Chapter 1 Maaaninag ang mga nagkumpulang butil ng pawis sa kanyang noo habang pinupunasan ang lamesa. "Miss, maybe you want help?" Boses mula sa kanyang gilid ang narinig niyang nagtanong nun. Isang lalaki ang lumapit sa kanyang tabi at automatiko siyang hinawakan sa katawan kaya medyo napatalon siya sa gulat. Lumayo-layo siya ng konti kasi naiilang siya lalo pa't mukhang lasing na ang lalaki. "Hindi na. Ayos lang po, Sir." Ngumiti siya bilang pagsuporta sa sinabi. Minadali niya ang paglilinis sa lamesa at iniwan na doon ang lalaki habang nakatitig pa din sakanya. Huminga siya ng malalim ng makapasok siya sa kusina para kumuha ng panibagong orders na isi-serve sa mga tao sa labas. "Ayos ka lang, Priscilla?" Tanong ng isang kasamahan nito na napansin ang pagkabalisa. Ngumiti siya para itago ang nararamdaman na kaba, hindi naman bago sakanya ang ganung sitwasyon, hindi lamang siya nasasanay lalo na't hinahawakan pa siya. "Ayos lang ako," sagot niya. Tumango lamang ang kanyang kasama at bumalik sa trabaho, ganun din ang ginawa niya pero bago maghain ulit ng mga orders hinugasan niya muna ang kanyang kamay na hinawakan ng lalaki. Ayaw niya sa pakiramdam na may dumidikit na ibang balat sakanya. Paglabas niya dumiretso siya sa isang lamesa para ihain ang mga orders nila. Gabi na at unti-unti ng nagiging wild ang mga tao sa loob ng bar na kanyang pinagtatrabahuhan. Halos lahat ng pumapasok ay mga mayayaman, hindi naman iyon nakakapagtataka lalo pa't isang high-end ang bar iyon. Sinerve niya ng maayos ang order na pulutan ng isang table na nagsi-simula pa lamang mag-inuman. Isang grupo naman ng purong kalalakihan na mayayaman niya ibinigay ang order nilang mamahaling alak. Pamilyar na siya sa mga ito dahil matagal na o suki talaga sila ng bar na iyon. Kumbaga regular customer na sila. "Anong oras ang out mo, Miss?" Tanong ng isang lalaki doon na mukhang baguhan sa grupo nila dahil ngayon niya lamang nakita ang pagmumukha ng lalaki na iyon. "Whoa! Ngayon ka na nga lang nakasama ang lakas pa ng loob mong lumandi." Tawa ng isa niyang kasama, natatandaan niya na nagpakilala ito sakanya na, Adler. May pagka-Italiano ang kanyang mukha, walang duda na maraming babae ang lumilingkis sakanya bawat pasok niya dito. "Hindi niyo naman kasi sinabi na may magandang babae dito na nagsi-serve sainyo! Kung sinabi niyo edi sana naghahanap ako ng paraan para makasama sainyo!" Singhal niya doon sa katabing si Adler. Nagbatukan pa sila. "Sumasama lang kami kasi itong si Russo, parating gusto niya nandito kami. Ewan ko ba diyan, wala naman kaming nakikita na pinopormahan." "I paid for every expenses, wala naman kayong ibang ginawa kundi maghanap ng kalandian at maglasing." Nagsalita na rin yung pinakaregular customer talaga sakanila, si Russo. Katulad ni Adler may lahi rin si Russo dahil may mga mata itong kulay abo na nakakapalinlang ng mga babae kung iyong titigan lamang pero kapag tumitingin siya dito parati siyang nakatingin sa kanyang matangos na ilong at mapulang labi. Ipinilig niya ang kanyang ulo ng mapagtanto niya na nakatitig na man siya. Nang matapos niyang iserve ang iba pa nilang order nagpaalam siya na aalis na. Nagserve siya ng ibang orders sa ibang lamesa, ganun lamang ang ginagawa niya habang dumadagsa ang mga tao na gustong magsayang ng oras sa pagsasaya at paglalasing. Hindi niya maintindihan ang mga tao kung bakit ba nila hinahayaang na gastusin na lamang ang kanilang kayaman sa ganoong paraan. Hindi naman niya masisi ang mga ito, kung siya man ay mayroong maraming pera ay magsasaya din siya katulad nila at hindi nagta-trabaho na parang mayroong binubuhay na sariling pamilya. Sumapit na ang madaling araw at halos lahat ng tao ay lasing na, nagsisiuwian na rin kaya nagpatiloy ang kanyang trabaho sa paglinis ng mga naiwang lamesa na puro kalat. Kung hindi man mga natapon na pagkain ay mga basak na baso at bote naman ng dinadatnan niya. Sanay na siya sa ganito pero hindi pa rin niya maiiwasan na mapagod. Kumukonti na ang mga tao sa loob pero sobrang lakas pa rin ng tugtugin na pinapatugtog ng DJ, pinapasalamat niya na lamang na sa araw-araw niyang pagtatrabaho dito ay hindi siya nabibingi. Lumapit siya sa lamesa nila Russo dahil tinawag siya ng mga ito, akala niya manghihingi na ng bill kagaya ng parati nilang ginagawa pero hindi niya inaasahan ang sinabi ni Joaquin, isa rin sa mga kaibigan nila. "Miss, mukhang kanina ka pa nagtatrabaho..." she rolled her eyes and mouthed; 'Malamang' pero sinadya niya na huwag na lamang iparinig at hintayin ang susunod na sasabihin nito. "Our friend, Russo, ordered dinner here pero wala naman kaming balak na kumain ng dinner kaya naisip namin na baka gusto mo na ikaw na lang kumain nun. Don't worry, we didn't touched it." Napaisip naman siya bigla, oo nga at hindi pa siya kumakain simula ng pananghalian at hindi pa naman siya nagugutom, ang ipinagtataka niya lang ay bakit siya nito inaya bigla. Sa halos araw-araw nila na nandito ay ngayon lang ito nangyari. Naningkit ang kanyang mga mata habang tinitignan niya sila isa't-isa ng madapo ang kanyang tingin kay Russo nangunot ang kanyang noo dahil mayroong mapaglarong ngisi na lumalakbay sa labi nito. Namumula na din ito kaya pumasok sa isipin niya na lasing na ito. Pito silang nandun at tatlo na lang ang gising ang apat na kasamahan nila ay tulog na, wala pa man ay naiisip na niya na mahirap na iuwi ang apat na iyon. Yumuko siya sabay sabing; "Hindi na. Ayos lang ako, kung gusto niyo ibigay niyo na lang sa iba." Ngumiti siya ng pilit para lamang sa pakitang tao. Handa na sanang magsalita ulit si Joaquin ng umugong ang malalim at namamaos na tinig ni Russo. "Are you forbidden to eat while on work?" Tanong nito habang pinaglalaruan ang baso ng alak na may lamang yelo sa kanyang kamay. "Hindi naman." "So, why can't you eat the food we offer?" Tanong niya ulit. Unti-unti naman bumubuo ang inis niya sa lalaki. Sa kanilang lahat, kay Russo lamang siya nakakaramdam ng inis kahit wala pa naman itong ginawa na talaga namang kakainisan niya. "Kung nag-aalala ka na may gayuma o lason iyon ay wala. Kasi kung may gusto kaming babae diretso hila lamang sa kwarto, hindi naman kailangan nun." Natatawang pagaantala ni Joaquin at diretso ininom ang alak sa kanyang baso. "Hindi ko naman tinanong," sagot nito na mas lalong nagpatawa kay Joaquin. Nagising naman si Adler at nakita ang pangyayari, he find it interesting that he fought the urge to sleep again. Hindi niya alam kung bakit pero natutuwa siya kung paano sumagot si Priscilla sakanila, hindi naman sarkastiko, hindi din pamimilosopo, sadyang kakaunti lamang na salita pero mararamdaman mo ang katamaran sa pakikipag-usap. "Eat the food in front of me, Priscilla." Pagdi-demand ni Russo. Sa puntong ito, hindi niya na maitago ang pagkainis sa lalaki, masyado na itong demanding na hindi naman dapat. "Bakit? Sino ka ba sa tingin mo?" Mataray nitong tanong at tumaas pa ang kanyang kilay. Ayaw na ayaw niya talaga sa mga taong kung makapagsalita ay sila dapat ang masusunod. Kung siya naman ang boss ay susunurin niya ito pero hindi e. "T-This is getting interesting." Ngumisi si Adler pagkatapos niya iyong sabihin habang tinitignan ang munting pagtatalo sa kanyang harap, tuluyan ng nawala ang kanyang antok. Russo clicks his tongue, truly amazed by her personality. "The one who asked you to eat dinner?" Patanong niya para inisin siya lalo. For him, she looks so cute when she's pissed. "Walang kwenta," mahinang sagot ni Priscilla pero narinig pa din nila. Umani ito ng tukso galing sa mga kaibigan ni Russo, hindi sila sanay na may bumabasag o sumasagot sagot sa kanilang kaibigan lalo na gamit lamang ang bibig. "Hindi ako kakain kasi ayoko, Sir. Kaya kung puwede ay aalis na ako dahil marami pa akong gagawin." Magalang niyang paalam pero bago pa siya tuluyang makalayo sa kanilang lamesa hinarang siya ni Russo na may madilim na paningin. Lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa kaba, napaatras din siya pero hinawakan na ni Russo ang kanyang isang braso kaya napahinto siya. "A-Ano bang g-gusto mo?" She stuttered and cursing herself because of it. Ngayon lang siya nito nilapitan nito ng ganito kalapit. Naamoy niya pa ang pabango nito na sumisigaw ng kagwapuhan at kayamanan. Hindi na siya magtataka kung kumapit man sakanya ang pabango nito pagkatapos ng kanilang interaksiyon. "I just want you to eat before getting back to work. Food is for energy." "Ayoko." Pinal na sagot niya pero hindi nagpapigil si Russo at mas lalo pa itong lumapit, dumidikit na ang balat nila sa isa't-isa. "I'll talk to your manager if that's your concern by eating with us." "Ayoko." Pag-uulit nito sa mas matikas na pananalita. Mas lumapit pa sakanya si Russo kaya napapikit na siya, nanunoot ang kanyang amoy sa kanyang ilong. "Okay then, but this isn't the last time. I'll ask you to eat with me." Napahinga siya malalim at naramdaman iyon ni Russo sa kanyang balat kaya ngumisi ito, bago lumayo, natatawa. "Bye! Be safe when you went home!" Paulit-ulit na huminga ng malalim si Priscilla pagka-alis niya. Bumalik siya sa kanyang trabaho ng wala sa wisyo hanggang sa oras na ng kanyang uwian. "Ingat sa pag-uwi, Priscilla!" "Ikaw din, Clara!" Ngumiti sila sa isa't-isa pagkatapos magpaalam at tumahak ng magkaibang daan pauwi. Sa kanto ng kalsada may nakaabang ng magsusundo kay Priscilla na nakamotor, iyon ang kanyang kasintahan na si Carter. Kumaway siya dito para ipaalam ang kanyang pagdating ng makalapit ay nadismaya siya sa nakita, nakainom ang kanyang kasintahan, gayun pa man ngumiti siya para hindi mahalata ang pagkadismaya. Kinuha ni Carter ang isa pang helmet para sakanya at isunuot ito sa kanyang ulo. Abot-abot ang kaba ni Priscilla ng makasakay na siya sa motor, alam niya naman na maayos at magaling magpatakbo ng kahit anong sasakyan si Carter subalit hindi niya pa din maalis sa kanyang sistema ang kaba sa tuwing ito ay nagmamaneho ng lasing dahil maraming nakaabang na panganib sa daan, delikado lalo na't madilim pa ang daan. Inabot ng kalahating oras ang kanilang byahe bago sila nakarating sa kanyang bahay. Hindi naman sila nagsasama sa isang bahay pero nitong mga nakaraang araw ay mas pinili ni Carter sa kanyang bahay. "Salamat sa pagsundo." Hinubad niya ang kanyang helmet at binuksan ang bahay. Mayroong maliit na ngiti na lumalandas sa kanyang labi kahit na mukhang walang balak na magsalita ang kanyang kasama. Papasok na siya ng magulat ito sa lumabas na mga salita sa bibig ng kanyang kasintahan. "Sinong lalaki ang kasama mo ha?!" Katamtaman na lakas lamang ng boses pero nararadaman niya ang galit nito. "W-Wala. Ikaw lang. Ano bang pinagsasabi mo?" Balik na tanong niya at hinarap ito. Totoo naman ang kanyang sinabi na wala siyang kasamang lalaki pero alam niya na hindi ito matatanggap ng kanyang kasintahan. Mabait ito pero dakilang seloso. At ng maamoy niya ang kanyang sarili doon pumasok sa kanyang isip ang munting interaksiyon nila ni Russo, hindi nga siya nagkamali sa hinuhanniya kanina, nakalimutan niya pang magpalit ng damit bago lumabas. Napabuntong-hininga na lamang siya at pumasok sa loob pero isang marahas na hila sa kanyamg buhok ang nagpatigil sakanya. "Sinong kasama mo?!" Galit na sigaw ni Carter habang hila ang kanyang mahabang buhok. Ayaw niya na sanang magpaliwanag dahil panigurado naman na hindi ito maniniwala sakanya lalo na't nakainom. "Wala nga! Bakit ba hindi ka maniwala?! Sa bar ako nagtatrabaho at maraming lalaki doon kaya kumakapit ang amoy nila saakin. Nakalimutan ko lang magpalit ng damit." Sa halip na bitiwan ang kanyang buhok mas lalo niya pa itong hinigpitan. "Bitawan mo ang buhok ko, Carter! Nasasaktan ako!" "Hindi! Sabihin mo saakin kung sino ang kasama mo! O hindi ka naman, isang stripper talaga ng trabaho mo doon at hindi waitress! Kaya siguro marami kang pera dahil ang isang waitress ay kakarampot lamang ang kinikita! Ano? Ngayon sabihin mo saakin ang totoo Priscilla!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Carter dahilan para mabitiwan nito ang kanyang buhok. "Walang hiya ka! Ibinibigay ko sayo ang lahat pero kahit ang paniwalaan mo man lang ako ay hindi mo magawa?!" Umiling-iling siya at diretsong pumasok sa loob ng kanyang bahay, pabagsak niya ring isinara ang pinto direkta mismo sa mukha ng kanyang kasintahan. Natatawa na lamang siya sa kanyang sarili at sa relasyon nila, sa loob ng mahigit isang taon ng kanilang relasyon, parating ganito ang kanilang tagpo kapag nagsi-selos si Carter, nauuwi sa sakitan at away pero paulit-ulit pa din niya itong pinapatawad dahil sa kagustuhan niyang hindi maiwan mag-isa sa buhay. Alam niya kinabukasan ay babalikan niya ulit si Carter ng may ngiti sa labi, tinatawag na nga siya ng mga kaibigan niya na martyr pero natatakot siya na iwan siya nito kagaya ng pag-iwan sa kaniyanng mga magulang niya.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
sarp
01/04
0ang ganda sana pero bitin part 2 please 🥺
06/07/2025
0soid
13/04/2025
0Tingnan Lahat