logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 4

"Crush ko si Mico..." Pahina nang pahina ang boses niya.
"Ano?!" gulat na tanong ni Asbelle...
"Weh?!" ni Hannah...
"Seryoso?!" at ako.
Lahat kami ay may kaniya-kaniyang reaksyon pero isa lang ang dahilan, dahil 'yon sa gulat sa pag-amin niyang crush niya si Mico! Nagtinginan na sa amin 'yong mga tao dahil sa lakas nang pagsigaw namin, kaya naman nagtinginan kaming apat at natahimik sa kahihiyan.
Gosh! Never pumasok sa isipan ko na ganoon na pala karupok si Kate. Kahit niloloko ko sila na baka magkagustuhan sila sa isa't-isa dahil sa asaran, hindi naman pumasok sa isipan ko na magkakatotoo talaga. Dzuh? Hindi pasok sa taste niya si Mico eh, gusto niya 'yong intimidating, matcho, ganoon, hindi tulad ni Mico na kalog at nambabara. Pinaka-ayaw niya pa sa lahat, KABARANGAY.
"Hoy! Sabi ko na nga ba, eh! 'Yang mga reaksyon niyo! Ang OA! Naging lang naman, eh. NAGING CRUSH lang naman, 'di niyo kasi ako pinapatapos." Nagpapadyak siya sa kahihiyan. Mukha tuloy siyang tanga na nag-e-explain sa nakakatawang bagay na ginawa niya.
"Ahy weh? Pero, kailan pa?" tanong ni Hannah
"Basta... noong august ata, then nawala na rin naman noong... nitong october," tumatango-tangong aniya. Napatingin siya sa kawalan at biglang ngumisi.
Bwahg! Alam ko na nasa utak nito. Tawang-tawa na rin ata siya sa sarili dahil sa katotohanan na nagkagusto siya kay Mico. Alam kong natatawa na rin 'tong dalawa pero 'di nila pinapahalata. Hmmm...
"Ows? Sure ka?" Pangungulit ni Hannah, habang kami naman ni Ashbelle ay nakangiti lang.
"Oo naman, tsaka may Lara na siya noh..." Baling niya sa akin na tinataas-taas pa ang kilay.
"Huh? Ba't... Bakit napunta sa'kin!?" Bigla tuloy akong nawala sa sarili. Gaga 'to!
"Ahy? Hindi pa ba niya inamin sa'yo?" tanong niya na tinitigan ko lang. Nakangisi niyang tinakpan ang bibig. "Ops! My bad then, inunahan ko na si Mico."
"Ano... umamin siya kagabi sa akin," pag-aamin ko. Aaminin ko rin naman sa kanila, eh. Inunahan nga lang ako, tsk!
"Ahy, oh naman pala eh, pa-inosente ka pa riyan. Kagabi lang din niya sinabi sa amin. Diba, Ashbelle?"
"Alam mo rin?!" Baling agad ni Hannah kay Ashbelle.
"Oo, gc naming tatlo 'yon eh," kibit-balikat na sagot niya.
"Ah... nag-gc pa kayo kung kayong tatlo lang naman, dapat sinali niyo na rin ako," sabi niya sabay irap. Nai-inggit na naman ata ang pandak kaya inakbayan ko siya at nginitian.
"Aamin nga sana ako kagabi eh, I mean, sasabihin ko sanang naging crush ko siya pero naunahan niya ako. Diba? Pansin mo 'yon Ashbelle? Naging seener lang ako, 'diba? Hindi ako maka-imik. Hahahaha!"
"Alla..." Hindi ko alam ang mararamdaman. Wala akong mahanap na salita at mukhang ganoon din ang dalawa.
"Hahahaha! Gaga, maka-alla ka naman. Ok lang ako, noh?! Dati lang naman. Tsaka, Iw!" Hindi maipinta ang reaksyon niya. "Hindi ko nga alam kung bakit ko naging crush si Mico, eh. Like dzuh? What the hell!"
Napangisi tuloy ako. Sabi ko na nga ba, eh. Diring-diri siya. Ganyan ang feeling na ma-inlove sa kabarangay mong kaibigan na kalog.
Well, ok naman si Mico, eh. Ang dami ngang nagkakagusto sa kaniya kaya hindi ko rin naman masisisi si Kate lalo na at lagi silang magkasama.
"Eh, ikaw naman, Lara? Anong feeling?" biglang tanong ni Hannah.
Tinitigan ko siya bago tumingin sa kawalan. "Ewan. Ewan ko. Basta ewan."
"Wow, ang gandang sagot naman 'yan, bakit ka pa naging matalino kung 'di mo masagot?"
Napakunot tuloy 'yung noo ko sa sinabi niya. Anong connect?
"Bobo 'yan sa pag-ibig, remember?"
Inirapan ko si Kate, makapagsalita ang gaga.
"Ahy, oo nga pala," gatong naman ni Ashbelle.
"Hoy! Grabe kayo sa akin! Hindi ko nga alam mararamdaman ko eh, tapos ginaganyan niyo pa ako." Pagmamaktol ko na ikinatawa lamang nila.
"Pero, dapat umamin ka kay Mico, Kate," nagseryoso bigla ang tinig ni Ashbelle kaya napunta ang atensyon namin sa kaniya.
"Ako?! No way! 'Wag na!" Ilang beses siyang umiling at pinag-ex pa ang kamay.
"Nge, para naman kahit papaano eh, malaman niya."
"Eh, ano naman kung malaman niya?"
"Oo nga, eh, ano naman kung malaman niya? Naging lang naman diba? Noon lang 'yon," pangangatwiran niya.
"Kaya nga, noon lang 'yon, kaya ba't ko pa sasabihin?"
"Ang OA mo naman, sabihin mo na." Binitawan niya ako at pumunta kay Kate para alugin ang balikat nito na ikinatawa lang namin.
"No no no no no." Iling niya at ngumuso. Nang huminto si Ashbelle sa pag-alog sa kaniya ay bumuntong-hininga ito. "Baka rin maging awkward pa."
Kaya nga naman, baka magka-ilangan pa sila. Ang hirap kaya no'n.
"Hindi 'yan, tiwala lang," pangungulit pa rin ni Ashbelle. Habang kami naman ni Hannah ay nakikinig lang.
"Tiwala mo, mukha mo," nababanas na sabi ni Kate. "Palibhasa kasi wala ka pang experience sa ganito. Sayang ganda mo, wala man lang nangliligaw sa'yo. Ano na? Lumandi ka rin, galaw-galaw kung ayaw mong maging single forever." Nagtawanan tuloy kami sa sinabi niya. Ayan na, hindi na naman pumepreno ang bibig niya
"Hoy! At least ako, gud gerl," sagot naman ni Ashbelle sabay may pa-flip pa ng hair. Bago tumungin sa gilid namin. "Hindi tulad sa isa riyan, naglilihim sa magulang, buti sana kung sweet 'yong boy, cold din naman. Kailan kaya siya magiging ice? Buti pa 'yong isa, graduate na, natauhan din, samantalang siya, go go go pa rin."
"Oh?! Bakit sa akin napunta?!" kunot-noong sabi ni Hannah.
"Shh... tara na bili kikiam." Pagpapatigil ko sa kanila nang nasa tapat na kami ng tindahan. Natigil din sila sa kadadaldal habang hinihintay na maluto 'yong binili namin.
"Pft! Hahahahaha!" Bigla na lamang akong natawa habang kumakain ng kikiam.
"Hoy! Nababaliw ka na ata, tinatawa mo?" tanong ni Ashbelle.
"Wala, natatawa lang kasi ako, love triangle yarn?" sabi ko at binigyan si Kate ng nakakalokong tingin.
"Love triangle? Dzuh?! Iw! Dati nga lang diba? Gosh! Moved on na ako," sabi niya habang pinapagpagan pa ang damit.
"Hindi lang kasi ako makapaniwala. Hahahaha! Bakit mo siya nagustuhan? Diba straight 'yong gusto mo? Bakit niya ako nagustuhan? Eh, diba lalaki type niya?" tanong ko at dinahan-dahan ang paglalakad dahil malapit na kami sa bahay. Ayaw ko pa matapos chikahan namin.
"Hoy! 'Yang labi mo," saway ni Ashbelle.
"Tangina, eh totoo naman kasi. Hindi ko rin alam! Ano kaya pinakain niya sa'kin?" tanong niya mismo sa mukha ko.
Aba! Malay ko.
"Hoy! Grabe naman na 'yong bibig niyo kay Mico," saway ulit ni Ashbelle.
Lumapad ang ngiti ko at tinakpan ang bibig bago siya tinuro. "Wow? Eh, baka ikaw may gusto rin sa kaniya?"
"Hoy!" Namula agad ang maputi niyang pisngi na mas lalo naming ikinatawa. "Muntikan lang! Noong elem!"
"Hahahahaha! Huli ka! Hahahahaha!"
Tawa kami nang tawa sa daanan. Wala ng pakialam sa mga nakatingin sa amin. We're just that happy.
Kahit na nakakabaliw ang nangyayari, hindi ko pa rin nakakalimutang tumawa kapag sila ang kasama. I'm so lucky to have them.
"Hoy, ikaw na kumausap kay Dhine ah? Basta sa linggo," pagpapa-alala sa akin ni Kate at tumango lang ako bago nagpaalam sa kanila at pumasok na sa bahay namin.
"Ate, oh..." Abot ni Irene sa akin ng french fries at kinuha ko naman bago siya inirapan.
Nagsimula na akong maglakad papuntang kwarto at nagpalit ng damit. "Hahay... kapagod." Buntong-hininga ko at nag-inat. Pagkatapos kong magpalit ay lumabas na ako at makikipagkwentuhan sana kay mama nang makitang may iba siyang kakwentuhan kaya nahiga na lang ako sa duyan.
Habang nakahiga sa ay nakatingin lamang ako sa puno habang natatamaan ng onti ang aking mukha sa sinag ng araw. Tuluyang naglayag ang aking isipan at nakaramdam na naman ako nitong parang may kulang sa akin.
Construction worker lang si papa and house wife lang si mama. Tuwing may magpapatanim, ani, palinis, palaba, ginagawa ni mama. Maliit lang 'yong bahay namin. Diba sabi ko may kwarto kami? Hindi 'yon actually kwarto sa bahay namin, kwarto iyon sa bahay nila lolo. Since maliit lang ang bahay namin at apat na tao lang ang kasya roon kapag matutulog, dito na kami sa bahay ni lolo natutulog nila kuya at Irene. Wala rin namang kasama si lolo. Bali kami ni Irene sa isang kwarto, pero minsan doon siya sa bahay natutulog, then tig-iisa naman kay kuya at lolo. 'Yong kusina and cr namin ay sa labas nakapwesto, kaya hirap na hirap si papa magluto tuwing umuulan.
Si kuya Niko, grade-12 na, college na sana siya kung hindi lang naipatupad itong K-12. Gusto niyang course na kunin ay ITC, 'yon 'yong naririnig ko sa kaniya noon, pero biglang mag-criminology na lang daw.
Ako naman, hindi ako maka-decide. Nakakainis na nakakawalang-gana. Malapit na akong mag-graduate sa Junior High pero hindi ko pa rin alam ang gusto ko. Dati gusto ko maging chef, tapos biglang flight atttendant, tapos biglang nagustuhan ko 'yong gusto nila mama na mag-PMA na lang. Tapos biglang ayaw ko pala kaya mag-psychologist na lang, tapos biglang neurosurgeon, tapos naalala ko 'yong pera, hindi kaya. Kaya 'wag na lang pala. Hahay, ewan.
Nakakaiinggit sa totoo lang, na buti pa 'yong iba, alam na nila 'yong gusto nila, samantalang ako, nangangapa pa rin. Never akong naiinggit pagdating sa mayroon sila na wala ako, kahit pa sobrang nakalalamang ang iba. Pero... pagdating talaga sa ganitong usapan, napapatulala na lang ako at inggit na inggit sa iba na alam na nila ang gusto nila at mahal na mahal nila ito.
Sa ngayon, gusto ko sanang mag-archi na lang pero naalala ko palang may hindi ako magaling sa perspective, walang originality. Magaling lang ako sa paggagaya ng mga nakikita, tapos kailangan pang paulit-ulit na tingnan iyon. Tapos hindi pa building 'yon, hindi ako mahilig sa buildings. Pero kaya ko naman iyon, matuturuan naman kami. Kaya nga, kung meron lang talagang pera eh, pwede namang 'yon na lang. Pero kailangan kong maging praktikal, tulad ni kuya. Kung pwede nga lang, educ na lang, eh... but, nah! I can't. I don't want. Never. No way.
Hindi ko namalayan na nalulunod na naman pala ako sa courses na 'yan, kung hindi lang nagtawag si papa na kainan na pala, hindi ko mapapansin na iyong tinititigan kong maliwanag na langit kanina ay dumilim na pala.
I hate it, I hate myself na hindi ko malaman kung anong gusto ko. Lagi na lang akong nalulunod sa ganitong isipan at as in ilang oras akong nakatulala, naghahanap ng sagot pero wala pa rin akong nahahanap.
Oo, mahirap kami, at alam kong mahihirapan akong makapag-aral sa kolehiyo dahil sa gastusin, pero alam ko... kaya ko iyon hanggat mahal ko ang ginagawa ko. Pero paano? Paano ko iyon magagawa kung hindi ko mahanap? Hindi ko man lang mahanap kung anong gusto ko. Paano ako makapag-uumpisa? Paano ako matatapos kung hindi ko alam kung saan mag-uumpisa?
I can't understand it. I can't understand myself when it comes to this topic. I'm average of everything. I can do all kinds of stuff, except sa sports. And I know, I'm not that good but I can be, after all, learning is the way to be good. But the problem is... the very number one problem is, I don't even know what path do I take to be good. I can't find a path where I can perfectly excel and love it.
I just can't understand and find it.
Sabi nila, kailangan ko lang ng oras... mahahanap ko rin. Pero kailan pa? Kailan ko ba mahahanap ang nais ko? Kapag huli na ang lahat?
"Gosh! Ewan ko ba sa'yo, Lara. Magyaya ka na lang." I sighed, feeling defeated on my own thoughts.

Komento sa Aklat (4)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice story

    06/06

      0
  • avatar
    JardineroGen

    low

    28/05

      0
  • avatar
    RomeroLean

    it's so amazing story🥰

    23/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata