logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Su Desaparición y Su Regreso(Ang Pagkawala at Pagbabalik)

Su Desaparición y Su Regreso(Ang Pagkawala at Pagbabalik)

SleepyGrey


Kabanata One

“ANONG ibig mong sabihin?” tanong ni Joaquin na medyo naguluhan sa aking sinabi.
Natauhan ako bigla ng mag-sink sa aking katinuan ang sinabi ko.
“Gosh!” bulalas ko at mabilis na inalis ang kamay ni Joaquin sa aking beywang nang hindi nag-iisip dahilan para mapaupo na akong tuluyan sa lupa.
“Helena!” bulalas niyang tawag sa akin at akmang tutulungan ako ngunit mabilis akong tumayo kahit na nakirot ang aking pwet dahil sa aking pagkakabagsak.
“Ayos ka lang ba, Helena?” nag-aalala tanong ni Joaquin.
“Oo, ayos lang ako,” pagsisinungaling kong sagot habang pinapagpag ang saya ko at maiiwas ko ang tingin sa kanya. Sobrang kinakain na ako ng kahihiyan. Pagminamalas ka nga naman talagang sunod-sunod.
“Helena,” tawag niya sa akin dahilan para mapalingon ako sa kanya.
“Bakit?”
“Ano ba ang iyong ibig sabihin kanina?” seryosong tanong niya.
“Ah, wala ‘yon. Huwag mo na lang iyon intindihin may mga kung ano-ano lang talagang lumalabas sa bunganga ko paminsan-minsan,” mabilis kong pagdadahilan sa kanya na animo'y parang nagra-rap.
Pinagmasdan niya lang ako na tila binabasa ang laman ng aking isipan kung kaya’t mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanyang mga tingin. Sobrang naiilang ako lalo na sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Hindi p’wede ‘to. Hindi p’wede na maghinala siya sa mga ikinikilos ko kung kaya mabilis kong inayos ang sarili ko at muli siyang hinarap nang may ngiti.
“Sige, mauna na ako kita na lang tayo bukas,” mabilis kong paalam at dali-daling naglakad ngunit naramdaman ko ang paghawak ng kamay niya para pigilan ako.
“Bukas? Bakit tayo magkikita bukas?” naguguluhan niyang tanong.
Hindi ako nagpahalata sa kanya at huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Kasi gusto ko lang masiguro na hindi na ‘yan madaragdagan sugat mo kun’di lagot talaga may gawa niyan sa ‘yo sa akin!” lakas loob kong sabi sabay pamaywang dahilan para maalis ang pagkakahawak niya sa aking kamay. “Kaya mauna na ako nang makapagpahinga na ako at may lakas ng katawan para bugbugin din ang may kagagawan niyan sa ‘yo.” Tapang-tapangan kong sabi at mabilis na naglakad papalayo sa kanya. “Paalam! Mag-iingat ka sa pag-uwi!” ani ko ng makalayo na sakan’ya habang kumakaway. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tinalikuran ko na siya ng mabilis.
“Shit! What are you doing, Helen? Have you lose your nuts? Why did you do that?” singhal ko sa aking isipan. Sobrang nakakahiya ang nangyari sa araw na ito. Gusto ko ng umuwi kung kaya’t mabilis akong nagtungo sa plaza kung saan naroon nakaparada ang kalesa.
“Tara na po, Mang Vicente. Uwi na po tayo. Malapit na rin po magdilim,” saad ko na parang walang kahihiyan na nangyari kani-kanina lamang.
Hindi na umimik si Mang Vicente at tahimik na pinatakbo ang kalesa. Unti-unti kong naramdaman ang ihip ng hangin nang magsimula ng maglakad ang kabayo. Nakaka-refresh talaga ang ganito ng ambiance lalo na kung stress na stress ka sa trabaho this is a perfect way of relaxation. Ipinikit ko ang aking mga mata at nilanghap ang sariwang hangin papasok sa aking katawan.
“Sarap talaga!” napabunga kong sabi sabay pangalumbaba sa bintana ng kalesa at pinagmasdan ang luntiang kapaligiran. Habang nag-e-enjoy ako sa pagmamasid ay biglang lumitaw ang mga katanungan sa aking utak. Sino ang may gawa noon kay Joaquin? Bakit iyon ginagawa sa kanya? Kung Guardia Civil ang may kagagawan niya anong dahilan nila para pagmalupitan si Joaquin kung wala siyang nagawang mali? Binu-bully ba nila si Joaquin dahil sa mahirap na ito?
“Pero hindi, ambabaw naman kung ‘yon lang ang rason,” mahina kong usal. Nag-isip pa ako ng maaaring maging dahilan hindi kasi p’wede na mangyayari ang lahat ng iyon kay Joaquin ng walang rason. Lahat ng bagay may rason. Mabuti man o masama. Ilang segundo pang pinagana ko ang aking utak hanggang sa mag-conclude ako sa,
“Hindi kaya may taong nasa likod ng pagpapasakit kay Joaquin?” bulalas kong tanong sa aking isipan. Maaaring gano’n nga ang nangyari. Maaaring inutusan lamang ang mga Guardia Civil para hindi siya paghinalaan o kaya marumihan ang mga kamay niya pero sino ang maaring gumawa noon kay Joaquin? Sino ang may galit kay Joaquin? Pinilit kong mag-isip pa pero I just let out a deep sigh. Hindi ko pa nga pala gaanong kilala si Joaquin lalo na ang mga taong nakapaligid sa kanya maliban kay Don Emilio na may inggit sa pamilya nila.
“Sino pa ba maliban kay Don Emilio?” bulong kong tanong.
“Paanong ako iyong nagawang kalimutan? Magkababata tayo...pati ni Joaquin.”
Nanariwa sa aking isipan ang mga tinging iyon ni Mateo. Hindi ako maaaring magkamali. Tingin iyon nang may tinatagong sama ng loob. Pero bakit niya ipapabugbog si Joaquin? Ano ang ikinagagalit niya kay Joaquin?
Napaayos ako ng upo at tinignan si Mang Vicente. Baka may nalalaman siya tungkol kina Joaquin at Mateo.
“Mang Vicente, maaari po bang magtanong?”
“Sige po, Binibini. Ano po ba ang iyong tanong?” tugon ni Mang Vicente.
“Ilang taon na po ba kayong naglilingkod sa aming pamilya?” panimulang tanong ko.
“Naku, Binibini, matagal na rin po. Hindi pa po kayo ipinapanganak nang magsimula po akong maglingkod sainyong mga magulang,” sagot niya.
“Kung gayon po nasaksihan niyo ang aking paglaki?”
“Aba, opo binibini. Maging ang pagkakaibigang nabuo sainyo nina Señorito Joaquin at Señorito Mateo ay akin ring nasaksihan,” buong galak niyang sabi.
“Talaga po? Maari niyo po bang ik’wento kung anong klaseng pagkakaibigan ang meron po sa amin noon?”
Napalingon si Mang Vicente sa aking kinauupuan at may ngiti sa kanyang mga labi. “Mukhang nais niyong balikan ang iyong kabataan binibini. Malugod kong ilalahad sainyo ang aking nalalaman,” masayang saad niya sabay balik ng tingin sa daan.
“Bata pa lamang po kayo ay sadyang napakatalino niyo ng bata. Walang bagay ang nakakaligtas sainyong pagiging maurirat. Mapagtuklas ka kahit noong bata ka pa lamang dahilan para lagi kayo magkaroon ng bangayan nina Señorito Joaquin at Señorito Mateo noong kayo’y bata pa lamang. Hindi nila matanggap na isang batang babae ang papantay sa kanilang kaalaman. Kung kaya’t pinagsikapan ng dalawang matalik na magkaibigan ang mas pag-igihin ang kanilang pag-aaral para lamang hindi mapahiya saiyo ngunit labis ang inyong itinatagong husay at ni hindi nila ito magawang lampasan. At gaya ng inyong mga magulang ay naging magkaibigan kayong tatlo,” masayang paglalahad ni Mang Vicente.
Napatawa ako nang marinig ang k’wento ni Mang Vicente. So na-intimidate sila kay Helena ng bata pa lang sila dahil natatalbugan sila sa talino kaya team revenge sila kay Helena pero bigo pa rin.
“Nakakatawa hindi ba, Binibini? Kung paano sila nagsumikap pero ni hindi ka pa rin nila magawang tumbasan?”
“Oo nga po,” natatawa kong tugon. “Pero kung matalik na magkaibigan sina Joaquin at Mateo bakit noong aking kaarawan ay may kakaiba sa kanilang dalawa? Parang hindi ko maramdaman na magkaibigan ang turing nila sa isa’t isa? Nagkaroon po ba sila ng hindi pagkakaunawaan?” segwey kong tanong. Kailangan kong malaman kung may hindi ba sila pagkakaunawaan.
Narinig ko ang biglang pagbuntong-hininga ni Mang Vicente. “Gano’n po ba? Hindi ko po alam, Binibini, pero hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagbabago sa kanilang pagkakaibigan. Bigla na lang nagbago ang lahat bago umalis si Señorito Mateo at pakatapos maparatangan ang pamilya ni Señorito Joaquin,” malungkot na saad ni Mang Vicente.
Anong nangyari sa kanila? Anong dahilan ng pagkasira ng kanilang pagkakaibigan? May nalalaman kaya si Helena sa nangyari sa kanila?
Napasarap ang usapan namin ni Mang Vicente na halos hindi ko namalayan na nakarating na kami sa mansyon.
“Maraming salamat po sa paghatid sa akin Mang Vicente,” nakangiti kong pagpapasalamat.
“Wala po iyon, Binibini. Malugod po ako na kayo'y aking pagsilbihan,” aniya sabay yuko.
“Sige po pasok na po ako,” paalam ko kay Mang Vicente.
“Sige po, Binibini.”
Papasok na ako ng bahay pero bago ako makapasok ay may narinig ako sa usap-usapan ng mga Guardia Civil.
“Mukhang tiba-tiba ka pare!” wika ng isa.
Tumawa ang isa na may galak. “Oo pare. Ang galante kasi magbigay ni Señorito Mateo.”
Napahinto ako sa aking pagmamadali nang marinig ko ang pangalan ni Mateo.
“Bakit pare, ano bang pinagawa sa ‘yo ni Señorito Mateo?” pag-uusisa noong isa Guardia Civil.
“Inutusan niya lamang ako na pahirapan si Joaquin hangga't sa gusto kong gawin at kapalit noon ang malaking halaga,” nakangisi niya ng saad.
“Bakit mo ginawa iyon, Lito? Hindi mo ba alam na mahalaga sa pamilya Montecielo ang pamilya Perez? Kapag nalaman nila ang iyong ginawa hindi sila mananahimik na hindi ka nila maparusahan,” wika ng kasamahan niyang Guardia Civil.
Napapalatak lang Guardia Civil na nagngangalang Lito. “Ano ka ba Sandro, ano ba ang dapat kung ikabahala ‘e, isang hamak lang na alipin na lang ang mga Perez maging ‘yang Joaquin na ‘yan. Maaring kilala at makapangyarihan sila noon pero ngayon hindi na kaya wala na ring pakialam sina Don Raul sa kanila dahil isang hamak na mahirap na lamang sila. Mas nakakaangat pa nga ang katayuan natin sa kanila,” pagyayabang niya ng saad.
“Hindi mo alam ang iyong sinasabi Lito.”
“Alam ko ang sinasabi ko, Sandro at wala sa akin kung ano man ang sabihin mo sa akin. Ang mahalaga ay nagawa ko ang ipinag-uutos ni Señorito Mateo at nakuha ko ang aking kabayaran,” masayang saad niya.
Hindi ako nagkamali si Mateo nga ang may kagagawan ng lahat ng iyon kay Joaquin. Napakuyom ako ng aking kamao at mabilis na naglakad papunta sa dalawang Guardia Civil at mabilis na sinampal ang nagngangalang Lito.
“Masyado atang lumalaki ang iyong ulo para sa isang tulad mo na nasa gan'yang katayuan. Anong karapatan mo para sabihin ang lahat ng iyong nasa isipan?” Galit kong singhal sa kanya.
Napapalatak si Lito na tila hindi nakaramdam ng pagbabanta sa aking salita.
“Mukhang hindi mo alam ang iyong ginagawa, Binibining Helena,” mariin niya ng saad.
Napataas ako ng kilay sa sinabi niya at napapalatak. “Mukhang hindi mo kilala ang kausap mo?” panghahamon kong saad.
Tumawa ito. “Inyong nakakalimutan ata na isang tagasunod at tagatupad ng batas sa ilalim ng pamahalaan ng España ang iyong pinagbuhatan ng kamay. Hindi niyo ata alam na maaaring kayong parusahan dahil sa inyong ginawa?” aniya na may halong pagbabanta.
“Pinagbabantaan mo ba ako?” pagtataas ng boses kong tanong.
“Mukhang hindi niyo naiintindihan ang aking sinasabi,” nakangisi niya ng saad. “Maaari kong palagpasin ang inyong ginawa kung ilulugar niyo ang sarili sa tama ngunit kung hindi ay maaaring malagay sa panganib ang inyong pamilya.” Napahalukipkip ito at tinignan ako ng makahulugan. “At maaari niyo ng makasama ang inyong iniibig.”

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    PinaChery

    nice

    5d

      0
  • avatar
    GalichaRea

    excellent

    22/07

      0
  • avatar
    SyuhadaAnis

    good ii

    22/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata