logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

"Etchosera ka talaga Renae! Lakas n'yo maka-moment ni Xander kahapon!"
Naglalakad kami ni Alliah papunta sa aming locker. Tapos na ang morning classes namin at lunch break na. May kukunin lang ako sa locker para sa afternoon class namin.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at sa halip ay ngumiti lamang ako.
Naaalala ko pa rin 'yong nangyari kahapon. I thought I was just dreaming 'cause it really felt surreal!
Sino bang mag-aakala na 'yong dating tinitingnan ko nang palihim sa gym, niligawan ako at boyfriend ko na ngayon!
I just really couldn't believe it!
Naalala ko pa kung paano ko palaging hinahatak si Alliah papunta sa gym para lang masilayan si Xander. Kung paano ako tumili nang napakalakas tuwing chini-cheer siya sa game nila. Kung paano ako pumupuslit nang palihim sa locker area nila para lang maglagay ng love letters.
I think my hardwork paid off.
Sobra-sobra pa nga, e. I just wanted him to notice me. Pero grabeng blessing 'yong binigay ni Lord!
"Hoy Renae! Naging kayo lang parang mas lalo ka atang nabaliw? Ang creepy mo ngumiti mag-isa! At baka nakakalimutan mong narito pa ako?" Alliah snapped. I glared at her.
Palibhasa hindi siya crush ng crush niya.
"Sorry na, hindi parin kasi ako makapaniwala," pagpapaumanhin ko sa hindi pagpansin sa kaniya.
As I got my Calculus book, we heard annoying squeals. Parehas naming tinakpan ni Alliah ang aming mga tainga kasi parang mga kinakatay na baboy 'yong mga nagsisitilian.
Well, we used to be like them.
"Siguro nandyan na naman 'yong boyfriend mo," she said emphasizing the boyfriend word.
Nakatutuwa na maraming fans si Xander pero medyo nakaiinis din pala kung ganito palagi 'yong maririnig mo. Parang binabasag 'yong eardrums ko! I never thought this would be so annoying. Ano kayang nararamdaman ni Xander?
The squeals stopped and I thanked God for that!
"Good morning, baby," he greeted, flashing his white teeth. P'wede ng pumasang commercial model ng toothpaste!
Ngumiti rin ako sa kaniya, ang pinagkaibahan nga lang ay ang ngiti ko'y parang ngiti ni joker; at binati rin siya ng good morning.
Inaya niya akong mag-breakfast dahil katatapos lang ng morning training nila at gutom na gutom na raw siya. I also invited Alliah to come with us but she refused kasi date daw namin ito. Muntik ko na nga siyang makalimutan kung hindi pa siya nginuso ni Xander.
And if I know kaya hindi siya sumama because Xander is not with Steven. Pero kung nandito si Steven for sure sasama 'yon kahit walang pera!
Si Steven lang naman ang man of her dreams niya. Ang kaso, Steven is a snob. Super snob! 'Yong tipong wala siyang pakialam sa existence mo. Mas may pakialam pa siya sa bola kaysa sa 'yo. Kawawang Alliah.
Napagpasyahan naming kumain na lang sa canteen na malapit sa gymnasium. May practice pa kasi ulit daw sila after ng break. At ako, bilang maunawain na girlfriend, ayaw ko namang mapagod siya. Being a student-athlete was surely a tiring thing kaya naman as much as possible, ayokong maging pabigat or pabebeng girlfriend sa kaniya.
"What do you want, baby?"
I smiled and bowed a little when he called me baby. Marahan kong nakagat ang aking labi. Nakakikilig kasi na nakahihiya na ewan!
Nakapapanibago kasi 'yong ganitong feeling.
Siya kasi ang first boyfriend ko. And I don't know to react sa mga ginagawa ng mga mag-boyfriend and girlfriend.
"Hey," he said then lifted my chin up, "Don't be shy. Masanay ka na sa kacheesy-han ko," he winked and of course I blushed! Nakakainis naman itong si Xander! Masyado akong pinapakilig!
"A-Ahm, Adobong Baboy na lang sa 'kin."
"Sure baby, just wait for here." Tumango ako kaya tumayo na siya at pumila.
Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng canteen. This was the first time I went here. Off limits kasi ito at mga players lang ang pwedeng pumasok.
Ang dahilan? Kasi sila daw ang nagbibigay ng karangalan sa university at isa ito sa mga perks bilang isang student-athlete maliban sa malamansyon nilang dorm.
Ang ganda ng interior. May mini-chandeliers na gawa sa kahoy ng narra, it also had a mini bar, 'yong chairs and tables mukhang gawa rin sa narra and it looked like from a fancy restaurant. Napahanga ako sa details nito, hindi kasi siya ganoon kalaki pero hindi rin naman ganoon kaliit. At kung titingnan mo nang maigi, makikita mo na nakaukit dito ang mga notable players ng university. It was really more like a high-end resto rather than a canteen.
The wind chimes rang indicating someone came in or out. Otomatiko akong napalingon doon. I easily got distracted kasi.
I saw a man, maybe also in our age, around six flat or something ang height. He was wearing a white shirt na nagpalitaw lalo sa moreno niyang balat. He was also wearing a cap with a number fifteen embroidered on it. A pair of black converse and a gray sweat shorts. Maybe he was looking for someone, like a friend, teammate or maybe a girlfriend? Palinga-linga kasi siya.
Wait . . .
Ano naman ang pakialam ko? And why did I even checked him out? And why the heck I couldn't even took my eyes off him?
Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko nang dumako sa akin ang mga tingin niya. I thought I just forgot to breathe when our eyes met.
"Hey, sorry medyo natagalan. Are you alright, babe?"
Agad akong bumitiw sa titigan namin no'ng stranger at hinarap si Xander.
"O-Oo naman. Tara, let's pray na."
I prayed for the blessings and also asked God not to encounter that man ever again.
I don't want to be in trouble.

Komento sa Aklat (14)

  • avatar
    John Benedict Salac

    So good

    07/08/2023

      0
  • avatar
    Yscà Kriffney

    Grabe super ganda nitooo!!naiyak talaga ako and tbh halos diko na mabitawan phone ko para lang mabasa kase super nakakaentertain talaga na basahin.thank you and Padayon author!!!

    05/07/2023

      0
  • avatar
    sennie barretto

    Solid read

    22/05/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata