"Eli, bakit hindi kayo magkasamang umuwi ni Bella?" Tanong ni Tita Dina. Galing sa date 'tong si Eli. Sabi ko kasi sa kaniya, umuwi ng maaga. 'Yan tuloy. Mabuti nalang hinintay namin siya bago kami kumain. "Uhm.."Pagkatapos ay tumingin siya sa'kin. "May report po kasi kaming tinapos, e." "Diba, magkaklase kayo?" Nagtatakang tanong ni Tita Dina sa'kin habang kumakain. "Ah..Oo Tita. Pero magka-ibang group po kami, e." Palusot ko. Hindi naman parang galit ang mukha ni Tita. Siguro ay naninigurado lang siya. Mabait naman siya. "Alam mo, Eli. Hindi naman kita pagbabawalan kung may date ka. Basta huwag lang papabayaan ang pag-aaral." Paalala ni Tita. Bigla namang naubo si Eli. Alam naman niyang hindi niya mauuto si Tita, e. Tsaka hindi naman pala bawal makipag-date. "Oo naman, ma. Alam ko naman po 'yon." Sabay ngiti niya. "Ikaw, Bella." Tumingin siya sa'kin. "May boyfriend kana ba?" Bigla namang natawa si Eli. Malapit na akong masamid dahil sa tanong ni Tita pero binawi ko naman ito sa ngiti. "Wala po." "Naku! Ang totoo niyan, ma. Maraming nagtatanong sa akin tungkol kay Bella. Ayaw lang talaga niya!" "Huwag mo kasing gayahin sa'yo na marami ang lalaki, anak." Pang-aasar ni Tita. Tumaas naman ang kilay niya. "Wala nga po, e. Ganda lang ambag ko." Natawa ako. Sinungaling talaga 'tong si Eli. Noong una, may jowa daw siya. Pagkatapos tinanong ko naman no'ng isang araw, wala na daw. Tapos kanina naki-pagdate. Ano ba talaga? "Tita, ako nalang po yung maghuhugas ng plato." Nakita ko kasing nagliligpit na siya. "Sige, salamat Bella. May gagawin pa kasi ako, e." Tumango ako. Papasok na sana siya sa kwarto pero tinawag ko siya."Ah, Tita.." Nilingon niya naman ako. "Nakakausap mo pa ba si mama?" "Oo, noong nakaraang linggo. Tinanong niya ako tungkol sa'yo." Mabuti nalang at naaalala pa ako ni mama. "Bakit?" "Hindi na po kasi ako tinatawagan ni mama, e. Kapag ako naman ang tumatawag, hindi naman sinasagot. Nag-aalala na po ako.." "Ngayong linggo, hindi naman siya tumatawag sa'kin. Tsaka busy din kasi ako sa school e kaya hindi ko na rin matawagan." May kinuha siyang mga papel sa bag niya. "Tsaka huwag kang mag-alala, Bella. Kakamustahin ko siya baka busy lang 'yon sa trabaho." Ngumiti nalang ako sa kaniya. Pinagpatuloy ko ang paghuhugas ko. Nakita ko namang pumasok si Eli sa banyo maliligo siguro. Pagkatapos kung maghugas ay pumasok na ako sa kwarto para mag-review. Tatlo kasi ang kuwarto sa bahay nila. Isa para kay Tita, Eli, at sa'kin. Yung dating bakanteng kuwarto nila ang tinutuluyan ko. "Bella! Dito muna ako matutulog! Tsaka may chika ako sa'yo." Sambit niya. Dala-dala niya ang unan at kumot niya. "Oo naman." Maluwag din naman kasi ang higaan kaya okay lang, tsaka sa kanila naman 'to, e. Umupo na siya sa kama at ilang sandali ay hinampas-hampas niya ang kama gamit ang unan niya. Tumitili din siya habang hinahawakan ang magkabilang pisngi niya. "Bella! Grabe ang sweet niya." Nakangiting sabi niya. Halatang kinikilig. "Tsaka thank you kasi hindi mo ako nilaglag kanina kay mama." Pinahina niya pa ang boses niya. "Ikaw pa!" Binalik ko ang tingin sa binabasa ko. Medyo hindi ako makapag-focus dahil sa tili ng babaeng 'to. "Tsaka hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Pinunasan niya rin yung bibig ko no'ng kumakain kami. Panay din ang tingin niya sa'kin. Gosh!" "E, may label na ba?" Bigla naman hinampas ng unan. "Siyempre, wala. Pero baka sa susunod mayroon na." Natatawang sambit niya. "Akala ko ba wala kanang boyfriend, sino yung ka-date mo kanina?" "Wala nga pero may ka-date ako. Pero hindi kami.." Ganon pala, hanggang date lang siya. "Goodluck nalang.." "Gusto mo ihanap din kita? Para naman double date." Umiling ako. "Hindi na. Hintayin ko nalang dumating. Baka na-traffic lang 'yon." "Alam mo uso na rin ngayon ang first move. Walang hintay-hintay sa taong gustong sumaya ang buhay!" "Masaya naman ako sa pamilya ko.." "Ah, basta. Masaya din namang sumubok kahit minsan, malay mo baka siya na ang 'the one' mo." "Magre-review muna ako. " "Ay ako rin pala. May quiz tayo bukas, diba?" Tumango ako. Bigla naman siyang tumakbo palabas. Pagbalik niya ay may dala-dala na siyang libro, notebook at ballpen. Umupo siya sa tabi ko. "Review na tayo.." Pero may nilabas siyang phone. Tumaas naman ang isang kilay ko. "Siyempre, picture muna bago mag-review." Nag-picture kaming dalawa. Ako nakangiti habang siya naka-wacky naman. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko. Tiningnan ko din ang orasan. 8:30 pm. Habang nagre-review kaming dalawa ay panay ang tanong at kuwento niya sa akin tungkol sa date niya kanina. Masaya pa siya dahil marami daw ang pagkain tsaka libre pa. Nakalimutan ko nga palang matakaw 'tong si Eli. "Bella, pahiram ako ng ballpen. Hindi na kasi gumagana, e. Bago pa naman 'to!" Bakas sa mukha niya ang pagkairita. "Sige, kunin mo nalang diyan." Sabi ko pero nakatutok lang ang mga mata ko pagbabasa. "Nakakainis kasi, e. Bibili na naman ako bukas." Bumuntong-hininga siya. "Bella, kanino 'to?" Nilingon ko siya. Hawak-hawak niya yung panyong pinahiram sa'kin no'ng lalaking nagligtas sa'kin. "Ah, sa lalaking nagligtas sa'kin." Sinabi ko ang totoo sa kaniya. Tsaka alam naman nila ni Tita. Hindi ko lang ipinaalam sa pamilya ko ang nangyari. Ayaw ko lang silang mag-alala. Inamoy-amoy niya yung panyo. "OMG! Ang bango naman!" Tinitigan niya naman ako. "Hindi mo nilabhan no?" Nang-aasar na tingin niya. "Nakalimutan ko kasi, e." "Ang sabihin mo, gustong gusto mo lang amuyin!" Tumawa ako. Oo nga naman bakit hindi ko nilabhan? "Yuck, may sipon ko 'yan." Nilayo niya ang panyo sa ilong niya. Halatang nandidiri pero napalitan agad ng ngiti. "Ano yung name niya?" Umiling ako. "Hindi ko alam, hindi naman sinabi." "Kung sakaling magkita kayo, isasauli mo ba 'tong panyo?" "Oo naman, bakit naman hindi?" Pero 5 months na ang nakalipas. Ang tanong, magkikita pa ba kami ulit? "Kapag hindi na kayo magkita, akin nalang 'to, ah!" Tawa siya nang tawa. "Hindi puwede.." "Selos ka?" Diretsong tanong niya habang tumatawa. "Hindi." Kinuha ko yung panyo sa kaniya. Pagkatapos ay ipinasok ko sa bag ko. "May nakita pala akong sulat doon sa baba no'ng panyo. KV, My Love." Parang nag-iisip siya. "Baka, binigay yun ng jowa niya. Tsaka baka KV yung name niya!" "Hindi ko rin alam." Niligpit ko na yung mga gamit ko. Naghahanda na para matulog. "Baka siya na forever mo!" Tumingin siya sa'kin. "Ano matutulog kana?" "Oo , tapos naman na akong mag-review." Ngumuso siya."Tsaka hindi ka naman nagre-review." Sinamaan niya ako ng tingin. "Sige, matutulog na din ako. Alam ko namang papakopyahin mo ako bukas." Pagkatapos ay humalakhak siya. Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi ko na ginising pa si Eli. Hindi naman siguro kami male-late ulit. Tinignan ko yung orasan, 5:30 am palang. Napakaaga ko nga talaga. Alas otso pa naman ang pasok. Isa pa, malapit lang naman dito yung school. Nakita kong nasa sala si Tita Dina. Nagluluto siya. Halatang nakaligo na rin dahil sa basang buhok niya. Ang aga naman niya. "Oh, Bella! Ang aga mo naman!" Nakangiti ito. "Good morning, Tita. Maglalaba po muna kasi ako bago pumasok sa school." Nakita kong naglagay siya ng pagkain sa baon niya. "Maaga pala akong nagluto. May gagawin kasi akong importante sa school. Gusto mo ng coffee?" Umiling ako. "Wag na po, Tita. Ako na po. Si Eli nga po pala natutulog pa." "Tulog mantika talaga 'yan si Eli. Doon siya natulog sa kwarto mo kagabi, ano? Rinig na rinig ko yung tili niya sa kwarto." "Oo, Tita. Maingay po kasi talaga si Eli." Sabay kaming tumawa. "Bella, nga pala. Wala ng tinapay dito. Gusto mo bang ibili kita sa labas?" "Wag na po, Tita. Ako nalang po tsaka malapit lang naman yung bakery diyan." May kinuha siyang pera sa bag niya at iniabot sa'kin. Ang laki naman neto. "Oh, eto. Bili ka kahit anong tinapay, yung sukli pamasahe niyo ni Eli. Alis na ako, sabihan mo nalang si Eli." Hinalikan niya yung pisngi ko. "Ingat, Tita. " "Ingat din kayo. Bye.." Pagkatapos ay kumaway ako sa kaniya. Naghilamos muna ako at inayos yung buhok ko bago ako lumabas ng bahay. Medyo madilim pa, may mga street lights pa kasi. Ilang hakbang lang naman yung bakery. Mabuti nalang talaga at makakatipid ako ng pamasahe ngayon. Nakita ko kasi kagabi na papaubos na ang allowance ko. Kailangan ko itong pagkasiyahin. Nakakahiya naman na palagi nalang akong manghihingi sa mga magulang ko. Tsaka baka may problema si mama kaya hindi siya makatawag sa'kin. Hindi ko na alam. Paano kaya kung mag-appy ako ng trabaho? "Miss beautiful! Tabi!" Agad akong naalerto sa narinig ko. Nagawa niya pang magbiro. Nakita kong may papalapit palang sa aking nagbibisikleta. Pero tumagilid siya at natumba malapit sa puno. Agad ko siyang nilapitan. Nagasgasan yung tuhod niya. "Aray!" Pumipikit pa yung mga mata niya sa sakit. Naupo siya sa kalsada. "Sorry po! Nasaan yung masakit?" "Tinatapakan mo yung paa ko." Tinignan ko yung paa ko. "Sorry!" Pagkatapos ay tinulungan ko siyang tumayo. Umupo kami sa gilid ng kalsada. "Ayos kalang ba?" Hinawakan ko yung braso niya. "Tumatsansing kana, miss." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tiningnan kong may mga galos pa siya. "Okay lang talaga. Malayo 'to sa bituka." Tumawa pa siya habang itinuturo yung galos niya. "Pasensiya na talaga." Hindi ko kasi napansin na may bike sa likod ko. "Pangatlong sorry mo na 'yan. Yayakapin na talaga kita." Nagpeace-sign naman siya. "Joke.." "Kaya mo pa bang mag-bike pauwi?" "Kung hindi, ihahatid mo ba ako?" Medyo naiirita na ako dito. Ang hangin niya. "Hindi." Tumingin ako sa mukha niya. Nakasuot din pala siya ng sombrero. "Joke. Kaya ko pa talaga, ako pa!" Sabay kaming tumayo. Nilapitan at inayos niya yung bike niya. Naghahanda na para umalis. "Sige alis na ako.." Nang biglang pumatak ang ulan. Wala akong payong! "Sandali lang, miss beautiful!" Tumaas ang isang kilay ko. Tinignan ko ang mukha niya halatang nang-aasar. "Oh bakit?" Lumapit siya at isinuot yung sombrero niya sa'kin. Dahil medyo malapit siya ay nakita ko ang buong mukha. I stared at him for a minute. Medyo makapal na kilay, singkit na mga mata, mahaba rin ang kaniyang mga pilik-mata, matangos na ilong at pinkish na labi. Masasabi kong may itsura siya. Siguro mag-kasing edad lang kami. "Alam kong gwapo ako.." Tumawa siya nang kaunti. Inayos niya rin yung sombrerong suot ko. "Eh, paano ka?" Ngumiti siya sa'kin at tinapik yung balikat ko. Tinuro niya yung bike niya. "Huwag ka nang mag-alala sa'kin. May bike naman ako.." "Sige.. salamat. Paano 'tong sombrero mo?" "Sigurado akong magkikita pa tayo. Lakad na.." Sambit niya habang nakangiti.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 39 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (38)
Jennifer Cayetano
Ang tagal ko na pong nag aantay😭😭 kilan pa po ung mga bagong chapter?😓😔
Ang tagal ko na pong nag aantay😭😭 kilan pa po ung mga bagong chapter?😓😔
03/04/2022
1its very cool
19/09/2024
0saan na karugtong
08/04/2024
0Tingnan Lahat