logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 1: She and her family

Napahikab ako at nag-inat matapos kong makalabas sa pintuan ng purgatoryo. Hindi naman ito literal na purgatoryo para sa mga siraulong tao na naniniwalang may purgatoryo talaga, isa lang siyang malaking IMBENTO na pinaniniwalaan ng mga makikitid ang ulo.
Mabalik tayo— ang purgatoryong tinutukoy ko ay ang kulungan. Para din itong purgatoryo kung saan nililitis ang mga makasalanan... teka, nagtataka ka ba kung bakit ko sinasabi ito gayong kasasabi ko lang na malaking imbento ang purgatoryo? Well, makitid din kasi ang ulo ko. Pero kakaiba ang purgatoryo ko at kapani-paniwala dahil nakikita ng mga mata.
"Taki."
Nilingon ko ang nagsalita at nginitian ito nang makita ang guwapo kong pinsan, si Diego.
"Kumusta naman ang masipag kong pinsan? Pagod ka na ba? Gusto mo bang patayin na kita?" sambit ko na sininghalan niya at inilabas ang wallet niya. Kumuha siya ng pera doon at iniabot sa akin.
"Hindi kita maihahatid pauwi dahil marami pa akong trabaho," anito na tinanguan ko at tinanggap iyon. Hindi mataas ang pride ko para hindi tanggapin ang pera niya. Mas gugustuhin kong tanggapin ito kaysa kalabanin siya at sabihing 'may pera rin naman ako' kahit na wala naman talaga.
Hello, kalalabas ko lang sa kulungan.
"Okay. Babye," malambing kong anas at naglakad na paalis.
"Sandali!"
Natigil ako at nilingon ito.
"Parang-awa mo na, 'wag kang gagawa ng gulo na ikababalik mo rito, dahil sawang-sawa na akong makita ang pagmumukha mo at ilista ang pangalan mo," lintana niya na tinanguan ko at sinaluduhan siya.
"Makakaasa ka."
"I'm dead serious, Taki."
"Well, technically you're not dead. You're still breathing and kicking."
"Tigilan mo nga ang pami-milosopo."
"At tigilan mo na ang pagka-usap sa akin rito. Ayaw mo naman sigurong kumalat ang chismis na may pinsan kang kriminal," nakangisi kong saad.
Umuwang ang bibig nito upang magsalita pero mukhang umurong ang dila niya at wala ng ibang nagawa kundi ang guluhin ang buhok niya.
"Basta mag-ingat ka nalang pauwi," tangi niyang hayag sa iritableng boses na tinawanan ko.
"You mean, ingat sila dahil pauwi na ako?"
"Yeah, ingat si Papa dahil babalik na naman ang taong sakit sa ulo niya," tugon nito at pumasok na sa loob, habang ako naman ay naglakad na paalis at nagtungo sa gilid ng kalsada upang maghintay ng masasakyan.
Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang paligid.
"Everything is different. What happened in the days where I was in jail?" bulong ko sa hangin habang may ngiti sa labi. Ikinaway ko ang aking kamay upang parahin ang taxi na umaandar patungo sa akin. Huminto naman ito sa harapan ko kaya binuksan ko na ang pinto nito sa backseat. Papasok na sana ako pero natigilan ako nang matanaw ang isang lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan at nakaharap sa akin, halatang pinagmamasdan ako nito, sigurado ako.
Nakasuot ito ng black suit at may hawak rin siyang briefcase sa kaniyang kanang kamay. May katangkaran siya, maganda ang pangangatawan, at maayos rin na nakasuklay paitaas ang kaniyang buhok. Kitang-kita ko kung paano tumaas ang gilid ng labi nito at sumakay sa pulang kotseng nasa harapan niya. Nagkibit-balikat na lamang ako at pumasok sa loob ng taxi. Sorry but not sorry, I don't give a damn.
Habang nasa biyahe ay wala akong ibang naiisip kundi ang madadatnan ko sa bahay. Ilang buntong-hininga na naman kaya ang bibitawan ni Dad? Anong linya nanaman kaya ang sasambitin ni Mom? Anong pangangaral ang bibigkasin ni Lolo at ni Tita Camile? Anong kaguluhan na naman kaya ang nangyayari sa bahay dahil sa mga pasaway na bata roon? At anong sermon ulit ang maririnig ko kay Tito Alf?
Ilang saglit lang ay nakarating na ako sa tapat ng gate ng bahay namin, kaya naman nagbayad na ako sa taxi driver bago lumabas. Masyado kong iniisip ang madadatnan ko rito at hindi napaglaruan ang driver na iyon, he's lucky.
Pinapasok ako ng guwardiya sa loob kaya naman nagpatuloy ako sa paglalakad... hanggang sa makapasok na ako sa loob ng bahay at agaran kong nadatnan ang dalawa kong kapatid na nagtatalo— gaya ng dati. Isang walang katapusang pagtatalo.
"...wala ka namang ibang maipagmamalaki maski 'yang mukha mo!" bulyaw ni Mason habang nakabuntot kay Miles na naglalakad pababa ng hagdan.
Huminto sa paglalakad itong si Miles at nilingon si Mason. "Idiot, we're twins," sagot nito at nagpatuloy sila sa pagbabatuhan ng masasakit na salita patungkol sa isa't isa.
Tama nga sila, hindi talaga mapagkakasundo ang mga kambal, at given na din na pareho silang abnormal.
"Hey!"
Napunta sa akin ang atensyon ng dalawa matapos kong magsalita. Unti-unting nanlaki ang mga mata ng mga ito at tumakbo pabalik sa itaas habang sumisigaw.
"MONSTER!"
"MOM! MAY NALIGAW NA DEMONYO!!!"
Natawa na lang ako sa reaksyon nila hanggang sa mapatingin ako sa harapan nang makita si Reena, pinsan ko na kapatid ni Diego. Dalagang-dalaga na ito pero para sa akin ay isa pa din siyang dakilang lampa.
Natigil ito sa paglalakad at napatingin sa aking direksyon. Nagkislapan ang mga mata nito at tumakbo palapit sa akin, pero nadapa siya. O diba? Lampa talaga. Muli itong bumangon at nagpatuloy sa paglapit sa akin na para bang walang nangyari.
"Ate Taki, mabuti naman at nakauwi ka na. Namiss kita," anito at maarte akong bineso.
"You look fine. Mind if I ruin your life?"
Dali-dali itong lumayo sa akin at ngumuso, "Ate naman!"
Tumawa na lang ako at ginulo ang kaniyang buhok hanggang sa magsidatingan na ang iba pang miyembro ng pamilya.
"Taki," usal ni Mom at naglakad palapit sa akin sabay niyakap ako. Siya lang... sa laki ng pamilya ko... ay siya lang ang naglalakas loob na yakapin ako ng ganito kahigpit. Hindi ko dama ang takot niya o pag-aalinlangang yakapin ako.
Maybe dahil magkapareho kami at naiintindihan niya ang ugali ko?
"Oh Taki, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yo. Molly, ikaw na nga ang kumausap sa kaniya." Bakas ang lungkot sa boses ni Dad habang bagsak ang balikat na nakaharap sa akin.
Binigo ko ulit siya, ang saya.
"What can I say? She loved being a villain so be it," sagot ni Mom at lumayo sa akin. Nginitian ako nito at hinaplos ang aking buhok. Sa bawat haplos niya, dama ko na para ba akong isang importante at mamahaling babasagin na ayaw niyang mabasag o magasgasan man lang.
"But she's overdoing it!" giit naman ni Tito Alf kaya napatingin ako sa direksyon niya. Isang simpleng tingin lang ang ibinigay ko pero nagtago na agad ito sa likuran ni Tita Camile na asawa niya. He's really a coward.
"Ate, may dala ka bang pasalubong?"
Napatingin ako kay Adrian na bunsong anak nina Tito Alf at Tita Camile, at tinanguan ito. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin na agaran niya namang ginawa. Kinuha ko ang kamay nito at may kinuha rin sa aking bulsa. Inilipat ko ang bagay na hawak ko sa kaniyang palad at inilayo ang aking kamay dahilan upang makita ng lahat kung ano 'yun.
"Bullshit!" malutong na sigaw ni Tito Alf at dali-dali iyong inagaw sa kamay ni Adrian habang ako naman ay natawa ng malakas.
"A middle finger again? Napaka-kuripot mo talaga," reklamo ni Adrian at tumakbo na palayo. Luckily hindi siya duwag.
"You're crazy. Millions of psychiatrist aren't enough to cure you." Napatingin naman ako kay Ike, na bunso kong kapatid subalit naglakad na siya paalis. Sa lahat, siya ang cool lang kung kumilos pero masyadong mapagmataas.
"Taki, magtungo ka na sa kwarto mo at magpahinga. Maya-maya lang ay maghahapunan na tayo, okay?" wika naman ni Lolo na tinanguan ko at naglakad na patungo sa aking kwarto.
Isinarado ko ang pinto at inilock iyon. Isinandal ko ang aking noo sa pinto at ipinikit ang aking mata hanggang sa unti-unti akong napa-upo sa malamig na sahig.
They are my family. This is my home— but I don't belong here.
Alam ko namang mahal nila ako kahit na ganiyan sila kumilos, pero hindi talaga ako nababagay rito. Hindi ako natutuwa. Wala akong kasama sa kalokohan. Sinasabayan naman ako ni Mom, pero may trabaho siyang umaagaw ng oras niya para sa akin. Alam ko, ramdam ko, gaya nila ay nakikita ko na walang patutunguhan ang ganitong buhay ko.
Niyakap ko ang aking tuhod at isinubsob ang aking mukha sa aking mga braso. Habang nasa ganoong posisyon ay kung ano-anong tumatakbo sa isipan ko na para ba akong binabangungot ng gising at hirap na hirap ako sa pag-ahon.
Sometimes the worst place I can be... is inside my own head.

Komento sa Aklat (20)

  • avatar
    reynalyn Jay

    so amazing story

    15d

      0
  • avatar
    Maria Frenchesca S. Balagso

    ❤️😘❤️😘❤️😘❤️😘

    21d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice po

    23d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata