logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

TTBP 5

“SALAMAT, Miss Nadine. Hindi ko talaga alam kung anong mangyayari sa aming mag-ina kung ipinagtabuyan kami nang tuluyan ni Christian. Kita n’yo naman. Pinatuloy pa ninyo kami sa magandang hotel at pinakain. Tapos tutulungan pa ninyo kami sa abogado. Hindi ko po alam kung paano kayo pasasalamatan.”
Mugto ang mata sa pag-iyak ni Ivy habang hinahaplos ang buhok ng nahihimbing na anak na si Miri. Naka-check in sila sa isang hotel sa Quezon City para mas madaling puntahan kung kinakailangan.
“Gusto ko lang makitang maayos ang buhay ninyo ng anak mo. Di lahat ng tao walang puso katulad ni Christian. Magpasalamat siya dahil di ko siya tuluyang ihinulog sa bangin,” mahina niyang usal.
Yumuko ang babae. “Pasensiya po kung nasira ko ang date ninyo. Nagkasira pa kayo dahil sa akin.”
“Anong nagkasira? Para namang boyfriend ko siya. Napilitan lang naman ako na makipag-date sa kanya dahil doon sa billboard. Kung tutuusin dapat magpasalamat ako sa iyo. May rason na ako para di na makipagkita sa kanya. Mabuti na lang nalaman ko kung ano ang totoong ugali niya.”
“Mabait naman po siya sa akin noong una. Nagkakilala kami sa restaurant sa Binondo kung saan ako nagtatrabaho. Naidala niya ako sa mga sosyal na lugar na di ko napupuntahan. Idinala pa nga niya ako sa Palawan para magbakasyon. Akala ko totoo siya. Akala ko katulad siya ng mga napapanood ko na bida sa teleserye. Nagbago lang siya sa akin nang magbuntis ako. Tapos di niya halos binibisita ang anak niya hanggang tuluyan na siyang di nagpadala ng pera at nagparamdam.”
“Natural may kailangan siya sa iyo kaya mabait siya noong una. Pero nang mabuntis ka na, duwag na sa responsibilidad.”
Binayo ng nakakuyom nitong kamao ang kama. “Ang tanga ko kasi mahal ko siya. Naniniwala ako. Pinagpasensiyahan. Ipinagtanggol ko pa siya sa nanay ko. Hanggang kanina kahit ipinagtatabuyan niya ako, alam ko mahal ko pa rin siya. Tapos sinaktan niya ang anak namin. Sobrang sakit. G-Gusto ko rin siyang saksakin kanina pero nauna lang kayo sa akin. Ipinagtanggol pa ninyo kaming mag-ina.”
“Di niya deserve ang pagmamahal mo. Wala siyang kwentang tao para tratuhin kayong basura ng anak mo. Magpahinga ka na. May abogado na pupunta sa iyo bukas. He will take care of you and Miri. Kunin mo lahat ng kailangan mo - sustento, educational plan para sa anak mo, at respeto na dapat para sa inyo. Alam na ng abogado kung ano ang gagawin niya. Huwag kang matakot.”
“Anghel talaga kayo. Salamat,” anang babae at niyakap siya.
Magaan ang loob ni Nadine nang lumabas sa hotel room nito. Di na rin ganoon kasama ang gabing iyon. Ngumiti agad siya nang makitang nakahilig sa sandalan ng sofa. Pagod tiyak ito mula sa maghapong pagtatrabaho sa opisina at pagbabantay sa date nila ni Christian. Ito pa ang maghahatid sa kanya pauwi dahil sinundo siya ni Christian sa shop niya. Alas diyes na ng gabi kaya pagod na ito.
Gigisingin sana niya ang lalaki pero nagbago ang isip niya. Umupo siya sa tabi nito at humilig sa balikat nito. She inhaled his masculine scent. Gusto rin niya ang pakiramdam na nakahilig siya sa mainit na katawan nito. She felt protected.
Napuno siya ng galit kanina. Naaalala niya kung paano siyang maliitin ng mga mayayaman na parang nakakadiring insekto. Ganoon din ang naramdaman niya nang makita ang mag-ina ni Christian. Hindi iyon dapat mangyari kahit na kanino. And at that time, she wanted swift justice. Street justice.
Pero nang marinig niya ang boses ni Miller at niyakap siya nito, bumalik na naman siya sa pagiging siya -ang babaeng pwedeng magustuhan nito. Alam niyang pumalpak siya at masesermunan siya nito. Bumagsak siya sa exam ba ibinigay nito. Pero saka na niya iyon iintindihin. She just wanted some quiet time with him.
Tiningala niya ito. Laging seryoso ang mukha ni Miller kahit noong bata-bata pa. Laging seryoso. Parang laging may malalim na inaanalisa ang utak nito. Pero ngayon lang niya ito napagmasdan na natutulog. He looked younger.
“Ang guwapo talaga. Bakit kasi di ka na lang pumayag makipag-date sa akin para walang gulo?” mahina niyang tanong. “Pa-kiss nga.”
“Don’t you even dare,” banta ng lalaki kahit na nakapikit.
“Tulog ka ba? Baka naman nananaginip ka lang. Mabilis lang na kiss.” At ngumuso dito.
Dumilat ang lalaki at naningkit ang mga mata nang pagmasdan siya. “Not cute, Nadine. Assaulting a sleeping man? Di pa nga tapos ang problema mo sa ginawa mo kay Christian Compostella kanina.”
Umupo siya sa tabi nito. “Tapos na iyon kasi di ko na siya makikita. Di na niya ako kukulitin. Nakita ko na ang totoong kulay niya. Tapos na ang paggamit niya sa akin para sumikat. At siyempre, maibibigay na ang dapat na pagtrato sa mag-ina niya.”
“Nakausap ko na si Attorney Cuevas. Pupunta siya dito sa umaga para tulungan sila Miss Santos at ang anak niya,” pormal na sabi nito.
“Salamat. Hindi ko talaga alam kung ano ang mangyayari sa akin kkung wala ka.”
“Malamang naghihimas ka na ng rehas na bakal,” sabi ng lalaki. “You really love trouble, don’t you?”
Humikab siya. “Saka mo na ako sermunan. Nakakapagod ang araw na ito.”
“Ihahatid na kita. It is late. Tiyak na hinihintay ka ni Ninong Julio.”
Of course. Kailangan niyang mag-report sa tatay niya kung ano ang nangyari sa date nila ni Christian. Di niya naisip iyon dahil mas gusto niyang I-secure ang kalagayan ng mag-ina bago isipin ang sarili.
“Kung pwede huwag mong sabihin kay Daddy. Ayokong mag-worry siya,” usal niya at yumuko habang nagmamaneho naman ang binata ng kotse. Kahit paano nahihiya din siya sa ama. Siya na lang ang kakausap dito para ipaliwanag ang nangyari.
“Too late. Alam na ni Ninong at ng mga Compostella.”
“What?” bulalas niya at pumihit sa kinauupuan kahit naka-seat belt.
“Nasa meeting sila ng mga Compostella nang mangyari iyon. May kumalat nang picture sa internet na sinasakal mo si Christian Compostella. They threatened to put you in jail. O ipapadala ka daw sa mental hospital.”
“Ako pa ang ipapadala sa mental hospital ngayon. ‘Yun ngang anak nila ang baliw at nanakit pa ng sariling anak. Di na nga niya masustentuhan. ‘Yung anak nila ang turuan nilang magpakalalaki,” panggagalaiti niya. Nasaan ang katarungan? Siya pa ang nababaligtad ngayon.
“You shouldn’t have involved yourself in their ruckus. Pampamilya na iyan.”
“Pero nasa public place sila. Sa harap ko pa mismo nangyari. Ako ba papayag na lang na makita na sinasaktan at ipinapahiya ng isang lalaki ang mag-ina niya? Tatayo ka na lang basta doon habang may inosenteng nasasaktan?”
“Siyempre hindi. Pero di ko paiiralin ang init ng ulo ko. Maiintindihan ko pa ‘yung sinapak mo si Christian. Pero ‘yung pagbantaan ang buhay niya at muntik mo nang ihulog sa bangin, that’s pushing it too far.”
Umungol si Nadine. Of course, nasa katwiran na naman ito. “Sorry. Nagdilim na ang paningin ko. Naawa ako doon sa bata. Alam mo ba ‘yung pakiramdam na gusto mong makasama ang tatay mo pero wala siya? Mas masakit pa iyong ipagtabuyan ka ng tatay mo at saktan.” Kulang pa kay Christian ang ginawa niya. Kundi pa niya ito tinakot, tiyak niyang ipapakaladkad pa nito ang mag-ina palabas ng security at baka ipapulis pa. Tapos ay magsa-suggest na ituloy lang nila ang date nila na parang walang nangyari.
“You are really trouble. Di mo makontrol ang emosyon mo. Paano kita ide-date niyan?”
“Hindi naman ikaw si Christian. Di mo naman siguro itataboy ang mag-ina mo. Kahit mahal kita, sasapakin din kita kapag ginawa mo iyon,” sabi niya at humalukipkip.
“I was raised better than that. At di ako iresponsable na makipag-sex kung kani-kanino tapos di ko kayang panagutan.”
“Kaya love na love kita e. Alam ko na di ka katulad ni Christian.” Inalis niya ang seatbelt at inabot ito. “Pa-hug nga.” Ipinatong niya ang braso sa baywang nito at humilig sa katawan nito.
“Hoy! Madidisgrasya tayo sa ginagawa mo.” At pumitlag pero di pa rin siya umalis sa pagkakahilig dito.
“Masaya lang ako kasi di mo ako matiis. Sinundan mo talaga ako sa date ko. You really care for me.” O baka naman nagseselos ito at di nito makayang makita siya na may ibang kasama.
“Sinundan kita dahil di kita mapagkakatiwalaan. Alam ko gagawa ka ng gulo sa date mo. Saka di mo ako madadaan sa payakap-yakap mo para kampihan ka. Mali pa rin ang ginawa mo kay Christian.”
“Di ko kailangan ng kakampi. Kaya ko ang sarili ko. Pero pwede bang hayaan mo akong yakapin ka kahit sandali lang.”
“Fine. Ten seconds. One, two, three…”
“Ang bilis naman. Dapat one, one point one, one point two…”
“Nang-aasar ka ba?” angil nito. “Tapos na ten seconds mo.”
“Bilang ka ulit. Di ko naman narinig na naka-ten ka,” nakangisi niyang sabi.
Bumuntong-hininga ang lalaki. “Fine. I know you are scared. Hindi pa natin alam kung ano ang status sa mga Compostella. Nasindak mo si Christian pero hindi ang parents niya. They can push the case if they want to. This is bad, Nadine. Kailangan mong tanggapin ang pagkakamali mo. Pero kapag nasa tama ka, alam mong di kita pababayaan.”
His assurance was enough for her. Hindi siya nito tuluyang pababayaan katulad ng dati. Ang misyon niya: tiyaking di siya babagsak sa kulungan sa pagkakataong ito.

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    Butal8Xiancaden

    thanks 😊

    12/07

      0
  • avatar
    Farhana Ali

    tfghhhh

    09/07

      0
  • avatar
    QUINIORV JANE

    nice game

    12/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata