logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 1

"Ingat sa biyahe. Mahal..Huwag magpapagutom. Mahal ka namin.."
"Ingat ma, alagaan mo sarili mo doon. Tsaka magpahinga ka kapag pagod ka ma.."
"Ma, ingat po. Magpapakabait po ako dito. Tsaka 'wag kakalimutan ang pasalubong ko pag-uwi. Labyu ma."
Imbis na tutulo na ang luha ko ay natawa ako nang kaunti sa sinabi ni Brix. Pasalubong talaga ang nasa isip niya.
"Ingat rin kayo dito." Niyakap namin si mama nang mahigpit. Pero hindi man lang sumali si papa.
"Oh, pa? Bakit nakatayo ka lang diyan?" Tanong ni Brix. Yumuko naman si papa.
"Siguro, naiiyak ka pa ano?" Pang-aasar ni Brix.
"Loko kang bata ka. Siyempre.." Pilit na pinapatatag ang loob niya. Alam kong pinipigilan niyang maluha. "Hindi.."
Sumali naman siya sa yakapan namin. Hanggang sa humagulhol si papa. Hindi na rin namin maiwasang hindi maiyak. Alam kong ayaw talaga ni papa na magkalayo sila sa isa't isa. Lalo na at dalawang taon na hindi makakauwi si mama sa pilipinas.
"Nandito na yung tricycle.." Kumalas kami sa pagkakayap no'ng narinig namin ang tunog ng tricycle.
Binuhat ni papa ang maleta ni mama papalabas ng bahay. Sinakay niya sa tricyle at nag-usap pa sila no'ng driver.
Tumingin si mama sa akin. "Sa katapusan na ang pasukan. Magpapadala ako sa inyo bago magpasukan. Pagkatapos ay pupunta kana sa Maynila at doon kana mag-aaral." Paalala niya sa'kin.
Tumango naman ako at ngumiti. "Opo, ma. Pagbubutihin ko po ang pag-aaral ko doon."
"Mabuti naman.." Tumingin siya sa aming dalawa ni Brix. "Ingat kayo dito alagaan niyo ang papa niyo."
"Opo, ma. Mahal namin kayo." Sabay naming saad ni Brix.
Nagyakapan muna sila ni papa pagkatapos ay kumaway kami sa kaniya. Sana maging maayos ang biyahe ni mama.
"Pasok na tayo mga anak.." Pinahid ni papa ang luha niya.
Niyakap ko siya. "Salamat sa inyo ni mama, pa. Salamat sa mga sakrispisyo niyo para sa pamilya natin."
"Lahat ng mga magulang ay iisa lang ang hangad. Ang mapabuti ang kanilang mga anak at maging maayos ang mga buhay. Kaya hindi kami magsasawang magsakripisyo para sa inyo."
Iba talaga ang pagmamahal ng mga magulang. Lahat kayang isakripisyo. Kaya nararapat lang talaga na suklian ang mga sakripisyo nila.
Let's make them proud of us, someday...
"Hi Bella!" Masiglang bati ni Eli sa'kin. Nagvi-video call kasi kami.
"Hello!" Kinawayan ko siya.
"Diba dito ka din mag-aaral?"
"Oo tsaka sa inyo muna ako titira nakaka-" She cut me off.
"Ano ba 'wag ka nang mahiya. Nag-usap na ang mga mother natin. Tsaka mabuti nga e para may kachikahan ako dito sa bahay."
Nakahinga naman ako nang maluwag. "Salamat.. Kakaalis nga lang ni mama noong nakaraang linggo e." Malungkot ang boses ko.
"Alam mo..wag ka nang malungkot. Para din naman sa inyo yung pag-alis ni Tita. Tsaka para makita mo na rin ang maynila." Excited na sabi niya. "Maganda na nga ang lugar, marami pang gwapo dito!" Sabay tawa niya.
"Mas maganda pa rin dito sa'tin.."
"Ah basta! Excited na akong makita ka! Tsaka marami akong ipapakilala sa'yo. Gusto ka din nilang makilala."
"Gusto akong makilala?" Nagtatakang tanong ko.
"Oo" Sabay tawa niya. "Kinukuwento kasi kita. Tsaka marami nga ang nagagandahan sa'yo dito e.."
"Alam mo, Eli. Kung hindi rin naman mala-Prince Charming o di kaya'y Knight and Shining Armor ang dating. Pass muna ako diyan."
"Alam mo din, Bella. Wala tayo sa Disney Land. Tsaka girl, kailangan mong mag-try para naman magka-love life kana.."
Umiling ako. "Basta, ayaw ko sa gwapo pero masama naman ang ugali. Gusto ko yung katulad ni papa."
"Basta ako, masigla ang love life ko!"
"Sige see you, tinatawag na ako ni Brix. Ingat diyan!"
"Ingat din. Magbe-bebe time muna ako. " Bebe time? "Hindi mo alam no, Bella? Haha! Jowa time. "
Kaya naman pala. Bakit naman kasi Bebe time e hindi naman sila mga pato. Dapat jowa time!
"Sanaol may jowa diba? Bye, love you, Bella!" Natapos na din kaming mag-usap.
Napakamadaldal talaga ni Eli. Sana maging maayos ang pagtira ko sa kanila.
"Oh, anak. Nakuha ko na kanina ang padala ng mama mo. May pamasahe kana bukas."
Malapit nang mahiwalay ako sa kanila. Maiiwan silang dalawa lang dito sa bahay.
"Wag mo kaming problemahin dito. Ayos lang kami. Basta ang gusto ko lang na gawin mo doon ay mag-aral nang mabuti at siyempre 'wag mong papabayaan ang sarili mo, Bella." Sabay tapik sa balikat ko.
Niyakap ko naman siya. "Thank you, pa. Salamat sa inyo ni mama."
"Ayos lang basta para sa inyo. Basta anak, palagi kitang tatawagan para kamustahin ka." Pinandilatan niya ako ng mata. "Bawal munang mag-boyfriend ha?"
"Opo, pa. Tsaka pag-aaral ang aatupagin ko doon." Sabay thumbs-up ko.
Nginitian niya naman ako. "Sige na mag-impake kana para sa mga dadalhin mo bukas."
Tumango naman ako. Pumasok ako sa kuwarto at nagsimulang mag-impake. Nilagay ko din yung family picture namin sa dadalhin ko. Ito ang gagawin kong inspirasyon araw-araw.
"Ate.." Rinig kong tawag sa'kin ni Brix.
Napalingon naman ako sa kaniya at nakita kong papasok siya sa kuwarto namin.
"Oh, bakit?"
"Kailan ka aalis?"
"Bukas, bakit?"
"Ingat, ate.." Napangiti naman ako.sa sinabi niya.
Tumayo ako at ginulo ang buhok niya.
"Salamat. Basta alagaan mo si papa dito ah?"
"Siyempre, naman. Tsaka malaki na kaya ako." Sabay flex ng biceps niya.
Kinurot ko ito. "Wag kang makikipag-away habang wala ako. Kundi lagot ka talaga sa'kin."
"Kaya ko na ang sarili ko, ate. Tsaka diba dadalaw ka naman kapag walang pasok?"
"Kapag bakasiyon siguro. Masiyado kasing malayo ang Maynila, e."
Napakamot naman siya sa ulo.
"Ah, okay."
Natapos ako sa pag-iimpake at nagluto nang hapunan namin. Kumain kami, nag-usap-usap.
"Anak, sige na ako na diyan. Matulog kana, maaga ka pa bukas." Nakangiting saad ng papa ko.
"Pero 'pa, 'di ba may trabaho din kayo bukas?"
"Okay lang, ako. Sige na para makapagbeauty-rest ka." Pagtataboy niya sa'kin.
Hindi ko napigilang hindi matawa.
"Rest lang po...walang beauty."
"Maganda ka, anak. Pero siyempre mas maganda ang mama mo."
"Alam ko naman 'yon 'pa. Siya lang naman siguro ang pinakamaganda sa mata niyo."
"Pero siyempre sa kaniya ka nagmana kaya maganda ka din." Sabay tawa.
"Tinawagan niyo na po ba si mama? Kamusta po siya?" Sunod-sunod kong tanong.
"Naku, Bella. Madaling araw ngayon sa kanila. Natutulog ang mama mo. Mamaya o bukas nalang daw siya nalang tatawag sa'yo."
Tumango naman ako." Sige po, 'pa."
"Akyat na po ako. Good night!"
Naghilamos muna ako at pagkatapos ay naghanda na para matulog.
Sana maging maayos ang lahat bukas.
"Ate! Nandito na yung tricycle!"
Yumakap muna ako kay papa.
"Pa, ingat po kayo dito. Love you!"
"Ingat din, anak."
Nilapitan ko muna si Brix at niyakap.
"Alagaan mo si papa. Alis na'ko. Huwag pasaway."
Sumaludo naman siya sa'kin at ngumiti. Nag-wave din ako sa kanila at pagkatapos ay sumakay na.
Nakarating din ako sa bus terminal. Maraming tao at hindi alintana ang siksikan makauna lang sa bus.
Kung kaninang mainit na araw ay biglang dumilim. Nagbabadya ng ulan siguro.
Nakasakay na ako sa bus. Medyo alam ko ang papunta sa Maynila dahil itinuro naman sa'kin. Tsaka may iilang kasabay din naman ako na galing sa lugar namin.
Nakatulog ako pero hindi pa rin tumawag ang mama ko. Naka-receive naman ako ng text kay papa. Update ko daw siya kapag nakarating na ako.
Pagkatapos ay sumakay kami ng barko. Medyo malakas pa ang hangin kaya napakapit talaga ako. Hindi ako sanay sa ganito. Natatakot akong baka lumubog ang barko. Baka matulad sa Titanic. Pero dahil humina na din naman ang hangin at wala naman daw bagyo ay naging maayos naman ang biyahe namin.
Matagal pala talaga ang biyahe papuntang Maynila. Pero totoo nga na marami ang magagandang tanawin dito.
Maraming nagtataasang building. Hindi ko maiwasang kusutin ang mga mata ko. Paminsan-minsan din ay kinukurot ko ang magkabilang pisngi ko.
Nandito na nga talaga ako!
Kaso mas marami pala ang mga naghihirap dito sa Maynila. May iilang mga matatanda, bata o mga pamilya na nasa lansangan. May namamalimos at ang iba pa ay nangangalkal ng basura.
Ang sakit tingnan. Kung mayaman lang talaga ako siguro ay marami akong natulungan. Kaya sisikapin ko talagang mag-aral nang mabuti.
Hindi lang para sa'kin pero para sa ekonomiya!
Sasakay na sana ako ng bus papunta sa bahay na nila Eli. Nang bumuhos ang malakas na ulan mabuti nalang at may nasilungan ako. Hinanap ko ang payong sa bag ko.
Dali-dali ko itong binuksan at naglakad papunta sa bus.
Ilang hakbang ko pa lamang ay may sumilong sa payong ko. Nasa middle 30's na siguro. Nakangiti ito.
"Pwede bang makisilong?" Tanong niya sabay turo sa bus. "Diba doon ka din sasakay?"
Tumango nalang ako. Mabuti nalang at medyo malaki ang payong ko. At isa pa...
Hindi rin ako kumportable sa mga titig niya. Parang kinakabahan ako.

Komento sa Aklat (38)

  • avatar
    Jennifer Cayetano

    Ang tagal ko na pong nag aantay😭😭 kilan pa po ung mga bagong chapter?😓😔

    03/04/2022

      1
  • avatar
    Jenhilyn Geanga Omlero

    its very cool

    19/09/2024

      0
  • avatar
    AustriaRizza

    saan na karugtong

    08/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata