logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 2: “Paggunita”

Sa taong 2075:
“Matulog na, ha? Hindi na maglaro ng kung ano-ano.” tugon ni Betty sa mga bata tsaka pinapasok ang limang magpinsan sa iisang kwarto.
Mga ala sais na nang nakauwi sila sa kanilang bahay, sapagkat huminto sila saglit sa plasa upang manood sa sayawan at konsiyerto na naganap.
“Mama, halika ho. Punta na tayo doon sa iyong silid para ikaw ay magpahinga na.” tumango naman si Eve tsaka siya tinulungan ng kanyang anak na si Bon at Betty patungo sa kanyang silid.
Ayaw niya kasing maupo sa upuang de gulong, kasi siya ay makakalakad pa daw. Kaya umuo nalang din ang mga anak, sapagkat iyun ang gusto ng kanilang ina. Makakabuti rin naman, para maka ehersisyo sa kanyang mga paa.
“A-ate, buksan mo iyang pinto. Ako na bahala kay mama muna,” binitawan ni Betty ang paghawak sa mga braso ng kanyang ina at binuksan ang pinto sa kwarto ng kanyang ina.
“Mama, tawagin mo lang kami kung ikaw ay may kailangan, ha?” tumango si Eve tsaka komportableng humiga sa kanyang higaan.
“Sa labas lang ho kami, ma.” hinalikan nila isa-isa sa noo ang kanilang inay at lumabas na ng silid.
Eve:
“Eve.” ano ba iyan, bakit parang may boses na umaalingawngaw sa aking kaisipan? Ang ingay tuloy!
“Eve.” ngayon, boses babae na naman. Pero bakit parang pamilyar ang mga boses nila?
Bigla-bigla, nakita ko ang mukha ni Carmen, Jaime at Nyla. Lahat sila ay nakatutok sa akin na para bang gusto nila akong patayin. Na para bang isa ako sa mga taong hindi importante sa kanilang buhay.
“Eve, hindi mo na lang sana kinuha iyung librong iyun!” sigaw ni Carmen sa akin at tinitigan ako ng masama.
“Kung iyun pala ang mangyari, hindi ka na lang sana bumalik!”
bulyaw nilang lahat saakin. Paulit-ulit na umaalingawngaw ang mga salitang binitawan nila.
‘Hindi ka na lang sana bumalik!’ ang sakit sa dibidib kung pakinggan. Mahal na mahal ko sila, at hindi ko naman inakala na iyun pala ang mangyari sa akin at ako lang ang maligtas. Hindi ko naman inakala na mapunta ako sa mundong hindi ko alam na umiiral pala noon pa. Bakit, alam ko ba na iyun pala ang aking kapalaran?
“Natatandaan mo pa ba iyung araw na dinala mo ang aklat sa eskwelahan at ipinakita sa amin iyun? Sobrang laking kamalian iyun, Everene!”
Pabulong na tanong ni Jaime sa akin, pero ramdam na ramdam ko ang galit sa kanyang boses at ang panginginig nito.
Oo, tandang-tanda ko iyun. Paano ko hindi matatandaan? Iyung araw na iyun mismo ako nawala.
Sa taong 2016:
May-akda:
“Unggoy! Bilisan mo nga iyang kilos mo! Para kang suso kung lumakad, eh!” sigaw ng isang babae habang kumaway sa isang lalake na tumatakbo patungo sa kanya.
“Ikaw, iyang panunukso mo sa’kin, mamaya ka!” pagbabanta ni Adam kay Eve habang tumatawa.
“Oy, alam mo. Nakita ko itong libro kagabi sa bahay. Nilinisan ko kasi iyung dati kong kwarto, at nakita ko ito sa ilalim ng kama.”
Ipinakita ng dalaga ang isang libro na kanina niya lang bitbit. Ang librong iyun ay may pantakip na kulay asul habang may kulay pilak bilang balangkas. May mga salita naman na nakasulat sa gitna, at kulay berde naman iyun.
“Enchancia; Ang Katapusan ng Bagong Simula?” binasa iyun ni Adam at tumingin kay Eve na para bang humihingi ng explanasyon kung ano ang ibig sabihin sa kanyang nabasa.
“Hahaha. Oh, diba, kahit ikaw nga ay nahihirapan. Ito kaya ang e tesis natin?” nakangiting tanong ng dalaga habang pasayaw na lumalakad.
Inakbayan ng binata ang dalaga tsaka sabay silang lumakad papasok sa kanilang eskwelahan.
“Oyy! Kayong mukhang magkasintahan!” nagtaka ang dalawa kung sino ang tinatawag ng babae kaya napalingon-lingon sila at doon nila nakita ang tatlo nilang kaibigan na sina Nyla, Carmen, at Jaime.
Napangiti si Eve at Adam tsaka inalis ng dalaga ang braso ng binata na nakaakbay sa kanya at tumakbo papunta sa kanyang mga kaibigan.
Niyakap ni Eve ang dalawa niyang kaibigan na babae. Malapad naman siyang ngumiti kay Jaime at kumiwalas sa yakap.
Patanong na tumingin si Nyla at Carmen kay Adam na para bang nagtatanong kung bakit ang laki-laki ng ngiti ni Eve. Nanalo sa swertres, peg?
“Ano nangyari sa’yo?” tanong ni Carmen sabay akbay sa kay Eve at naglakad patungo sa kanilang kantina.
Tumigil bigla si Eve sa kalagitnaan ng koridor at lahat ng kanyang mga kaibigan ay napatingin sa kanya.
“Bakit?” mahimbing na tanong ni Nyla at nag-aalalang napatingin kay Eve
“May napag-isipan ako. Ito,oh.” ipinakita ni Eve ang libro na ipinakita niya rin kanina ni Adam. Kinuha ni Jaime ang libro sa mga kamay ni Eve at binasa ang pamagat ng aklat. Napahanga naman si Nyla at Carmen nang binasa ni Jaime ang pamagat. Maganda daw kasi.
“Ano ang meron sa aklat na ito?” tanong ni Jaime sabay bigay sa aklat pabalik kay Eve.
“Baka pwede maging tesis natin ito? Ang ganda kasi ng librong ito, ehh.” paiyak na sabi ni Eve sabay pa cute.
“Ikaw talaga, kung ano-ano na naman iyang pinagsasabi mo.” patawa na sabi ni Nyla at naglakad na palayo sa kanila. Sumunod naman si Carmen sa dalaga at hindi na nagpaalam.
Nalungkot naman si Eve sa kanilang inakto at napayuko, pinigilan ang kanyang mga luha.
“Pasensya na, Eve, ha? Alam mo naman na may paksa na tayo para sa ating tesis. At isa pa, nakapagsimula na rin kasi tayo.”
Hinawakan ni Jaime si Eve sa magkabilang braso at niyakap ito. Hinaplos-haplos ng binata ang buhok ng dalaga at humiwalay sa pagkayap nito at umalis na rin, iniwan si Adam at Eve mag-isa.
“Oy, wag kanang umiyak.” akmang yayakapin na sana ni Adam si Eve nang biglang naglaho ito sa harapan niya. Naglaho na parang bula. Napahinto si Adam at napatingin sa aklat na ngayon ay na sa sahig na. Para bang huminto ang oras nang natanto ng binata kung ano ang nangyari.
“E-eve? Eve!!” sigaw ni Adam. Hindi inakala ng binate na may ganitong mangyari. Ni hindi nga siya sigurado kung ano ang nangyari.
“Eeveee! Asan ka? Wag kang magbiro, oy!” parang baliw ang binata sa kanyang pag sigaw sapagkat tinitigan na siya sa iba pang mga estyudyante.
‘Kolehiyo pa naman sana, kung ano ang inakto!’ ang mga pinag-iisip sa ibang mga estyudayante.
Sa hindi kalayuan, narining ni Jaime ang boses ni Adam na para bang ito ay sumisigaw kaya mabilis itong tumakbo pabalik. Hingal na hingal ang binate nang nadatnan niya si Adam na ngayon ay na sa sahig na, sumisigaw at nagwawala. Na para bang may importanteng bagay sa kanyang buhay ang nawala.
“A-adam, ano ang nangyari?” lumakad palapit si Jaime kay Adam at nakita na umiiyak na pala ang binata habang sumisigaw, na parang baliw na nasa gitna ng kalsada.
Napatingin si Adam sa kanyang kaibigan at dali-dali itong tumayo at tumakbo palapit sa kanyang kaibigan.
“ Ja-jaime! S-si Eve, nawala si Eve!” natulala ang binata na para bang binuhusan siya ng isang malaking balde ng malamig na tubig.
“H-ha?” gulat na tanong ni Jaime.
Sa taong 2075:
Eve:
“H-huwag!” napabalikwas ako agad at sa aking pagmulat, nakita ko ang mga mukha ng aking mga anak na nag-aalala habang tumititig sa akin.
“M-ma, ano ang nangyari? Ayos ka lang ba?” tanong ni Betty nang nagkatitigan kami.
“K-kuha lang ako ng tubig.” biglang sabi ni Maria at lumabas .
“H-ha? W-wala, may napapanaginipan lang ako.”
Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. ‘Ayaw ko na. Pagod na ako.’

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Atti Itta

    nice

    22d

      0
  • avatar
    Jordan Mones

    jiju

    26/06

      0
  • avatar
    g Niks

    good

    05/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata