Naglalakad si Ylora sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Parang nasa loob siya ng kuweba. "Anong ginagawa ko rito? Anong lugar ito? At bakit ako napunta rito?" naguguluhang tanong niya sa sarili. Ang huling natatandaan niya ay nagbibiyahe sila ng kanyang ama nang biglang huminto ang sasakyan nila dahil naubusan sila ng gasolina. Then, there was a black car stop beside their car and the driver talked with her dad because they knew each other. At pagkatapos ay tila nahipnotismo siyang tumitig sa taong nakaupo sa loob ng tinted na itim na kotse. Para siyang nakatitig sa mga mata ng kausap kahit hindi niya ito nakikita. Pagkatapos noon, hindi na niya maalala ang mga sumunod na nangyari. At ngayon ay bigla niyang natagpuan ang sarili sa nakakatakot na lugar na iyon na parang kuweba't walang kasama. May nakitang liwanag si Ylora 'di kalayuan sa kanyang kinatatayuan. Dahan-dahan siyang naglakad at lumapit sa liwanag. At nang makalapit na siya ng lubusan ay natuklasan niyang isa lamang itong pulang kandila. Isang pulang kandila na nagkalagay sa ibabaw ng isang maliit na altar na gawa sa bato. "Anong lugar ba ito?" muli niyang tanong sa sarili. Sarili niya lang ang kinakausap niya dahil wala siyang kausap sa nakakatakot na lugar na iyon. "Dad? Where are you, Dad? Naririnig mo ba ako? Hello?" Ngunit kahit gaano pa kalakas ang ginagawa niyang pagsigaw ay walang sumasagot sa kanya at nakikipag-usap sa kanya. Naglakad si Ylora upang hanapin ang exit ngunit ang kanyang nakita ay isang maliit na saradong silid. Halos mapasigaw siya nang biglang bumukas ang pinto nang walang taong nagbubukas. Naghintay siyang may lumabas sa loob pero limang minuto na siyang naghintay ay walang lumabas sa loob ng kwarto. Dahil sa curiosity, dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pinto at sinilip ang loob ng kwarto. Dahan-dahang pumasok si Ylora sa kwarto nang mapansin niyang walang tao sa loo. Ngunit nang nasa loob na siya ng silid ay biglang sumara ang pinto ng mag-isa. Hindi niya napigilang ang sarili na mapasigaw. She run to the door and open it but to her surprise, ayaw bumukas ng pinto. Sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit hindi niya ito mabuksan. Parang sinadyang ikulong siya sa loob ng maliit na kwartong iyon ng kung sino man. Naisip ni Ylora na kahit anong gawin niya ay hindi magbubukas ang pinto at mabubuksan lamang ito kung may magbubukas mula sa labas. Dahil hindi niya mabuksan ang pinto ay nagpasya na lamang siyang galugarin ang maliit na silid. May nakita siyang maliit na vault sa loob ng kwarto. Na-curious siya kung ano ang nasa loob ng maliit na vault kaya naglakad siya palapit. Hindi maintindihan ni Ylora kung bakit ngunit may pakiramdam siya na may malakas na puwersa ang humihimok sa kanya na buksan ang vault. Parang may humihiling sa kanya na hawakan ang vault at tingnan kung ano ang nasa loob. Kaya dahan-dahan niyang hinawakan ang lock ng vault. Ang lock ay parang isang pares ng matutulis na ngipin ng isang hayop. "Aray!" napaungol siya nang bahagyang masugatan ang kanyang daliri ng isa sa dalawang matulis na ngipin. Hindi sinasadyang tumulo pababa sa isang maliit na daanan sa gitna ng dalawang ngipin ang maliit na patak ng kanyang dugo. Laking gulat niya nang biglang bumukas ang lock ng vault sa kanyang harapan. Napakunot-noo siya nang makita niya ang isang lumang libro na nasa loob ng vault. Isang maalikabok at itim na lumang libro. Lalong lumakas ang curiosity niya. Kinuha niya ito at umupo sa maalikabok na upuan matapos niyang pagpagan. Binuksan niya ang mga pahina ng libro at sinimulang basahin ang nilalaman nito. "Namatay si Davon dahil sa pinakamamahal niyang babae na nagtaksil sa kanya noong araw ng kasal nila. Naisip ng lahat na namatay talaga si Davon pero ang totoo ay hindi siya. Nakatulog lamang siya ng mahimbing at muli siyang babangon kapag nainom na niya ang dugo ng isang hybrid na tao. Isang espesyal na tao na may tatlong iba't ibang uri ng dugo sa loob ng katawan," huminto saglit si Ylora sa pagbabasa para huminga at pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagbabasa. "At sa oras na siya'y magising ay maghihiganti siya sa mga taong nagpatulog sa kanya ng mahimbing. Siya ang magiging pinakamakapangyarihang nilalang sa mundo at lahat ay yuyuko sa ilalim ng kanyang mga paa at susuko sa kanyang kapangyarihan. Bagama't si Davon ay magiging makapangyarihan kapag siya'y magising ay may kahinaan pa rin siya na kayang pumatay sa kanya ng tuluyan. Ang sagradong punyal na binahiran ng dugo ng isang espesyal na tao at may tatlong uri ng dugo rin ang kayang pumatay sa kanya," pagtapos ni Ylora sa pagbasa ng malakas. "Ano ba ito? Isang sinaunang kuwento ng pagtataksil at paghihiganti? Anong uri ng kapangyarihan mayroon siya na lahat ay yuyuko sa ilalim ng kanyang mga paa kapag siya ay nagising? Ito ay walang katotohanan," kausap niya sa sarili pagkatapos niyang basahin ang talata sa loobang libro. Tumayo si Ylora, ibinalik muli ang lumang libro sa vault at isinara ito. Naglakad siya papunta sa pinto at sinubukang buksang muli. Natuwa siya nang madali niyang nabuksan ang pintuan. Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto sa takot na baka magsarado agad at ikulong muli siya sa loob. Pagkatapos ay nagpasya siyang tuklasin ang lugar kung nasaan siya. Hindi na niya hihintayin pa na may dumating na tao para iligtas siya. Malamng ay walang nakakaalam na nasa loob siya at nakakulong sa lugar na iyon kaya walang magliligtas sa kanya kundi ang sarili niya lamang. Kailangan niyang gumawa ng paraan kung paano siya makakaalis sa nakakatakot na lugar na iyon. "Ylora. Halika dito." Kasalukuyang sinusuri ni Ylora ang isang maliit na daanan na nakita niya nang marinig niya ang isang malalim at malamig na boses na tinatawag ang kanyang pangalan. Nanlaki ang mga mata niya at sumilay ang ngiti sa kanyang mukha. Sa wakas, may pumunta rito para palabasin siya sa nakakatakot na lugar na ito. Kaya lumingon siya na may ngiti sa labi para lamang makita ang isng nakakatakot at matangkad na nilala ang nakatayo sa likod niya't nakatitig sa kanya. Matangkad ang lalaki kaya kailangan pa niyang tumingala para makita ang mukha nito. Nahintakutan siya nang makita ang mapupulang mga mata nit. Mayroon din itong mga pangil sa kanyang bibig at mukhang nakakatakot. Nakasuot ito ng mahabang damit na tila makapal na jacket. Napasigaw si Ylora at mabilis na tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay na nanginginig pa sa takot. Naisip niya na ang karakter ng Hollywood movie na "Dracula" ay lumabas at lumilitaw sa kanyang harapan. "Ylora...come to me. I've been waiting on you for so long," sabi ng nakakatakot na lalaki na may malalim na boses. "Umalis ka na! Please, umalis ka na! Daddy! Tulungan mo ako!" napasigaw siya ng malakas. Sana may makarinig ng boses niyang iyon. Nanginginig ang katawan niya sa takot habang tahimik na umuusal siya ng panalangin sa kanyang isip. Lumipas ang ilang minuto at hindi na narinig ni Ylora ang boses. Gusto niyang imulat ang mga mata para tingnan kung nandoon pa ba ang nakakatakot na lalaki pero hindi niya magawa. Takot siya na sa sandaling imulat niya ang kanyang mga mata ay malalaman niya na nandoon pa rin ang lalaki at nakatitig pa rin sa kanya ng nakakatakot nitong mga mata. Kailangang maging matapang si Ylora. Mag-isa lang siya ngayon at walang tutulong sa kanya. Kaya bagama't nanginginig pa rin ang kanyang katawan sa takot ay naglakas loob siyang imulat ang kanyang mga mata. Gumaan ang pakiramdam niya nang makitang wala na ang nakakatakot na lalaki sa kanyang harapan. Kinalma niya ang sarili at nagsimulang maglakad muli hanggang sa makarating siya sa isang lugar kung saan nakita niya ang isang itim na kabaong sa tuktok ng isang malaki at malapad na bato. "Ano yan?" tanong niya sa sarili niya. Nag-aalala siya na baka may isang nakakatakot na nilalang na biglang sumulpot sa loob ng kabaong na iyon. Nagpasya siyang tumalikod at baguhin ang kanyang daan. Maglalakad na sana siya palayo nang may narinig siyang bumukas. Nang lumingon siya ay nakita niyang nakabukas na ang kabaong na kanina lamang ay nakasara. Nanlaki ang kanyang mga mata at sinubukang tumakbo palayo pero sa hindi malamang dahilan ay hindi niya maigalaw ang mga paa niya. "Ylora...halika dito. Halika, lumapit ka sa akin, Ylora..." Hindi! Protesta niya kanyang isip niya. Gusto niyang tumakas ngunit naramdaman niyang may malakas na puwersa na pumipigil sa kanya sa pagtakbo. "Halika rito Ylora at gisingin mo ako," muling sabi ng nakakatakot na boses. "Hindi!" sumigaw na siya. "This is your fate, Ylora. You came here just to wake me up." "No! No! No! Don't talk to me!" sigaw niya dahil sa takot. Nanlaki ang mga mata ni Ylora nang magsimulang maglakad ang dalawang paa niya palapit sa kabaong. Parang may malakas na puwersang kumokontrol sa dalawang paa niya para makalakad kahit na hindi naman niya inihahakbang ang kanyang mga paa. "Hindi! Iwan mo ako! Demonyo ka!" sigaw niya na may halong galit at takot. "Hindi mo ako matatalo, Ylora!" Nagsimulang tumulo ang luha ni Ylora sa kanyang mga mata habang papalapit siya sa kabaong. Tahimik siyang humiling na kung ito man ay isang panaginip sana'y may taong gumising sa kanya para mailigtas siya sa demonyo na nasa loob ng kabaong. Napapikit siya nang tuluyang makarating sa tabi ng kabaong. Hindi niya kayang imulat ang kanyang mga mata sa takot na ang lalaking nakita niya kanina ang siyang nakahiga sa loob ng kabaong na iyon. "Imulat mo ang iyong mga mata at tumingin sa akin, Ylora!" utos sa kanya ng nakakatakot na boses na may galit at mapanganib na tono. Napailing na lang si Ylora. Hindi na siya makapagsalita. Nanginginig ang katawan niya sa takot. Tila may malakas na tambol sa loob ng kanyang dibdib at gusto nang lumabas mula sa loob ng kanyang dibdib ang kanya puso. Halos himatayin na siya sa sobrang tako na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. "Pakiusap, gisingin n'yo ako!" sabi nya habang umiiyak. "Ylora, buksan mo ang iyong mga mata at tumingin sa akin!" sabi ulit ng boses, this time mas delikado at sobrang nakakatakot ang boses nito. Punung-puno iyon ng awtorisasyon. Napapikit ng mariin si Ylora. Hinding-hindi niya bubuksan ang kanyang mga mata. Ngunit tulad ng kanyang dalawang paa, ang kanyang mga mata ay tila may sariling isip din na kusang bumubukas kahit na hindi niya imulat. "No. No. No," paulit-ulit niyang sambit habang dahan-dahang bumukas ang mga mata niya. Sarili niyang mga mata iyon ngunit hindi niya ito makontrol. Bakit ganoon? Nang imulat ni Ylora ang kanyang mga mata, nangyari talaga ang kinatatakutan niya kanina. Nakita niya ang matangkad na nakakatakot na lalaki na nakahiga sa loob ng kabaong at nakapikit. Pagkatapos ay dahan-dahang bumukas ang mapupula't matalas na mata at sinalubong ang kanyang tingin. Ngumiti ito sa kanya bago ito nagsalita ng malakas. "Sa wakas gising na ako!" Matapos sabihin ng lalaki ang mga katagang iyon, bigla itong bumangon, hinawakan ang ulo ni Ylora at mabilis na kinagat ang leeg niya gamit ang matalas na dalawang pangil nito at sinipsip ang dugo niya palabas sa katawan niya. "Noooo!!!" Napakalakas ng sigaw ni Ylora habang ginagalaw ang mga kamay na parang may tinutulak palayo sa kanya. "Ylora! Ylora! Gumising ka! Nanaginip ka lang!" Humihingal na iminulat ni Ylora ang kanyang mga mata at napagtantong nasa loob siya ng kanyang silid at wala sa isang madilim at nakakatakot na lugar na parang kweba. Nakita niya ang nag-aalalang mukha ng kanyang ama habang nakahawak sa kanyang balikat. "Daddy? Nanaginip lang ba ako?" tanong niya sa kanyang ama. Gusto niyang makasigurado na nananaginip nga lang siya. "Oo, Ylora. Nanaginip ka lang. Siguro dahil ito ang unang gabi mong matulog dito sa bahay ko kaya naninibago ang katawan mo pati ang isip mo," paliwanag ng papa niya. Bumangon siya sa kanyang kama at pinunasan ang malamig na pawis sa kanyang noo at leeg. "Anong napanaginipan mo na parang takot na takot ka?" "Nothing, Dad. Don't worry about me. As you said it's just a dream. Later, I will automatically forget about it," sagot niya. Hindi niya maatim na sabihin sa ama ang tungkol sa kanyang panaginip dahil naisip niyang hindi pa sila okay para sabihin sa kanya ang kanyang mga alalahanin. Tinitigan siya ng kanyang ama ng ilang minuto bago ito nagpasya na umalis sa kanyang silid. "Okay. Calm down yourself and once you are okay, you can come out and have dinner with me." Tumango lamang siya pero hindi nagsalita. Lumabas ang kanyang ama sa kanyang silid matapos nitong makita ang kanyang pagtango. Nang makaalis na ang kanyang ama ay mabilis niyang dinama ang kanyang leeg. Walang kaunting marka sa leeg niya kaya ibig sabihin nananaginip lang talaga siya kanina. Ngunit ang panaginip na iyon ay parang totoo talaga. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang panginginig ng kanyang buong katawan. Wala pa rin sa normal ang pagtibok ng kanyang puso. "That was so scary. I thought I'm gonna die in there," kausap niya sa sarili. Iyon na lamang ang tanging magagawa niya ngayon, ang kausapin ang sarili dahil wala naman siyang tao na puwedeng mapagsabihan ng kanyang nararamdaman. Pagkatapos niyang pakalmahin ang sarili ay lumabas siya ng kanyang silid at sumama sa kanyang ama na kumain ng kanilang hapunan. Habang kumakain siya ay abala pa rin ang kanyang isipan sa kanyang panaginip. Bakit ako nanaginip ng ganoon? At bakit parang kilalang-kilala ako ng lalaking nakakatakot? ### Kinaumagahan ay inihatid siya ng kanyang ama sa bago niyang papasukang school. Nagulat siya nang makitang napakalaki ng bago niyang paaralan, may matataas at magagandang gusali. Hindi niya akalain na may ganitong klaseng paaralan sa isang liblib na lugar sa rehiyon ng Bicol. Purong puti ang kulay ng mga pintura ng dingding ng school. Maraming nakatanim na bulaklak at punongkahoy sa paligid kay mahangin at presko pa ang hangin. May nakita rin siyang magandang man-made fountain sa gitna ng hardin. Marami ring mga bangko sa paligid na puwedeng istambayan ng mga estudyante. Pakiramdam niya ay nasa ibang bansa siya dahil sa bago niyang school na mukhang palasyo imbes na paaralan. "I knew that you would like it here," sabi ng kanyang ama na may ngiti sa labi. "Paano mo ako na-enrol sa mamahaling school? Paano kung wala tayong pambayad sa susunod kong tuition fee?" Ngumiti muli ang kanyang ama. "Huwag kang mag-alala sa mga gastusin, Ylora. Matagal ko na itong pinlano. Kahit hindi namatay ang kapatid ko ay kukunin pa rin kita para dito ka na mag-aral. "Salamat," sinserong wika niya sa am. Ang mainit na ngiti ng kanyang ama ay umaantig sa kanyang puso ngunit hindi pa rin iyon sapat para mapapatawad niya ito. Not until she hear the real reason why he suddenly pushed her away. Iniwan na siya ng kanyang ama matapos nitong matiyak na makakapasok siya sa loob ng paaralan nang hindi siya sinasamahan upang mahanap ang kanyang silid. Pumasok ma siya sa gate ng school. Napakalawak niyon at mahirap para sa kanya na madaling mahanap ang kanyang classroom. Nahihiya naman siyang magtanong sa mga bago niyang schoolmates kaya nagpasya na lang siyang hanapin ang classroom niya nang mag-isa. Mayamaya ay nakita niya ang lokasyon ng kanyang silid sa pamamagitan ng bulletin board sa labas ng gusali ng pagpaparehistro. May listahan ng pangalan ng mga bagong estudyante kasama na ang kanyang pangalan na nakalagay sa papel at kung saang section siya kabilang. Naglalakad siya sa hallway at abala sa paghahanap ng pangalan ng section niya nang may biglang bumangga sa kanya. Bahagya niyang niyuko ang kanyang ulo at agad na humingi ng tawad, kahit na hindi siya ang nakabangga. "I'm sorry. I'm so—" What the heck! Did I just bumped into a ghost?" tanong niya sa sarili nang iangat niya ang ulo niya at walang nakitang tao sa harapan niya. Napalingon siya nang may narinig siyang tumatawa malapit sa kanya. "Hindi siya multo. Siya si Co—" Napahinto ang lalaki sa pagsasalita nang pigilan ito ng babaeng nasa tabi nito para sabihin sa kanya ang pangalan ng taong nakabangga sa kanya. "Stop it. Baka marinig niya boses mo. And once he heard you, you're dead," sabi ng dalaga. Na-curious si Ylora sa pinag-uusapan nila. Pero nang sinubukan niyang tanungin ang babae ay nagmamadaling lumayo ito sa kanya na tila takot na takot. Agad nang sinundan ng lalaking estudyante ang babaeng estudyante na kasama nito. Naiwan siyang tulala. Ano ba ang pinag-uusapan nila? At sino ang estudyanteng nakabangga sa akin? Bakit parang natatakot sila sa taong iyon? Ganoon ba siya ka nakakatakot? Mas nakakatakot kaysa sa lalaking nakita ko sa bangungot ko?
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
oke
10/07
0A great plot and story!
18/04/2025
0bitin
03/04/2025
0Tingnan Lahat