"Oh, anak!Kumusta ka naman diyan?" "Ayos lang, pa. Inaalagaan ko naman sarili ko dito." sagot ko. "Mabuti naman. Ingat palagi diyan, ha?" Halos araw-arawin nga ni Papa ang pagtawag sa'kin, e. He's really sweet and caring. "Tsaka, 'wag papagutom, anak." "Opo, pa." I smiled."Si Brix po pala, kamusta?" "Eto, nagbibinata na. Minsan aalis ng bahay tapos hindi magpapaalam sa'kin," I heard him sighed. "Minsan naman nasa bahay nga, puro cellphone naman ang hawak." Eto talagang si Brix. Binibigyan pa nang sakit sa ulo si Papa. Napakamot ako sa ulo. "Nandiyan ba ngayon, pa? Pakausap naman po ako." Narinig ko na tinawag ni Papa si Brix. "Pa, mamaya na! Matatalo ako dito, oh!" "Brix, minsan kana nga lang kausapin ng ate mo, e!" lumiit ang boses ni Papa. Nilayo niya siguro yung phone. "Bilhan ka daw ng pasalubong!" "Oh, ate!" Aba, mabilis talaga kumilos ang kapatid ko kapag pasalubong ang pinag-uusapan. "Brix, bakit hindi ka nagpapaalam kay papa kapag umaalis ka ng bahay? Tapos kapag naman daw nandiyan ka sa bahay e puro ka cellphone?" iritang tanong ko. Narinig ko namang bumuntong hininga siya. "Ate, nagpapaalam naman ako. Tsaka malaki na ako, no!" pasinghal na sabi niya. He's just 15. "E, bakit puro ka daw cellphone?!" "Naglilinis naman ako, ate! Sakto lang talaga na nakikita ako ni Papa na nakaupo tapos sasabihin na puro cellphone lang daw ako!" "Basta habang wala ako diyan, alagaan mo si papa. 'Wag mong bibigyan nang sakit sa ulo." paalala ko sa kaniya. "Sige, sige, ate! Bigay ko na kay papa. Yung pasalubong ko, ah?" "Teka, Brix. Tumatawag ba si Mama--" Natupol yung itatanong ko. Si papa pala yung sumagot. "Oo naman anak.." Bakit sa akin hindi? Pero baka busy lang si mama sa trabaho niya. Hindi na lang ako nagtanong pa. "Sige, pa. Ingat nalang kayo diyan! Palaging magpapahinga kapag pagod sa trabaho, ah?" Jeepney driver ang papa ko. Habang nasa ibang bansa naman ang mama ko. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako kinakamusta ni mama dito. Siya rin ang gustong mag-aral ako na malayo sa kanila. Pagkatapos naming mag-usap ay bumaba na ako para kumain. May pasok pa ako kaya mabuti nalang maaga akong tinawagan ni papa. Naabutan ko namang kumakain si Eli. "Bella! Sorry nauna na akong kumain. Narinig ko kasing nag-uusap kayo ng papa mo, e." sabay peace sign habang ngumingiti. "Ayos lang," umupo ako. "Nasaan nga pala si Tita?" Sa kanila kasi ako nakatira. Silang dalawa lang ng nanay niya ang nakatira bahay nila. Naghiwalay kasi ang parents niya. Si Tita Dina naman ay Teacher. Magbestfriend sila ng mama ko. "Ayon, nauna na. May meeting daw kasi sila dapat maaga daw." sagot niya habang ngumunguya. Tiningnan ko ang itsura niya halatang kakagising palang. "Kain kana.." iniabot niya ang pagkain sa'kin. "Actually, kakagising ko palang hindi muna ako naligo. Basta ang alam ko nagugutom ako." Tinawanan ko muna siya bago kumain. Ako naman bago kumain naliligo muna ako. Para presko habang kumakain. Habang kumakain ako ay hindi ko naman maiwasan na hindi mag-isip. Bakit kaya hindi na tumatawag si mama sa'kin? Bumalik lang ako sa ulirat ko no'ng umubo si Eli at paulit-ulit na tinawag ang pangalan ko. Iniabot ko ang tubig sa kaniya, halatang nabulunan dahil sa lakas niyang kumain. Pinupukpok niya pa ang dibdib niya habang umiinom siya. "Grabe, Bella! Halos mamatay na ako pero hindi mo pa rin inaabot yung tubig sa'kin." lumabas naman ang pagkairita sa mukha niya. "Sorry, hindi kasi kita narinig nang maayos, e." "Hindi mo talaga maririnig kasi kanina kapa tulala diyan habang kumakain," ipinatong niya ang kamay niya tsaka nilagay sa baba niya. "May problema ba?" Simula bata kami ay kaibigan ko na talaga 'tong si Eli. Nagkahiwalay lang kami no'ng lumipat sila dito sa Manila. Alam ko namang mapagkakatiwalaan ko siya. "Medyo.." naguguluhan kong sagot. "Anong medyo? Halata naman!" nakita kong patapos na siyang kumain. "Bella, matagal na tayong magkaibigan. Bakit hindi ka nagsasabi ng problema mo sa'kin?" Totoo naman. Minsan hindi ko sinasabi sa kaniya. Kailangang mahuli pa niya ako bago ako magsabi sa kaniya. "Sorry, Eli. Si mama kasi e hindi man lang ako kinamusta. Magdadalawang linggo na." paliwanag ko. "Wag kang mag-alala kakausapin ko si mama para tanungin niya si Tita." panimula niya. "Tsaka baka busy lang. Basta kung may problema ka, nandito lang ako. Your pretty Eli at your service!" pagkatapos ay humalakhak. "Salamat sa inyo ni Tita. I really appreciate it." "Sige na, male-late na tayo! Gusto ko pang makita si crush kaya bilisan mo na!" Binilisan ko ang pagkain ko. Tama nga siya male-late na kami. Magkaklase kami ni Eli kaya parehas kaming pinagalitan. Nakita ko namang tumawa nang palihim si Ali no'ng malapit nang matapilok yung Teacher namin. Natapos na nga ang klase namin. As usual, naging tambak ang projects at assignments namin. Hindi naman ako bumabagsak, balance lang talaga. Sinasabing matalino daw ako ng mga kaklase ko pero ang totoo mas marami lang talaga ang hindi nila sinagutan kesa sa'kin. Parehas lang naman kami ni Eli. Basta ang mahalaga, bawal bumagsak! Dahil maaga pa naman ay dadaan muna ako sa isang coffee shop na malapit sa school. Hindi ko kasama si Eli kasi magkikita daw sila nung crush niya. Mabuti nalang at hapon palang dahil hindi ko talaga siya papayagan kung gabi na siyang aalis. Minsan lang naman siya lumabas pero may time talaga na matagal siyang umuwi. Tinext kong mag-ingat nalang siya pag-uwi niya. "Nako! Yung aso!" Mabilis akong tumakbo at lumapit sa aso. Malapit na kasing masagasaan ng sasakyan. Hinila ko yung tali niya. Shitzu pa naman! Nasaan na kaya yung may ari nito? Bakit kasi iniwan?! Hinila ko lang yung aso palayo sa kalsada. Nakakaloka naman! Parang aligaga naman yung aso. Mahaba naman kasi yung tali niya kaya malaya siyang maglakad ng medyo malayo. Nakita ko namang may printed palang name ng aso sa tali niya. Jewel. Mamahalin pala ang asong 'to! Ganda ng pangalan. Medyo lumapit yung aso sa'kin pati pala leeg may dog tag, ngayon ko lang nakita. Mabuti nalang at hindi ako tinataholan. Good dog! Siguro hindi sinasadiyang naiwala yung asong 'to. "Psst! Jewel, halika!" hindi man lang ako pinapansin. Patuloy lang siya sa palakad-lakad niya. Mabuti nalang at nailayo ko na siya sa kalsada at naupo nalang kami sa waiting area. Nagdadalawang-isip pa ako kung tatawag ba ako sa 911 o pulis. Di kaya'y hintayin ko nalang yung may-ari dito. Baka hinahanap na yung aso niya. Pero hindi pa naman ako gutom kaya maghihintay muna ako. Bahala na si wonder woman. Umilaw yung dog tag ni Jewel kaya lumapit ako para i-check 'yon. Hinila ko yung tali at yumuko para abutin siya. I was about to touch the dog when someone approached me. "Don't touch her," sambit niya. "She doesn't like it when someone touches her. Lalo na kung hindi niya kilala." Pwede namang sabihin na ayaw mo lang talaga ipahawak! Nakasuot ng hoodie ang lalaking ito. May dala-dalang cellphone. He's also wearing his glasses. Halatang hindi mapakali. Tinawag niya si Jewel at hinawakan. "Bakit ikaw pwede?" Medyo irita kong sabi. "Hindi naman-" "I'm the owner." Tinitigan muna niya yung aso niya bago sumagot. "Thank you, miss." He's about to leave when I asked him. "Paano mo nalaman na nandito siya?" Sa aso pa rin siya nakatingin. Hinahawakan niya nang maigi yung tali ng aso. Ilang segundo ay tumingin siya sa'kin. "May nakalagay na tracker sa dog tag niya." "Wow." Binalik niya ulit yung tingin niya sa aso niya. "E, bakit mo naiwala? Kawawa naman yung aso, malapit nang mabangga-" "What?!" he checked his dog. "Nabitawan ko lang talaga siya kanina. Argh, bakit ba ako nage-explain?" maliit lang ang pagkakasabi niya pero narinig ko pa rin. Ako na nga ang tumulong e! "Sa susunod ingatan mo nalang." Seryoso naman ang tingin niya. "I know how to take care of my dog. Thank you, again." "Can I touch her? Ang cute kasi e," medyo nilambotan ko yung boses ko para naman hindi tumanggi. "Call her first. Then, you're free to touch her." Sinunod ko naman ang sinabi niya. Siguro dapat talaga ay tinatawag muna yung aso para alam niyang hahawakan ko siya. So that she will keep calm. Tsaka lumilingon pala siya kapag tinatawag siya. What a nice dog! Pero bakit kanina hindi niya ako nilingon? I bended my kness down so that I can pat Jewel's head. Habang siya ay nakatayo lang at nanonood. He let me touch Jewel. Nakakatuwa talagang hawakan yung aso. Dinilaan pa nga niya yung kamay ko. Parang gusto niyang hinihimas yung ulo niya. Ginagalaw-galaw niya pa yung buntot niya. "Bye, Jewel. Hope we'll meet again." Nilingon naman ako ni Jewel. Siguro magaan na ang loob niya sa'kin. "I hope not." I heard him whispered. Bakit parang galit ka? Bakit parang kasalanan ko? "Bakit ang harsh ng amo mo?" Hininaan ko lang yung boses ko. Lumingon naman sa akin si Jewel. Parang sinasabing, 'I agree'. "Let's go, Jewel." Pagkatapos ay tumalikod na sila. Hindi man lang niya ako tinapunan nang tingin. Mabuti pa si Jewel. "Medyo masungit," Maglalakad na sana ako nang matapilok ako. Sakit! "A li'l bit stupid." Rinig kong sambit niya. I even heard him laughing behind my back. Pero hindi ganoon kalakas. Pakurot naman kahit kaunti, please.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 34 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (38)
Jennifer Cayetano
Ang tagal ko na pong nag aantay😭😭 kilan pa po ung mga bagong chapter?😓😔
Ang tagal ko na pong nag aantay😭😭 kilan pa po ung mga bagong chapter?😓😔
03/04/2022
1its very cool
19/09/2024
0saan na karugtong
08/04/2024
0Tingnan Lahat