logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

"Pwedeng diyan nalang ako umupo? Tsaka bakante naman diba?"
Kahit malakas ang ulan ay rinig na rinig ko ang boses niya. Masiyado rin siyang lumapit sa mukha ko. Kaya agad akong lumayo.
May nakita naman akong mga bakanteng upuan pero hindi ko alam kung bakit dito rin niya gustong maupo sa tabi ko.
Napatango nalang ako kahit ayaw ko. Ayoko din na mapansin niya na kinakabahan ako.
Umupo ako malapit sa may bintana.
Umusog ako at tumingin nalang sa may bintana. Isinuot ko ang jacket ko no'ng makaramdam ako ng lamig. Hindi ko na siya tinignan pa.
Nakita kong umilaw ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan.
From: Eli
Malapit kana ba? Excited na ako. Naghanda kami ni mama para sa'yo.
Send ka naman ng picture mo.
To: Eli
Nag-abala pa kayo. Malapit na siguro ako. Magtatanong-tanong nalang ako dito. Sige, send ko sayo mamaya pic ko.
Imbis na mukha ko yung kunan ko ay yung bintana nalang yung kinunan ko. Sinend ko kay Eli. Hindi ko alam kung kita ba yung mukha ko. May reflection naman siguro. Ewan ko lang kung makita niya.
Binalik ko na ang cellphone ko. Pagkatapos ay tiningnan ko ang lalaking katabi ko. Nasa harap naman ang tingin niya. Mabuti nalang at hindi sa'kin.
May dala siyang malaking bag at kung titingnan ay para siyang magtatrabaho sa malayo. Lumipat naman ang tingin niya sa'kin at nakita kong bumulong siya.
Mahina ang pagkakadinig ko kahit na medyo tumila na ang ulan. Marami na rin ang nasa loob ng sasakyan ngayon.
Tinanong ko yung konduktor at sinabi ko ang lugar na pupuntahan ko ang sabi niya ay tatlong oras pa daw ang biyahe papunta doon.
Dahil tatlong oras pa pala ang layo ay naisipan kong umidlip sandali. Nang makaramdam ako na parang may kinakapa sa bag ko ay napamulat ako.
Nakita ko yung kamay ng lalaki na nasa bag ko. Agad niyang inilayo ang kamay niya sa akin nang tumingin ako sa kaniya.
Medyo naging matalim din ang tingin niya. Nakaramdam ako nang pangingilabot sa katawan ko.
Imbis na magsalita ay inilayo ko nalang ang bag ko at umaktong parang walang nangyari. Kahit na sa totoo ay hindi na ako mapakali.
Nang biglang hawakan niya ang bursa ng pantalon ko. Naalerto ako at inilayo ang kamay niya. Nandoon pa naman ang wallet ko.
"Anong ginagawa-"
Bigla akong napatigil nang makita kong may inilabas siyang baril. Sinigurado niyang ako lang ang makakakita nito dahil patago ito.
Nanlilisik ang mga mata niya. Hindi ko alam kung ano ang intensiyon niya. Nakaramdam din ako nang pangingilid ng luha ko.
Hindi ito ang inaasahan kong pa-welcome sa'kin.
Marami naman ang pasahero dito. Pero natatakot akong sumigaw at baka magkagulo pa ang mga tao. Baka maiputok niya ang baril at may matamaan pa o di kaya'y sa akin niya iputok ang baril.
Ngumisi siya at itinago ang baril niya. Bigla siyang lumapit sa'kin at bumulong sa tenga ko.
"Kaya kong ayaw mong masaktan, sumunod ka nalang. Kailangan nating pumara sa susunod na kanto."
"P-parang awa niyo na po. 'Wag niyo po akong s-asaktan."
"Hindi ka masasaktan basta sumunod ka lang." Pagkatapos ay hinawakan niya ang buhok ko.
Nilayo ko naman ito at tumingin na nagmamakaawa sa kaniya. Ngumisi lang siya at itinuon ang atensiyon sa harap niya.
Wala sanang masamang mangyari sa'kin. Kailangan pa ako ng pamilya ko. Hindi pa ako nakapagtapos ng pag-aaral at hindi ko pa nakikilala ang
lalaking mamahalin ko..
Nanatili akong tahimik hanggang sa sumensiyas siyang tumayo na kami. Pinapara niya ang sasakyan at nagtatakang tumingin sa'min ang konduktor.
Gustong-gusto kong magsalita. Kaso ay hinawakan niya ang braso ko at pinauna akong maglakad.
Nakababa na kami at umandar na ang bus. Hindi ako makatakbo dahil hawak niya pa rin ang braso ko.
Bumaba kami kung saan kaunti lang ang tao. Dinala niya ako sa isang eskinita. Kaunti lang ang nakikita kong bahay dito.
"Bitawan niyo po ako.. parang-awa niyo na." Pagmamakaawa ko.
Sa halip ay diniinan lang niya ang kapit sa braso ko. Nanginginig na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Kusang tumulo ang mga luha ko.
Inilabas niya ulit ang baril niya. Itinutok niya ito sa'kin.
"Ilabas mo yung cellphone at pera mo. Dali!"
Hindi ako sumunod at sa halip ay niyakap ko ang bag ko. Umiling ako.
"Wala po akong malaking pera. Hindi 'to puwede.."
"Wala ka ngang malaking pera pero may pera ka pa rin. Akin na, bilis!!"
Inilayo ko ang bag ko pero naagaw niya pa rin sa'kin.
"Ibalik mo yung bag ko!!!"
"Sige sumigaw ka at nang iputok ko 'tong baril sa'yo. Para hindi na kayo magkita pa ng pamilya mo."
"Wala ka rin bang pamilya? Bakit niyo po ginagawa 'to?"
"Tumahimik ka! Wala kang alam!!!"
Nakita niya yung cellphone ko at ipinasok sa bag niya.
Ano nang gagawin ko?
Pinandilatan niya ako ng mata.
"Nasaan na yung pera mo?!"
"Wala akong pera.. Bitawan mo na po ako, please!!!" Umiiyak kong sambit.
Hindi ko puwedeng ibigay ang pera ko. Pinagtrabahuhan 'to ni mama para sa'min. Hindi puwede!
Lumapit siya sa akin habang nakatutok pa rin ang baril niya. Tinitingnan niya ang bulsa ko. Hindi puwede!
"Alam kong nasa bulsa mo. Akin-"
Bigla niyang nabitawan ang baril niya dahil sa pagkakahampas ng ulo niya. Dumaing siya at hinawakan ang ulo niya. Kukunin sana niya ang baril pero tinadyakan ko ito papalayo.
Ang nakita kong pumalo sa kaniya gamit ang kahoy ay lalaking itim lahat ang suot. Hindi ko makita ang buong mukha niya dahil na rin sa face mask na itim na suot niya. Nakasuot din siya ng hoodie.
Siya yung nasa bus din kanina..
"I'm sorry, I'm late." Tipid niyang sabi.
Siya ba ang Knight and Shining Armor ko?
Tumakbo ako papalapit sa kaniya. Kinuha niya ang baril at tinadyakan ang lalaki kanina.
"Umalis na tayo.."
"Come on, let's put him in jail first."
"Gusto ko nang lumayo." Tiningnan ko ang lalaking nagtangka sa buhay ko."Baka magising pa siya.."
"I won't let him wake up again."
Kinuha ko ang bag ko at pinunasan ang luha ko.
"Salamat sa pagligtas sa'kin. Utang ko sa'yo ang buhay ko."
Tumango siya at may kinausap sa cellphone niya.
"I'll just send you the location. Please hurry up, Sir."
May hinalungkat siya sa bag ng magnanakaw.
"Good thing. Siya mismo ang may dalang tali." Tumawa siya.
Tinalian niya ito at siniguradong hindi makakatakas pa. Tulog pa rin naman ang magnanakaw.
"Paano mo pala kami nasundan?" Bigla-din nalang kasi siyang sumugod e.
"I knew it from the start. I was just secretly looking at you two."
"Mabuti nalang at may nakapansin pala. Hindi lang talaga ako makapagsalita dahil tinutukan niya ako ng baril."
"Just be careful next time."
Agad na dumating naman ang mga pulis. Napag-alaman na marami na pala ang kaso ng lalaking 'yon.
Narinig kong tumunog bigla yung cellphone ko. Iniabot ito sa'kin no'ng lalaking tumulong sa'kin. Ipinasok kasi 'to no'ng magnanakaw sa bag niya. Umalis naman kaagad ang mga pulis at dinala ang magnanakaw.
Mama is calling..
Kailangan kong ayusin ang boses ko. Hindi puwedeng mahalata ni mama.
"Hello, Bella?"
"Hello ma!" Nakangiti kong sabi.
"Oh, ano? Nandiyan kana ba sa bahay ni Dina?"
"Ah! Hindi pa po, ma. Pero malapit na siguro.."
"Ingatan mo ang pera mo at baka manakawan ka diyan. Marami pa naman ang masasamang loob sa Maynila."
Tumango ako. Pinipigilan na tumulo ang luha ko. "Opo, ma.."
"Balitaan mo nalang ako kapag nasa bahay kana nila.."
Ilang sandali ay napaluha ako.
"I miss you, m-ma."
"Umiiyak ka ba? Tumigil kana diyan, Bella. Tama na ang drama mo. Sige na at magta-trabaho pa ako. Ingat.."
"Ingat din, ma. Love you!"
Pinahid ko ang luha ko gamit ang mga kamay ko. Pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag.
May inabot namang panyo sa'kin yung lalaki kanina. Kinuha ko ito at nagpasalamat ako.
"Kailangan ko nang umuwi." Baka nag-aalala na sila sa'kin.
"I'll just send you home." Magsasalita pa sana ako pero- "No, buts. It's not safe to ride a bus."
Tumango nalang ako. Ilang sandali nang panghihintay ay may pumarada nang itim na sasakyan. Sumakay na kami sa likod at pagkatapos ay sinabi ko ang location ng bahay nila Eli. Hindi na kami nagkibuan pa.
Tatanungin ko ba ang pangalan niya?
Kung titingnan mo ang mga mata niya ay serysong-seryoso ito. Halata rin na mayaman siya. Kotse palang at may sariling driver pa.
"Sir, hindi ba kayo pupunta sa lib-"
"Just shut up and drive."
Hindi nalang ulit nagsalita yung driver. Natakot siguro.
"Nandito na po, tayo."
Tumingin ako sa lalaking katabi ko.
"Salamat ulit."
Tumango naman siya. Bubuksan ko sana ang pinto pero naunahan na ako nong driver. Lumabas na ako, nakita ko pa namang bukas ang bintana ng kotse ay hindi ko na naiwasang hindi magtanong.
"Ano po yung pangalan niyo?"
"Just call me.." Parang nag-iisip pa siya. "Uhm, no need to know. Let's go."
Naalala ko yung panyo niya.
"Yung panyo-" Pero mabilis na humarurot paalis yung sasakyan.
Tiningnan ko ang panyo. Color blue siya, mabango pa at malapad. May nakita naman akong sulat sa ibaba ng panyo.
KV, My Love.

Komento sa Aklat (38)

  • avatar
    Jennifer Cayetano

    Ang tagal ko na pong nag aantay😭😭 kilan pa po ung mga bagong chapter?😓😔

    03/04/2022

      1
  • avatar
    Jenhilyn Geanga Omlero

    its very cool

    19/09/2024

      0
  • avatar
    AustriaRizza

    saan na karugtong

    08/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata