logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

BTSSM 2

“Kung tutuusin mahihina lang ang mga esclavo na iyan. Bakit hindi pa sila mahuli?” angal ng mezzo na si Carmello na mula sa grupo nila Aleaja.
“Ginagawa namin ang lahat ng magagawa namin,” sabi ni Kristoff. “Pero katulad natin, nag-i-improve din ang kakayahan ng mga Umbra. Kaya na nilang itago ang kanilang mga sarili.” Malakas ang pang-amoy nilang mga sanguis. Kaya nilang amuyin ang mga sanguis gaya nila. Subalit para protektahan ang kanilang mga sarili ay nakapag-develop sila ng langis na kapag ipinahid ay mag-aamoy tao sila. Mukhang iyon din ang ginawa ng mga Umbra. “Ilang kuta na nila ang nakubkob natin pero hindi pa rin natin natatagpuan ang anak ni Romeo. Maaring malakas din ang itinakdang mezzo at pinoprotektahan sila. Di natin alam kung ano ang kakayahan niya.”
“Mukhang kailangan yata nating magdagdag ng pwersa,” sabi ni Kristian at tumayo. “Hindi ko pa alam kung ano ang pwede kong maitulong pero gusto kong mag-volunteer na mahanap ang itinakdang mezzo.”
Mga sentinel ang naatasan na maghanap sa mga ito - kalahating sanguis at kalahating lobo. They were the one who were good in tracking and retrieving. Nasa ilalim ang mga ito ng pamumuno ng mga de Angelis. Habang siya naman ay mula sa mga angkan ng mga Majarlika na pinamumunuan ng pinakamalakas na sanguinare na si Pinunong Kaptan Majarlika. Negosyo at pulitika ang forte ng angkan nila.
Naramdaman ni Kristian ang pagkahawak sa braso niya ng katabi niya. It was Atrisha. Isa itong esclavo. Kapatid ito ng namayapa niyang matalik na kaibigan na si Arturo. Pinatay ng mga bampira ang magulang ng mga ito para sa dugo at kapangyarihan. Dapat ay papatayin na rin ang magkapatid pero sinagip ng mga rojo. Sampung taon lang siya noon. Nang dumating sa tamang edad, pinili ng magkapatid na maging esclavo upang makapagsilbi sa mga rojo.
Bakas ang lungkot at pag-aalala sa mga mata ni Atrisha na umiling. “Huwag, Kristian. Baka mapahamak ka lang. Delikado ang misyon na iyan. Hindi madaling kalaban ang mga Umbra.”
“Sila ang dapat na matakot sa atin. Mas makapangyarihan tayo sa kanila,” puno ng kompiyansa niyang sagot.
“Baka matulad ka kay Kuya Arturo…” anitong parang maiiyak. “Baka mawala ka rin sa akin.”
Namatay si Arturo nang minsang mapalaban sa mga Umbra. Sinubukan nitong sagipin ang ilang teenager na babae na kinidnap ng mga kalanang bampira para lamang sa dugo ng mga ito. He was outnumbered. At ulila na nang tuluyan si Atrisha kaya nauunawaan niya ang takot nito.
Umiling si Kristian. “I can’t just sit here and do nothing. Kailan pa tayo aaksiyon? Kapag inuubos na nila ang mga tao at pinapatay? Wala na ring matitira sa atin oras na ipanganak ang batang iyon. Gusto mo bang mangyari iyon?”
Oo, hindi siya kabilang sa mga matataas na uri ng mezzo sanguinare. Kahit pa matagumpay siya sa larangan ng negosyo sa mundo ng mga tao, hindi pa rin ganoon kalaki ang kontribusyon niya sa mga rojo sa palagay niya. Gusto niyang makuha ang respeto ng mga kasamahan kahit pa sabihing di naman mababa ang trato ng mga ito sa kanya. At ang paraan para magawa iyon ay makatulong siya na pigilin ang masamang balak ng mga Umbra at matiyak na sa kanila papabor ang propesiya.
“Tama si Kristian. Kailangan natin ng mas maraming pwersa,” sabi ni Nicodemos na anak ni Pinunong Kaptan. “I am also volunteering.”
“Despite your busy schedule, Attorney?” nakangisi niyang tanong.
“Gusto ko rin namang iligtas ang mundo. Di pwedeng ikaw lang ang may eksena,” anito sa mayabang na tono. Halos magkapatid na ang turingan ng namayapa niyang ama at ng ama nitong si Pinunong Kaptan pero lagi silang nagpapasikatan a dalawa. They were not really enemies. Paraan lang nila iyon para i-push ang isa’t isa. But he could say that he was one of the most annoying sanguis he had ever met. Malakas kasi itong mang-asar.
Nag-volunteer na rin ang iba pa na tumulong na ikinasaya naman ng ama-amahan niyang si Pinunong Kaptan. “Obligasyon ng lahat ng mga rojo na pangalagaan ang isa’t isa. Our survival depends on this. Let’s prepare for the worst.”
Matapos ang meeting ay kanya-kanya nang kulumpunan ang mga miyembro. Itinakda na rin ang pagpupulong sa mga volunteers para mapag-aralan ang nakalap na impormasyon ng mga Umbra. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin sapat ang impormasyong nakuha nila para malaman kung sino ang anak ni Romeo de Angelis na itinatago ng mga Umbra.
“Kristian, that was brave,” puri sa kanya ni Aleaja nang lapitan siya. Aakalain ng marami na nasa mid-twenties lang ito. Isang batang fashion designer. But she was almost two hundred years old. Ipinanganak ito nang panahong sakop ng Kastila ang Pilipinas. Some joked that she was the oldest virgin on Earth.
“Thank you, Senyora Aleaja,” pasasalamat niya. “Isang malaking karangalan kung may maitutulong po ako.”
“Senyora Aleaja, ang ganda-ganda po ng suot ninyo,” excited na wika ni Atrisha na hindi umaalis sa tabi niya. “Mukha kayong lumulutang sa gown ninyo.”
Tumawa si Aleaja at hinaplos ng palad ang celestial blue flowing gown nito. Sa bawat pagaspas ng hangin ay mukha itong inililipad niyon. “Oh! Napansin mo pala. Akala ko wala nang makakapansin sa gown ko after that horrible news. I have to look good despite the predicament. We should all look good. We are sanguis, not zombies.”
Women. Kahit na sa gitna ng nagbabantang trahedya ay iniisip pa rin ang itsura ng mga ito. He remembered her mother’s words. Kung mamamatay lang din naman daw ito, gugustuhin pa rin nitong maging maganda sa paningin ng iba. Pero kahit isa pang sanguinare ay alam niyang inaalala pa rin nito ang kapakanan ng nakararami. Malaki ang responsibilidad nila lalo na’t walang ideya ang mga tao kung anong trahedya ang nakatakdang maganap.
“Kailan ba kayo ikakasal na dalawa?” pabirong tanong nito sa kanila ni Atrisha. “Alam ko na tensiyado tayong lahat sa paghahanap sa itinakda pero kulang isang taon pa naman ang winter solstice.”
Nagpapalit-palit ang tingin ni Aleaja sa kanila. Hindi siya basta-basta nakikipag-date sa ibang babae. He was too busy working. Kung may mga okasyon, si Atrisha ang lagi niyang ka-date. Kung gugustuhin niyang magpakasal sa isang babae ay si Atrisha iyon. She was gentle, fragile, hindi demanding at alam nito kung kailan kailangan ito at hindi. Iyon din ang paraan niya para alagaan ito. Responsibilidad niya ito mula nang mamatay ang kapatid nitong si Arturo sa isang matinding labanan dahil sa pagsagip sa kanya. At alam niyang umaasa si Atrisha. Aalukin niya ito ng kasal subalit hindi pa ngayon. Wala pa siyang maipapangako dito ngayong
“Hindi sila makakasal,” biglang singit ni Jermaine sa usapan. Ito ang kresme na nakakaalam ng nakaraan at hinaharap.

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    IKey Andeleon

    thank you

    24d

      0
  • avatar
    Dela CruzMynths Jurhie

    subrang ganda

    30/06

      0
  • avatar
    Loy Max Weyn

    good

    20/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata