Prologue January 16, 1940 - Hawaii, Honolulu Bumuntong hininga si ariadna at pinagmasdan ang litrato na kaniyang hawak hawak. Lumang luma na rin ito, ngunit naka tatak pa rin sa kaniyang isipan ang araw kung kailan nila kinuha ang litratong ito. January 16 rin ang araw na napag pasiyahan ng kaniyang pamilya na mag pakuha ng litrato nila, ito ay sampung taon na rin ang naka lipas. Ang kaniyang ina ay naka suot ng isang pulang bestida na tinernuhan nito ng mga perlas na kuwintas at hikaw, habang siya ay naka suot ng kaniyang Uniporme at ganun din ang kaniyang naka babatang kapatid na lalake. Habang ang kaniyang ama ay naka damit na Americana Suit, habang hawak hawak ang kaniyangs sumbrero na naalala niya pa'ng binili nito ng pumunta ang kaniyang ama sa Estados Unidos. Ang mga mukha nila ay puno ng saya, bakas iyon sa ngiti na masasaksihan sa kanilang mata na kuhang kuha sa litrato. Ilang taon na rin ang naka lipas, gayunman ang lahat ay hindi na mauulit at tanging makikita na lang bilang alaala sa isang manipis na litratong kaniyang hawak hawak. Ibinalik na lamang ni ariadna ang litratong iyon sa kaniyang pitaka at nag patuloy sa kaniyang ginagawa. Subalit bago pa niya matuloy iyon ay may kumatok sa pinto ng kaniyang opisina dahilan para maagaw nito ang kaniyang atensyon. "Morning!" Masiglang saad ni ailana, ang kaniyang co-worker. Tumayo si ariadna at ngiting lumapit kay ailana. "Good morning, and by the way! thank you for the coffee yesterday" pag pagpapasalamat ni ariadna sa kape na ibinigay nito kahapon sa kaniya. "No, it's fine. So, what do you have here? Your office looks like a huge bag of papers and problems, ariadna" Napatawa naman si ariadna sinabi nito at bumalik sa kaniyang puwesto habang si ailana ay umupo sa sofa. "You talk like you don't have any paperworks right now, aila." Umikot ang mata ni ailana senyales na ayaw na ayaw talaga nito ang mga papeles na dapat nitong atupagin ngayong araw. "I still hate that we need to do all of this stuff" "Atleast, they give a huge pay and bonus" "Well that's problem, i can't complain because they pay me so well" Napailing na lang si ariadna sa sinasabi nito at kinuha ang kaniyang ballpen at mga di mabilang na papel na kaniyang asikasuhin at ipasa sa mga susunod na araw. "You better move your self right now or someone will see you slacking off at my office" Rinig naman niya ang mapag reklamong buntong hininga nito bago tumayo pero hindi niya na ito pinagmasdan pa at nag patuloy sa ginagawa, lalo pa't gustong gusto niya na rin matapos lahat ng ito at makauwi ng maaga. "Right, oh! I almost forgot" Naglakad ito papalapit kay ariadna at may kinuhang isang sobre sa kaniyang bulsa. "A mailman came here and brought this letter for you" napaangat ang ulo ni ariadna at pinagmasdan muna si ailana bago tinignan at kinuha ang liham na naka lagay sa isang puting sobre. "You were busy with the meetings and paperworks , so i signed it for you, is that okay?" "Definitely! Thank you" ngumiti si ariadna bago itinuon ang kaniyang atensyon sa liham na kaniyang hawak hawak ngayon. "So, i will go now, need to do some work stuff, catch up on you later" "Yeah see you!" Saad lang ni ariadna ngunit ang kaniyang mata ay naka tutok sa liham na hawak hawak niya. Tinignan niya ang likuran nito at napa tigil siya ng makita at mabasa ang naka sulat o naka lagay doon. Miss Ariadna Alba Rocio Obrero Hawaii, Honolulu Manila, Philippines Manila Naka lagay pa doon ang isang Philippine Postage at naka saad din kung saan Post Office ito nagmula. Huminga siya ng malalim at binuksan ang sobre upang kunin ang liham na nasa loob nito. Sinimulan niyang basahin iyon ngunit hindi niya pa natatapos ay agad na siyang napatigil sa pag babasa at nanginginig ang kaniyang kamay na ibinaba ang liham. Ang kanniyang nanginginig na kamay ay unti unti kumuyom. Naging mabigat ang bawat pag hinga niya subalit hindi niya alam kung ano ang gagawin niya lalo pa't ilang taon na siyang umalis sa kaniyang bansang kinagisnan. Ilang taon. Para lang maka layo sa mga bagay na ayaw niya ng balikan at ayaw niya ng maalala pa. Subalit, alam niyang darating ang panahon na ito. Kung saan siya ay wala ng magagawa kundi bumalik sa Pilipinas. Dahil kahit anong gawin niya ay hihilain at hihilain siya ng tadhana pabalik sa lugar na hinding hindi niya na nais pang balikan. Itinago niya ang liham sa kaniyang bag at inayos ang kaniyang mga gamit. Pero agad na napatingin at tumigil si ariadna ng makita ang litrato ng kaniyang pamilya. Inilagay niya na lang muli ng maayos iyon sa kaniyang bag. Kumuha siya ng papel at ballpen bago nag simulang mag sulat. Subalit, nasa kalgitnaan siya ng pag susulat ng itinigil niya iyon at muling kinuha ang liham upang basahin muli o tignan iyon. At doon niya lang napansin na walang naka saad kung kanino o sino ang nag sulat ng liham. Ang tanging naka saad lamang sa liham na kaniyang natanggap ay kung saang lugar ito nag mula at wala ng iba pa. Kumunot ang kaniyang noo habang ang kaniyang mukha ay seryosong iniisip ang tungkol sa liham. Kaya naman bumalik ang kaniyang atensyon sa kaniyang sinusulat at mabilis na tinapos ito. Agad siyang tumayo, dala dala ang kaniyang gamit at ang liham. Dumiretso siya papunta sa opisina ng namamahala sa kanila. Kumatok siya doon at ng marinig ang boses nito, siya'y agad na pumasok. Ilang minuto rin siyang nasa loob at pag labas niya ay mabilis siyang nag tungo papalabas ng gusali upang sumakay sa Sampan Bus. "Downtown Honolulu Post Office please" Tumango naman ang driver at pinaandar ang sampan upang patakbuhin na ito papunta sa may post office na matatagpuan lamang sa Downtown Honolulu. Ilang minuto lang din ang kanilang pag byahe ay nakarating din siya sa kaniyang destinasyon. Bago bumaba ay iniabot niya ang kaniyang bayad sa mismong nag mamaneho at hinintay ang kaniyang sukli bago dumiretso papasok sa may loob ng post office. Pag kapasok ay agad siyang lumapit sa isang staff sa loob at inilabas ang liham na natanggap niya. Gusto niyang malaman kung kanino at sino ang nag padala nito sa kaniya. Dahil unang una sa lahat ay hindi mag papadala ang kaniyang ama ng liham sa kaniya maliban na lang kung nais nitong bumalik siya, subalit alam ni ariadna sa sarili niya na kahit kailan ay hindi mag bibigay ng kahit anong liham ang kaniyang ama tungkol sa mga nangyari sa nakaraan. Kilala niya ang kaniyang ama, kilalang kilala. Ngayon at alam niyang hindi ang kaniyang ama ang mag susulat nito ay kailangan niyang malaman ang tao sa likod ng liham na iyon. Lalo pa't ang naka saad sa liham na iyon ay ang mga bagay na tumatak sa isip niya na kahit ilang beses niyang nais mag laho at mawala ay hindi na maaari pa'ng mabuta. Dahil pinaubaya niya na lahat ng iyon sa tadhana. Pero nandito siya ngayon at hawak hawak ang liham para lang malaman ang taong nag sulat nito. "What can i help you, ma'am?" "Oh right! I just wanted ask if you have the record of this letter, because the letter doesn't have the sender's name and information and I badly need it." "Let me have a look at the back of the letter, ma'am" "Yeah, sure" binigay ni ariadna ang letter sa staff at kinuha naman nito. "I'm sorry ma'am but this is an international mail, which means that we don't have any records or information of the sender. Only the post office of the sender's country could give you the information" Nang marinig ni ariadna iyon ay agad siyang napa isip subalit hindi niya nais na bumalik. "There's no any option? I really need it" Hinintay niya ito habang may kaba sa kaniyang dibdib. "We have option because this type of mail requires a signature, however ma'am it is unlikely to get the information as the sender are the one who didn't indicate the name and information" "Okay, thank you so much" "No problem, ma'am" Kinuha na muli ni ariadna ang liham at nag lakad papalabas ng post office. Bumuntong hininga siya at tinignan ang liham na kaniyang hawak hawak ngayon. Hindi niya alam kung anong gagawin. Pinangako niya na hinding hindi na siya babalik, pero ay nandito siya ngayon at nag dadalawang isip sa kaniyang binitiwang mga salita. Binuksan niya muli ang liham at binasa ulit sa pangatlong pagkakataon. Habang binabasa niya iyon ay tila lahat ng kaniyang alaala ay bumalik. Flashback November 14, 1934 - Manila Philippines Rinig na rinig ni Ariadna ang mga yapak ng mga kabayo sa daanan. Pinagmasdan niya ang hindi mabilang na kalesa sa bawat kalsada, habang ang mga tao ay masaya at malayang nag lalakad dito. Kasa kasama ang kanilang mga anak at kamag anak, upang bumili ng kanilang makakain o gustong mga gamit. Subalit, kung anong kay saya ng mga tao sa paligid ni ariadna ay kasing tumbas ng lungkot at pighating naka pinta sa kaniyang mukha. Tumulo ang kaniyang luha pero mabilis niyang pinunasan iyon, at kahit may iilan na taong napapatingin sa kaniya ay hindi niya ito pinansin. Kahit na puno ng benda ang ibat ibang parte ng kaniyang katawan habang siya ay nag lalakad sa gilid ng kalsada ay ininda niya iyon upang makarating sa kanilang mansion. "Hindi ba't ang Koronel Obrero iyan?" "Nakauwi na siya?" "Teka, anong nangyari sa kaniya?" "Balita ko ay tungkol ito sa rebolusyong hukbo" "Akala ko ba ay tungkol sa mga hukbong komunista?" "Nalaman niya na kaya ang pagkawala ng kaniyang ina at kapatid?" "Shh! Tumigil ka nga, tara na at wala kang mapapala sa kaka tsismis mo" Napa tigil si ariadna ng marinig niya iyon, lumunok siya ng malalim. Ilang minuto lang siyang naka tayo doon na para bang puno ng takot ang kaniyang katawan na gumawa ng hakbang papunta doon. Subalit, nilunok niya ang kaniya takot at nag patuloy ulit sa paglalakad. Ang kaniyang luha ay lalong bumuhos habang ang imahe sa kaniyang isipan ay unti unting nabuo. Tila wala siya wisyo dahil ang tanging alam niya lang ay isang bagay. At iyon ay makita sila. Lumiko siya at tumigil upang pagmasdan ang kanilang mansion. Wala na siyang hinintay pa na oras at paika ikang tumakbo papasok ng gate ng mansion nila, pagka pasok ay napa tigil siya ng mabilis na humarang sa kaniya si Anton. "K-Koronel, mas magandang mag pahinga ka muna sa ospital" Saad nito habang naka harang sa dinaraanan ni ariadna. "Tumabi ka, anton" "P-Pero koronel, kailang-" "Tumabi ka!!" "Koronel.." "Kailangan ko'ng makita ang aking ina at kapatid bago sila mailibing, anton. Wala ako sa tabi nila noong kailangan na kailangan nila ako, ngunit nandito na ako at pipigilan mo pa rin ako?" Kinakabahan naman si anton at hindi niya alam kung paano sasabihin ang lahat ng nalaman niya kay ariadna. Agad na iniwasan ni ariadna si Anton upang maka pasok na, pero bago pa man siya maka hakbang ay tumigil siya sa kaniyang puwesto at pinagmasdan ang nangyayari sa loob ng kanilang mansion. Ang paligid ay puno ng palamuti habang ang mga katulong ay abala sa mga handa at pagkain, ang iba ay panay ang linis sa bawat sulok ng mansion. Habang siya ay naka tayo sa gitna nang walang ka alam alam sa nangyayari. Takot pero walang nagawa si anton na lumapit kay ariadna. Dahil alam ni anton na siya lang ang makaka pag sabi dito ng mga nangyari. Lalo pa't alam ni anton ang ugali ni Ariadna. Kahit siya ay natatakot sa kaniyang gagawin. Pero hindi niya pwedeng iwan si ariadna ng walang alam tungkol sa importanteng tao nito sa buhay. "Anong nangyayari?" Tanong ni ariadna sabay pinunasan ang luha na tumulo. Lumunok si anton, ramdam ni anton ang pamamasa ng kaniyang kamay dahil sa kaba. "K-Koronel.." Humakbang ng kaunti si ariadna para tignan ang nasa loob ng mansion. Pero mabilis siyang napaatras at dahan dahan na lumayo ng masaksihan ang lahat. Hindi niya na kailangan pa ng sagot ng makita niya ang pag labas ng mga bisita at ang kaniyang ama kasama ang isang babae at dalaga mula sa kanilang dining room. Masaya ang mga ito na nag kwkwentuhan, pero nakuha ng atensyon ni ariadna ang sing sing sa kamay ng babaeng nasa bisig ng kaniyang ama. Masaya sila? Ang unang bagay na nasa isip ni ariadna ng marinig ang pag tawa ng kaniyang ama. Napailing si ariadna at pinunasan ang luhang hindi niya na mapigilan. "Papa, mag pakuha tayo ng litrato mamaya" Tinignan ni ariadna ang dalagang nag sabi nito. "Papa?" Mas lalong bumilis ang pag taas baba ng dibdib ni ariadna, at kitang kita ang pag tangis ng kaniyang bagang habang ang kaniyang kamay ay kumuyom. Umatras si ariadna at mabilis na tinalikuran ang mansion. Nang masiguradong malayo na siya at hindi na makikita pa ay tumigil siya at tahimik na naka tingin lang sa lupa. Hindi naman alam ni anton ang gagawin. Pero bumuntong hininga si anton at agad na sinabi ang mga nalaman niya. "Koronel, ang iyong ina at kapatid ay nailibing na, halos isang buwan ng naka lilipas. Habang, ang iyong ama ay-" "Tara na, nais ko ng mag pahinga" malamig na pag putol ni ariadna sa sinabi ni anton dahilan para mapatigil ito sa pag sasalita at nag aalalang tinignan si ariadna. Gayunman, hindi na nag salita pa si anton magin si ariadna at mabibigat na hakbang na lumayo sa mansion nila. "M-Masusunod, koronel" End of Flashback Simula nun ay iniwasan niya na ang bawat pagkakataon o hiling ng kaniyang ama na makita siya. Kahit na ito ay tutol sa kaniyang pag alis sa Pilipinas noong taong 1937 ay hindi niya ito pinakinggan. Hanggang ngayon ay nag papadala pa rin ito ng pera sa kaniya, pero dahil sa kaniyang galit dito ay ni isang papel na mula sa perang pinadala nito ay hindi niya ginastos at mas lalong hindi niya ginamit kahit saan na bagay. Dahil simula ng umalis siya sa Pilipinas ay ang pagkakataon na ibinigay niya sa kaniyang sarili upang putulin ang ugnayan nilang dalawa. Lumunok si ariadna ng maramdaman muli ang sakit at pagkamuhi na kaniyang pilit na binubura. Alam na ariadna na kahit naka layo na siya, ang mga alaalang iyon ay naka tatak na sa kaniyang buong pagkatao. At kailanman ay hindi na matatanggal pa. Ang mali niya lang ay imbes na mag salita siya ay mas pinili niyang lumayo. Gayunman, anong magagawa niya kung ang ama niya ay may bago ng pamilya? Hindi siya isang martyr na tao para sirain ang buhay ng mga ito, lalo pa't alam niya na maaaring masira din ang kinabukasan ng dalagang iyon. Buong buhay niya ay sinuway niya ang kaniyang ama, at iyon ang pagkakataon na hindi niya na susuwayin ang gusto ng kaniyang ama. Nag patuloy siya sa pag lalakad at napag desisyunan na umalis. Puno na siya at hindi na siya kailanman babalik pa. Iyon ang pinangako niya sa kaniyang sarili. At iyon pa rin ang gagawin niya. Ang talikuran ang lahat. Tumayo siya sa may gilid ng kalsada upang mag hintay ng sampan bus. Tinignan naman niya ang kaniyang relo at hindi namalayan na mag tatanghali na pala. "Hindi pa ako nakakain.." Naalala niya na tanging kape lang laman ng kaniyang tiyan simula ng pumasok siya sa trabaho. Pero napa tigil siya ng biglang may maka bangga siyang babae dahilan para mabitawan niya ang liham at mahulog ito sa basang parte ng kalsada. "I'm sorry, are you okay?" "I'm good, its fine" "Are you sure?" "Yeah" Ngumiti na lang siya sa babae na umalis rin ng makitang ayos siya, habang si ariadna ay pinagmasdan ang papel na ngayon ay basa na. Bumuntong hininga siya at yumuko upang kunin yun. Pero bago niya pa makuha ay tumigil siya. Pinagmasdan niya ang kakaibang pag litaw ng mga sulat sa likuran ng sobre. Kumunot ang kaniyang noo sa nakikita. Dahan dahan na may nabuong talata sa likod ng liham. Dahil doon ay tila nanlamig ang sikmura ni ariadna ng mabasa ito. At sa mga pagkakataon na iyon, ang kaniyang isipan ay naging desidido na sa pag alis niya sa Hawaii, upang bumalik sa kaniyang sariling bansa, sa Pilipinas. //
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 61 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (83)
GamingSix Gen
good
11/03
0
PilotonGelly ann
grabi nainlove ako sa story nila
10/05/2025
0
RequizKenji
thank you so much for the first time I was just wondering if you want to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to Be
good
11/03
0grabi nainlove ako sa story nila
10/05/2025
0thank you so much for the first time I was just wondering if you want to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to be a good day at work and you know I was like I was going on with my mom is going to Be
15/04/2025
0Tingnan Lahat