logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 8

Marahang naglakad palapit sa ina si Alice. Nakangiting sinalubong siya ni Alicia at niyakap bago hinalikan sa pisngi.
"Kumusta ang school, anak?" masiglang tanong nito bago siya iginiya papasok sa loob ng sasakyan.
Tahimik siyang pumasok at pasimpleng tumingin kay Ka Ipeng.
"Ayos lang po, Mama," sambit niya. Nakita niyang natigilan ang mama niya pero saglit lang iyon at mabilis na itong pumasok sa loob ng sasakyan. Naging malamig muli ang pakikitungo nito sa kanya.
Hindi na kumibo ang ina hanggang makarating sila sa bahay. Tahimik lamang siyang bumaba. Dumiretso sa silid ang kanyang ina at hindi na naghanda ng pancake na madalas nitong inihahanda sa kanya. Hindi niya napigilang maluha habang nakatingin dito.
Pumunta rin siya sa silid at doon niya ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman. Umiyak siya ng umiyak habang inaalala ang nakaraan.
"Alice, magandang balita! Naaprubahan na sa wakas ang adoption paper mo!"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng madre. Matagal na niyang pinapangarap na may umampon sa kanya at sa wakas ay natupad na iyon.
"Talaga, mother? Magiging mama ko na si Tita Alicia?" nasasabik niyang tanong.
"Oo, Alice. Tiyak na magiging mabuting ina siya sa 'yo."
Matagal at madaming proseso ang naging pag-ampon sa kanya ni Alicia. Byuda kasi ito at ang maaari lang mag-ampon ay mag-asawa. Subalit talagang inilaban siya ng babae. Hindi ito sumuko at ginawa nito ang lahat para maging karapatdapat na maging ina niya. Si Alicia lamang ang bukod tanging hindi sumuko sa kanya kaya ipinangako niya sa sarili na hindi rin ito susukuan. Mamahalin niya ito ng buong puso at ituturing na ina. Magiging mabait din siyang bata upang hindi magsisi ang babae na ampunin siya. Simula noon ay minahal na niya si Alicia bilang isang tunay na ina.
"Kaya maghanda ka na, anak. Sa susunod na linggo ay sasama ka na sa kanya," sambit ng madre na maluha-luha pa. Hindi rin niya napigilang maluha at yumakap sa madre.
"Mother, mamimiss kita ng sobra," umiiyak na bulalas niya. Niyakap din siya ng madre at marahang hinaplos ang kanyang buhok.
"Mamimiss din kita pero masaya ako para sa 'yo. Magkakaroon ka na ng mama at alam kong mamahalin ka ni Alicia."
Si Mother Letizia ang naging ina-inahan niya sa kumbento. Madalas siya nitong basahan noon ng fairy tale. Ayon sa madre ay ito mismo ang nagbigay ng pangalan niya na Alice. Natagpuan daw siya nito dahil sa isang kuneho na tumatakbo at nagtago sa isang puno. Sinundan nito iyon at doon natagpuan ang sanggol na nababalot ng lampin at bagong panganak pa lamang.
Simula ng mapulot siya nito ay ang madre na ang nasilbing tagapag-alaga niya. Naging ina ito sa kanya kaya masakit din para sa kanyang iwan ito.
"Huwag kang umiyak, Alice. Dadalaw-dalawin mo naman kami rito, hindi ba? Dapat maging masaya ka dahil pangarap mo ito!" natatawang sambit nito kaya napangiti na rin siya.
Makalipas ang isang linggo ay kinuha siya ni Alicia at iniuwi sa bahay nito. Masayang-masaya siya pero ang pakikitungo nito ay unti-unting nagbago. Parang inilalayo nito ang loob sa kanya. Maalaga pero bihira lang siya nitong kibuin.
Naputol ang pagbabalik tanaw niya nang marinig ang katok ni Alicia sa pinto.
"Alice! Lumabas ka na riyan at kakain na!" sigaw nito. Wala ang masuyo nitong boses. Napalingon siya sa bintana at nakitang madilim na roon. Napalalim muli ang pag-iisip niya kaya hindi napansin ang oras.
"Alice, ano ba! Lumabas ka na riyan!" galit na singhal ng ina kaya mabilis na siyang lumapit sa pinto. Walang lingon likod na nagpunta sa kusina si Alicia kaya tahimik na lamang siyang sumunod dito. Wala silang imikan habang kumakain. Pinakikiramdaman niya ang ina, napakatahimik nito. Magkalapit lang ang upuan nilang dalawa kaya naman inabot niya ang palad nito. Natigilan ang babae at tumingin sa kanya.
"Mama, mahal kita," madamdaming wika niya. Kahit na niloko siya nito ay hindi niya magawang magalit dahil ito pa rin ang babaeng nakilala niya sa bahay ampunan. Ang babaeng hindi siya sinukuan para lang maampon.
Nakita niya ang pagkurap-kurap nito pati na rin ang luhang pumatak na agad nitong pinunasan. Binawi nito ang kamay at agad na tumayo.
"Bilisan mong kumain at iligpit mo na ang mga 'yan!" mariing sambit nito bago siya iniwan sa kusina.
Nang matapos maghugas ng mga plato ay umakyat na rin siya sa kanyang silid. Nakita niyang pumasok sa sikretong silid si Alicia kaya naman natigilan siya. Nang sumara ang pinto ay marahan siyang lumapit. Idinikit niya sa pinto ang tainga niya. Umuusal na naman ng ritwal si Alicia kaya naman mabilis siyang lumayo at pumunta sa kanyang silid. Doon siya umiyak ng umiyak. Ramdam niyang konting panahon na lang ay tuluyan na siyang maglalaho at maaangkin na nila ang katawan niya.
"Gusto mo ba talagang buhayin sa katawan ko si Alice, Mama? Magiging masaya ka ba kung mabubuhay ang totoo mong anak?" tanong niya sa kawalan. Muli siyang nakarinig ng mga bulong. Nariyan na naman ang demonyong nais umangkin sa kanyang katawan.
"Alice, sabi ko naman kasi sa 'yo, walang magmamahal sa 'yo. Wala!" sambit ng mga pagbulong. Muling tumulo ang mga luha niya. Naalala niya si Ka Ipeng, hindi rin ito sumusuko sa pagtulong sa kanya. Kapag sumuko siya ay maaari siyang mamatay. Malulungkot si Ka Ipeng dahil may mamamatay muling bata kaya dapat ay lumaban siya. Kailangan niyang labanan ang demonyo.
"Our Father in heaven,
Holy be your name..." Nagdasal siya at pilit na nilalabanan ang demonyong nais sumira sa kanya. Naiiyak siya dahil nagsisimula na namang manikip ang dibdib niya. Lumalakas na naman ang mga orasyong nasambit ni Alicia pero lalaban pa rin siya. Pipilitin niyang lumaban.
"Mama, sorry. Magagalit ka ba sa akin kung gugustuhin ko pang mabuhay?" naluluhang tanong nito sa kawalan. Lumalala ang paninikip ng dibdib niya at panlalabo ng mga mata. Bago mawalan ng malay ay muli niyang naalala si Ka Ipeng. Sana ay hindi pa mahuli ang lahat. Mailigtas sana siya bago pa siya tuluyang lamunin ng kadiliman.
****
Kinabukasan ay masayang naglalakad si Alice sa koridor ng kanilang paaralan. Nakita niya si Andrea na mag-isa. Wala na ang mga kaibigan nito dahil lahat ay nakuha na niya.
"Hoy, bata! Anong tinatanga-tanga mo diyan!" singhal niya rito. Kaagad namang tumayo si Andrea at taas noong tinitigan siya. Maldita pa rin kahit na nag-iisa.
"Wala kang pakialam!" singhal nito bago isinukbit ang bag at naglakad palayo. Kaagad niya itong sinundan at dinakma ang buhok nito.
"Aray! Ano ba, Alice! Isusumbong kita kay, Ma'am!" naiiyak na sambit nito habang pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakasabunot dito.
"Subukan mo lang! Papatayin kita! Dudukutin ko ang mga mata mo!" nakangising singhal niya. Nanginig naman sa takot ang bata. Umiyak ito at iyon ang tagpong nadatnan ng kanilang prinsipal.
"Alice! Anong ginagawa mo!" galit na bulyaw nito. Binitiwan niya ang buhok ni Andrea at tinitigan ng masama ang guro. Napaatras naman ito dahil sa pagkabigla. Hindi nito inaasahan ang galit na makikita niya sa mukha ng bata. Parang hindi na ito ang batang kinagigiliwan niya noon.
"Alice, sa opisina ko, ngayon din!" galit na singhal nito.
Nang makarating sila doon ay masinsinan siya nitong kinausap.
"Hindi ko na gusto ang pagbabago ng ugali mo, Alice. You're running for valedictorian tapos ganyan ang asal mo!" Nalalapit na ang graduation nila sa elementarya kaya naman nabahala siya sa sinabi ng guro.
"Kung hindi mo ayusin ang ugali mo ay makaaapekto rin ito sa grades mo. Gusto kong makausap ang mommy mo bukas."
"Ok, wala ka na bang sasabihin?" nakangising tanong niya. Lalong nanggalaiti sa galit ang prinsipal pero wala siyang pakealam na lumabas sa opisina nito. Matagal na niyang hinintay ang maging ganap na tao kaya walang maaaring kumontrol sa buhay niya at sa nais niyang gawin. Walang kahit na sino!
Habang naglalakad ay bigla na lamang nanginig ang kalamnan niya. Naninikip din ang kanyang dibdib.
"Punyeta ka, Alice! Hindi mo ako kaya! Hindi!" sigaw niya. Nagulat ang mga batang nasa paligid dahil sa lakas at laki ng kanyang boses na hindi na niya nakontrol. Lumalaban pa rin ang bata. Ilang gabi na lamang ang ipagtitiis niya at matatapos na ni Alicia ang ritwal. Tuluyan nang mamamatay si Alice at siya na ang papalit sa katawan nito. Siya, si Lilith ang maghahari at magpapalaganap ng kasamaan sa buong mundo!
Kaagad siyang natumba at nangisay. Tinitigan niya isa-isa ang mga bata at dahil sa galit niya ay hindi niya napigilang magwala.
"Umalis kayo! Lumayo kayo sa akin!" Nangisay siya at nanigas ang kanyang katawan. Hindi magtatagumpay si Alice na muling mangibabaw. Pinagkaguluhan siya ng mga guro lalo na nang bumula ang kanyang bibig. Pinatirik niya ang mga mata upang pahirapan pa si Alice. Alam niyang hihina rin ito at siya pa rin ang mangingibabaw sa katawan ng bata.
Ilang saglit lang ay nawalan siya ng malay ngunit bago iyon ay nakita niya pa ang pagdarasal ng kanilang prinsipal.

Komento sa Aklat (55)

  • avatar
    Jhenalyn De Belen Dedace

    ano to

    8d

      0
  • avatar
    Francis Dizon Concepcion

    good

    11/07

      0
  • avatar
    Justine Salvacion

    Df do di dog care and grocery package from HAPPY PERA 2 is now on the line for approval from the line for approval from the line for approval from the line for approval from the line for approval from the line for approval from the line for approval from the line for approval from the line for approval from the line for approval from the line for approval from the line for approval from the line for approval from the line for approval from the line for approval from the line for approval from th

    22/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata