logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 2: Unexpected Date

ADELYN'S POV
Tinusok-tusok ko lang ang pagkaing nakahanda sa harapan ko hanggang sa mapatingin ako sa palad ko na namumula pa rin hanggang ngayon. Suminghap ako at binitawan ang tinidor sa sobrang pagkainis. Napatingin naman ako sa wristwatch ko at napagtantong labin-limang minuto pa lang ang lumipas matapos umalis si Chuck, pero pakiramdam ko ay isang buong araw na kaming hindi nagkikita.
"Darn. Why did he take so long?" bulalas ko sa hangin at humalukipkip sabay sandal sa aking silyang inuupuan.
"Sino?" tanong naman ni Grey na kaharap ko at abala sa pagnguya ng pagkain niyang steak.
I glanced at him. Tama, siya nga ang susi. Umayos ako sa pagkakaupo at inilapit ang aking mukha sa kaniya. "Tawagan mo si Chuck at sabihing bumalik na dito, right now," ma-awtoridad kong utos na ikinakunot ng kaniyang noo.
"At bakit mo naman siya pinapabalik kaagad? Akala ko ba ay binigyan mo siya ng permisong umuwi?" taka naman nitong tanong na sininghalan ko at sinamaan siya ng tingin.
"Susundin mo ba ako o sasapakin kita diyan mismo sa kinauupuan mo?" pagbabanta ko rito habang nanlilisik ang mga mata, kaya mariin siyang napalunok.
"Grabe ka talaga," he exclaimed and took out his phone. Tumipa-tipa siya doon at itinapat iyon sa kaniyang tainga. "Chuck? Oo si Grey ito. Pinapabalik ka na ng boss mong may toyo kaya bilisan mo bago pa dumanak ang dugo ko."
Tinignan ko lang ito at pinaningkitan siya ng mata habang panay ang pagngiwi niya kapag nagagawi sa akin ang mga mata niya. "Is that so? Okay, take your time. Ako nalang ang magsasabi. Salamat," anito at ibinaba na ang cellphone niya sabay tingin sa akin. "Pasensya na daw kung matatagalan siya sa pagbalik dahil may inaasikaso pa siya."
"At ano naman iyon?" I immediately asked.
"Aba malay ko! Bakit ba ako ang tinatanong mo?" iritable naman nitong sagot at nagpatuloy na sa kaniyang kinakain.
Nagtaka naman ako sa nangyayari. Ano naman kaya ang pinagkaka-abalahan ng lalaking iyon na mukhang mas importante pa kaysa sa trabaho niya? Ngumiwi na lang ako at tumayo na sabay naglakad paalis. Lumabas ako at nagtungo sa kotse ko. Pagkasakay na pagkasakay ko pa lang roon ay mabilis ko itong pinaharurot. Mas mabuti pang umuwi na lang ako tutal ay wala naman akong gagawin sa araw na ito.
Dire-diretso lang ako sa pagmamaneho hanggang nga sa makabalik na ako sa bahay. Tumambad sa akin ang nakakabinging katahimikan at malawak na espasyo ng bahay, ipinapamukha lang sa akin nito na mag-isa lang ako sa bahay.
Napainat ako at hinubad ang suot kong pulang blazer sabay ibinagsak ang katawan ko sa couch. Napangiti naman ako sa katahimikan ng paligid na nagpapakalma ng pakiramdam ko. Ipinikit ko ang aking mata hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa ganoong posisyon.
Nagising nalang ako ng marinig ang sunod-sunod na pag-iingay ng phone ko, kaya napilitan akong imulat ang aking mata at inilabas ang aking telepono mula sa aking bulsa ng suot kong pantalon, sabay napatingin sa screen.
Unknown number?
Walang buhay ko itong sinagot at itinapat sa aking tenga.
"Hmm?" ungol kong bati dahil tinatamad akong iuwang ang aking bibig.
"Ma'am, ako po ito, si Chuck," wika nito dahilan upang maglaho agad ang antok ko.
"Oh, ano naman ngayon? Pakialam ko sa'yo?" pagtataray ko sa kaniya at napahikab habang kinukusot ang aking mata.
"Ma'am, mag-ayos ka na po dahil may pupuntahan ka ngayon. Nasa labas po ako ng bahay niyo, hihintayin ko po kayo," ani pa niya kaya naman natigilan ako at ibinaba ang aking kamay na ginagamit kong pangkusot sa aking mata.
"Akala ko ba ikinansela mo na lahat ng meetings?" pasigaw kong saad sa kaniya at sinuklay paitaas ang aking buhok.
"Ah opo, pero iba po ito. Mahalaga ito na hindi pwedeng ikansela. Sige po, hihintayin nalang kita dito sa labas," sagot naman nito at agaran akong pinatayan ng tawag.
I just sighed and stood up. Naligo na ako at pagkalabas ng banyo ay nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng simpleng off shoulder na black dress at pinaresan ng itim ring high heels, hanggang sa paglabas ko ng gate ay nakita ko si Chuck na nakaupo sa gilid ng kalsada at mukhang nagmumuni-muni.
"Secretary," pagtatawag ko sa kaniya dahilan upang mapatingin ito sa akin.
Agaran siyang tumayo at nginitian ako sabay pinagmasdan ang kabuoan ng aking katawan. "Ayos. Ang ganda mo, Ma'am," pagpupuri niya na nginiwian ko.
Kung hindi ko lang siya nakilala bilang manlolokong ex-boyfriend ng kapatid ko ay iisipin ko talagang mukha kaming magde-date ngayon. Psh, ang weird ng iniisip ko.
"Ah, tara na po," aya niya at pinagbuksan ako ng pintuan sa backseat ng kotseng nasa tapat lang namin— sa tingin ko ay pagmamay-ari niya ito.
Pumasok na lang ako roon at agad niya namang isinarado ang pinto. Umikot ito at sumakay naman sa driver's seat sabay pinaandar ang sasakyan.
"Saan mo ba ako dadalhin?" taka kong untag pero nginitian lang ako nito mula sa rear mirror.
"Kayo na lang po ang bahalang tumingin," tangi nitong sagot.
Umirap nalang ako sa hangin at napatingin sa bintana. Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko siya magawang bulyawan sa mga oras na ito— sermunan siya kung bakit napakarami niyang sikreto... pero hindi ko magawa. Siguro nga ay hini-hipnotismo ako ng mala-anghel nitong mukha at kailangan kong mag-ingat dahil baka hindi ko maipagpatuloy ang paghihiganti ko.
Tama. Kailangan kong maghiganti sa ginawa niyang panloloko sa kapatid ko.
Naramdaman kong huminto ang kotse at agad namang lumabas si Chuck. Muli ay pinagbuksan ako nito ng pinto, kaya lumabas na ako at napatingin sa restaurant na nasa harapan namin.
"Tara po," aya nito at iginaya ang daan papasok kaya naman naglakad na ako.
Agarang bumagal sa paghakbang ang paa ko nang makitang maayos ang restaurant. Puno ito ng kung ano-anong disenyo na agad na nakakabusog ng mata.
"Sabihin mo, hindi mo naman siguro ako dinala dito para idate, tama?" I whispered to Chuck who was standing next to me.
Natawa naman ito ng mahina at hinarap ako kaya napatingin ako sa kaniya, gaya ng dati ay nakangiti ulit ito. "Syempre po hindi," sagot niya at tinapik ang balikat ko. "Nandito po kayo para idate si Mr Morris, hindi daw kasi natuloy ang date niyo kahapon."
Pinagmasdan ko lang ito at hindi nagawang magsalita.
Shit! Oo nga pala, hindi ako nakasipot sa date namin ni Morris kahapon. Masyado akong naghanda para parusahan si Chuck kaya nawala sa isipan ko— pero ano namang pake ko? Napaka-corni makipagdate.
"Teka, ikaw ba ang lahat ng umayos nito?" tanong ko sa kaniya na inilingan niya at umayos sa kaniyang pagkakatayo.
"Tinulungan ko lang si Mr Morris, pero siya ang may pakana ng lahat ng ito," sagot niya at ngumuso sa pintuan so I looked there and I saw Morris entering the door wearing his sweet and breathtaking smile.
Walang nagbago, siya pa rin ang Morris na nakilala ko... physically.
I walked closer to him and greeted him with my emotionless face. "Sorry," tangi kong sambit, subalit napaghahalataang hindi bukal sa puso ang paghingi ko ng tawad.
"Okay lang, sanay na ako," sagot naman niya sa malambing na boses at nginitian ako. Inilahad nito ang kaniyang braso kaya naman kumapit ako roon at sabay kaming naglakad. Ipinaghila niya ako ng upuan bago siya nagtungo sa katapat kong silya. Pinagmasdan ko lang ang paligid at suminghap.
"Nakakapanibago," bulalas niya kaya naman napunta sa kaniya ang aking atensyon. "Ngayon na lang ulit kitang nakitang nakadress sa date natin, and damn... you still look stunning wearing that simple dress." Halatang tuwang-tuwa siya sa simpleng pagsusuot ko ng gown.
Agad naman akong napatingin sa sulok at nakita si Chuck na nakatayo kasama ang mga waiter. Nagthumbs up ito sa akin pero inirapan ko lang siya at ibinalik ang aking atensyon kay Morris.
In a few moments, the waiters approached us and laid the food on the table. Agad kong napansin na 'yung mga paborito kong pagkain ang nakahanda, ah mali, paborito niya lang ang mga ito, sinasabayan ko lang siya para naman tumagal pa ang lintik na relasyong ito.
"Makalipas ang dalawang taon ay ngayon na lang ulit tayo kakain ng paborito nating mga pagkain. Ayos lang ba kung sasaluhan mo ako, gaya ng dati?" anito na ikinasinghap ko.
Ang Chuck na iyon. Ang totoo nga ay wala talaga akong balak na umatend ng date kay Morris, ayos lang na nakalimutan ko ang paanyaya niyang magdate kami, pero pinahamak talaga ako ng lalaking ito. Imbes na matuwa ay kumulo lang ang dugo ko. Una ay dahil naghanda siya ng mga pagkaing ayokong kinakain, hindi niya man lang ba inalam iyon? Pangalawa ay ang pagdala niya sa akin rito ng walang sinasabing kahit na ano. At panghuli, kitang-kita ko ang effort na ginawa niya sa dahil alam ko na kung paano mag-effort si Morris, at sa mga iyon, halatang mabilis na nahuhulog ang mga babae sa kaniya.
Argh! Iniinis niya talaga ako!
"Hey."
Bumalik ang atensyon ko kay Morris ng kalabitin ako nito. Ngumiti naman siya ng matamis sa akin.
"Kumain na tayo," aniya na tinanguan ko.
Labag man sa kalooban ko ay tinanggap ko ang pagkaing inilalagay niya sa plato ko. Nagsimula kaming kumain at may lumapit na lalaki sa amin kasabay ng pagpapatugtog nito ng hawak niyang violin. Morris face was full of joy while I was annoyed by the slow sound of that damn violin, it really irritates my ears.
Lumipas pa ang ilang oras hanggang sa matapos narin ang lintik na date na iyon.
"Adelyn."
Hinarap ko si Morris ng tawagin ko nito. Ngumiti naman siya at humakbang palapit sa akin sabay hinalikan ako sa labi.
Nakatingin lang ako sa mukha nitong sobrang lapit sa akin habang siya ay nakapikit at ninanamnam ang aming halik. Hindi na ito gaya ng dati. Wala na akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko sa tuwing hinahalikan niya ako. Mas interesado pa nga akong magpahalik sa mga naging secretary ko kaysa sa kaniya, magmula ng malaman ko ang kalokohang ginawa niya.
Unti-unting lumayo ang labi nito sa akin at nginitian ako.
"I love you," aniya na tipid ko lang na tinanguan. Sumakay na ito sa kaniyang kotse at pinaharurot iyon palayo hanggang sa maglaho na ito sa paningin ko.
Morris, pasensya na pero hindi na ako 'yung babaeng nakilala mo. Hindi ko na kayang maniwala sa pagmamahal na tinutukoy mo.

Komento sa Aklat (146)

  • avatar
    Nixon Allen Bernacer

    so fun

    27/07

      0
  • avatar
    John Winzel Urgelles

    wow

    23/07

      0
  • avatar
    Airalyn Jawaddil

    ggghi

    22/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata