logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

Missing?
Tahimik lamang kami sa loob ng sasakyan ni Mike. Ako ang nasa unahan na katabi n’ya, samantalang si Ella ay nasa likuran at busy sa pagtipa ng kanyang cellphone.
“What’s with you and that man?” tanong nito kay Ella mula sa rear-mirror.
“You probably don’t recognized him, do you?” Pansin kong taas kilay na tanong naman ni Ella kay Mike na sipat ko mula sa rear-mirror ng sasakyan. “He’s my guy, brother. Matagal na ring alam ni mama ang tungkol sa kanya.”
“And probably not to dad?” sabat naman agad nito.
“You know?” Itinigil niya ang pagtipa sa kanyang cellphone at pabagsak itong nilagay sa kanyang tabihan. “What’s your score about him? He’s kind to me.”
“I’m just concerned here. Mukha s’yang babaero.”
“Oh, cut it! Sabihin mo na lang kung ayaw mo sa kanya.”
“What if I say so? Will you break up with him?”
“Absolutely, not! Why would I? Hindi ako ikaw na makikipag-break sa girlfriend n’ya dahil deal lang ang lahat,” irita nitong sabi. Mike made a sudden break. Pareho kaming nasubsob ni Ella dahil kaniyang ginawa.
“Hey! Alam n’yo, kung hindi kayo mag-aayos, hindi ako sasama sa inyo. Bababa na ako.” Akto na akong baba nang pigilan ako ni Mike.
“Don’t, hindi pa kita nakaka-usap.”
“Saka mo na ako kausapin kapag malamig na ang ulo mo sa kapatid mo. Mag-ayos muna kayo ni Ella. Minsan na nga lang uli kayo mag-kita.” Saka ako lumabas ng sasakyan at hindi na nagpa-pigil sa kanya.
Mabilis kong pinara ang paparating na tricycle at sumakay na roon. Dumaan muna ako sa bahay ng costumer ko na nag-request sa ‘kin ng portrait.
I do commission art. Extra kita. Dagdag baon at tulong sa gastusin namin ni mama sa bahay.
Kung maaari nga ay ako na lang ang mag-trabaho, pero alam kong hindi naman papayag si mama sa plano kong iyon. Alam kong kahit na bawalan ko s’ya ay pupuslit pa rin ito para makapag-tinda.
Kaya naman, gumagawa na lamng ako ng paraan para matulungan s’ya kahit papaano.
“Wow! Thank you Ms. Rheivy. I’ll double my pay. I never expected this so beautiful!” Eksahirado nitong tugon habang niyayakap pa ang portrait kong din-rawing sa kanya.
Inabot n’ya sa ‘kin ang bayad ng buong galak at hinalik-halikan pa muli ang portrait at umikot-ikot pa ito.
“P’wede, picture muna po tayo bago ka umalis?” tanong niya na ikina-bigla ko naman.
Siya pa lamang kasi ang gumawa no’n sa akin sa lahat ng mga na commission-nan ko.
Hindi na ako tumanggi at tumabi na sa kanya habang hawak naming pareho ang portrait n’ya. Kasama niya ang kanyang aso na yakap-yakap n’ya habang naka-halik iyon sa ilong n’ya.
“Thank you uli po ha? Siguradong mauulit po ito.”
“Thank you rin, I’ll look forward to it.” Saka ako nag-paalam na aalis na. Nilakad ko na lang ang pa-uwi sa bahay. Total, malapit na lang naman ito. Kesa naman mamasahe pa uli ako. Mababawasan pa ang perang na-commission ko.
Ginawa ko na uli ang usual routine ko. Hanggang sa maisipan ko munang gawin ang ilang assignments namin kay Mrs. Alvarez. Total hindi pa naman ako nakakaramdam ako ng gutom.
Lumipas ang ilang oras, halos pasado alas syete na ng gabi, ngunit wala pa rin si mama sa bahay. Bagay na hindi naman nangyayari sa kanya. Alas sais pa lang ay narito na s’ya dahil alam niyang alas singko ay nandito na ako.
Naging balisa ako. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit out of coverage lagi ang naririnig ko mula sa operator.
Hindi na rin ako nakapag-concentrate sa ginagawa kong assignment kaya itinigil ko na ito.
Lumabas na ako ng kwarto ko at dali-daling kinuha ang jacket kong may hood sa sabitan sa likod ng pinto ko.
Tinawagan ko si Sean. Isa sa mga kaklase ko na SC din. He’s our expert in tracking people. Siya rin ang I.T. president sa Jacksonville.
“Sean, I need your help,” madali kong sabi nang sagutin n’ya agad ang tawag ko.
“Sure Miss, what is it?”
“Can you track my mother? She’s missing.” Medyo hysterical kong sabi sa kanya habang patuloy ang linga ko sa paligid habang nag-lalakad sa kahabaan ng subdivision namin.
“Missing? Kelan pa?”
“An hour ago, I guessed?” Natahimik naman ang kabilang linya.
“You’ve got to be kidding me, Miss? Just an hour? Baka naman may dinaanan lang po?”
“No, wala siyang dinadaanan kapag umu-uwi, Sean. Lagi siyang maaga dahil alam niyang five ang uwi ko… Hey, are you still there?” sabi ko, sabay tingin sa screen ng cellphone ko.
“Ye-yeah. Just hang on a sec.”
Patuloy lang ang lakad ko hanggang sa marating ko na ang outpost ng aming subdivision.
Agad kong tinanong si Mang Tasyo kung napansin na n’ya ba si mama ko kung naka-pasok na ito sa loob ng sub, pero wala pa raw siyang napapansin. Kahit ang CCTV ay tiningnan na rin namin, ngunit kahit anino ni mama ay wala akong nakita.
“Ms. Try to call her again. I’ll try to trace her location.” Agad ko naman itong ginawa, nanatili lang muna ako sa outpost habang ginagawa iyon.
Patuloy lang ang ring ng cellphone ni mama at walang sumasagot kaya mas lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko. Naka-ilang kagat na rin ako sa kuko ko na naging voluntary movement ko na kapag kinakabahan na ako ng matindi.
Kahit si Mang Tasyo ay nag-alala na rin. Alam n’ya rin kasi na hindi ginagabi ng uwi si mama.
Sa sobrang nerbyos ko, halos mapatalon ako nang biglang tumunog ang telepono ng outpost. Agad naman iyong sinagot ni Mang Tasyo.
“Rheivy. Ikaw ang hanap, Sean daw.” Agad ko itong kinuha.
“She’s just nearby on your location right now.” Mahinahon niyang paliwanag.
“What do you mean? Kanina pa kaming nahahanap dito, pero wala s’ya, Sean.”
“Saglit lang. I’ll call you back later.” Sandali niyang ibinaba ang linya saka muling nag-salita. “Basketball court, Miss.”
Agad akong sinamahan ni Mang Tasyo na hanapin doon si mama. Kasama naman niya ang anak niyang lalaki sa outpost kaya ito muna ang kanyang pinagbantay doon.
“Ma!... ma!” malakas kong sigaw habang sinisilip ang ilang ila-ilalim ng mga matataas na halaman sa may side walk.
“Ma’am Cassandra!” sigaw naman ni Mang Tasyo. Hanggang sa makarating na namin ang basketball court.
Sa ‘di kalayuan, may nakita akong babaeng naka-tayo sa dulong bahagi ng court na tila wala sa sarili at tanging sa kawalan lamang ito naka-tingin.
Agad ko naman itong pinuntahan nang mamukhaan ito. Hindi ko naman ito agad nilapitan, tinawagan kong muli ang cellphone n’ya at halos manlambot ang tuhod ko at hindi alam ang gagawin sa nakita ko.
Si mama.
Hindi ko alam na pati s’ya ay meron ng ganun. Patuloy ang bagsak ng luha ko habang tinititigan ko lamang ang kaniyang likuran.
Patuloy pa rin ang ring ng cellphone n’ya. Hanggang sa ‘di na ako naka-tiis at ako na ang nagbaba ng linya.
Ayaw kong isipin ang ideyang pumapasok sa utak ko. Ayokong isiping tama na nga hinala ko.
Ayoko.
Lumapit ako sa kanya at niyakap s’ya sa may likuran at saka ito hinarap sa akin.
Ayokong maniwala dahil napaka-bilis naman. Bata pa si mama. Kaya napaka-imposible naman sigurong may ganun nga s’ya.
Nagtaka pa ito ng hawiin ko ang mga buhok na naka-harang sa mukha n’ya. Ilang segundo siyang nakatulala sa akin at halos hindi gumagalaw.
Tila winawari ang aking ginagawa. Hanggang sa unti-unti na lamang namasa ang kanyang mga mata at kusa na itong yumakap sa akin habang binabanggit ang pangalan ni ate.
“Raquel. Raquel. Nandito na si mama.” Paulit-ulit ito hanggang sa ramdam kong basa na rin ang balikat ko.
Mas lalo na lamang nanlambot ang tuhod ko at parehas na kaming nasadlak sa sementong malamig ng basketball court.
“Ma… shhh.” Pagpapatahan ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya.
Matapos iyon ay kumalma na rin siya. Tinulungan ako ni Mang Tasyo na bitbitin ang mga natirang gulay ni mama.
Nang makarating na kami sa harapan ng bahay ay siya namang pag-tigil ng pamilyar na motor sa harapan namin.
Hindi ko lang naman ito pinansin. Ngunit pansin kong bumaba na s’ya roon at inagaw kay Mang Tasyo ang mga gulay.
Hinayaan ko lang s’ya hanggang sa tuluyan na kaming makapasok ng bahay.
Pina-upo ko muna si mama sa upuang kawayan sa may sala at dumiretso ng kusina para ikuha ito ng tubig. Nakasunod sa ‘kin si Hugo na inilagay ang mga gulay sa ibabaw ng lamesa.
Nanatili kaming tahimik pareho, hindi alam kung sino ang unang magsasalita.
Bakit ba s’ya pumunta rito?
“I got a news from Sean,” sabi niya na bumasag sa gitna ng katahimikan namin.
“And what made you brought here?” Walang emosyon kong sabi. Ewan ko, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit ko ngayon.
“Nag-aalala lang ako.”
“Then don’t. Hindi mo naman obligasyon na mag-alala sa kanya at mas lalo—”
“Tagna! Ano bang ikinagagalit mo at ba’t ang init na agad ng ulo mo sa ‘kin?”
“Dakyu ka! Pumunta ka lang ba rito para sermunan ako? Kung gano’n, p’wede ka ng umalis. Salamat na lang sa concern mo Mr. President. Busy ka ‘di ba kay Natasha? Na-abala ka pa ni Sean.”
“At bakit napunta sa usapan natin si Natasha? Si tita ang pinunta ko dito at—”
*shutters*
Parehas kaming natigil sa pag-aaway nito at dali-daling pinuntahan ang si mama. Nanginginig ang kanyang kamay na puno ng dugong umaagos na ikinapan-lambot ng tuhod ko.
Ipakita mo ng lahat talaga sa ‘kin, ‘wag lang dugo. Nanghihina ako ng sobra.
“Sh*t!” Agad na nilapitan niya si mama at siya ang umayos ng kamay nito. Hindi niya ipinakita sa ‘kin ang nga dugong umaagos sa kamay ni mama.
Ilang sandali pa ang lumipas, akala ko‘y roon na natatapos iyon. Ngunit bigla namang nanginig si mama at bigla na lamang itong nawalan ng malay na siyang ikinasigaw ko.
Kasabay ang biglang pag-bukas ng pinto ng bahay at iniluwa si Mike na may dala pang kung ano na binitiwan na niya nang makita ang kalagayan ni mama.
“Tita. Tita..” Inalog-alog niya ang balikat ni mama ngunit hindi ito magising. Wala naman akong magawa kun’di ang umiyak dahil sa pinag-halong kaba at takot sa dibdib ko.
“Give me your key,” asik ni Hugo na mabilis naman itong ibinigay ni Mike.
Sumunod lang ako sa kanila nang buhatin na ni Mike si mama patungo sa labas.
Nakita ko na lamang ang sarili kong umiiyak sa labas ng ICU.
Ano na bang nangyayari kay mama? Hindi ako tiyak, pero baka nga tama talaga ang nasa isip ko at hindi ko lang talaga ito matanggap.
No. This can’t be real. Not my mama.

Komento sa Aklat (4)

  • avatar
    murillojamela

    So this is my first time reading a story in just one night napakaganda ng story naiyak ako na Ang dami Kong narealize I really love this story love, friendship's,a little bit betrayal Sana may movie na gamito

    18/01/2022

      1
  • avatar
    Carin Sarino

    nice story🥰🥰🥰

    06/06

      0
  • avatar
    Nico Jay Maaño Selosa

    wow

    07/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata