logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 15

Every truth, every revelation, it can cause happiness and sometimes pain. Surprises isn’t always about happiness, in fact it can drag you down and drown into sadness.
~~~~~
Nagtaka ako dahil pakiramdam ko ay umaandar ako kung saan man ako nakasakay. Hindi ko magawang gumalaw dahil sa takot, ramdam ko ang maamig na hanging tumatama sa mukha ko. Nang idilat ko ang mata ko ay sumalubong saakin ang dilim. Saka ko lang din naramdaman ang mga brasong nakayakap saakin habang nasa unahan ng umaandar na bike.
Kahit hirap at pakiramdam ko ay walang balak lumabas na salita sa bibig ko ay nagawa ko paring tawagin ang pangalan ni Nyx.
“Nyx,” nanghihina kong sabi at naramdamang unti unting bumagal ang takbo ng bisikleta at tuluyan itong nahinto.
Humnga ako ng malalim bago tinignan ang taong nasa likuran ko.
Tumambad saakin ang mukha ni Ouranos na parang naiiyak at malayo ang tingin.
“P-Planeta.” Alanganin kong sabi at tinanggal niya kaagad ang kamay na nakayakap saakin. Pinakiramdaman ko ang luha ko at pilit itong pinigilan. Masyado ng mababaw ang luha ko at hindi na maganda ito.
“Baki sandya, bakit?” halos mag crack na ang boses niya dahil sa pasigaw na pagsasalita at mababakas ang galit niya sa bawat katagang binibitawan. Nanatili lang akong nakatingin sakanya at hindi magawang sumagot.
Kita ang galit sa mga mata niya dahil sa pagkibot ng mga labi, halatang may gusting sabihin.
“bakit pa kailangang umabot sa ganito? Why did you cut your hair? I thought it’s one of the important things for you? Sandya, are you giving up now? Hindi na ikaw yung nakilala ko, because sandya can’t do such thing!”  sabi niya kaya wala akong ibang nagawa kundi umiyak.
Tama siya, ang dating Sandya, hindi agad sumusuko, ang dating ako hindi hinahayaang lamunin ng sobrang kalungkutan na ganito. Parati akong gumagawa ng paraan para ngumiti, pero masisis ba nila ako? Gayong kahit ako, kinasusuklaman ang sarili ko?
“Bakit, alam mob a ang nararamdaman ko?”
Miski ako ay nagulat dahil sa pagsigaw na siyang nakapag patigil sakanya. Ilang segundo siyang nakatitig saakin na hindi makapaniwala bago ibinaling ang atensyon sa iba. Pagak pa siyang umawa bago magsalita ulit.
“Hindi alam? ‘yon ba ang basehan to let you ruin yourself in that situatin? What’s more worse? You only see one person when you’re in danger, it’s always him!” bigla akong natigilan dahil sa sinabi niya at marahas na ipinilig ang ulo.
“Anong kinalaman dito ni Nyx?” nagtatakang tanong ko.
“See? I didn’t mention a name but he’s the first one who comes in your mind!”
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit bigla ko siyang nasampal, nag-init bigla ang dugo ko dahil sa sinabi niya, bakit kailangan pang kasali si Nyx sa usapan namin? Bakit kailangan pang idamay ang taong wala namang ibang ginusto kundi ang mapasaya ako.
“Bakit ganyan ka makapagsalita?” tanong ko na umiiya, hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap ng maayos sakanya kung puno siya ng galit.
Tanggap ko ang galit niya dahil concern siya saakin—lahat sila. Nagkakaganyan lang naman siya dahil sa sarili kong katangahan.
“Sandya, I’m your bestfriend too, but why does it always have to be him? What about me? I can make you happy too—why him, not me?”
Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Parang natauhan ako bigla at hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin maliban sa “sorry,”
Paulit ulit akong humingi ng tawad bago siya niyakap ng mahigpit. Kasalanan ko naman talaga. May point siya, palagi na lang si Nyx gayong nariyan naman sila lagi sa tabi at paligid ko at handa akong mapasaya.
Inaamin ko na nawawala sila sa isip ko sa mga oras na kami ni Nyx ang magkasama at sa tingin ko ay iyon ang naging pagkakamali ko.
“Sorry,” mahinang bulong niya  pero napailing iling ako.
“Hindi mo na kailangang humingi ng tawad, you just did your part as my bestfriend. You made me realize that I am not alone. Pinaalala mo na hindi dapat ako kaagad sumuko dahil maraming masasaktan pag nagkataon.” Nanatili parin akong nakayakap sakanya habang umiiyak.
“I can be your crying shoulder too, I can be the light in the darkness, your knight in shining armour, and an exit door to emptiness. Just trust me, Sandya. Trust me too, I promise not to leave you.”
Ngumiti ako dahil sa sinabi niya at hindi na nagawang magsalita pa hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko. Kumalas ako sa yakap at saka siya nginitian.
“Alis na ako?” tanong ko sakanya dahil medyo malalim na rin ang gabi baka kung mapano na kami nitong pareho. “Kaya mo mag-isa?” tanong niya na kaagad kong tinanguan bago kinuha ang bike na hawak niya. Ngumiti pa ako sakanya at kumaway bago tuluyang magsimula sa pagpedal.
Medyo magaan na ang pakiramdam ko. Iniisip ko nga kung bakit nagawa kong putulin ang pinakaiingatan kong buhok gayong pinahahalagahan koi to ng lubos.
Wala sa sariling napahawak ako sa aking maiksing buhok na lampas balikat na lang ang haba at may tumulo nanamang luha. Marahas koi tong pinahid dahil baka ito pa ang maging dahilan ng pagkadisgrasya ko. Nanlalabo nanaman kasi ang mata kodahil sa luha.
Bakit kailangan pang bitawan ang mga mahahalagang bagay sa buhay ng isang tao at bakit kailangan pa na masaktan?
Bakit kailangan pa na mahirapan?
Dahil tao tayo? Oo, siguro.
Patuloy lang ako sa pagpedal at pilit na pinalilinaw ang mata dahil medyo madilim na sa parting dinaraanan ko.
Naisip ko na kahit gaano pa kadilim ang daan, kung magpapatuloy lang sa pag abante ay malalagpasan din lahat.
Ilang sandali pa ay nakita kong malapit na ako sa ospital. Pinahid ko ang luhang tumulo na hindi ko napansin kanina. Humugot ako ng malalim na hininga bago bumaba sa bie at pigil hiningang ipinasok ang bike sa gardening hindi gumagawa ng anumang ingay.
Eksaktong pagbitaw ko ng bike sa may likuran ng mga halaman sa garden ay nagulat ako ng marinig ang boses ni mama.
“Sandya?” naku, lagot.
Lihim kong pinagkiskis ang dalawa kong palad at pumikit ng mariin. Tipid akong ngumiti bago lumingon kay mama.
Akala ko ay papagalitan niya ako pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at umiyak. “JUsko, anak.”
Humihikbi siya kaya wala akong ibang nagawa kundi yakapin siya pabalik.
“Akala ko kung anon a ang nagyari saiyo noong pagbukas ko ng kwarto mo ay hindi kita nakita. Ano ba ang nangyayari, anak? At ang b-buhok m-mo?” nauutal pa nitong sabi saakin at bumitiw sa yakap.
Luhaan niya akong tiningnan at hinawakan ang maiksi kong buhok na hindi nga siguro pantay ang pagkakagupit.  Muli nanaman siyang umiyak kaya ako naman ang yumakap sakanya ng sobrang higpit.
Nasasaktan ako para kay mama, sa ayaw ko man o sa gusto, sa bawat maling hakbang ko ay may nasasaktan akong tao na mahal ako.
Ang problema lang saakin ay nakakalimutan ko sila sa mga oras na lugmok ako at mag isa.
Bakit kapag nagawa ko na at hindi ko na maibabalik ang lahat ay saka ko lang mare-realize ang nagawa kong pagkakamali?
Bakit ba sobrang manhid ko na hindi maramdaman na marami silang takot akong mawala.
“Ano ang nangyayari saiyo, anak? Nandito naman si mama, handa akong makinig sa'yo at sa lahat ng sasabihin mo.” naiiyak parin niyang sambit kaya napaluha na lang din ako.
“Ma, nakakapagod po.” mahinang usal ko.
“Nakakapagod po pala na kaawaan. Nakakapagod dalhin yung sama ng loob sa dibdib kapag may gusto kang malaman, maraming tanong na hindi masagutan.”
“Ang hirap pong dalhin sa utak yung katotohanan na anumang oras ay maaari akong malagutan ng hininga at maiwan kayo, maiwan kita.” hindi ko na magawang maibigkas ng maayos ang huling mga salita dahil napahagulhol na lang ako at pakiramdam ko sa paraang 'to, mailalabad ko lahat ng sakit. 
Nanlambot ang tuhod ko at napaupo sa carpet  na kinatatayuan namin.
“Ma, ano bang naging kasalanan ko para parusahan ako ako ng ganito? May nagawa ba akong mali para masaktan ng sobra gaya nito?”
Tanong ko pero hindi magawang sumagot ni mama. Yakap yakap niya lang ako habang humahagulgol na nakaupo sa damuhan. Nang medyo maayos na ang pakiramdam ko at medyo tumila na ang luha ko at paghagulgol ay saka ko lang siya narinig na nagsalita.
“Alam mo ba, anak? Bago mamatay ang papa mo, nangako ako na hindi kita pababayaan. Gusto ko masaya ka palagi at nagagawa mo ang mga gusto mo. Pero anak, may plano ang diyos, alam kong may kapalit lahat ng paghihirap mo. Katulad ni Papa mo, namatay siya at isinakripisyo ang buhay niya. Oo, masakit. Sobrang sakit sa una. Pero noong dumating ka na, ikaw yung regalong walang makakatumbas saakin ng saya. May kapalit lahat ng paghihirap, anak. Maniwala ka.” mahabang litanya niya.
Kahit pa na lumuluha kaming pareho ay nagawa ko parin na magbiro para maibsan man lang ang bigat sa dibdib. “So, magkaka anak din po ako, gano'n?” sabi ko sabay tawa kaya mahina niya akong tinapik sa balikta bago humiwalay sa yakap.
“Masamang biro yan, anak. Ang gusto—”  hindi ko na siya pinatapos magsalita at ngumiti na lang ako.
“Alam ko po, nagbibiro lang ako. Bata pa naman po ako, mama. Wag kayong mag-alala.” nakangiti ko paring saad kaya napangiti na lang din siya.
“Salamat, Anak.”
“You're welcome, ma. Pasok na po tayo, giniginaw ako.”
“kanino bang kasalanan?” taas kilay na tanong niya.
“Saiyo po, nag dramahan pa tayo eh.” natatawang ani ko bago patakbo siyang iniwan kahit naririnig ko pa na tinatawag niya ang pangalan ko.
Uuwi naman ata 'yun si mama, mamaya.
Dumiretso ako sa kwarto ko at mahinang bbjnuksan ang pinto. Sumilip muna ako bago tuluyang pumasok. Naabutan kong mahimbing na natutulog si Nyx sa katabing kama kaya hindi na ako nag-abala pa na gisingin siya. Baka makagulo pa ako sa mahimbing niyang pagtulog, nakakahiya naman.
Napagdesisyunan ko na matulog na lang din dahil lumalalim na ang gabi.
Tumingin ako sa bintana at nakita ang napakaraming bituin na nagkikislapan sa langit.
Ilang saglit pa ay dumako  ang tingin ko sakanya na nakaharap sa direksyon ko. Kung titingnan any sobrang amo ng mukha niya at hindi ko maipagkakaila na kiligin dahil ito ang unang beses na makikita at mapapagmasdan ko siya ng matagal. Siya rin ang makikita ko bago ako pumikit at lamunin ng antok.
Pagkagising ko ay kinusot ko muna ang mata ko bago inilibot ang paningin.
Nakita ko si Nyx na nakatalikod saakin at nakaharap sa salamin.
Nakapagtataka na hindi man lang ako nakatanggap ng good morning mula sakanya na gaya ng palagi niyang ginagawa.
Wala tuloy akong ibang nagawa kundi kunin ang atensyon niya bago tipid na nag good morning.
Mas lalo lang akobg nagtaka nang magsalita siya ay parang malamig pa sa yelo na parang hindi interesado. Hindi niya man lang ako nagawang harapin.
Iniisip ko kung may nagawa ba akong mali na ikinagalit niya?
Nagkibit balikat na lang ako at lumabas ng kwarto para lumabas at magpa-araw.
Ilang oras na at pinagmamasdan ko lang si Nyx. Sabay sabay kaming kumain ngunit hindi man lang siya nagpakita ng interes.
Akala ko ay ako lang ang nakapansin pero binigyan ako ng makahulugang tingin ni Helen na nagtatanong kung ano ang nagyayari kay Nyx.
Itinaas ko na lang ang balikat ko dahil wala naman akong alam talaga.
Lumipas ang maghapon at wala kaming imik pareho ni Nyx sa loob ng kwarto.
Dahil sa pagtataka ay nagawa ko siyang tanungin. “Nyx, may problema ba?” mahinahon na tanong ko pero wala man lng siyang ibang isinagot maliban sa “Wala,”
“Nyx.” pagtawag ko ulit ng pangalan niya dahil parang balisa siya at wala sa sarili habang nakatanaw sa bintana.
“Can you please leave me alone for now? Leana?” natauhan naman ako dahil sa sinabi niya. Masyado na ba akong nanghihimasok sa problema niya?
“Nyx,” pagtawag ko ulit.
“Can you please leave me alone‽” nagulat ako dahil sa biglang pagsigaw niya at hindi kaagad na nakapagsalita. Literal na napaawang ang bibig ko dahil sa iniasta niya.
“Sorry, just please leave.” mahinahon niya nang sabi at nakayuko na animoy ayaw akong tingnan. 
Wala tuloy akong ibang nagawa kundi lumabas ng kwarto na puno ng pagtataka.
Hindi ko alam kung ano ang problema niya kaya hindi ko alam kung papaano ko siya dadamayan.
Napagdesisyunan ko na magpunta sa garden. Mabibigat ang hakbang ko patungo roon at maraming tanong na naglalaro sa utak ko.
Nadatnan ko si Helen at Ouranos na nag uusap ng mahinahon.
Bago 'to kaya nagtago ako sa likod ng halaman bago napangiti at nakinig sa usapan nila.
Pero hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko dahil sa topic nilang dalawa.
Matagal bago mag function sa utak ko ang mga pinagsasabi nilang dalawa.
“Mahal na mahal ko ang bestfriend ko at natatakot ako na baka maka apekto sakanya kapag nalaman niya ang sitwasyon ni Nyx.”
Napakunot ang noo ko dahil sa narinig. Isang katahimikan ang bumalot sakanila bago nagsalita muli si Helen at bigla pa ngang nag crack ang boses.
“Alam kong unti-unti na siyang napapalapit kay Nyx at alam ko rin na nag uumpisa na siyang mahalin siya. Wala na akong ibang magagawa dahil lahat naman siguro dumadaan sa sakit, hindi ba? Bakit sobra naman ata yung sakanya?”
Bumibigat ang dibdib ko habang rumerehistro ang mga salitang binibitawan ng bestfriend ko.
Pero ang tuluyang nakapagpalaglag sa luha ko at ang nakasagot sa lahat ng katanungan ko at ang sinabi ni Ouranos.
Parang naestatwa ako at hindi ko nagawang gumalaw, para akong tinakasan ng dugo at agad na pinagpawisan ng malamig.
Nanatili akong tahimik at hindi matanggap ang narinig. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ng magsalita siya at ang sabi,
“It's not her fault, nor anybody else. Wala tayong masisisi kung walang may balak na mag donate ng mata kay Nyx o mamamatay na lang siya dahil masyado ng malala ang kalagayan ng sakit niya.”
~~~~~

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Nerissa Novelas

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Shane Mutia Muros

    this is so cute

    05/07

      0
  • avatar
    MontejoLouisse Nadine

    galing

    17/05

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo