logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Enchancia; Ang Katapusan Ng Bagong Simula

Enchancia; Ang Katapusan Ng Bagong Simula

AmethystGwyneth


Kabanata 1: “Kwento ng Horoloco”

Sa taong 2075:
Dalawang oras na ang lumipas nang naglaro ang limang magpinsan sa parke, kasama ang kanilang lola at kanilang mga ina at ama. Si Ben, ang panganay sa kanila mag pinsan ay anim na taong gulang na. Si Juvelyn, ang pangalawang panganay ay anim na taong gulang din, ngunit mas matanda pa ng dalawang buwan si Ben. Si Harley naman, ang pangatlong panganay sa mag pinsan ay limang taong gulang pa, at ang pinaka matakaw kung kumain. Ang magkambal naman na sina Xavier at Clara. Si Xavier ang mas matanda, pero pitong minuto lamang.
Habang naglalaro naman ang mga bata, ang mga ina naman nila kasama ang iba pang mga kapatid, ay doon naghahanda para sa kanilang kakainin.
Ang pamilyang Tyson ay noon lamang may balak na mag piknik sila sa kaarawan ng kanilang ina na si Eve, kaya heto sila ngayon sa karaniwan nilang pwesto sa parke.
“Mga bata, kain muna tayo! Ben, anak, tawagin mo iyung mga pinsan mo, dali!” tawag ni Jerilyn sa kanyang anak at bumalik na sa kanyang mga kapatid upang matulungan sila sa pag-ayos ng mga pinggan. Tumango naman ang batang lalake nang narinig niya ang utos ng kanyang ina.
“Oh, mama, kainin mo muna itong saging.” tumingin si Bon sa kanyang ina at nakita na malayo pala ito sa kanya, kay ipinasa niya sa bunsong kapatid niya na si Corazon upang ibigay ang nasabing prutas sa ina. “Paki-abot kay mama, Corazon.”
Tinugon naman ni Corazon ang utos ng kanyang kapatid, at lumapit sa kanyang ina.
“Ina, doon na tayo oh. Malapit na kaming matapos mag-ayos.” tinulungan ni Corazon ang kanyang walumpung taong gulang na ina. Ngumiti naman ang ina bilang ganti tsaka tumayo ng dahan-dahan habang hawak ang saging na binigay ng kanyang anak.
“May pagkain na ba? Mama, kain na ako!” umangal si Harley sabay kapit sa dulo ng laylayan ng palda ng kanyang ina na si Maria. Tumingin naman si Maria sa kanyang anak at napangiti. ‘Kahit kailan talaga.’ napaisip ang ina tsaka tumawa ng mahina.
“Kain na tayo, dito na!” sumigaw si Betty tsaka pumalakpak at kinuha ang mga pinggan at binigyan isa-isa ang kanyang mga kapatid pati ang kanyang mga inaanak, at ang kanyang ina.
Lumipas ang isang oras bago sila natapos kumain at nagusap-usap habang nakaupo sa damohan. Ang kanilang ina naman ay nakaupo sa isang upuan habang pinalibutan ng kanyang mga anak kasama ang kanyang mga apo.
“Lola, may kwen-kwento ka po ba? Kahit ano, ho.” tumingin si Eve sa kanyang apo na si Clara at napangiti. Ngumiti naman ng malapad ang batang babae.
“Gusto mo marinig ang kwento ko, apo?” klarong-klaro sa mga boses ni Eve na paos at siya ay nanghina na.
“Lola, kami din ho.” sambat naman nina Xavier at Harley tsaka napakapit sa tuhod ng kanilang lola.
“Mama, kaya mo ba?” nag-aalalang tanong ni Elyot. Tumayo ang nasabing babae at hinalikan ang noo ng kanyang ina nang tumango ito habang nakangiti.
“Bili lang ako ng mga pagkain para miryenda. Balik lang ako ha?” nagpaalam si Elyot tsaka lumakad palayo nang huminto siya sapagkat siya ay tinawag ni Corazon.
“A-ate! Sama ho ako sa inyo.” ngumiti si Elyot at hinintay munang makalapit na sa kanya ang kanyang bunso.
“Mama, balik lang ho kami.” Nagpaalam ulit si Corazon at ngumit sa kanyang mga kapatid.
“Lola, kwento kana, bilis.” mahinang niyugyog ni Harley ang kamay ng kanyang lola at ngumiti.
Eve:
“May isang sansinukob na nagngangalang Horoloco. Ang Horoloco daw ang unang daigid na umiiral. At noong ito ay narating, mayroong tatlong tao na nabubuhay doon. Sina Marol, Kris at Pachiano. Nagiging magkaibigan ang tatlo, at habang sila ay gumagala doon, napunta sila bigla sa isa pang planeta. At dito nila nalaman na may anim na planeta ang Horoloco. Kaya nang pinagplanohan nila na lakbayin ang Horoloco hanggang sa makabalik sa kinaroroonan nila, pinangalanan nila ang mga planeta, at doon nila nalaman na konektado lang pala ang mga planeta sa isa’t isa.”
Tumigil ako saglit sa aking pagkwento sapagkat naramdaman ko ang pagod. Sumasakit ang aking dibdib habang ako ay hinihingal. ‘Kailagan ko tubig.’

May-akda:
“Ben, kunan mo tubig si lola mo doon, dali.” utos ni Jerilyn sa kanyang anak. Mabilis naman kumilos si Ben kaya natuwa naman ang ina.
“Mama, bukas ka naman ho mag kwento. Napagod kana, eh.” sinubukang kausapin ni Bon ang kanyang ina, pero alam naman nito na aayaw din sa kanya. Para kasi sa mga apo.
Sa pagsalita ni Bon, narinig iyun sa mga bata kaya napasimangot sila at naghiyawan.
“Oy, napagod iyang lola ninyo. Wag na pilitin.” pagsaway ni Betty sa mga bata. Tumahimik din naman.
“Hay nako. Wag na kayo mag-alala. Kailangan ko lang ng tubig.” ngumiti agad ang apat na magpinsan nang narinig nila ang sinabi ng kanilang lola. Ngiting tagumpay.
“Lola, ito po oh. Inumin mo.” biglang sumulpot si Ben at inabot ang tubig sa kanyang lola tsaka ngumiti.
“Pero, lola, ano ho nangyari pagkatapos nilang malaman na konektado ang mga planeta? Nakabalik po ba sila sa kinaroroonan nila?”
tanong ni Ben sabay katol sa kanyang ulo.Kinuha ni Eve ang baso na naglalaman ng tubig at ininom ito. Napangiti naman sa kanyang sarili sapagkat nasiyahan siya.
“Gusto ninyo malaman?” ngumiti si Eve nang tumango ang kanyang mga apo.
Eve:
“Ang mga planeta ay nagngangalang Enchancia, Brounea, Vruisha, Abbadon, Riber, at Kahlo. At habang sila ay lumalakbay, palagi silang may matagpuan na grupo ng mga tao. Sinasabing may sariling kultura at iisang tribo lang sila. At nung nalaman nila na hindi lang pala sila ang nabubuhay doon sa Horoloco, mas nagiging masaya sila. Kaya sumali sila sa isang tribo na may kultura sa pagsasayaw at may musika, na nanatili sa planetang Enchancia. Iba ang pag-ikot ng planeta nila sa isa’t isa. Kagaya ng Enchancia, sa isang taon, kakailan lamang umuulan, kaya paminsan-minsan lang nila ito mararanasan. Habang sa Riber naman, halos araw-araw umuulan. Habang lumipas ang ilang taon, nagkasintahan sina Marol at Kris, at pareho silang dalawa na walang alam tungkol sa nararamdaman ni Pachiano para kay Marol.”
napalingon ako sa aking anak na si Jerilyn.
“Eh, ma, nagalit iyang si Pachiano, no?”
ligayang tanong ni Jerilyn. Mahilig kasi kungang kwento ay tungkol sa mga lalaking nasasaktan. Ang badoy lang!
Tumawa ako sa kanyang tanong at nagkibit-balikat nalang. Kaya ayon, nakasimangot.
“Hindi nagtagal, lumalayo at lumalayo na ang loob ni Pachiano sa dalawa niyang kaibigan sapagkat sila na rin mismo ang hindi na masyado nakikipag-usap sa kanya. Kaya nang dahil doon, nagalit ang binata sa dalawa niyang kaibigan. At iyung si Pachiano ay lumipat ng tribo, at napunta siya sa Kahlo kung asan ay may bukirin at naniniwala sa mga Espiritu at mga Diyos. At sa pagkawala ni Pachiano sa Enchancia, natanto nila kung gaano ka importante ang binata sa kanilang buhay, pero huli na ang lahat. Ni hindi nga nila alam na ito ay umalis pala at lumipat ng tribo.”
Napaiyak si Jerilyn at tawa lang ako nang tawa sa kanya. Siya pa kasi iyung sobrang masaya na nangyari iyun kay Pachiano, siya pa itung iyak nang iyak ngayon.
“Lola, hinanap ba nila si Pachiano?” tanong ni Xavier habang may luhang nangingilid sa kanyang mga mata.
Uminom ako ng tubig saglit at pinahiran ang mga mata ng aking apo. Kawawa naman.
“Pero, nalaman lang nila ang tungkol kay Pachiano nang lumipas na ang tatlong araw. At hindi nila hinanap ang binata. Pero sa kabila ng lahat, iyung si Pachiano naman ay ang umasa na hanapin siya ng mga kaibigan niya. Kaya nang lumipas ang limang araw, nawalan na siya ng pag-asa. Nabasag ang tiwala niya sa kanyang mga kaibigan. Gusto niyo bang malaman kung bakit hindi nila hinanap si Pachiano?”
Tumango-tango ang aking mga apo kaya mas naligayahan ako sa aking pagkwento. Pati ang aking mga anak ay nakinig rin. Eh, nasabi ko naman ito sa kanila, pero kahit kalian, gusto pa rin nila itong kwento ko.
“Hindi rin nagtagal, nalaman ni Pachiano kung bakit hindi siya hinanap ng kanyang mga kaibigan. Iyun pala, nabuntis si Marol at nawalan sila ng oras upang hanapin ang binata. Akala naman ng mag asawa na maiintindihan ni Pachiano ang lahat, ngunit hindi rin pala. Kaya sobrang nagalit si Pachiano at lubhang nasaktan nang halos isang taon na ang lumipas, wala pa ring mga kaibigan na naghahanap sa kanya. Hindi niya inakala na magkakaanak ang kanyang mga kaibigan, at hindi pa niya alam na buntis ito at mag asawa na pala. Nang lumipas ang isang taon sa pananatili ni Pachiano sa Kahlo, lumipat ulit siya papuntang Abbadon. At ang tribo naman doon ay may bukirin din, mga magsasaka, mga mangangaso at naniniwala na ang mga sakit nila ay dahilan sa hindi ka tao-tao na mga nilalang. Kaya ang ginawa ni Pachiano ay imbes na hihilingin sa mga Diyos na magiging malusog siya at matatag ang kanyang mga kaibigan, hinihiling niya na sana ay masakitin ang magiging anak nina Marol at Kris, at ma parusahan ang magiging apo nila kapalit sa mga sakit na pinaramdam ng kanyang mga kaibigan sa kanya.”
May-akda:
“Lola, ano ngayon ang nangyari sa anak nila Marol at Kris?” maiging tanong ni Juvelyn
Tumayo ang mga anak ni Eve tsaka tinulungan ang kanilang ina upang tumayo.
“Anak, sa susunod naman,eh ano? Na pagod na lola ninyo eh, kailangan na magpahinga.”
Mahimbing na sabi ni Bon sa kanyang anak. Tumango naman ito.
“Tara na, uwi na tayo.” maligayang wika ni Betty pero naputol din ang kanyang kaligayahan nang napansin niyang wala pa ang kanyang mga bunsong kapatid.
“Asan sina Corazon at Elyot?” tanong ni Betty, ang panganay sa magkapatid.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Atti Itta

    nice

    23d

      0
  • avatar
    Jordan Mones

    jiju

    26/06

      0
  • avatar
    g Niks

    good

    05/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata