bumalik siya sa upuan niya. "How about, I'll give you 1 in your card, Mr. Zeigler?" Napa-gasp kami sa sinabi ni Ma'am. "But, you will participate in this project. You will be Miss Nefeltri's partner. How was that?" Another shocked from me. What? Seriously? "It's fine Ma'am. Thank you." Wika nito na parang wala lang sa kanya yung uno sa card. Hindi ba niya alam na hindi basta-basta nagbibigay ng uno si Miss Himenez sa card. How come na parang ang bilis lang magbigay ni Miss Himenez ng uno sa isa niyang estudyante? Papaano nangyari ang bagay na ito? The hell! How lucky he is? "You deserve it, Mr. Zeigler." She paused. "Is there any more questions regarding the project?" Someone's raised a hand. "Yes, Mr. dela Cruz?" "Ma'am, what topic will we use in the project?" Ay oo nga pala! May topic pa palang iisipin. "Ah yes, I almost forgot about that." She flipped her book and was looking at something in the book. "Well, wala akong mahanap na magandang topic for your project. How about," Hindi ko gusto ang tono ni Miss Himenez. "It's up to you, class. Mas maganda kung kayo ang mamimili ng mga topic na gagamitin ninyo at kung paano niyo gagawin ang project na pinapagawa ko. Then, impress me with what you all can do." The bell rang. "Aasahan ko ang gawa ninyong lahat. Remember, this will be your grade in finals." "Yes Ma'am." We all answered in unison. "Yes Ma'am- Yes Ma'am, tapos you will pass me your bad project. Umayos kayo!" She hostilely said to us. "You can now leave the class." Binagalan ko ang pagliligpit ng mga gamit para masabayan ko ang lalaking kanina ko pa sinusulyapan ng tingin mula rito sa kinatatayuan ko at sa kung saan siya nakaupo ngayon habang nililigpit din ng mga gamit niya. Nang makita kong isinukbit na ang bag niya ay nagmadali akong i-zipper ang bag ko. Dumaan ito sa harapan ko kaya sumunod ako sa kanya. Naglakad ito papunta sa.. library? Anong gagawin niya sa library sa dis-oras ng tanghali? I shook my head at sinundan ko nalang siya. Pero bumibilis ang paglalakad niya dahilan para tumakbo ako at habulin siya. Marami pa namang students ang naglalakad dito sa hallway. "Excuse me! Excuse me! Makikiraan po." Pero hindi ko napansin na nawala na pala sa mata ko ang lalaking sinusundan ko. Nalingat ako, naman oh! "Naman, bakit ba kasi ang bilis niyang maglakad?" Tanong ko sa sarili ko. "Why are you following me?" "Because I wanted to talk to you.. What the hell?" Gulat kong sabi. "Watch your word, Miss." He said nonchalantly. "E kasi naman, ginulat mo ako. Bakit ka ba kasi nandyan sa likuran ko?" I asked. "Nagtanong ako una, nagtanong ka rin." "Tss. Ang taray naman." Bulong ko. Bakit parang nag-iba yata ugali nito? Hindi naman ito ganito ka-bugnutin nung huli kaming nagkita. "Hindi ako mataray, Miss Nefeltri. I was asking you first, why are you following me?" "And I said that I wanted to talk to you." "About what?" He asked again. Naglakad na ulit ito kaya sumunod ako. "About earlier." "Hmm." Anong hmm? Sagot ba 'yon? "Kasi nga diba, you're my partner kaya gusto kitang makausap para mapagplanuhan na natin iyong project natin." Paliwanag ko sa kanya. Hindi man lang siya lumingon sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang ekspresyon niya. This man, seriously? May ganito ba talagang tao sa mundo? Masyadong tahimik, hindi marunong ngumiti at parang laging may problema sa buhay. "And?" "Anong 'and'? Wala ka bang balak na umpisahan 'yon? Hindi porque uno ka na sa card sa finals ay babalewalain mo iyong project na 'to." Sabi ko dahilan para huminto siya. Nabangga tuloy 'yong noo ko sa likod niya. Peste ang sakit! "Aray huh! Nananadya ka ba talaga?" Bigla itong lumingon sa akin at napakaseryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin. Bakit ba hindi ito marunong ngumiti man lang? Naalala ko nung nakita ko siyang tumawa, I was mesmerized by his laugh that time. Hindi ko akalaing mararamdaman ko ang kakaibang pakiramdam na 'yon sa kanya. Hindi ko maipaliwanag, basta napasaya niya rin ako nung makita ko siyang tumawa. Weird ako diba? Amp! "You know what, hindi ko alam kong nakikinig ka rin ba sa akin or sadyang wala kang pakialam sa mga sinasabi ko." He said dreadfully. "I-I'm s-sorry.." Nauutal kong sagot. Tumalikod ito sa akin pero narinig ko pa ang pagmumura niya. Bad mood ba 'to? "I'm sorry, Scheherazade. Medyo masakit lang talaga ang ulo ko." Lumingon ito sa akin. "It's okay, kasalanan ko rin naman." He breathed first before he spoke. "I was saying, matagal pa naman ang due date nang project natin, so there's nothing to worry about that. I have a lot of works later pag-uwi ko ng bahay and I can't give you my time. So tinanong kita kanina kung maaaring kunin ko nalang ang number mo para macontact kita kung kelan ako may free time. Well, if that's okay with you. Or you can have mine--" "Yeah sure, here." I smiled widely. Ewan ko ba, kapag tinatawag ako sa buo kong pangalan natutuwa talaga ako. "O-kay." Nagtatakang nakatingin ito sa akin. "I'll call you if I have a free time, then." "Okay, sure." "Need to go, see you." He bid goodbye to me. Naglakad na ito nang tawagin ko siya ulit dahil may nakalimutan akong tanungin sa kanya. "Wait!" Huminto naman siya kaya lumapit ako sa kanya. "Can I call you Lock?" He was silent for a moment. Hindi niya siguro inaasahan na itatanong ko iyon sa kanya. "Ahm, kasi. Paano ba? You know, hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sayo and --" He cut me off. "It's okay. You can call me Lock." "Are you sure?" Paninigurado ko. "Yes." He smiled a little bit or pilit na ngiti lang 'yon. Pero at least he smiled, diba? "Iyon lang ba?" "O-Oo, sige. Mukhang marami ka ngang gagawin because you're in a hurry." "Yes, I really have to go. I'm sorry." "Sige, bye." "See you!" He said before he left me. May maliit na ngiti sa aking labi na hinatid siya ng tingin papalayo hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. "Okay, it's time for the game!" I happily said.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 68 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (54)
I really like reading it, thanks to the author for making this masterpiece!
I really like reading it, thanks to the author for making this masterpiece!
29/03/2022
0so nice
24/06/2025
0thankss
29/01/2025
0Tingnan Lahat