Sa unang hakbang ko papalabas ng sasakyan para akong nanghihina dahil para akong papasok sa panibagong mundo. Bagong mundo na ang lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Naglakad ako ng diretso papasok sa Universidad nang magbago ang nakita ko. Isang Unibersidad na abandonado, ang mga ibong itim na may huning nakakataas balahibo ang nakikita ko, at nakita ko na wala na itong kabuhay-buhay. Hindi ito isang imahinasyon dahil sa bawat hakbang na ginagawa ko palakas nang palakas ang tunog na naririnig ko. Napahawak tainga ako nang makarinig ako isang matining na tunog parang lifeline. I suddenly closed my eyes at sa pagmulat ng mata ko ang lahat ng estudyante nakatingin sa akin at ang lugar ay maayos. Napapatanong ako sa sarili ko kung imahinasyon o ilusyon lang ang lahat nang nakikita ko. Nakaramdam ako nang pananakit ng ulo pero mabilis din itong nawala. Papasok na ako sa unang klasi ko nang mag-iba na naman ang sahig nito. Itim na paligid at litim na lupa mga damong patay. Umatras ako at sa muling pagtawag ng guro namin ay nag-aalinlangan na akong pumasok pero hinila niya ako. "Pasensiya na Sir." Pagsasabi ko na nakatalungko. "Ayos lang, natural 'yan dahil baguhan ka palang." Nakangiting sagot nito. Sa pagtaas ng ulo ko napaatras at napasandal ako sa nakita ko. Mga estudyanteng may iba't ibang porma ng pagkamatay ang nakita ko. May mga nakalambitin, may mga nakahubad habang nakahandusay sa lapag, nakasabit sa bintana, may mga nakalaslas, at ang lalong napatindig balahibo ay yung makita ko ang sarili ko na duguan sa gitna at nakangiti habang may hawak-hawak na kutsilyo. Tumutulo ang mga luha ko na siyang ikinabigla ko nang marinig ko ang tinig ni Pugot ulo. "Pumikit ka sandali." Pumikit ako at sa pagmulat ng mata ko nakita ko ang lahat na maayos. Tumutulo ang luha ko nang di ko batid itinuro lamang sa akin ng isang estudyante. Gusto ko nang tumakas sa loob ng kuwadradong lugar na ito. Gusto kong makawala sa isang kahon na silyado. Sobra akong nahihiya sa nangyari hindi ko alam kung dapat pa ba ako sa kanila lumapit o hindi na. It was the first day of my school life but it ended up sa masamang paraan. Hanggang sa pag-uwi ko nararamdaman ko pa rin ang sobrang hiya sa katawan ko. Isang boses ang nakatawag pansin sa akin. Boses ni Pugot ulo. Hinahanap ko siya sa paligid pero hindi ko siya makita. "Andito ako sa likuran mo!" Seryosong may halong biro ang tono nang pagkakasabi ng lalaking nasa likuran ko. Pagkaharap ko isang lalaking kamukha ni Pugot ulo ang tumambad sa aking harapan. "Pugot ulo, ikaw ba 'yan?" Pagtatanong ko sa lalaking kaharap ko. "Teka, Ms. Sino ang tinatawag mong beheaded?" Narinig ko naman na sumagot siya sa tanong ko pero hindi ko maalis ang pagkamangha sa mukha ng lalaking ito. Isang mukha na hindi mo pwede ihalintulad sa ibang kalalakihan. Aaminin ko namamangha ako sa taglay niyang kagwapuhan pero magustuhan mukang malabo yata. "Hey, Miss?" Ilang beses niya akong tinawag hanggang sa inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha. Naitulak ko siya hindi dahil sa nangangamba ako sa pwede niyang gawin. Naitulak ko siya dahil may nakita ako sa mga mata niya na hindi dapat. Isang eksena na kung saan parehas na parehas sa eksenang nangyari sa aming dalawa. Ang kaibahan nga lang may pagkaluma ang nakita ko. Isang lalaking kamukha niya at ang babae ay hindi ko maaninag dahil sa sobdang liwanag. "Why did you do that?" Pagtatanong nito sa'kin na nakataas ang kilay. "Pasensiya na!" Pagkakasabi ko habang lumilihis nang tingim at nag-umpisa akong maglakad palayo sa kanya. Habang naglalakad ako nararamdaman ko na naman ang parehas na pangyayari kaninang umaga tila ang mundo ay umiikot. Ramdam ko ang tindi ng sakit ng ulo ko. Isang lalaki ang sumalo sa'kin. Pagmulat ng mata ko nasilaw ako sa sobrang liwanag ng paligid. "Miss, can you hear me?" Isang boses na halata ang pag-aalala ang narinig ko. Tumango lamang ako at ikinurap-kurap ko ang aking mga mata. Naaalala ko ang huling sandali bago ako mawalan ng malay. Napabalikwas ako nang hawakan ako ng lalaki sa aking braso. "Dont worry, I won't hurt you! Please calm down..." Pagpapagaan niya sa loob ko. Dumating sina Mama at Papa sa Clinic ng University. At kitang-kita ko ang pag-aalala nila sa akin. The guy dissapeared hindi ko alam kung multo rin ba siya o ano pero nagpapasalamat ako sa ginawa niya. In the next day, I saw him again pero this time kitang-kita mo ang hubog ng kanyang katawan dahil sa suot niya white plain t-shirt and it was fitted. His masculine body was visible. Hindi na ako magtataka kung ang kababaihan ay magugustuhan siya. I know he saw me too pero binaliwala ko nalang gusto ko sana mag-thank you pero ayaw ko maging tampulan na naman nang tigin ng mga tao. At saka mukhang may laro sila sa Basketball. Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa marating ko ang Library ng University. Natuwa ako kasi sobrang daming libro at mukhang kumpleto sila bawat edisyon ng mga 'to. Pinili kong maglibot-libot sa loob at naghanap na rin ako ng mga librong pwedenb basahin for my school works para di na sagabal sa bahay ang paggawa. Nakaupo lang ako at saktong mag-aalas tres na ng hapon nang may naramdaman ako sa tabi ko. "Miss, anong ginagawa mo rito?" Napatayo tuloy ako sa pagkakaupo ko. "Teka, paano ka napunta diyan?" Pagtatanong ko na halatang nabigla sa paglitaw niya. "Dont worry, hindi kita sasaktan!" Natatawang sagot nito. Hindi ko na pinairal ang hiya ko kaya nagpasalamat nalang ako sa kanya dahil sa ginawa niya. At ngumiti 'to sa akin na parang napipilitan. "Bakit ganyan ang ngiti mo?" Pagtatanong ko sa kanya. "May multo sa likuran mo!" namumulat lang sabi nito. Ramdam ko naman na may multo sa likuran ko at alam kong babae ito dahil ramdam ko ang bigat niya kahit nasa likuran ko lang. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matatawa ako sa namumutlang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Minabuti kong takpan ang mata niya. "Huwag kang mag-alala, hindi ka niya masasaktan." Pagwiwika ko habang nakangiti sa kanya kahit di niya batid. Humarap ako sa multo at mas nagulat ako na nakamukha ko ito. "Pero pa-paano?"
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 23 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (182)
c******0@gmail.com
nice story and may napupulot na lessons sa story na eto ❤️.
23/07/2024
0
BernosBenjie
nice g lods
29/12/2023
1
Miriam Pallanan
ang ganda ng story at naka pag reedem nako ng 25k dahil sa story na ito
nice story and may napupulot na lessons sa story na eto ❤️.
23/07/2024
0nice g lods
29/12/2023
1ang ganda ng story at naka pag reedem nako ng 25k dahil sa story na ito
09/12/2023
0Tingnan Lahat