logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata Four

“Bakit mas pinili mo ang manahimik kaysa magsalita?” nanghihina kong tanong.
“Hindi lahat ng bagay ay kailangang sabihin may mga bagay na mas maiging ‘wag sabihin,” sagot niya.
“Kahit na iyon ang paraan para malinis ang maling paratang sa ‘yo?”
Ibinababa niya ang hawak niyang kubyertos at tumingin sa akin. “Gaya ng sabi ko sa ‘yo, ayaw ko ng dagdagan pa ang gulo ng aking pamilya kaya nanatiling tikom ang aking bibig,” aniya. “Helena, ito ang pakakantandaan mo, hindi lahat makikinig sa ‘yo kahit iyon pa ang totoo. Kung gusto mo silang paniwalain sa iyong sinasabi hindi lang sapat ang salita kun’di ebidensiya na magpapatunay na walang katotohanan ang mga ipinaparatang sa ‘yo,” seryoso niyang saad. At sa isang iglap ang nagbago ang kanyang reaksyon.
“Kaya ‘wag mong alalahanin ang mga bagay na alam mong walang katotohanan,” nakangiting saad niya. “Kaya hayaan mo lang sila. Magsasawa rin ang mga ‘yan.” Dagdag niyang sabi.
Ngayon-ngayon lang, hindi ko alam kung pinakita niya sa akin ang isa niya pang itinatagong katauhan. Katauhan ng puno ng galit at paghihiganti. Hindi ba siya nahihirapan sa ginagawa niyang iyan? Hindi ba siya nahihirapan huminga sa pagkimkim ng lahat na sama ng loob sa kanyang puso? Kaya niya pa ba?
“Nakakahinga ka pa ba?” nalulunos kong tanong sa kanya.
“Huwag kang mag-alala, ayos lang ako,” nakangiti niyang sagot.
“Hindi ka ba nahihirapan?” tanong ko sa pagitan ng mabigat at malalim kong paghinga.
“Kahit mahirap wala akong magagawa kun’di tiisin ang lahat ng iyon hanggang sa makakuha ako ng sapat na ebidensiya para kami mapawalang sala,” aniya. “Kaya ngayon tiis-tiis lang muna.” At muli binigyan niya ako ng ngiting nagkukubli ng lahat ng sakit at hinanakit sa kanyang puso.
Kahit nahihirapan akong pagmasdan siya ay pilit kong ikinumpas ang aking sarili and pretended to be fine, despite my heart secretly agonizing about his suffering. Huminga ako nang malalim at tulad niya hinarap ko siya ng may ngiti.
“If you say so, I will help you to the very extent I could until you get the justice for your family deserve,” masiglang saad ko. “Andito lang ako handang tumulong, Joaquin.”
Tinignan niya ako sa aking mga mata nang ilang sandali bago nagsalita. “Maraming salamat, Helena.”
Nang matapos na kaming kumain ay lumapit ako sa may-ari para bayaran ang aming kinain at kunin ang pinasupot kong pagkain. Pinilit kong ‘wag pakinggang ang mga sinasabi nila laban sa pamilya ni Joaquin maging sa kanya ngunit hindi ko talaga maatim ang lumalabas sa bunganga nila kung kaya’t sa labis kong galit.
“Mukhang kulang pa yata ang pagkaing pumapasok sa inyong mga bibig at nagagawa niyo pang manira ng ibang tao,” malakas kong saad at inikot ang aking paningin sa lahat ng naroon na nag-uusap-usap. “Lugar ito para pawiin ang gutom ng inyong mga sikmura hindi lugar para sa makakating bunganga na walang alam kun’di pag-usapan at punuin ng pang-aalipusta ang ibang kumakain!” Sigaw ko sabay hila kay Joaquin palabas ng kainan.
Mabilis akong naglakad na hindi ko iniisip na hila-hila ko si Joaquin sa daan dahilan para pagtinginan na naman kaming muli ng mga tao.
“Sandali, Helena,” tawag ni Joaquin.
Ngunit hindi ko iyon pinansin at dire-diretso lang sa paglalakad. Ayaw huminto ng mga paa ko. Gusto kong lumayo sa mga matang walang ibang ginawa kun’di bigyan kami ng malisya at bungangang walang ibang ginawa kun’di sirain ang isang tao, tulad ni Joaquin.
“Helena,” muli niyang tawag.
“Helena!”
Hindi dito ayaw ko rito. Gusto ko pang lumayo pero natigil ang aking paglalakad nang hilahin ako ni Joaquin sa ibang direksyon hanggang sa makarating kami sa isang batuhan na may batis at napapalibutan ng maraming puno. At humarap sa akin si Joaquin na may mapupungay na mga tingin.
“Wala na sila. Wala ng tao rito. Makakahinga ka na nang maluwag,” aniya.
Sa isang iglap, bumuhos ang aking mga luha. “Bakit?” mahina kong tanong hanggang sa napahagulgol na ako sa labis na sakit na nararamdaman ng aking puso.
“Bakit sila gano’n? Bakit? Anong ginawa mo para tratuhin ka nila ng gano’n?” Sunod-sunod kong tanong habang humahagulgol na ako nang malakas. Lumapit sa akin si Joaquin at niyakap ako.
“Tahan na,” awat niya sa akin.
“Bakit Joaquin? Bakit ang sama nila sa ‘yo? Bakit kailangan mong masaktan?” ngawa kong tanong na patuloy pa rin sa pagbuhos ang aking mga luha.
“Sinabi ko sa ‘yo, hayaan mo na lang sila. Mapapagod rin sila,” aniya.
“Paano ako magpapatay malisya sa nakikita at naririnig ko kung alam kong labis ka ng nasasaktan? Nahihirapan na nga akong makita kang gan’yan hahayaan ko pa bang pati katinuan mo sirain nila?” pagrarason ko.
Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng kanyang mga yakap at ang mainit niyang hininga sa aking tainga.
“Sinabi ko sa ‘yo, ‘wag mo ako masyadong ipaglaban pero patuloy mo pa rin akong ipinaglalaban…” Tumigil siya sa pagsalita at naramdaman ko ang malalim na pagbunga ng mainit niyang hininga sa aking tainga. “…ngayon, tuluyan na akong nahulog sa ‘yo. Anong gagawin ko na ngayon?”
NATIGALGAL ako sa aking narinig. Ano? Anong sinasegundo
“…ngayon, tuluyan na akong nahulog sa ‘yo. Anong gagawin ko na ngayon?”
Totoo bang lahat ng ito?
“Ginawa ko ang lahat. Pinigilan ko hangga't maaari…pinilit kong pigilan ang sarili ko,” seryosong saad ni Joaquin.
Naramdaman ko ang pag-alis ng mga yakap niya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.
“Iyon ang sinasabi ng isip ko ngunit hindi magawa ng puso ko. Kahit anong gawin ko trinatraydor ako ng aking puso. Pilitin ko man pigilan mas lalo akong nahuhulog sa ‘yo. Natatakot ako na baka masaktan ko ang malapit sa ‘yo dahil minahal kita. Sinubukan kong layuan ka, ginawa ko ang lahat kahit alam kong mahirap ngunit hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Alam kong mali pero anong gagawin ko?” naguguluhan niyang tanong sa akin. Tinitigan niya ako sa aking mga mata nang ilang sandali. “Alam kong mali pero hindi ko kayang pigilan ang sinisigaw ng puso ko. Kaya kahit mali ipagpapatuloy ko dahil mahal kita. Walang nagbago. Noon pa man hanggang ngayon.”
Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi niya. Ang lahat ng agam-agam na nararamdaman ko kung susuklian niya ba ang nararamdaman ko sa oras na sabihin ko ang aking tunay na nararamdaman ay nasagot ng lahat. Mahal niya ako.
“Helena, alam kong maraming nagbago sa atin. Hindi ko maipapangako na maibibigay ko ang karangyaan at kaginhawaan na meron ka ngayon lalo na sa sitwasyon ko at ng aking pamilya. Ngunit isa lang ang maipapangako ko sa ‘yo, sa iyo lang ang puso ko. Ikaw lang ang babaeng iibigin ko,” pag-aamin niya.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam ang gagawin ko matapos ng lahat ng kanyang sinabi. Gusto kong magsalita pero blangko ang aking isipan.
“Joaquin…” sambit ko sa kanyang pangalan.
“Helena,” tawag niya sa akin na halos nangungusap ang kanyang mga mata.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Wala akong masabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko,” saad ko na parang batang nagsusumbong ang tono at unti-unting bumuhos ang luha sa aking mukha.
Napatawa siya nang mahina at pinunasan ang luha sa aking mukha. “Wala kang kailagang sabihin. Alam ko na ang nararamdaman mo sa akin kaya tahan na,” alo niya sa akin at pinunasan muli ang mga luhang umaagos sa aking mukha ngunit patuloy pa rin ito sa pagbuhos.
“Tahan na, Helena,” awat niya sa akin.
“Gusto kong tumigil pero ayaw huminto sa pagbuhos ng mga luha ko,” wika ko.
“Bakit ka ba umiiyak? Hindi ba’t dapat kang matuwa imbes na umiiyak na tila nagluluksa?” aniya.
Hinampas ko siya sa kanyang dibdib dahil sa kanyang sinabi. “Sira! Tears of joy ‘yan! Anong nagluluksa ka d’yan?” nakabusangot kong saad sabay punas ng luha sa aking mukha.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga at saka ngumiti. “Okay, kunwari naintindihan ko ang iyong sinabi.”
“Nang-aasar ka ba?” inis kong tanong.
“Hindi naman ako nang-aasar. Bakit naman kita aasarin?” inosenteng tanong niya.
Tinignan ko siya nang masama sabay bulong. “Pasalamat ka, mahal kita.” Sabay tingin sa ibang direksyon.
“Mahal din kita,” bulong niya sa akin dahilan para mapalingon ako sa kanya at sa hindi inaasahan nagtagpo ang aming mga labi. Nanlaki ang aking mga mata sa nangyari. Ilang segundo kaming nagkatitigan at nasa gano’ng posisyon nang matauhan ako at mabilis na lumayo sa kanya.
“Aalis na ako,” natataranta kong sabi at mabilis na naglakad papalayo sa kanya ngunit bigla akong napahinto nang makita ko ang bitbit ko. Shit! Napapikit ako ng aking mga mata at mabilis na bumalik kay Joaquin.
“Mag-iingat ka sa iyong pag-uwi.” Sabay abot sa kanya ng pinabalot kong pagkain para sa pamilya niya. Dali-dali akong tumalikod sa kanya at naglakad nang matulin papalayo sa kanya. Narinig ko pa ang mangilang ulit na pagtawag niya sa akin ngunit hindi na ako lumingon sa kanya, sobrang nag-iinit na ang aking mukha dahil sa mga nangyari ngunit may naramdaman akong biglang paghablot sa aking pulsuhan.
“Helena,” tawag niya sa akin sa pagitan ng kanyang paghinga.
“Naman! Bakit mo pa ako sinundan? Hindi mo ba pansin na sobrang nahihiya na ako?” mahina kong bulong sa aking sarili. Kahit nahihiya ay lumingon ako sa kanya nang may ngiti sa aking mukha.
“Bakit, Joaquin?” nagmamaang-maangan kong tanong.
“Kanina pa kita tinatawag bakit hindi ka lumilingon sa akin?” tanong niya na hinahabol pa rin ang kanyang paghinga.
“A, kasi nagmamadali na akong umuwi?” pagdadahilan ko sa kanya. Shit! Ano ‘yon, Helen? Bakit patanong ang tono mo? Ano ka ba naman? Gusto ko ng mawala sa harap niya nahihiya na ako ng sobra.
Humugot siya nang malalim na paghinga bago nagsalita. “Kung gano’n, hindi ka kaagad niyan makakauwi,” aniya.
“Ha?” napakunot-noo kong tanong.
“Kanina pa kita tinatawag para sabihin sa ‘yo na mali ang daan na tinatahak mo. Hindi ito ang daan pabalik ng plaza kun’di sa kabilang banda,” paliwanag niya.
“A-aa, sabi ko nga doon,” pagpapanggap kong sabi at akmang maglalakad na patungo sa itinuro niya pero mabilis niyang hinila ang aking kamay.
“Ihahatid na kita,” saad niya. “Baka maligaw ka pa.” Sabay harap sa akin na may ngiti sa kanyang labi.
Hindi ko nagawang makaimik. Hinila niya ng banayad ang aking kamay, signal na magsisimula na kaming maglakad. Wala akong imik na sinundan siya as he lead the way. Habang sinusundan ko ang kanyang paglakad ay natatanaw ko ang kanyang malapad na likod kahit na suot niya lamang ay lumang kamisa ay bakat na bakat ang define figure niya na parang naggi-gym. Tinignan ko ang kanyang kamay na lumalabas ang mga ugat dahil sa maghapong trabaho na ngayon ay hawak-hawak ang aking kamay. Ramdam ko ang kalyo sa kanyang kamay na tumutusok ang kagaspangan sa kanyang kamay. Maliban sa pisikal na kaanyuan niya ay may busilak siyang puso at maginoo pa. Indeed, the whole shebang. It's no surprise Helena fell for him in the same way as I did. He's the kind of guy that everybody wants to get.

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    PinaChery

    nice

    4d

      0
  • avatar
    GalichaRea

    excellent

    22/07

      0
  • avatar
    SyuhadaAnis

    good ii

    22/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata