logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 6

Lara's POV
"Gago, umaambon." Napatingin agad ako kay Kate na nakatingala sa langit.
"Gago, 'yang labi mo. Kasisimba mo lang eh," saway ni Ashbelle rito na ikinatawa namin.
Tingnan mo, 'di naman talaga kami palamura, pero dahil sa labi ni Kate na putak nang putak ng mura tuwing badtrip, nahawa na kami.
Bad influence amp.
Oh tingnan mo? Muntikan na naman nagmura 'yong isip ko. Hindi naman talaga ako palamura eh, kami, I should say.
Hahay, kailangan ko nang magbago.
"Ampupu naman kasi, maglalakad pa tayo tapos umaambon pa, mukhang lalakas pa nga ata mamaya. Dilim ng langit oh, mas madilim pa sa eye bags ko. Buti sana kung may payong tayo, para go go go na. Bakit ba kasi wala tayong sasakyan, tayo lang ata ang magbabarkadang walang sasakyan."
Tumango naman ako sa reklamo niya at umakbay. "Yez, ang poor poor natin." Tinawanan lang naman kami ng dalawa.
Si Kate, ganyan talaga 'yan, mas problemado pa sa problemado, pinoproblema ang lahat. Mas short tempered 'yan kaysa sa akin, kaya pag kami nagsabay ng topak, sus, wala lang.
Oh, by the way, narito kami ngayon sa bahay nila Ashbelle. Galing kaming simbahan kanina then dito na kami nananghalian. Pupunta kasi kami mamaya kila Dhine, kaibigan din namin, birthday niya at inimbitahan kami. Pero tulad nga ng sabi ni Kate, umaambon at mukhang lalakas pa. Naka-jacket naman kami pero mababasa pa rin naman kami kapag lumakas pa, sa dulo pa naman ng barangay 'yong bahay nila, ang layo.
"Tara na mag-umpisang maglakad, para makarating na tayo ro'n mamaya." Sumang-ayon naman sila sa akin at nag-umpisa na nga kaming naglakad.
Reklamo, tawa, chismisan mga ginagawa namin habang naglalakad hanggang sa 'di namin napansin na nakarating na kami kila Dhine. Ang daming tao, puro nag-iinuman. Bungad na bungad.
"Oy! Dhine, nandito na mga barkada mo!"
Lumabas agad si Dhine nang marinig ang sigaw ng mama niya. Pilit na ngiti naman ang iginawad namin sa mga naglalasingan bago kami pumasok sa loob. Kahiya.
Pagpasok namin, bumangad sa amin 'yong filingerang bakla at babaeng ma-attitude na another kaibigan ni Dhine. Mabait naman sila, ata. Siyempre ganoon talaga, pag close mo 'yung tao, mabait, pero pag hindi, siyempre plastikan muna. After all, pare-pareho lang naman kaming makikilamon dito, kaya tiis ganda na lang muna.
Tiningnan ko si Kate and as expected, naging ferris wheel ang mata niya. Kanina pa kasi nag-iinit dugo niya sa dalawa, ampapaplastik daw, lalo na 'yung feelingerang bakla.
Kung nagtatakha kayo ba't wala kaming pabati sa bertday gerl, binati na namin siya kanina, sa harap pa ng simbahan, at wala na kaming balak na batiin pa siya ulit. Isang beses lang dapat, kasi baka madagdagan 'yung taon niya kung paulit-ulit namin siyang batiin, tapos height niya, ganoon pa rin. Wala, talo siya.
Walang matino sa amin, puro kami pandak, at least cute naman. Hindi kami talo.
Tumambay muna kami sa kwarto ni Dhine. Nahiga, nakabukaka, kung ano-anong pwesto. Feel at home lang ang peg. Siyempre, nag-picture-picture rin kami, hindi na talaga 'yun mawawala sa sistema ng mga bagets ngayon. Nagpatugtog din kami sa speaker, bahala na mabulabog 'yong mga nag-iinuman. Bahala na rin kung isipin nilang nag-oorasyon kami rito.
"Zimzalabim, zim-zimzalabim
Zim-zimzalabim, zim-zim
Zimzalabim, zim-zimzalabim
Zim-zimzalabim, zim-zim
Zimzalabim, zim-zimzalabim
Zim-zimzalabim, zim-zim
Zimzalabim, zim-zimzalabim
Zim-zimzalabim, zim-zim."
Sabay-sabay naming kanta habang nakapabilog kaming nagsasayawan.
Ang saya! Wooh!
"Hey girls!" Sigaw ko. Nangunguna talaga.
"A-ha!" Sigaw naman nila.
"You ready?"
"Oh, yeah!"
Natigil kami nang biglang bumukas ang pinto. Para kaming nabuhusan ng malamig na tubig sa nangyayari, sobrang pawis namin, hinihingal pa. Habang nakakunot naman ang mga noo ng nang-istorbo sa amin.
Papansin talaga.
Sabi ng utak ko at sumang-ayon naman ang mata ko at palihim na umirap. Ang ganda na ng orasyon namin, eh.
"Anong klaseng sayaw 'yan mga besh?" plastik na sabi nung bakla, pero dahil wala kaming pake, inignora lang namin siya.
"Kain na, Dhine. Labas na kayo," sabi naman nung isang ma-attitude.
Tumango kami sa kanila at umalis naman na sila agad. At dahil nga palamunin kami, agad naman kaming nag-ayos at sumunod.
Inuna ni Kate 'yong salad. Mango float at puto ang akin. Spaghetti naman kay Ashbelle. Shanghai at pizza naman kay Hannah. Pero siyempre, pag sinabi kong inuna, may susunod pa. Siyempre 'di naman kami pa-choosy dahil blessings 'to, noh? So, lahat ng plato namin ay may laman ng lahat ng makakain.
Pero siyempre onti-onti lang. Palamunin kami pero madali lang din naman kaming mabusog. Siyempre kumuha na rin kami ng habol talaga namin, softdrinks!
Walang UT-UTI sa taong kailangan ng masarap na pantulak, lalo na kung masarap ang kakainin. Minsanan lang 'to. Grab the opportunity sabi nga diba? 'Di naman sinabing good opportunity lang, kaya pwede sigurong bad opportunity na rin. Bahala na muna 'yung UTI.
Nawindang ako bigla sa sarili. Nakita ko kasi 'yong reflection ko sa salamin na lumalamon pero ang ganda pa rin. Charot. Nawindang ako kasi, napansin ko na kung ano-ano na namang pinagsasabi ng utak ko. Puro pa naman katangahan. Nasobrahan na ata ako sa kababasa ng stories at nahawa na ako sa sobrang kukulit ng utak ng mga characters. Gosh!
Inabala ko na lang ang sarili kong lumamon. Nakahinga ako nang maluwang nang maubos ko lahat ng kinuha ko. Akala ko 'di ko na naman mauubos. Buti't nasanay na akong maliit muna ang kukunin, tapos kuha na lang ulit kung bitin. 'Yong nakakainis lang kasi, pag nabitin ka tapos kukuha ka ulit, pag-upo mo at kakain na ulit, bigla ka na lang nawalan ng gana. Parang tanga talaga.
2 years after naming lumamon. Charot, 2 days after no'n. Charot lang ulit. Sadyang pinapahaba ko lang ang sinasabi ko kasi trip ko.
So ito na nga, after 2 weeks, yes, 2 weeks. After 2 weeks ganoon pa rin, palamunin pa rin kami. Tulad nga ng walang pinagbago at palamunin pa rin kami, ganoon din ang sa amin ni Mico, malabo pa rin. Charot.
Pero totoo 'yon, wala namang nagbago sa amin ni Mico, ganoon pa rin, sa chat lang naglalandian ng slight, the rest, puro na kabaliwan. Kapag naman nagkita kami, tamang usap lang kung kailangan, tapos sa mata na ulit mag-uusap, parang tanga. Pero, kontento na ako ro'n, at sa tingin ko, ganoon din naman siya. Kung 'di siya kontento, edi sana nagtatanong na siya kung anong meron kami. Pero kung itatanong man niya 'yon, 'di ko rin alam isasagot ko, noh! Umamin lang siya, wala siyang sinabi na mangliligaw siya.
Naiinis ako sa totoo lang. Hindi ko siya maintindihan. Oo, kontento na ako pero kailangan ko pa ring malinawan. Kaming mga babae, kahit na sandamakmak na motibo pa ipakita mo, ang mahalaga sa amin, assurance. Kailangan namin ng assurance tungkol sa ipinapakita niyo para hindi kami natatanga at nangangapa, at higit sa lahat, maging assuming.
Tinanong ko siya noon kung nangliligaw ba siya. Gosh! As in nag-ipon ako ng lakas ng loob para lang itanong 'yon kahit na sa chat lang. Pero nakakainis, mas ginulo niya lang ako. Alam niyo sagot niya?
'Hindi ba halata?'
Jusko! Oo o hindi lang naman sagot, eh. Pilipino nga naman, oo. Anong hindi ba halata? Hindi ba halatang bakla siya? Tsk!
So, para matigil na 'to, kailangan ko ng linawin lahat, kahit na malabo pa 'yong nararamdaman ko.
Kailangan kong tuparin 'yong promise ko sa sarili. Ayaw kong maulit na naman ang pag-break ko ng promise sa sarili, baka hindi ko na naman ikabubuti. Iiyak lang na naman ulit ako.
Kailangan ko na munang magpahinga. Ayaw ko na munang mag-entertain.
Gusto ko, kapag magkakaroon ulit ako ng karelasyon, 'yong alam kong buo na ako at handa na. Ayaw kong makipagrelasyon para tulungan niya akong mabuo. Kaya ko namang buuin ang sarili ko ng ako lang. Kaya, no boys muna.
Kailangan ko ng sabihin, ayaw ko ng i-delay. Ayaw ko na umasa siya. Tsaka kung sakali mang gusto niya talaga ako, willing naman siyang maghintay sa akin diba? Willing naman siya sa consequences na mangyayari kung sakali man, tulad na lamang ni Kevin. Na kahit ilang taon siyang nangligaw tapos sa iba lang pala ako nagkagusto, tinanggap niya pa rin.
So, dahil ka-chat ko siya ngayon, sasabihin ko na sa kaniya.
Me: Mico, may sasabihin ako.
Micolit Pangit😑: Oh.
Bkit parang ang seryoso
nmn niyan? Kinabahan
ako, gagi.
Me: Hahahaha! Pero
oo, seryoso 'to.
Ano kasi...
Alam mo naman na diba...
Hindi pa ako handa. Parang
hindi ko pa kayang ano...
Hindi ko pa kayang
mang-entertain uli.
Sabi ko kasi sa sarili ko,
sa college na lang ulit.
Micolit Pangit😑: Ah....
Ok. Naiintindihan nman
kta.
2 yrs...
Kaya ko nmn yan, dba?
Me: Huh?
Micolit Pangit😑: Maghihintay ako.
Hndi naman ako nagmamadali.
Dito nga sa bahay, wala pang
ipinapakilala hangga't wla pang
trabaho. Mas magnda kasi un.
Kaya wag kang mag-alala.
Hihintayin kita hanggat sa ready
ka na.
HAHAHAHA. Bakit to, oh.
Iyong tampo ko kanina ay biglang napalitan ng kakaibang saya. " 'Bakit 'to, oh,' kamo riyan eh, ikaw na nga eh. Ihhh!!" Niyakap ko tuloy ang sarili at gumewang-gewang sa kilig.

Komento sa Aklat (4)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice story

    06/06

      0
  • avatar
    JardineroGen

    low

    28/05

      0
  • avatar
    RomeroLean

    it's so amazing story🥰

    23/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata