logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 31- Choice

"Hey. Ayos ka lang ba? Kanina ka pang tulala." wika ni Justin na bakapagpabalik sa akin sa reyalidad. Tumigil siya sa pagkain at nakatingin lamang sa akin.
"Ha? Sorry may iniisip lang." sagot ko at tiningnan ang pagkain ko na kakaunti pa lang ang nababawas.
"What is it?" tanong niya.
"Mga bagay bagay lang. Hindi naman ganoon kaimportante." sagot ko at sumubo ng pagkain. Tinitigan niya ako at halatang hindi kumbinsido sa isinagot ko.
"Ang sarap nito. Ikaw ang nagluto?" tanong ko upang maiba ang usapan.
"Hmmm." sagot niya at tumango.
"Maswerte talaga ang mapapangasawa mo." sambit ko na ikinatigil niya.
"Talaga?" tanging nasabi niya.
"Yup. Successful ka na, magaling ka pang magluto, at maalaga." sagot ko na ikinangiti niya.
"I'm happy to hear that from you." sambit niya at kumain nang muli. Ganoon rin ako kaya ang katahimikan ay bumalot dito sa loob ng office ko at tanging tunog lamang ng mga kobyertos namin ang maririnig.
"Have you talk to Innah again?" Biglang tanong ni Jharvis na ikinatigil ko. Nahirapan akong lumunok kaya kumuha ako ng tubig upang inumin iyon.
"I guess not yet." wika niya dahil sa inasta ko. "What happened? Nag-away ba kayo?" tanong niya pa.
"No." agad na tutol ko.
"Then why? I haven't heard nor see you with her. I thought you miss her so much?" dagdag niya.
Napatingin ako sa kaniya ng may pagtataka. Hindi niya alam? He doesn't know that Narih is Jharvis' ex girlfriend?
"I do. It's just that I feel awkward to be with her." wika ko at inaasahang makukuha na niya ang dahilan noon.
"Bakit naman?" tanong niya na ikinakunot lalo ng noo ko.
So he really don't know?
"She's Jharvis ex girlfriend." wika ko.
"Now I know why you're acting like that." biglang seryosong wika niya. "Do you like him already?" tanong niya pa.
Hindi niya pa man sinasabi kung sino ay alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya. Hindi ako nakasagot.
"You like him." anunsyo niya na ani mo'y siguradong sigurado.
"I told you I don't." wika ko. Ito na naman ang pakiramdam ng pagtanggi kahit alam kong may nararamdaman na ako para kay Jharvis. Ayoko lang na malaman niya. Hindi ko alam pero ayoko. Ayoko.
"May nararamdaman ka na. I guess Innah is chasing Jharvis to win him back. Iyon ang iniisip mo hindi ba? Kaya nahihiya kang humarap kay Innah dahil hindi mo kayang bitawan si Jharvis at ibalik sa kaniya dahil may nararamdaman ka na." wika niya, ang pinagkainan namin ay nililigpit na dahil tapos na kaming kumain.
Hindi ako nakaimik dahil totoo. Iyon ang bumabagabag sa akin.
Natapos na ni Justin ang pagliligpit. Nang mailagay na niyang lahat sa isang paper bag ay lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinimas iyon habang ang mga mata ay diretso lamang na nakatingin sa akin.
What's with his eyes? They're sad.
"What's wrong?" Nag aalalang tanong ko at napatayo sa swivel chair ko dahil napakalungkot ng mata niya.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay niyakap niya ako, mahigpit na yakap.
"Hindi ko pinipigilan ang nararamdaman mo. Pero sana hindi mo maulit ang nagawa niya noon. Huwag mo sanang bitawan ang mahahalagang tao sayo. Sana makita mo pa ang daan pabalik." makahulugang wika niya bago siya tumalikod dala ang paper bag at naglakad palabas sa office ko.
"Justin." mahinang sambit ko. Hindi ko alam pero nag-iinit ang mga mata ko at ang luha ay nagbabadya nang tumulo.
Dahan-dahan akong napaupo sa upuan ko at napaluha.
Hindi ko maintindihan pero nalukungkot ako. What should I do?
Napasubsob ako sa desk ko sa kawalan ng maisasagot ang mga luha ay tuloy tuloy lamang na umaagos habang hindi ko mapigilang humikbi ng mahina.
"Huwag mo sanang bitawan ang mahahalagang tao sayo."
Napatigil ako nang maalala ang sinabi ni Justin kanina.
Narie...
She mean so much to me.
while Jharvis...
He is a stranger I like
But what matters the more to me is my bestfriend.
Hindi sa wala kang magagawa, Yassie. You just don't want to do something.
I became selfish.
"Justin is right. I should not let go of the people I love and value." sambit ko.
Inayos ko ang aking sarili at nagmadaling lumabas sa office.
"Angelika, I have something urgent to do. Ikaw na muna ang bahala dito." utos ko kay Angelika nang makarating sa counter.
Agad na tumango si Angelika.
"Sige po ma'am. Ingat po." wika niya.
"Thank you." wika ko at dumiretso na papunta sa kotse ko.
Nang makalapit sa kotse ko ay agad akong pumasok at nagmaneho. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Narie.
Matagal bago niya ito nasagot.
"Hello?" wika ni Narie sa kabilang linya.
"Narie. Ako ito." wika ko.
"Ganne." sambit niya.
Itinigil ko ang kotse ko nang mag red ang stop light.
"I'm so--"What took you so long?" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang putulin ito ng pamilyar na boses ng lalaki.
"I'm sorry. Something urgent happened so I have to prioritize it." narinig kong paumanhin ni Narie.
"Sana sinabi mo nang iniutos ko na lang sa staff ko. Nagpresinta ka pa hindi mo rin naman pala magagawa ng ayos." inis na wika ng lalaki na ikinakunot ng noo ko.
Napatingin ako sa gilid ng may pamilyar na babae akong makita.
"Narie..." sambit ko. Napakarami niyang bitbit at alam kong hirao na hirap siya doon.
He's with Jharvis at wala man lang siyang ginagawa para tulungan si Narie. Nasa harapan sila ng isang art studio and I really hate how he treat Narie. Ganito ba ang nararanasan niya sa paghahabol kay Jharvis? Kagagaling niya lang sa sakit niya!
Pinatay ko ang tawag at agad na iniliko ang kotse at pinark sa parking space ng art studio kung nasaan ang dalawa.
Natigilan ang dalawa sa pag-uusap dahil naagaw ng kotse ko ang atensyon nila. Pareho lamang silang nakatitig sa kotse ko at hinihintay ang lalabas dito dahil hindi nila ako makita at heavy tinted ang kotse ko.
Pinatay ko ang makina ng kotse ko at tinanggal ang seatbelt ko.
Bago lumabas ay tinitigan ko muna si Jharvis na nakatingin din sa gawi ko pero alam komg hindi niya ako nakikita.
"Gusto kita. Pero mas mahalaga si Narie para sa akin." mahinang sambit ko. Pumikit ako at huminga ng malalim bago bumaba ng kotse.
"Yassie." magkasabay na sambit ng dalawa.
"This is unacceptable." wika ko at tiningnan ang mga dala ni Narie na sa tingin ko ay mabibigat at nahihirapan siya doon.
Lumapit ako kay Narie at agad na kinuha ang mga dala niya tsaka ko iyon ibinigay kay Jharvis.
"Stop courting me." malamig na wika ko na ikinagulat niya.
"What? Why? May nagawa ba ako?" sunod-sunod na tanong niya.
"I can see madness in your eyes while talking to Narie. You're just mad. But I know that you still love her." wika ko na ikinaseryoso ng mukha niya.
"Alam mong ikaw ang gusto ko." giit niya.
"Oo pero hindi ako ang mahal mo. Alam kong nasaktan ka ni Narie sa pag-iwan niya sayo pero hindi mo ba maintindihang nagawa niya lang yon dahil natakot siya?" wika ko at hindi siya nakaimik dahil doon.
"Oo nasaktan ka, ang dami mong naranasang sakit noong iniwan ka niya bigla pero hindi mo ba naisip yung hirap niya noong nasa state siya na ang kasama lamang ay maid niya? Nakipaglaban siya, pinilit niyang gumaling at alam kong isa ka sa dahilan noon. Baka nga ikaw pa ang kauna-unahang taong iniisip niya palagi doon." wika ko.
"Yassie. What are you doing?" tanong ni Narie at hinawakan ang kamay ko.
I knew it, Narie. He still love you. Galit lang siya kaya ganoon ang reaksyon niya noong una ka niyang makita at kung bakit ganito ka niya tratuhun ngayon. He's mad.
"Mag-isip ka, Jharvis. Huwag ako ang habulin mo dahil hindi naman ako ang mahal mo. Gumising ka kung ayaw mong ako mismo ang maglayo sa kaniya sayo. Hindi ko kayang nakikitang ganitong nahihirapan ang bestfriend ko dahil sa boyfriend niyang makitid ang utak." seryosong wika ko.
"Let's go." wika ko kay Narie at hinila siya pero pinigilan niya ako.
"What are you doing?" inis na tanong ko kay Narie.
"I can't leave Jharvis in this state." wika niya.
"Let's go." ma awtoridad na utos ko at hinila siya papasok sa kotse ko. Hindi naman na siya umangal.
Pagpasok ko ay agad kong pinaandar ang kotse ko papunta sa condo ko.
"Why did you do that?" mahinang tanong ni Narie na ikinalingon ko sa kaniya saglit. Malungkot siya.
"Because he's too much. You don't deserve that kind of treatment." wika ko.
"Gusto mo siya. Bakit mo siya pinatigil sa panliligaw sayo?" tanong niya.
"It doesn't matter. I'm sorry, Narie. I became selfish." wika ko.
"Yassie..." sambit niya Nabasag ang boses niya at narinig ko ang mahinang paghikbi niya. Nilingon ko siya saglit at nakitang umiiyak siya habang nakatingin sa harapan.
Sa pag-aalala ay iginilid ko ang sasakyan.
"Hey.." pagtawag ko sa atensyon niya at niyakap siya na ikinahagulhol niya lalo.
"Kung ganiyan lamang din ako mag-isip noon, Sana hindi ka na nagkaganito. Ako ang dapat humingi ng tawad Yassie. Kasalanan ko ang lahat. I'm sorry. I'm so sorry." wika niya.
"Hushh. Stop crying it's okay. Diba ang sabi ko sayo, ano man yong nagawa mo, kalimutan mo na. Stop crying."
"Thank you." sabit niya at niyakap ako ng mahigpit.
Don't worry, Narie. I'm choosing you.

Komento sa Aklat (43)

  • avatar
    Dump Ruinata

    hehehe

    26/07

      0
  • avatar
    Nam Si

    nó rất hay và cuốn

    18/07

      0
  • avatar
    Ursal P Jude Arcel

    is so 👍 good

    15/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata