logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata Two

Naningkit ang aking mga mata at hindi ko napigilan ang aking sarili at mabilis na binubot ang baril sa kanyang beywang that made him caught off guard. Sabay tutok ng baril sa kanyang mukha.
“Mukhang hindi mo alam ang iyong sinasabi.” At kinalabit ang gatilyo ng baril. “Hindi mo ata kilala ang iyong kaharap, Lito,” napangisi ako at inilapit ang aking mukha sa kanya. “Mukhang hindi ka natitinag sa aking babala kanina. Dahil ba sa babae lang ako at walang magagawa? Sa tingin mo ba isa lamang akong mahinang babae tulad ng mga kababaihan na pinagbuhuhatan niyo ng kamay at hindi magawang lumaban. Well, let me tell you this airheaded idiot, I'm not one of them.” At idinikit ang dulo ng baril sa kanyang dibdib.
“Isang kapahangasan ang iyong ginagawa kung iyong nalalaman, Binibining Helena. At maaaring iparating ko sa nakakataas ang inyong ginagawa sa akin,” wika niya na may pagbabanta.
“Pinagbabantaan mo ba ako?” tanong ko sa kanya.
“Sa tingin niyo, sinong babae ang may alam kung paano kung gumamit ng baril? Maliban na lamang kung isa siya sa mga rebeldeng naghihimagsik sa pamahalaan ng España.” At tinignan niya ako nang may ngisi at walang takot. “At maaaring sabihin ko na isa ka roon, Binibining Helena. Tulad ng nangyari sa Pamilyang Perez maari kong gawin sainyo ang ginawa sa kanila.”
Inalayo ko ang aking mukha sa kanya at humalakhak ng malakas. At bigla kong inilipit ang aking mukha sa kanya sabay tutok ng baril sa kanyang sintido. “Mukhang hindi mo pa rin naiintindihan ang aking sinasabi. Gusto mo ata makilala kung sino ang babaeng nasa iyong harapan!” mariing kong sabi at biglang kinalabit ang gatilyo ng baril na siyang ikinabigla niya.
At inilayo ang sarili ko sa kanya. “Opps! Nagulat ka ba?” tanong ko sa kanya at pinakita ang isang bala na ihinulog ko sa lupa.
“Maling-mali ang iyong ginawa, Binibining Helena. Pinapili kita pero ikaw ang nagtulak sa akin na magdala sa ‘yo ng hirap.” Tahasan niyang saad.
Tumawa ako at hinarap ito na may matatalim na tingin. “Makitid talaga ang iyong utak at hindi mo maintindihan ang sitwasyon na kinahaharap mo ngayon.”
“Ikaw ang hindi nakakaintindi, Binibini.” Bigla itong ngumisi at sumigaw ng, “Rebelde!”
At sa isang iglap isang malakas na putok ang umalingawngaw sa mansyon ng Montecielo at malakas na sigaw ng pangahas na Guardia Civil.
“You leave me with no choice,” I said coldly, glaring at him as he writhed in agony. “Sinabi ko na sa ‘yo hindi mo pa ako kilala ngunit hindi ka natitinag. Sa tingin ko sapat na ito para matauhan ka sa malaki mong ulo.” At tinignan ang isa pang Guardia Civil na kanina kausap niya. Kita ko ang takot sa kanyang mata.
“Sino ka? Isa bang espiya?” namimilit sa sakit na tanong niya.
Ngumisi ako. “Anong espiyang pinagsasabi mo? Ako si Helena Montecielo! Tandaan mo ang pangalan na ‘yan!”
“Anong nangyayari?” rinig kong sigaw ni Don Raul at mabilis na tumungo sa amin at gulat sa kanyang nakita.
“Mahabaging Panginoon! Anong nangyari, anak?” gulat at natatarantang tanong ni Doña Celestina nang makita niya ang dugong kumalat sa lupa.
Tinignan ako ni Don Raul at nakita niya ang baril sa aking kamay.
“Helena, ipaliwanag mo itong nangyari?” demand na wika ni Don Raul.
Itinuro ko gamit ang baril ang nakahandusay sa lupa at namimilipit sa sakit ang Guardia Civil. “Isang pangahas na Guardia Civil ang nakapasok po sa ating pamamahay ama. At siya po ang pangahas na iyon, liban sa kanyang kapahangasan ay minamaliit niya po ang inyong tapang ama. Ipinagmamalaki niya pa po na mas nakakaangat siya ng katayuan sa Pamilyang Perez at siya'y tumanggap ng bayad para pagmalupitan si Joaquin,” paliwanag ko. “Kung kaya ipinakita ko lamang po sa kanya kung anong maidudulot ng lumalaki niyang ulo.” Dagdag ko.
“Ikaw ba ang may gawa niya sa kanya, Helena?” seryosong tanong ni Don Raul.
“Opo.” Walang kagatol-gatol kong sagot.
“Malalaman ito ng nakakataas! Malalaman nila na ang nag-iisang anak na babae ng gobernadorcillo ay isang rebelde at espiya!” sigaw niya.
“Mukhang hindi pa sapat na magising ka sa iyong kahibangan,” malamig na saad ko at mabilis na itinutok ang baril sa kanya. “May isa pang bala na natitira at sa susunod na magsalita ka sa bungo mo na ito tatama,” nagbabanta kong saad.
“Pagbabayaran mo ito!” matigas na saad niya. “Malalaman ito ng nakakataas!” sigaw niya.
Akmang magsasalita sana ako nang sumigaw si Don Raul. “Mga guwardiya!” At mga yabag ang aking narinig sa isang iglap ay may apat na Guardia Civil ang dumating. “Dakpin ang pangahas na ito! Parusahan hanggang sa hindi natuto!” maawtoridad na utos ni Don Raul.
Mabilis na dinampot ng mga Guardia Civil si Lito at itinayo.
“Pagbabayaran niyo ang ginawa niyong ito!” mapangahas pa rin niyang sigaw. At isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha galing kay Don Raul na aking ikinabigla.
“Ikaw ang magbabayad sa kapahangasan mo sa aking pamilya at pagbigay dungis sa kamay ng aking anak. Paparusahan ka hanggang sa huling hininga mo,” galit na saad ni Don Raul. “Alisin niyo sa aking harapan ang lapastangang ‘yan! Gawin niyo ang kaukulang kaparusahan para sa kanya!” sigaw ni Don Raul at mabilis na kinaladkad papalayo sa amin ang pangahas na Guardia Civil.
Napalingon si Don Raul kay Sandro. “Ikaw, isa ka rin ba?”
Mabilis itong umiling at iwinagayway ang kanyang mga kamay na pahayag ng mariing pagtutol. “Hindi po, Don Raul. Hindi ko po magagawang kayo'y kalabanin,” natatakot na sagot niya.
“Totoo ba ang kanyang sinasabi, Helena?” tanong niya sa akin na hindi inaalis ang tingin kay Sandro.
“Opo, Ama,” tugon ko.
“Maari ka ng makaalis at ipagpatuloy ang iyong katapatan sa aking pamilya kung ayaw mo matulad sa iyong kasamahan.”
“Opo! Masusunod po!” mabilis na sagot niya at mabilis na naglakad ngunit pinigilan ito ni Don Raul.
“Sandali!”
“Bakit po, Don Raul?” natatakot na tanong ni Sandro.
Humarap sa akin si Don Raul na hindi pa rin nagbabago ang reaksyon sa kanyang mukha at kinuha ang baril sa aking kamay at inabot ito kay Sandro.
“Dalhin mo na rin ito sa iyong pag-alis,” aniya.
“Masusunod po.” At kinuha ang baril sa kamay ni Don Rail. “Mauuna na po ako.”
Hindi umimik si Don Raul at bigla siyang humarap sa akin na may matigas pa rin na mukha. “Sumunod ka sa akin!” matigas na saad niya sabay lakad papasok ng bahay. Lahat ng tapang ko kanina ay tuluyan ng nawala at napalitan ng takot habang pinagmamasdan ang likod ni Don Raul papalayo.
“Shit! Ano ‘tong ginawa ko? Is this my end?” mahina kong usal.
“Helena…” narinig ko ang pagtawag sa akin ni Doña Celestina. “Halina,” mahinahon niyang sambit at inalalayan akong maglakad papasok ng bahay.
Huminga ako nang malalim ng makita ko si Don Raul na nakatayo sa salas.
“Ama…” mahina kong sambit.
Humarap ito at mabilis na lumapit sa akin dahilan para mapapikit ako sa sobrang takot ngunit nabigla ako nang maramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Don Raul. Iminulat ko ang aking mga mata at napatingin sa kanya.
“Ayos ka lang ba anak? Hindi ka ba nasaktan?” nag-aalalang sunod-sunod na tanong niya.
“Ayos lang po ako, Ama,” sagot ko na wala sa huwisyo.
“Sigurado ka ba?” paninigurong tanong niya at tinignan ako kung may galos ba ako.
“Opo, Ama. Ayos lang po ako kung pinag-alala ko po kayo ni ina,” wika ko.
Narinig ko ang paghinga ni Don Raul. “Mabuti naman.”
Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko nang sandaling iyon pero doon ko na-realize kung gaano kamahal ni Don Raul si Helena. I was deeply sorry for what I had done to him, but my subconscious kept debating with me that his attitude was still incorrect.

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    PinaChery

    nice

    5d

      0
  • avatar
    GalichaRea

    excellent

    22/07

      0
  • avatar
    SyuhadaAnis

    good ii

    22/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata