logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Over You

Over You

icecreamaholic


Simula

"Bhest! Takte naman! Male-late na tayo, oh. Look. Jusme."
Nagdadabog na ako dito sa loob ng kwarto ni Barbie. Shet naman kasi! First day ng college life namin late agad. Ano na lang ang sasabihin ng mga professor sa akin?
"Bhest, okay lang 'yan. Wala ka ng reputasyon na pinanghahawakan," sabi niya at mas lalo pa binagalan. Leche! Anong reputasyon ang pinagsasabi nito? Wala akong reputasyon na inalagaan simula't sapul palang. Hindi lang talaga ako sanay na nale-late.
Dahil sa inis ko iniwanan ko na siya doon. Nasa iisang bahay lang kami nila Kuya Kris, Aya, Josh, at Barbie. Housemates kami, pare-parehas lang naman kasi ang pinapasukan namin. May tatlong kotseng nasa garahe. Isa sa akin, isa kay Kuya at isa kay Josh.
Isang bagong labas na kotse ang regalo sa akin nila mommy at daddy. Pero hindi lang iyon ang mas nagpasaya sa akin kundi ang pagkakaayos nila mommy at daddy.
Ang dami nang nangyari. Nagkawasak-wasak ang pamilya namin noon. At ang dahilan ay ang daddy ni Kuya Kris. Si 'Tito' (Tss) Romulo. Pero ngayon, wala na siya. Tinanggap nalang niya na hindi sila ni mommy para sa isa't isa. At sa wakas, narealize niya na na nakasira siya ng dalawang pamilya. Siya rin wala na.
*Flashback*
Pagkauwi ko sa bahay namin ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil wala na siya. Iniwan na niya ako. Pero bakit ganto kasakit? Ako ang dahilan ng pag-alis niya, pero bakit ganto kasakit? Ako naman ang tumulak sa kanya palayo, diba? Bakit ako nasasaktan?
"Anak? Buksan mo ang pinto," kanina pa ako hinahanap nila mommy sa baba kaya naman pinuntahan na nila ako sa kwarto ko.
Binuksan ko ito at niyakap si mommy.
"Anak, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"
Hinintay kong humupa ang mga luha sa mata ko. Pero parang ayaw naman nilang huminto. Bakit kung kelan may nagko-comfort na sa'yo lalo ka pang iiyak?
"Wala na po siya, iniwan na talaga niya ako." Kahit hindi ko na banggitin ang pangalan ni Jake ay alam na iyon ni mommy.
"Ma, pinuntahan ko siya doo. Umasa ako. Umasa ako na kapag ako ang nakipagbalikan sa kanya. Akala ko babalikan niya ako. Pero nagkamali ako eh. Maling-mali ako!"
"Tahan na. Anak, marami tayong gusto pero hindi lahat ng gusto natin makukuha natin." Eh bakit ko pa siya kailangang makita at mahalin? Ano para paasahin at saktan lang? Ganon?
"Masakit, ma, eh. Sobra. Bakit kasi kailangan pang magmahal? Hindi na naman kailangan diba? Masasaktan ka lang din naman." Nakakasawa nang umiyak at masaktan.
"Tandaan mo anak, hindi ka matututo kung hindi ka masasaktan. Sa bawat pagpatak ng luha ay ang pagkakaroon ng bagong aral." Anong aral? Aral na hindi dapat magmahal dahil masasaktan ka lang?
"Carina..." napatingin kami doon sa pintuan. Biglang nag-alab ang loob ko. Nasasaktan na nga ako, haharap pa sa akin ang lalaking may kasalanan kung bakit nagkasira-sira ang pamilya namin.
"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong ko sa kanya. Kahit gusto ko pa siyang igalang hindi ko na magawa. Nagkahalo-halo na ang mga emosyon ko.
"I just want to say sorry."
"Sorry? Sorry for what? Sorry for ruining my family?" mataray na tanong ko sa kanya. Well, thank you, huh? Sobrang ganda ng ginawa niya. Kahanga-hanga naman!
"Can you still forgive me? Nagmahal lang ako. And I want to be loved as well." Lintek na pagmamahal yan. Susundin mo pa rin ba 'yang pag-ibig na 'yan kahit alam mong may nasisira  ka na?
"Kung talagang mahal mo si mommy sana hinayaan mo siya. Sana hindi mo siya pinilit. Kung pagmamahal lang naman pala ang hanap mo, kaya naman sigurong ibigay ni Kuya Kris 'yon, diba?!" Kung iyon naman pala ang batayan ng pagmamahal sana hindi nalang ako nakipaghiwalay kay Jake kahit masira pa kami ng kapatid ko.
Pero hindi eh. Hindi ako ganoon.
"I know you won't forgive me for this." Buti alam mo. "But I can wait." Hwag ka nang umasa. "Even if it would take a lifetime. Lalayo na ako sa inyo. Hindi ko na kayo guguluhin. Sorry."
At lumabas na siya ng kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit kahit anong galit ko ay agad nawawala at napapatawad ko pa rin ang mga may kasalanan? Masyadong mamon ang puso ko!
*End of Flashback*
"Buti na lang hindi ka late. Naku! Kung late ka ay lagot ka sa prof natin. Masyado pa namang masungit yon. Kahit 1 minute late ka lang." sabi ng isang kaklase ko sa akin. Hmp! Sobra naman ata yung prof na yun. Kahit 1 minute lang, magagalit na agad siya? Lupit ah!
"Hi!" bati sa akin ng mga kaklase ko. Dahil nga first day ay wala pa akong kakilala. Kumakaway naman ako pabalik sa kanila.
"Ako nga pala si Jamillah." sabi ng isang baby-face na girl. Ang cute niya, hindi halatang college na siya, actually, matangkad siya pero ang bata ng itsura niya.
"Hi, I'm Bea."
"Siya naman si Riza,"  pagpapakilala niya doon sa kasama niya.
"Hi!"
Umupo sila sa tabi ko at nag-usap usap lang kami. Masaya kaming nagtatawanan nang biglang dumating ang prof namin na masungit  daw.
"Good morning class."
"What? Are you just going to stare at me? How rude!" sabi niya. "Hindi ba kayo tinuruan ng mabuting asal? Paano kayo nakagraduate kung ganyan kayo?"
Patuloy lang siya sa pagsasalita at pang-iinsulto sa amin. Wow! Ah! Teacher ba talaga to? Nakakaimbyerna! Unang araw palang sermon agad?
Nasa kalagitnaan palang kami ng sermon nang biglang may dumating na isang babae na hingal na hingal pa at pawis na pawis, may salamin at may braces. In short, err-ayokong manghusga.
"20 minutes late, eh? What's your surname?" malamig na tanong ni Ms. Claravall. Kasi naman matandang dalaga pala kaya masungit.
"Monteverde, po. Sorry Ms."
"Go find a seat. Kung hindi niyo pa naririnig na ako ang pinakamasungit na professor dito pwes ipaparinig ko na. Ayokong may nale-late sa klase ko. Kung male-late lang din naman kayo ay huwag nalang kayong pumasok. Hindi ako tumatanggap ng mga walang kwenta niyong excuses Kahit 1 minute late ka, late ka pa din. Matuto kayong maging responsable, ang tatanda niyo na."
Haay, buti nalang hindi ko na inantay si Barbie kanina.
"Ms. Monteverde? Follow me," sabi niya at naglakad na palabas. Sumunod naman yung Ms. Monteverde. Buti na lang wala pang introduction chuchu ngayon.
"Dismissed na kayo." Agad kong inayos ang mga gamit ko para naman hindi ako malate sa susunod na klase ko. Malay ko ba kung ganun ulit kasungit yung professor sa next class ko.
Wala pang masyadong tao sa room nung dumating ako kaya naman kumain muna ako saglit ng dala kong biscuit, hindi kasi ako nakapag-almusal. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na nakain ang nakahandang pagkain para sa akin.
"Hi, ako nga pala si Sandra." nginitian ako ni Ms. Monteverde kaya naman nginitian ko rin siya.
"Ako naman si Bea. Wala kang kasama?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Loner ako dito. Wala kasi dito yung bestfriend ko, nasa kabilang building. Engineering." napatango nalang ako. Nagkwentuhan lang kami doon. Gumaan ang loob ko sa kanya. Ang bait bait niya at ang fragile tignan.
Isang oras ata kaming nagkwentuhan dahil wala naman 'yung professor namin at dahil ang dami niyang kwento tungkol sa bestfriend niya. Inamin din niya sa akin na mahal na daw niya ito pero pinipigilan niya dahil mas gusto niyang magtagal sila, kesa naman sa maging sila pero walang kasiguraduhan kung hanggang kelan.
"Pwedeng magpasama sa'yo?" tanong niya sa akin habang nag-aayos ako ng gamit ko.
"Saan?" wala pa naman masyadong assignments kaya okay lang na samahan ko siya.
"May gig kasi sila mamaya. Manonood ako. Wala kasi akong kasama." Tinutukoy niya yung bestfriend niyang si Bryle. Hmm. Supportive bestfriend, hihihi.
Tumango naman ako sa kanya. Pero medyo naasiwa ako ng bigla niya akong niyakap. Niyakap ko na lang din siya pabalik para hindi niya mapansin.
Nagpaalam na kami sa isa't isa. Pumunta siya sa ibang building at ako naman sa canteen, nagugutom ako eh. Pupuntahan niya siguro yung bestfriend niya.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso nalang ako sa library. One hour pa naman bago ang next class ko, magbabasa nalang muna ako dito ng naaayon sa course ko. Ang kinuha kong course ay Mass Communication. Si Barbie naman ay Fine Arts, si Kuya Kris at Josh ay Engineering at si Aya ay Accounting.
Pare-pareho lang kami ng pinapasukan pero magkakaiba kami ng course, nakakasawa na rin kasi yung mga pagmumukha nila. Kasama ko na nga sa bahay kasama ko pa rin sa klase? Masyado na ata yun!
"Ang ganda ng dress mo." puri ni Sandra sa dress ko na 1 inch above the knee at assymetrical in style nung nagkita ulit kami sa susunod na klase ko. Medyo nasasanay na ako sa mga dress at sa pagsusuot ng high heels. Hindi naman ganung kabongga ang mga dress na suot ko. Tama lang.
"Thanks. Bakit ayaw mo ring mag-dress?" nakashorts lang kasi siya at hoodie.
"Ihh, wala akong ganyang damit eh. Tsaka hindi ako sanay," medyo nahihiya niyang sabi.
"Okay lang yan, ganyan din ako dati." Hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi maalala ang mga nakaraan. Nakikita ko sa kanya ang dating Bea. Ang Bea na hindi marunong magsuot ng heels at magsuot ng mga dress.
Sinundo naman kami ng bestfriend niya. Nice. Jackpot siya ah! Ang gwapo ng bestfriend niya, at ang gentleman pa. Kaya naman pala nainlove itong si Sandra eh. Minsan nalang makakita ng gentleman ngayon, pero nagtataka ako kung paano sila naging mag-bestfriend.
Nasa isang bar pala kami, diba sabi ko kanina na sasamahan ko si Sandra sa gig ng bestfriend niya. Actually, ngayon lang ako nakapunta dito. Nakatakip ang mga kamay ko sa tenga ko dahil masyadong maingay.
At mas lalo pang umingay nang umakyat na si Bryle sa stage at nagsalita.
"Good evening, ladies and gentlemen," bati niya. Sobrang lamig ng boses niya. Magaan sa loob.
"Wohohoho! I Love You Bryle!" hindi magkamayaw na sigaw ng mga babae sa likuran. Grabe! Hindi na ako magdududa kung bakit. Parang isang 'hi' palang galing sa kanya ay ulam na, paano pa kaya kung kumanta na?
Nagsimula na siyang magstrum ng gitara, kaya mas lalong umingay.
Napapasabay na rin ako sa kinakanta nila. Grabe! Ang ganda ng boses niya, mas malamig sa boses ni Jake.
Jake! Jake! Jake!
Eto na naman ako sa pag-iisip ko sa kanya. Napatingin ako doon sa may bar counter at nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatitig sa akin.
No, imposible. Hindi pwede!
"J-jake..." iniwanan ko si Sandra doon sa pwesto namin at lumapit sa kinaroroonan niya. Hindi pa ako nakakarating nang bigla siyang yakapin ng isang babae at halikan.
Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Bigla nalang humina ang mga tuhod ko dahil sa nakikita ko. Is this real? Jake is kissing another girl? No. This is just my imagination.
Teka, ano nga bang pakialam ko? Hindi na naman kami eh. We're over, and we can't be together again. Our lovestory is over - but we're still friends. I think. But it doesn't mean na pwede kong pakialaman ang buhay niya.
Pero hindi ako pinanigan ng tadhana. Dumaan sila sa harap ko at hindi man lang niya ako binati at tinignan lang ng may ngisi sa kanyang mukha. Ang malamig na tingin at pakikitungo niya sa'kin ay nagdala ng kung anong sakit sa'kin.
No.
It's a big NO.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    ValbuenaChat

    Good

    03/07

      0
  • avatar
    LatipMajaleah

    masaus Ito

    21/05

      0
  • avatar
    Mar's Alfa

    mahla kapa. kc na Jake bea

    17/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata