January 20, 1940 - Manila, Manila Hotel Tumigil ang kalesa na sinasakyan ni ariadna sa tapat mismo ng Manila Hotel. Bumaba siya at binayaran ang kutsero. Tinignan niya ang buong manila hotel. Pero nag madali rin siyang pumasok sa loob at agad na napatigil sa malawak na lobby mismo ng manila hotel. Malinis na malinis ito at madami rin mga dayuhan ang nasa loob. May mga babaeng pilipino rin na naka suot ng magagandang damit na terno at alahas, halatang ang mga ito ay galing sa nag lalakihang pamilya o mayaman sa maikling salita. Gayunman, hindi na siya nag tagal pa upang pagmasdan ang buong lobby at dumiretso na rin sa mismong front desk upang maka punta na sa kaniyang silid. Naging mabilis naman ang pag aasikaso nila sa kaniya, kaya naman ilang minuto lang ay nakarating na rin siya sa kaniyang suite. Binigyan siya ng kakaunting kaalaman subalit pinatigil niya na iyon dahil hindi niya na kailangan malaman pa ang mga bagay sa loob ng manila hotel. Lalo na't bata pa siya ay kung hindi dito laging nanunuluyan ay minsan sa mismong mansion nila. Kaya naman mabilis rin umalis ang tauhan ng manila hotel na nag hatid sa kaniya. Sinarado niya ang pinto at kinandado ng mabuti bago kinuha ang bagaheng dala dala niya. Tinignan niya ito ng mabuti. Alam niyang hindi sa kaniya ang suitcase na iyon, at sinadya niya talagang kunin ang bagahe ng lalake. Lalo na't alam niya na sa loob ng suitcase ay may mahalagang bagay na naka tago. Paano niya nalaman? Unang una palang na pagkapasok ni ariadna sa silid ng lalakeng iyon, pansin niya na agad na ang buong aparador at kagamitan sa loob ay magulo. Isang bagay ang pumasok sa kaniyang isipan, ang lalake ay may pilit na hinahanap at kinukuha. At isa pa, lahat ng bagay sa loob ng silid na iyon ay magulo subalit ang suitcase ng lalake ang natitirang maayos at tila hindi nagalaw. Para bang ito ay bantay na bantay at ito ang unang inayos ng lalake. Tinignan niya ang suitcase na nasa harapan niya. Kinuha niya ang pardible sa kaniyang bulsa at ang bobby pins sa kaniyang buhok. Ginamit niya iyon bilang susi upang mabuksan ang suitcase. Ilang segundo lang ay isang 'click' ang kaniyang narinig at nabuksan niya na ito. Iniangat niya ito upang makita ang mga bagay sa loob. Bukod sa damit, relo, guwantes, maging ang sumbrero. Hindi lang yun, dahil dumapo rin ang paningin ni ariadna sa isang revolver at belt holster nito na may higit sa limang bala na naka patong sa isang pamilyar na uniporme. Kinuha niya ito at tinitigan ng mabuti ang disenyo maging ang mga naka dikit na badge doon hanggang sa mapansin niya rin ang mga pins doon mismo. Inilapag niya ang damit na iyon sa higaan. "Governor-General...marshal" Isang ngisi ang nabuo sa labi ni ariadna. "At tila mas naging masaya pa ang insidenteng ito." Saad niya bago tinanggal lahat ng mga bagay na naka lagay sa loob ng suitcase. At doon niya lang nakita ang isang mapa. Inalis niya ito sa pagkaka tupi at nilatag sa sahig. Sa sobrang laki nito ay kailangan niya pa'ng umatras upang makita ang kabuoan nito. Matagal niyang pinagmasdan ang bawat marka at guhit na naka sulat doon sa mismong mapa. "Hydrographic Map" Doon lang napag tanto ni Ariadna na ang mapa na nasa harapan niya ay hindi basta bastang bagay. Dahil kung isa lamang itong pangkaraniwang mapa ay hindi ito naka tago ng mabuti sa sikretong lagayan sa bagahe ng ginoong iyon. Hindi niya alam kung bakit niya ba ipinalit ang suitcase niya para lang dito, pero hindi niya gagamitin ang salitang 'lang' para ipaliwanag ito lalo pa't ngayon ay parang mas naging komplikado ang insidenteng kaniyang pinasukan. Pero, hindi niya na inisip pa ang kaniyang suitcase. Dahil alam niya na kahit anong gawin ng mga ito sa kaniyang bagahe ay hinding hindi ito mag bubukas. // Pinagmasdan mabuti ni alfonso ang suitcase bago inis na binagsak iyon. Kahit anong gawin nilang pag bubukas dito ay parang mas lalo lamang humihigpit ang pagkaka kandado nito. "Huwag mo ng galawin, nauubos lang ang oras natin diyan, marchena" Binagsak ni marchena ang kaniyang mga patalim na ginamit at inis na nilingon si Alfonso. "Sinabi ko naman sayo na mag ingat ka. Teka nga! Paano ka ba naisahan ng babaeng iyon? At kailan ka pa naisahan ng isang babae, marshal?" Masamang tinignan ni alfonso si marchena na tinignan lang siya at hindi nag padala sa tingin nito. Subalit, hindi alam ni alfonso kung paano nga ba siya naisahan nito pero isang bagay lang ang alam niya. Ang babaeng iyon ay hindi basta bastang binibini na makikita mo sa gilid gilid. Dahil lahat ng takot at emosyon na pinakita ng babae ay paniguradong isang taktika nito upang mahulog si alfonso sa patibong nito. Hindi niya maiwasan mamangha at mainis ng sabay. Pero wala na siyang oras para ituon ang atensyon niya sa babaeng iyon. "Kung ganun, anong gagawin natin? Kalat na sa buong maynila na may malaking pag sasalo salo na gaganapin sa Manila Hotel. At nandoon si Golarte kasama ang buong pamilya ng Obrero" Umupo naman si Alfonso sa may sofa at tahimik na nag iisip. "Sigurado rin ako na iyon ang oras na mag bubuklod ang mga ito upang ituloy ang kanilang plano, marshal alfonso" Pinagmasdan naman ni marchena si alfonso at hinihintay ang desisyon nito. "Wala sa atin ang mapa, anong gagawin natin, marshal?" Tumayo si alfonso sabay nag lakad at tumigil sa harap ng malaking mapa ng buong Maynila. Naka tayo lamang siya doon at tahimik na tila iniisip ang bawat posibleng mangyari o resulta ng bawat galaw nila. "Marshal?" Pumasok naman si Bernaldino na ngayon ay may dala dalang pagkain. Sinenyasan lang ito ni marchena na tumahik at ilagay na lang ang pagkain sa may center table. Kamot ulong hindi maintindihan ni bernaldino ang nangyayari subalit sinunod niya na lamang ito. Maya maya lang ay isang ngisi ang gumuhit sa labi ni alfonso. Humarap siya kina marchena at bernaldino. "Ano? Paano na? Tuloy pa rin ba kahit ang mapa ay wala?" Umupo si alfonso sa sofa at tinapik ang balikat ni bernaldino bago kinuha ang pagkain at doon lamang sumagot. "Hindi na natin kailangan ng mapang iyon, dahil ang araw na ito ay paniguradong isang malaking tagumpay para sa atin" Hindi naman maintindihan ni marchena ang sinabi nito. "Anong iyong plano, marshal?" Tanong ni bernaldino, ang kaniyang adjutant. "Kapag wala ang inahing manok, doon mo kunin ang kaniyang mga sisiw at isa isahing ilayo sa kanilang ina." "Ibig mo'ng sabihin.." Tumango si alfonso sabay tinuro ang mapa na nasa harapan nilang tatlo. "Hindi na natin kailangan ng mapang iyon, dahil ngayong araw ay sisimulan natin ang pag sugod habang ang mga ito ay abala sa kanilang magarbong salo salo." // Manila, Philippines - Obrero Mansion Pinagmasdan ni Don Ontañon Obrero ang sulat na kaniyang natanggap mula sa kaniyang anak na si Ariadna. Umupo siya atsaka doon kinuha ang liham upang basahin ito. ~~~ January 17, 1940 Honolulu, Hawaii Aking Papa, Lumipas ang mahaba habang panahon at ilang taon na rin po akong hindi naka pag bigay ng kahit anong sulat maging balita sa inyo. Gayunman, nag papasalamat pa rin ako sa lahat ng iyong pag iintindi sa aking pag alis at desisyon. Subalit, marahil ito na rin po ang panahon upang bumalik sa aking pinagmulan at muling maka sama ang aking pamilya. Kaya naman nais ko'ng ipabatid sa inyo sa liham na ito papa..na ako'y handa na muling bumalik at makasama ang aking minamahal na pamilya. Ngunit, bigyan niyo ako ng panahon upang maka pag handa at ayusin ang aking mga naiwan sa ibang bansa. Kaya naman sana'y inyong maintindihan ang akong desisyon na manuluyan muna sa Manila Hotel. Huwag kayong mag aalala papa, sapagkat ako rin ay babalik sa mansion pagkatapos ng aking mga gawain at handang makita kayo muli. Ang iyong anak, AAR OBRERO ~~~ Ibinaba ni Don Ontañon ang liham at ngiting tinawag ang kaniyang kalihim. "Don Ontañon, kailangan niyo ako?" "Dalhan mo ng imbitasyon ang aking anak na si ariadna na ngayon ay nasa Manila Hotel. Nais ko na makita siya sa salo salo mamaya" Masayang saad ng Don Ontañon at bakas sa mukha nito ang pananabik na makita muli ang kaniyang panganay na anak. "May idadagdag pa po ba kayo, Don Ontañon?" "Wala na, siguraduhin niyo lang na maibibigay ng Manila Hotel ang lahat ng kailangan ni Ariadna." Yumuko ang kaniyang kalihim at lumabas na ng malaking silid ng Don Ontañon. Habang ang Don Ontañon ay naiwan doon. Napunta ang atensyon nito sa litrato na naka lagay sa kaniyang eskritoryo. Iyon ang larawan ni Ariadna noong siya ay bata pa, buhat buhat ito ng Don Ontañon at sila ay nasa hardin. Bumuntong hininga ito. Ngunit, naalis ang atensyon niya dito ng may kumatok sa pinto. "Pasok" saad niya dahilan para pumasok si Doña Dionisa na may dala dalang mainit na kape. "Aking asawa? Akala ko ba ay nag hahanda na kayong dalawa ni Foresa para sa salo salo mamaya?" Dahan dahan na nag lakad papalapit ang doña at ipinatong sa may center table ang dala dala niyang mainit na kape para sa asawa. Pagka lagay niya nito ay doon lamang niya sinagot ang tanong nito sa kaniya. "Maaga pa naman, atsaka mamayang alas otso pa ng gabi gaganapin ang salo salo." Lumapit ang Don Ontañon upang umupo sa sofa na naka harap sa center table. "Hindi ba kayo mahuhuli niyan?" Paninigurado nito. "Ang aking asawa masyadong nag aalala para sa amin" palabiro ngunit nandoon pa rin ang lambing sa pagkakasabi nito. "Dahil pamilya ko kayo, at mahalaga kayo sa akin" saad naman nito bago kinuha ang kape. Hinipan niya muna ito bago humigop ng kaunti. Habang ang doña dionisa ay umupo sa tabi nito. "Masarap ba? Ako na ang nag timpla niyan, alam ko kasi na madami ka'ng ginawa kahapon. Kaya mo pa ba na pumunta mamayang salo salo?" Ibinaba ng Don Ontañon ang kape at ibinalik sa dating puwesto nito. "Hindi na mahalaga kung kaya ko. Kailangan ay nandoon ang ating pamilya, lalo pa't ang Governor-General Ordoñez mismo ang nag imbita sa akin. Hindi magiging maganda ang ating reputasyon kung kayo lamang ang pupunta doon" Sumangayon naman ang Doña Dionisa sa sinabi ng kaniyang asawa, kung kaya't hindi na lamang siya nag salita pa tungkol doon dahil alam niya na mahalaga kay Don Ontañon ang reputasyon ng buong pamilya Obrero. "Muntik ko ng makalimutan, hindi mo pala nasasabi sa akin na ngayon dumating sa maynila ang panganay mo na si Ariadna" "Ngayon ko lamang nabasa at natanggap ang kaniyang liham" napatango naman si dionisa sa sagot ng kaniyang asawa, naiintindihan niya ito. Ngunit, hindi pa rin siya tumigil upang itanong ang tungkol dito. "Kung gayun, nasaan na siya? para naman maipalinis ko ang kaniyang silid at makapag pamili ng kaniyang mga kailangan. Hindi ba ay galing siyang hawaii?" Sunod sunod na sabi nito. "Oo, subalit, huwag ka ng mag abala sapagkat nasabi niya na sa manila hotel muna siya manunuluyan upang asikasuhin ang kaniyang mga naiwang gawain sa Hawaii" Tumango naman ang Doña. "Kung ganun ay sakto lamang ang lahat, sapagkat doon din tayo sa manila hotel mag sasalo salo" Ngumiti si Don Ontañon bago kinuha muli ang kaniyang kape at dahan dahan na ininom nito. "Oh aking asawa, babalik na ako upang tulungan ang iyong dalaga sa kaniyang silid. Marahil ay masyado na itong nahihirapan sa pag pili ng kaniyang isusuot" Tumawa ang Don Ontañon habang naiisip ang kaniyang dalaga na si foresa. Kilala niya pa naman ito, masyadong mapili at napaka metikolosa pag dating sa kaniyang susuotin at ilalagay na pampaganda sa mukha. "Mas maganda pa, aking asawa" naka ngiting wika ng Don Ontañon. Iniwan naman na ni Doña Dionisa ang kaniyang asawa sa opisina nito at mabilis na nag lakad papunta sa kuwarto ng kaniyang anak na si Foresa. Walang katok katok na pumasok siya sa silid nito at agad rin sinarado ang pinto sabay kinandado. "Mama, bakit bigla bigla ka na lamang pumapasok?" Gulat na saad ni foresa na ngayon ay inaabot ang nahulog niyang porselas dahil sa gulat niya sa kaniyang Mama. "Tumahimik ka nga! May mahalaga akong sasabihin" Lumapit si Doña Dionisa kay Foresa. Habang si Foresa naman ay kunot noong tinignan ang kaniyang mama. "Ano naman yan, mama? Kailangan ko pa ipaayos ang aking bu-" "Ang panganay na anak ng papa mo sa unang asawa nito ay bumalik na mula sa Hawaii" Kita naman sa mukha ng dalaga ang pag kalito at walang ideya sa kung ano man ang sinasabi ng kaniyang mama. "Teka, mama..dahan dahan lamang, panganay na anak ni papa??" Tumango ang Doña Dionisa. "Ibig mo'ng sabihin, yung...." "Siya nga, foresa anak" Tinignan naman ni foresa ang kaniyang mama na parang nag tataka kung ano meron at anong dahilan kung bakit sinasabi ito sa kaniya ng kaniyang mama. "Ano naman meron, mama? Edi maayos iyon, sapagkat matutuwa ang papa sa pag babalik nito. At isa pa-ARAY!" Inis na pinagmasdan ni foresa ang kaniyang mama ng kurutin siya nito sa kaniyang braso. "Anong maayos? Hindi mo ba nakikita ang magiging kinahihinatnan nito, foresa?" Umikot ang mata ni foresa at tinalikuran ang kaniyang mama upang kunin sa kabilang aparador ang kaniyang sapatos. "Mama, ano nanaman ba iyan? natatakot ka pa rin ba na biglang manggugulo ang Ate? Mama naman! matagal na iyon. Ilang taon na ang lumipas, atsaka hindi naman galit o hinadlangan ni ate ang pagiging bagong miyembro at pamilya natin. Bukod pa doon ay sinuportahan niya pa tayo" Inisip naman ni Doña Dionisa iyon. At hindi niya maitatanggi na tama ang kaniyang anak na si Foresa. Pero sa kaloob looban ni Dionisa ay hindi pa rin siya kuntento sa pakikisama ni Ariadna sa kanila. Bukod pa doon ay hindi niya pa rin gusto ito. "Kahit na, kailangan pa rin natin maging maingat. Hindi ko pa rin gusto ang kaniyang ugali, foresa" Umismid si foresa at sinuot ang kaniyang takong. "Kailangan mo lang uminom ulit ng tsaa upang hindi ka mag isip ng kung ano ano, mama." Napabuga ng hangin si Doña Dionisa at sumangayon naman sa kaniyang dalaga. "Siguro nga, anak. Ay teka, bilisan mo diyan ha? Dahil hindi ko nais na mahuli tayo" "Ha? Bakit? Hindi pa naayos ang aking buhok, mama" Tinignan naman ni Doña Dionisa ang kaniyang dalaga at hindi maiwasan na mangasim ang mukha. "Hindi pa ba maayos yan? Kulang na lang ay mas makintab na ang iyong buhok sa mga baso sa manila hotel mamaya" Umikot ang mata ni foresa at kinuha ang kaniyang maliit na purse upang ilagay doon ang kaniyang mga gamit na dadalhin katulad na lamang ng mga pampaganda at panyo niya. "Pero mama, mahalaga ba ang salo salo ngayon? Bakit tila pati ang papa ay abala sa pag aayos nito?" Bumuntong hininga si Doña Dionisa. "Mahalaga ito sapagkat ang mismong Governor General ang nag imbita sa iyong Papa, bukod pa doon ito rin ang mismong nag bigay nang awtoridad sa iyong papa na pumili ng kaniyang iimbitahin sa salo salo" "Governor General? Governor General Ordóñez ba, mama?" Tumango ang kaniyang mama bilang sagot sa tanong nito, at nang malaman ni foresa ito ay tila mas lalong naging masigla ang mata nito. Iling naman na tinignan ni Doña Dionisa ang kaniyang dalaga, dahil alam niya na may gusto si foresa sa nag iisang anak ng Governor General Ordóñez. "Umayos ka, foresa. Madaming mga kilalang tao doon, huwag na huwag mo'ng ipapahiya ang iyong papa at mas lalo na ang buong pamilya obrero" Ngumisi naman si foresa at umikot bago nag pose na parang isang modelo. "Mama, kabaliktaran ata nun ang ibibigay ko sa ating pamilya." Natawa silang dalawa. "Oh siya, iwan na kita. Kailangan ko rin mag bihis at pagkatapos ay pupuntahan ko pa ang iyong papa upang tulungan siya" Lumabas na si Doña Dionisa, habang si foresa ay tinuon ang kaniyang atensyon sa pag aayos ng sarili. Subalit, binuksan niya ang kabinet at kinuha ang huling liham na natanggap niya sa kaniyang ate. Isang masayang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mapupulang labi. "Maligayang pag babalik, ate alba" //
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 61 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (83)
GamingSix Gen
good
11/03
0
PilotonGelly ann
grabi nainlove ako sa story nila
10/05/2025
0
RequizKenji
thank you so much for the first time I was just wondering if you want to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to Be
good
11/03
0grabi nainlove ako sa story nila
10/05/2025
0thank you so much for the first time I was just wondering if you want to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to Be
15/04/2025
0Tingnan Lahat