logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Veronica's Desire

Veronica's Desire

iamAexyz


Kabanata 1

   “Veron! Veronica Madrigal!" todo sigaw ni Marie mula sa sala. Daig pa niya ang bomberong sumisirena sa lakas ng boses. 
        “Bilisan mo! Male-late na tayo!" muli ay sigaw niya. Hindi ko na alam kung ano ba ang unang dadamputin ko sa pagmamadali. Kulang na lang madapa ako, mas lalo pa akong natataranta dahil sa mga sigaw niya. 
        Araw araw ganito na yata ang eksena naming dalawa. Ako na late lagnv  gumising at siya na laging nagsisisigaw dahil mahuhuli na kami sa trabaho namin. Ayaw na ayaw kasi niyang mahuhuling pumasok.
      “Sandali! Ito na!” balik sigaw ko sa kanya habang nagmamadaling nagsasapatos, baliktad pa ang unang suot ko sa sapatos dahil sa pagmamadali. Kaya dinampot ko na lang ang sapatos ko at isinuot ito habang patalon-talon akong naglalakad palabas ng kwarto ko. Hindi ko pa nga nasusuklay ng maayos ang buhok ko sa pagmamadali.
      "Bakit ba kasi late ka na namang gumising? Tapos ang bagal mo pang kumilos. Late na tayo. Alam mo naman ’yung boss natin bawat segundo doon ginto kaya kapag nalate tayo bawas agad sa sweldo,” reklamo nito nang lumabas ako ng kwarto, tahimik na sumunod na lang ako sa kanya habang nagsusuklay ng buhok ko haggang sa makalabas kami ng apartment namin. Mas magbubunganga kasi siya kapag nagdahilan pa ako na siyang madalas na nangyayari. Minsan daig pa niya ang armalite kaya mas mabuting manahimik na lang ako.
Napuyat kasi ako ng todo kagabi sa kaka-browse sa internet ng trabaho dahilan para tanghaliin ako ng gising. Binabalak ko nang mag-resign sa pinapasukan namin kaya nag-job hunting ako sa internet pero wala naman akong makitang matinong trabaho kundi puro mga networking. Hindi ko na kayang magtiyaga sa maliit na sweldo tapos may kaltas pa palagi kahit ilang minuto ka lang namang mahuli sa pagpasok sa trabaho. Masyadong strikto ang boss namin na minsan umaabot na sa puntong nawawalan na siya ng konsiderasyon sa kanyang mga empleyado.
Pumasok lang naman ako doon dahil kailangang-kailangan ko talaga ng pera at ng madaliang trabaho pero hindi ibig sabihin na matitiyaga ako ng matagal sa walag kwentang kompanyang iyon. Maliit na nga ang sweldo palagi pang may sigaw ng amo.
“Late na nga tayo saka pa walang dumadaang sasakyan,” reklamo na naman ni Marie ng ilang minuto na pero wala pang dumadang taxi. Tila inip na inip na ito dahil humahaba na ang leeg nito katatanaw kung may paparating ba na sasakyan.
Hindi ko na lang pinansin ang mga pagrereklamo niya, sanay na ako na bawat bagay ay ikina-e-stress niya.
Late na rin naman kami kaya kahit magreklamo pa siya bawas na ang sweldong pinaka-iingatan niya.
“Hayaan mong malate tayo ng ma-high blood na naman ang kalbong iyon,” baliwalang saad ko, walang pakialam kung magalit man ang amo namin.
Kahit naman magmadali kami late na kaya kaysa maasar siya hayaan  na lang niya. Nakakatanda rin ang pagiging stress palagi, lagi pa namang nakakunot ang noo niya, may permanenteng gitling na nga siya sa noo sa palaging pagiging stress na madalas ako ang dahilan.
Ayaw ko rin namang mabawasan ang sweldo ko pero tinanghali talaga ako nang gising.
“Kapag na-high blood siya bawas na naman ang sweldo natin baka nakakalimutan mo?” paalala nito habang lukot na lukot  ang mukha. Paano ko makakalimutan ay paulit-ulit na niyang sinasabi iyon mula kanina para na nga siyang sirang plaka.
Nang biglang may bulok na sasakyang tumigil sa tapat namin, kulang na lang maubo ako sa maitim na usok na nagmumula sa tambutso nito. Bakit ba hinahayaan pang gumala sa kalsada ang mga ganiyang sasakyan dapat nasa junkshop na ito.
“Good morning, Veronica!” masayang bungad na bati ng driver nang makababa ito sa sasakyang pang junkshop na, todo ngiti pa ito.
“Walang maganda sa umaga kaya umalis ka sa harapan ko," pagtataray ko rito at iwinagayway ko pa ang kamay ko bilang pagtataboy sa kanya. Isa pa itong panira ng araw.
“Ang sungit mo talaga mi loves pero mas lalo kang gumaganda sa paningin ko kapag ganyan ka,” madamdaming wika nito at dinama pa ang sariling dibdib upang damhin ang tibok ng puso niya. Napangiwi ako ng kumindat pa siya sa akin. Kadiri siya.
“Matagal na akong maganda pero alam mo bang nagdidilim ang paningin ko kapag nakikita kita," pambabara ko at pinandilatan siya ng mata. Anong akala niya magpapabola ako sa mahirap na gaya niya? Duh?
Isa na yata siya sa pinakamasugid na manliligaw ko. Na una pa lang binasted ko na pero paulit-ulit pa rin akong ginugulo. May hitsura naman siya pero mahirap kaya ekis siya sa akin. Hindi ako yayaman sa mukha niya. Kung nag-artista sana siya, baka mayaman na siya ngayon pero mas ginusto nitong magtrabaho sa talyer kaya no, no. Mahirap na nga, madungis pa, sayang ang hitsura niyang natatabunan ng dumi.
“Ambo mas mabuting umalis ka na sa harapan namin, mas nakakasira ka ng araw,” singit ni Marie na masama na rin ang tingin dito. 
“Ang sungit nyo talagang dalawa pero ayaw n'yo ba talagang ihatid ko kayo?" napapakamot na sa ulong tanong nito. Mabait naman talaga ito, pero hindi talaga siya ang tipo ko dahil nga mahirap lang ito. Hindi ikakaganda ng buhay ko ang nagtatagong kwapuhan niya at kabaitan. Sa panahon ngayon praktikal na dapat tayo.
“Salamat na lang pero makakaalis kana,” pagtataboy ko ulit dito at binaling ko ang tingin sa aking mga kuko upang ipakita sa kanya na wala siyang mapapala sa pangungulit niya. Ang kulit-kulit niya at hindi ako natutuwa.
Mas gugustuhin ko pang mahuli sa trabaho kaysa sumakay sa aalog-alog na sasakyan niya. Baka bago kami makarating sa opisina puro bukol na kami.
Magsasalita pa sana siya ng may isang mamahaling sasakyan ang tumigil sa likod ng bulok na sasakyan ni Ambo at bumaba buhat doon ang isang may edad ng lalaki.
Heto na naman siya. Isa pa ito na parang kabute, bigla-biglang sumusulpot.
“Good morning po, maam Veronica,” magalang na pagbati nito ngunit simpleng tango lamang ang itinugon ko. “Ihahatid ko na po kayo.”
“Naku, salamat manong," mabilis na tugon ni Marie na tila ba nabunutan ng tinik sa lalamunan at pwersahang hinila  ako sa braso papasok sa sasakyan. “H’wag ka nang mag-inarte, late na tayo, saka para makaiwas ka na rin sa makulit na manliligaw mo,” bulong pa nito bago ako itinulak paupo sa loob ng sasakyan. Kaya wala na akong nagawa kundi umupo na lang ng maayos.
Hindi na lang ako umimik pa hanggang sa paandarin ni manong ang sasakyan. Wala na rin naman akong magagawa pa saka nasanay na ako na palagi na lang sumusulpot na tila ba binabantayan talaga niya ang bawat galaw ko marahil ay utos ng magaling kong ama. Inakala siguro niya na makakabawi siya sa mga pagkukulang nya sa'kin kapag araw araw akong pinag-drive papasok at pauwi ng tauhan niya.  Sa laki ng pagkukulang niya, hindi na siya makakabawi pa.
”Salamat, Manong. Bukas po ulit,” nakangiti nang paalam ni Marie sa driver ng makababa kami sa sasakyan, kumaway pa ito sa papalayong sasakyan. Kanina parang gusto na niya akong katayin pero ngayon todo ngiti na ulit siya. 
“Kwenenta ko mas malaki natipid natin sa pamasahe kesa sa sweldong maaring mabawas sa atin kaya okay lang na malate tayo ngayon ng ilang minuto kaso siguradong may sermon pa rin tayo,” nababahalang saad pa rin nito habang papasok kami sa gusali. 
Kapag usapang pera talaga number one ito palagi siguro iyon ang dahilan kaya magkasundong-magkasundo kami. Pareho kaming mukhang pera, aminado ako doon. Pareho kaming mahilig sa pera pero hanggang ngayon hindi pa rin kami mayaman. Buhay nga naman.
  Ang pinagkaiba lang namin medyo mabait siya kumapara sa akin, mabait rin naman ako madalang nga lang gumana ang kabaitan ko. Naka-turn off mode lagi kumbaga. Kaya sungay ko lagi ang nakikita ng iba.
    “Puro pera na lang laman ng kukuti mo,” kunwari ay may disgusto sa tinig na saad ko.
Bumaling siya sa akin at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang isa akong lamok na gusto niyang patayin. Pinagtaasan pa niya ako ng kilay.
   “Wow, ha, wow! As in wow,” exaggerated at sarcastic na saad niya habang nakatingin sa akin, “Hoy! Mas mukha kang pera sa akin, wala nga lang nakakaalam. Ako nagtitipid lang, ikaw gahaman talaga sa pera,” diretsang saad nito bago naunang lumabas ng elevator at iwan ako.
Totoo naman ang sinasabi nito, kung usapang pera mas malala ako kaysa sa kanya. I love money more than anything. Sino ba ang ayaw ng pera? Lahat gusto, 'yung iba hipokrito lang talaga kaya kunwari ayaw sa pera.
Sanay na rin akong tawagin niyang gahaman kahit wala pa naman akong kinakamkam na kahit ano pero malapit na, kailagan ko lang ng matinong plano at sinisiguro ko makukuha ko ang lahat-lahat. Lahat ng gusto ko. Kaya nga aalis na ako sa kuripot at pipitsuging kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon as soon as possible.
Kapag nanatili pa ako rito baka habang buhay na akong maging mahirap dahil sa sobrang kunat magpasweldo.
“LATE NA NAMAN KAYO!" umaalingawngaw na sigaw ng boss namin. Daig pa niya ang nakalunok palagi ng megaphone sa lakas ng boses niya. Napapatingin tuloy ang lahat sa kanya. Agaw atensyon talaga siya madalas. 
Paupo pa lang sana kami ni Marie sa mga table namin ng bigla itong sumulpot na tila umuusok ang ilong sa galit. Nagmumukha siyang majimbo dahil sa hitsura niya, mataba, panot at pandak. Hitsura pa lang niya nakakasira na talaga ng umaga. Idadag pa ang boses niya na masakit sa tenga. Tapos siguradong may sermon pa niya kaya umaga pa lang, stress kana.
Hindi ko pinansin ang galit niya at balewalang naupo.
“Pasensya na, Boss. Traffic, eh,” pagdadahilan ni Marie pero hindi siya makatingin ng tuwid dito. Palagi na lang iyong palusot niya kapag nale-late kami. Wala na bang bago?  
Gasgas na masyado kaya sigurado ako hindi napaniniwalaan ng panot na ito.  Pero kahit ano namang dahilan hindi pinaniniwalaan ng matandang ito, noong nakaraan nga isang katrabaho namin ang isinugod ang anak sa hospital kaya hindi nakapasok pero pinagalitan pa rin niya ng husto at kinaltasan ng sweldo. Ganyan ang boss namkng walang puso. Mukhang pera rin naman ako pero hindi naman ako gaya nitong ubod ng kuripot at sama ng ugali.
Walang konsiderasyon, para sa kanya nagpapalusot lang ang lahat palagi. Pero nagpapalusot lang talaga si Marie ngayon. Kaya sigurado ako parang bulkang sasabog na naman ito.
“Traffic? Kung pumasok sana kayo ng maaga, hindi kayo matatraffic. Mga wala kayong diskarte sa buhay, paano kayo aasenso kung ganyan," galit na galit pa rin ito. Kulang na lang ay bugahan niya kami ng apoy. ”Sinasayang nyo pinapasweldo ko mga wala naman kayong kwenta.”
Aba, sumusobra naman yata tabas ng dila niya, dapat nang putulin.
“Paano kami aasenso ang liit-liit ng sweldo araw-araw pa may talak mo," napipikon ng saad ko. Boss namin siya pero napupuno na ako sa kanya. 
Palagi na lang siyang pasigaw na akala mo mga alipin kaming kailangan sundin bawat sabihin niya. Empleyado kami, nagtatrabaho ng mabuti pero siya kung umasta akala mo kung sinong hari palagi.
Pwede niya kaming pagalitan pero hindi ako papayag na basta-basta na lang niya kami aalipustahin na para bang napakalaki ng utang na loob namin sa kanya.
  Oo, siya ang nagpapasweldo sa amin pero pinagtrabahuhan namin ang lahat ng iyon. Sinusweldahan niya kami para magtarabaho hindi para sigawan lamang niya.
“Kung maliit pala ang sweldo, bakit nanatili ka pa dito?” Pinagtitinginan na kami ng ibang katrabaho ko maging si Marie ay pinanlalakihan ako ng mata upang sabihin sakin na tama na, na manahimik na ako at wag patulan ng amo namin pero hindi ko siya pinansin. Tumataas na rin ang dugo ko sa matandang ito kaya bahala na, kung tatangtalin niya ako sa trabaho, wala na akong pakialam. “Umalis ka na dito, hindi ko kailangan ng empleyadong mareklamo,” dagdag pa nito.
Ito na nga. Sensante na ako.
Kung sa Dole ko kaya siya ireklamo, tama nga ang sweldo as employment rate pero hindi naman niya binibigay ang overtime pay. Tapos kung ituring niya ang lahat akala mo kung sino siyang hari, e hindi naman siya tamang magpasweldo.
Apat na buwan pa lang ako sa kompanyang ito pero suko na ako. Minsan sa trabaho okay kahit hindi sobrang taas ng sweldo kung marunong makisama ang amo, kaso si Mr. Cua, kuripot na, ugaling basura pa.
“Aalis talaga ako, kasi ayokong makakita araw araw ng among mukhang tsonggo, saka hindi nyo na ako kailangan sesantihin talagang aalis na ako dito. Hindi ako magtyatyaga sa bulok na ugali mo at kakapiranggot na pasweldo mo," nanggagalaiti na ring sagot ko at kinuha ang aking bag saka isinukbit sa balikat ko. Bastos na kung bastos pero hindi rin naman siya karespe-respeto, isa pa wala akong pakialam kung masesante ako. Kaya kong makahanap ng matinong trabaho, ’yung hindi magtitiis sa bunganga ng amo. Ubos na ang pasensya ko sa kanya. Kaya tamang umalis na lamang ako bago ko pa siya makalbo. “Kung gusto mong irespeto ka ng kapwa mo, matuto ka munang maging mabuting tao. Ang pangit mo na nga ang sama pa ng ugali mo," wika ko bago siya tuluyang tinalikuran.  Taas noo akong lumakad palayo.
Akala ba niya magmamakaawa ako sa kanya? Pwe! Nagkakamali siya. Mas pabor pa nga sa akin na umalis ng mas maaga sa kompanya niya upang mas may oras akong maghanap ng bago. Yung hindi kuripot ang amo at hindi kasing sama ng ugali ni Mr. Cua. 
“Anong tinitingin tingin nyo? Magtrabaho kayo!" narinig ko pa ang galit na sigaw niya bago ako tuluyang makapasok ng elevator papuntang ground floor.
Napapailing na lang ako, sa ugali niya wala talagang magtatagal na empleyado.
“Ma-bankcrupt ka sana," asar na saad ko bago bigyan ng huling sulyap ang kompanyang nilabasan ko.
Kapag yumaman ako, isa sa bibilhin ako ang kompanyang iyan at patatalsikin ang panot na si Mr. Cua. Abangan niya ang pagbabalik ko. Ang higante ng isang aping gaya ko. Ako pa naman iyong uri ng tao na hindi nakakalimot sa mga may kasalanan sa’kin. At lalong hindi ako madaling magpatawad.
Sira na ang araw ko. Sayang ang pagmamadali kong pumasok, dapat natulog na lang ako kung alam ko na matatanggal lang pala ako ngayong araw sa trabaho. Puyat pa ako kaya medyo sumasakit ang ulo ko.
Naglakad -lakad ako pagkalabas ko ng gusali kong saan napatlsik ako ng tsonggo kong amo. Hindi, hindi ako napatalsik, ako mismo ang kusang umalis. Tama, ganoon na nga. Pero hindi ko pa sana balak umalis hanggat wala akong nakikitang trabaho subalit hindi ko na kaya ang tabas ng bunganga niya. Akala mo kung makapagsalita palagi akala yata niya maging pagkatao namin binabayaran niya. 
Patawid na sana ako ng may biglang humaharurot na sasakyan ang muntik na akong masagasaan. Kulang na lang mabingi ako sa lakas ng busina nito bahagya itong huminto. Akala ko baba ang driver pero nang mapansin yatang hindi ako tinamaan ay muli na itong humarurot.
Bastos!
“Hoy! Hindi mo pagmamay-ari ang kalsada, kung gusto mong mamatay 'wag mo akong idamay!” sigaw ko kahit alam ko na hindi naman ako naririnig ng driver dahil malayo na ito.
Pero bago ito makalayo ay nakita ko pa ang plate number nito, CX  2021. Kapag nakita ko talaga ang kotseng yun babasagin ko ang salamin, wala akong pakialam kahit million pa ang halaga ng sports car na iyon pero muntik na akong mamatay tapos ni sorry wala, lintik lang ang walang ganti.
Isa pa the driver is betting the red light. Akala ba nila porke't mayaman sila pwede na silang sumuway sa batas trapiko? Paano kung nabangga ako? Paano na ang pangarap kong yumaman? Kaya humanda talaga sa akin ang driver ng sasakyan na iyon. Dumagdag siya sa kamalasan ko ngayong araw. Itago na niya ang sasakyan niya dahil kapag nagkrus muli ang landas namin sisiguraduhin kong basag ang bintana niya.
Nanggagalaiti akong tuluyang tumawid. Doble-doble ang kamalasan ko ngayong araw.  
Napagpasyahan ko munang maglakad-lakad muna bago umuwi. Wala rin naman akong gagawin sa bahay kaya naisipan kung lumanghap muna ng polluted na hangin para naman mabawasan ang inis na nararamdaman ko.
Habang naglalakad ako sa gitna ng syudad nakikita ko ang mga naglalakihang billboard at isa sa mga ito ay ang mukha ng isang babae, maamo ang kanyang mukha na akala mo ay isang babasaging Kristal habang may hawak na mamahaling pabango. 
Mapait akong napangiti.‘Balang araw, mukha ko na ang makikita ng lahat na nakapaskil sa malaking billboard na gaya niyan. Titingalain ako ng lahat at sisiguraduhin kong wala nang sinuman ang makakapag-paalis sa'kin sa pwestong 'yan,’ bulong ko sa sarili ko habang nakatanaw pa rin sa billboard. 
Ako naman talaga dapat ang nasa pwesto niya, kung hindi lang ako nagkaroon ng duwag at walang kwentang ama. Dapat sana tinatamasa ko rin kung ano man ang meron siya. Hindi sana ako naghihirap at nagtityaga sa maliit na sweldo. Pero sisiguruhin ko na sa huli sa'kin din mapupunta ang lahat. Wala akong ititira kahit isang kusing para sa kanya. Masyado na siyang nagpapakapasasa sa mga bagay na dapat ay hindi lang siya ang nakikinabang. Hindi naman ako papayag na mabuhay siya ng marangya habang ako ay kulang na lang mamalimos.
Hindi ako papayag na mananatiling unfair sa akin ang mundo.
 Ipaparanas ko sa kanya ang mga naranasan ko. Kaya samantalahin na niya ang mga natitirang araw niya dahil sisiguruhin ko na kukunin ko ang lahat ng meron siya para naman maranasan niyang mabuhay ng walang wala.
I am a jobless now but soon I will be an heiress too.  
It should not just her. I have a rights to be there too.

Komento sa Aklat (23)

  • avatar
    concepcionmichael

    I love this story

    28d

      0
  • avatar
    Jima Handumon

    koooo

    19/01

      0
  • avatar
    Jerwell Zamora

    Thankyou

    29/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata