logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata Three

KINABUKASAN tulad ng sinabi ko kay Joaquin ay nakipagkita ako sa kanya para i-check ang kalagayan niya pati na ang kanyang mga sugat. Araw-araw ay pumupunta ako ng bayan para lang mai-check siya at makasama na rin siya kahit saglit. Kapag kasama ko siya hindi ko ramdam na na-stock ako sa panahon na hindi ko alam kasi napagkuk’wentuhan namin ang mga bagay na nangyari sa kanya sa panahon ko. Mga karanasan niya roon at maging mga natutunan niya roon. Masaya kaming napag-uusapan iyon sa mga nagdaang mga araw. The more na nakakasama ko siya the more din na nako-confirm ko kung anong mali sa akin.
“Aalis ka na naman, Helena?” tanong ni Doña Celestina.
“Opo, Ina,” maikli kong sagot.
“Napapadalas ata ang pag-alis mo, anak. Dahil ba ito sa iyong ama?” tanong niya.
Hindi na lang ako umimik at mabilis na akong nagpaalam. “Sige po, aalis na po ako.” At mabilis akong sumakay sa kalesa. Patawad Helena kung nababastos ko na magulang mo pero hindi ko lang matanggap na gano’n ang gagawin nila sa pamilya ni Joaquin. Si Doña Celestina na nanatiling pipi sa maling asal ni Don Raul at si Don Raul na pinatigas ng paniniwala niya. Hanggang ngayon hindi ko magawang maintindihan silang dalawa. Kaibigan ba talaga ang tingin nila sa isa’t isa o nagpapanggap din ba sina Don Raul at Doña Celestina na mabuting tao kahit na tulad sila ni Don Emilio? Pero nakita kung gaano kahalaga at kamahal ni Don Raul si Helena and that makes me feel even worse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa sobra na namang katanungan sa aking isipan.
“Hindi pa rin ba humuhupa ang iyong tampo sa iyong mga magulang, Binibini?” tanong ni Mang Vicente dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Hindi ako umimik at napatingin na lang sa labas ng bintana ng kalesa.
“Walang maidudulot ang pagtatampo, Binibini, kun’di mas malalim na hindi pagkakaintindihan,” aniya.
Nanatili lang akong walang imik. Ayaw ko makipagtalo sa kahit na kanino man ang gusto ko lang ay makita si Joaquin kaya ire-reserve ko energy ko sa kanya. Siya lang ang gusto kong paglaanan ng atensyon ko ngayon. Sa kanya lang ako nakakakuha ng relaxation. A cure for my stress.
“Mang Vicente, maaari niyo po bang bilisan ang pagpapatakbo?"
"Nagmamadali ka ba, Binibini?” tanong ni Mang Vicente.
“Pakibilisan niyo na lang po. Ayaw ko ng pinaghihintay siya…” At ipinikit ko ang aking mga mata habang inaalala ang kanyang mukha hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
“Binibining Helena.”
Napadilat ako ng aking mga mata nang marinig ko ang mangilang ulit na pagtawag sa aking pangalan. Inangat ko ang aking ulo at ikinurap ang aking mga mata para magising ang aking inaantok na diwa at mabibigat kong mga mata.
“Narito na po tayo, Binibini,” wika ni Mang Vicente.
“Nakatulog pala ako,” ani ko sabay inat ng aking mga braso.
“Sarap nga po ng tulog niyo. Mukhang maganda ang inyong panaginip at nangiti pa kayo habang natutulog,” nakangiting saad ni Mang Vicente. Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi.
“Ngumingiti po ako?” bulalas kong tanong.
“Opo. Daig niyo pa ang dalagang nakita ang kanyang irog sa tamis ng iyong ngiti kanina,” pagbibirong saad niya.
“Naku, Mang Vicente, magbiro na lamang kayo sa taong lasing ‘wag lamang sa bagong gising,” sabi ko at mabilis na bumaba ng kalesa.
Napatawa nang malakas si Mang Vicente. “Iyon ang totoo at hindi ko magagawang magbiro sa dalagang umiibig.”
“Mang Vicente! Kung ano-ano ang lumalabas sa inyong inyong bibig,” bulalas kong wika sabay talikod sa kanya dahilan para mas tumawa ito.
“Naku binibini, kahit na inyong ipagkaila ako’y dumaan din sa gan’yan,” masayang saad niya.
Lumingon ako sa kanya na may seryosong mukha. “Pinagdaanan niyo rin po ang pagiging dalaga?” pamimilosopong bawi ko sa kanya.
“Naku, mukhang nahawaan ka na ng kapilyahan ni Binibining Teresa!” hagalpak niya ng tawa.
“Sabi niyo po kasi pinagdaanan niyo rin ang pinagdadaanan ng dalaga kaya po buong pag-aakala ko ay nagdalaga rin po kayo,” pagrarason ko na may halong pagmamaang-maangan.
“Ibig kong sabihin— ”
“Bahala ka po r’yan, Mang Vicente. Maiwan ko na po kayo ng makapag-isip ka po baka nagkakamali ka po ng pinagdaraan,” malokong saad. Akmang magsasalita pa siya ngunit hindi ko na siya pinansin at naglakad na papalayo.
“Kung ano-ano ang mga sinasabi ni Mang Vicente. Hindi na nga ako matutulog kinakabahan ako sa mga naiisip niya.”
Habang naglalakad ako papunta sa tagpuan namin ni Joaquin, sa di-kalayuan pa lamang ay tanaw ko na siya na nakaupo sa isang malaking bato habang pinapaypay ang kanyang salakot. Mukhang kakapahinganito pa lang. Gumuhit ang tuwa sa aking mga labi.
“Joaquin!” sigaw ko sa kanya habang kumakaway.
Nagsitinginan ang mga tao sa akin dahil sa aking pagsigaw ngunit wala akong pakialam sa kanila at dali-dali akong naglakad papunta sa kanya at sinalubong niya ako sa kalagitnaan ng aming distansya.
“Wala ka bang pinagkakaabalahan? Araw-araw mo akong pinupuntahan,” bungad niyang wika sa akin.
“Wala, kaya mababantayan ko kung sino man ang may kagagawan ng pambu-bully sa iyo,” tugon ko.
“Ayan ka na naman, gumagamit ka na naman ng salitang hindi ko naiintindihan,” kunot-noong sabi niya.
Napatawa lang ako sa kanyang naging reaksyon. Ang sarap niya talagang pagmasdan kapag gumagawa siya ng mga gan’yang reaksyon.
“Ang ibig sabihin noon ay nang-aaway o gumagawa ng masama,” paliwanag ko sa kanya.
“Iyon pala ang ibig sabihin noon. May bago na naman akong natutunan sa iyo,” nakangiti niyang saad.
“Tara, kain tayo! Alam kong gutom ka na,” aya ko sa kanya sabay hila sa kanya papunta sa isang kainan.
Lahat ng mga taong naroon ay napalingon sa amin ng pagpasok namin sa kainan. Mga tinging tsismis lang ang dala at paninira sa akin o kaya lalo na kay Joaquin. Hindi ko sila pinansin at dumiretso sa bakanteng mesa at nagtawag ng waitress.
“Magandang hapon, binibini at ginoo. Ano po ang nais niyong ipaghain sainyo?” tanong ng dalagita sa amin.
“Dalawang platong paella negra, tinapay at quesillo,” ani ko.
“May iba pa po ba kayong nais, ginoo’t binibini?” magalang niya ng tanong.
“Ipagbalot mo rin ako ng pochero at pipian saka anim na balot ng kanin.” Dagdag kong sabi.
“Iyon lamang po ba?” paninigurong tanong niya. Tumango lang ako kung kaya umalis na ito sa aming harapan at nagtungo na sa kusina.
“Ang dami naman ata ng iyong nais kainin. Makakaya mo kayang maubos ang lahat ng pagkaing iyon?” tanong ni Joaquin.
“Sinong may sabi na lahat ng iyon ay kakainin ko?”
“Kung hindi ikaw, sino?” nalilito niyang tanong.
“Iuwi mo ang iba sa iyong pamilya,” nakangiti kong saad.
“Ngunit Helena, labis-labis na ang iyong ginagawa. Isang kalabisan na ang abusin ang iyong kabaitan sa akin,” mariin niyang saad.
“Kalabisan?” napataas kong kilay na tanong. “Tanungin nga kita, inaabuso mo ba ako?”
“Hin— ”
“Iyon naman pala hindi. So, ‘wag ka ng mahiya o mag-isip ng kung ano pa man dahil hindi mo ako inaabuso kusang loob kong ginagawa ito sa ‘yo,” pagliliwanag ko sa kanya.
“Ngunit…
“Wala ng ngunit-ngunit o kahit pero-pero. Kagustuhan ko ito, the end!” pagtatapos ko ng aming diskusyon.
Ngunit may mga mata at bulong-bulungan ang nakaagaw ng aking atensyon.
“Hindi ba’t si Señorito Joaquin ‘yan?”
“Anong señoritong pinagsasabi mo? Taksil ang kanyang ama kaya hindi siya karapat-dapat tawaging señorito!”
“Anong ginagawa niya at kasama niya si Binibining Helena?”
“May namamagitan ba sa kanilang dalawa?”
“Baka nakikipagmabutihan lang kay Binibining Helena.”
“Anong nakikipagmabutihan? Baka kamo may masama ‘yang binabalak kung kaya’t nakikipagmabutihan sa binibni tulad ng ginawa ng kanyang ama sa gobernador-heneral.”
“Sabagay kung ano ang puno siya rin ang bunga.”
Napakuyom ako ng kamao at handa ng bigwasan ang mga makakati at mapagparatang na mga bibig ng mga tsismoso’t tsimosa na naroon ngunit mabilis akong pinigilan ni Joaquin.
“Hayaan mo na sila, Helena,” nakangiting saad ni Joaquin.
“Paanong hahayaan? Sinisiraan ka nila ni hindi naman nila alam ang tunay na nangyayari!” gigil kong sabi.
“Hayaan mo sila. Mga salita lamang ‘yan at hindi nila ako magagawang saktan.”
“Hindi magagawang saktan? Hindi mo ba alam na sinisira nila ang mental at emotional state mo? Anong hindi ka sinasaktan?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
“Hindi naman totoo ang mga sinasabi nila kaya bakit ako magpapaapekto?” tanong niya na tila relax na relax lang sa nangyayari samantalang ako triggered ng saktan silang lahat.
“Pero paninirang puri ang ginagawa nila sa ‘yo, sainyo!” mariin kong sabi.
“May natitira pa ba kaming puri?” tanong niya.
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya hanggang sa inilapag na sa aming harapan ang pagkaing in-order ko.
“Hayaan mo na sila. Kumain na tayo habang mainit pa ang pagkain,” aniya at iniabot sa akin ang kubyertos saka ngumiti.
Hindi na ako nakaimik at tahimik na lang kumain. Pinagmasdan ko siya habang kumakain at patuloy na naririnig ang mga usap-usapan ng mga mapanirang tao sa aming paligid. I felt disappointed sa kapwa ko Pilipino. Bakit nagagawa nilang pag-usapan ang kapwa nila Pilipino pero sa mga dayuhang Espanyol tikom ang kanilang mga bibig? Dapat doon nila ginamit ang mga mapanlait nilang mga salita para ipaglaban ang kanilang mga sarili pero ano ang ginagawa nila? Hinahayaan lang nila na mamatay ang kapwa nila Pilipino dahil sa takot na sila rin ay maparusahan o mapatay. I know hindi lang Pilipino nonetheless, they shouldn’t add fuel to the fire. Masyado lang silang nakakasira ng tao sa mga ginagawa nila. Sana kung wala naman sila matinong masasabi manahimik na lamang sila. Iwas pa sila na makapanakit ng damdamin ng tao o kaya makagawa ng gulo. Napabuntong-hininga na lamang ako nang malalim bago ko tuluyang kinain ang pagkain sa aking harapan. Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa pagkain ngunit hindi ako tinatantanan ng aking isipan na walang ibang ginawa kun’di magtanong.

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    PinaChery

    nice

    4d

      0
  • avatar
    GalichaRea

    excellent

    22/07

      0
  • avatar
    SyuhadaAnis

    good ii

    22/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata