logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

Maarte akong napapaypay sa sarili dala ng init ng sikat ng panghapong araw. Sampung minuto na lang bago mag-ala singko at narito kami ngayon ni Elise sa labas para hanapin ang bahay ng crush niyang si . . . teka—sa pagkakaalala ko naman First ang pangalan no'n, e, First nga ba?
Saglit akong napatulala sa kawalan habang pilit na inaalala kung ano nga ulit ang name ng crush ni Elise. Bakit ba kasi hindi katanda-tanda 'yong name?
"Hoy! Imbes na tumulala ka d'yan, tulungan mo nga akong silipin 'tong bahay. O 'di kaya ay try nating pindutin 'tong doorbell sabay takbo at tago sa likod ng punong 'yon. Ano?"
Nilingon ko si Elise na kasalukuyang nasa tapat ng isang single-storey na bahay. Hindi naman pangmalakasan ang bahay na iyon pero may doorbell! Sa tingin ko kasi ang mga mayayanan lang ang may doorbell. Wala kasi sila Auntie no'n kasi 'di namin afford. At ayos na si Auntie sa sigaw at katok sa gate.
" 'Wag na! Mamaya may aso pa d'yan, e! Madehado pa tayo! Mukhang walang tao at hindi bahay ng crush mo, kaya umuwi na tayo!" aya ko sa kaniya pero syempre hindi siya pumayag.
"Ang unfair mo naman! Ako nga tinulungan kitang hanapin 'yong bahay nila Jazz tapos 'yong kila Verse, ayaw mo? Walang utang na loob!"
Ah! Verse pala at hindi First. Sabi ko na may mali sa naalala ko, e.
"E, kaya naman natin nalaman bahay nila Jazz kasi patago nating sinundan 'yong sasakyan nila! Itong sa crush mo, wala man lang tayong lead! Para tayong naghahanap ng karayom sa bunton ng dayami!"
Pumaymewang siya. "Hindi ka ba namo-motivate sa suot kong t-shirt ngayon, ha?"
Pinasadahan ko ng tingin ng kaniyang suot. Napangiwi nang nakita ang pamilyar na quote na nakaprint sa dilaw na mga letra. Mainstream 'to sa mga jejemon!
"We should give up," malakas na basa ko kunyari sa damit niya at tinuro ko pa iyon. "O! T-shirt mo na nagsabi, Lise, give up na raw. Tara uwi na tayo."
Akmang tatalikod palang ako nang biglang hilain ni Elise ang damit ko mula sa likod. At dahil mas malaki't mas malakas siya sa akin ay kamuntikan na akong bumagsak!
"Kainis ka naman, Florence, e! Never give up ang sabi! Kaya walang susuko! Walang aayaw!" aniya sa isang determinadong boses.
Napairap at napaungot na lang ako sa kaniya. Tinatamad na akong maglakad! Halos nalibot na ata namin ang buong purok namin, e! Hindi naman namin nakita 'yong bahay nila Burst! O Pers ba 'yon? Baka Purse?
Nagkunyari akong umiyak sa harap niya. "Ayoko na talaga, Elise. Pagod na ako. Isang oras mahigit na tayong naglalakad, o! Sa susunod na lang!" pagmamakaawa ko.
Ngumuso naman siya at mukhang nag-iisip pa ata.
"Sige na nga! Pero sa susunod kailangang marami kang energy! Lumaklak ka kasi ng milo at sumayaw ng energy gap!"
Lumiwanag ang mukha ko sa kaniya at parang sumigla kaso nang may ma-realize ay nagpanggap akong matamlay at parang walang buhay.
"Oo na sige, hatid na kita sa may sakayan."
Hinatid ko si Elise sa may sakayan at maswerte siyang may nasakyan pa pauwi sa kanila dahil rush hour na. Siguro ito na rin ang sign na dapat na talaga siyang umuwi kasi kung hindi pa siya makakasakay kaagad ay malamang na hihilain niya ako at hahanapin ulit ang bahay nila Bearse.
"Bye, Elise! Ingat!"
"Ikaw rin! Ingat sila sa 'yo!" sigaw niya pabalik at dumila pa sa akin.
Hindi ako nagpatalo at dumila rin sa kaniya with matching tirik pa ng mga mata. Nang makalayo na ang sinasakyan siyang jeep ay kumaway na lang ako sa kaniya. Kaso huminto sa ere ang pagkaway ko ng may marinig na mahinang bungisngis sa gilid.
"Cute . . ." dinig ko pang sabi.
Tinaasan ako ng balahibo sa boses ng nagsalita. Hindi naman dahil sa boses manyak iyon kundi ang lamig at lalim ng boses niya! Isang salita lang naman 'yong sinabi niya pero pakiramdam ko nag-winter na rito sa Caershire! Pero parang pamilyar 'yong boses?
Masungit kong nilingon ang pinanggalingan ng boses at nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ang may-ari no'n. Hindi kalaunan ay pinaningkitan ko siya ng mata. Napatikhim naman siya at bumaling ng tingin sa ibang direskyon.
Ha! Akala niya siguro nakalimutan ko na ang kabastusan niya kanina sa akin sa bakery?!
Mas matangkad sa akin ang lalaki. Siguro nga ay nasa 5'9" or something ito. Matangkad naman si Elise pero mas matangkad siya, kasi 5'6" lang naman si Elise.
Wow! Kung maka-lang parang ang tangkad natin, ha? Sigaw ng aking sub-conscious.
'Di naman patpatin si Kuya, pero hindi rin naman mataba. Tama lang. Tapos ang puti niya talaga! At ayon . . . magulo pa rin ang buhok. Wala bang suklay sa bahay nila?
"Easy ka lang sa pagtitig sa akin, baka matunaw ako," aniya nang hindi ako nililingon.
Otomatikong napataas ang parehas kong kilay sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha! Wala naman siya sa kalingkingan ng kuko ni Jazz! Oo, makapal ang kilay niya pero makapal din naman ang kay Jazz, no! Pero mukhang mas makapal ang kaniya at may paghiwa pa! Akala mo naman napakatangos ng ilong! E, hindi naman masyado! At hindi naman ganoon kapula ang mga labi niya, hindi tulad nang kay Jazz na parang laging naka-liptint! 'Yong mata niya rin naman ay hindi ganoon kaganda! Mukha pa nga laging inaantok 'yong mata niya at mukhang manununtok!
"Kapal mukha! 'Di ka naman pogi!" irap ko sa kaniya.
Mukhang nabigla naman siya sa sinabi ko. Kahit papadilim na ay nakita ko pa ang pamumula ng leeg niya at umiwas na naman siya ng tingin.
"Ikaw lang nagsasabing hindi ako pogi . . ." medyo nakangusong sambit nito habang nakayuko at nakapamulsa sa suot na off-gray skinny jeans. Napababa pa ang tingin ko sa sapatos niya. Kung hindi ako nagkakamali ay brogue shoes ang suot niya.
Inangat ko na ang ulo ko sa lalaking ma-attitude. Doon ko lang napansin na nakasuot ito ng black leather jacket at may panloob na gray na printed tee. Pero 'eni' lang ang nakikita ko. Napansin ko rin ang silver chain at military dog tag sa kaniyang leeg at ang silver cross na hikaw sa kaniyang kanang tainga.
"Baka nainlove ka na n'yan sa akin, ha?" Nagising ako sa pagkatulala sa kaniya nang makita ang ngisi sa kaniyang mukha.
Umismid ako at umirap. "In your dreams, Kuyang masungit. Sorry ka na lang pero may boyfriend na ako at loyal ako sa kaniya!"
Saglit na natigilan si Kuya at tinitigan lang ako. Parang nawala 'yong kulit at kislap sa kaniyang mga mata. Napailing ako sa sarili. Kung ano-ano lang ang nakikita mo, Florence!
Char ko lang naman 'yong sinabi ko sa kaniya. Hindi pa nga ako sinasagot ni Jazz, e. Kasi hindi pa ako nanliligaw. Pero totoo naman na loyal ako kay Jazz. Siya lang ang aking MOO. My only one!
Medyo naasiwa na ako sa paraan ng pagtitig niya at nakaramdam ng kaba. Ewan ko ba, para akong may nasabing mali. Pakiramdam ko tuloy ay hinahalukay niya ang buong pagkatao ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
Nangunot ang noo ko. Bakit pa nga ba ako nandito? Ihahatid ko lang naman si Elise at nakaalis na siya . . . Wala na akong dapat pang gawin dito.
Hindi nakatulong ang awkward silence na namagitan sa amin para makaalis ako. Para pa ngang nahihiya akong tumalikod at umalis. Pero bakit naman ako mahihiya sa kaniya?!
Humugot ako nang malalim na hininga at buong lakas na binuhat ang sarili para humakbang paatras at pumihit patalikod para makaalis na.
Hindi ba medyo bastos ako ro'n? Bigla na lang akong umalis ng hindi nagpapaalam . . . ? Pero bakit ba ako magpapaalam sa kaniya? Close ba kami?
***
"Buti naman at umuwi ka pa. Anong oras na, Florence, o?!"
Napangiwi ako sa bungad sa akin ni Uncle. Napakastrikto niya talaga lalo na pagdating sa amin ni Katelyn. Siguro dahil sa babae kami?
Tumingin ako sa aking tig-singkwentang Casio wristwatch. "Five thirty-two na po, Uncle . . ." sagot ko sa kaniyang tanong. Mahirap na at baka sabihin niyang ang bastos ko para hindi sagutin ang kaniyang tanong.
"Ay aba't! Sumasagot ka pa!" akmang tatayo na si Uncle at hahampasin ako ng remote control na hawak niya. Mabuti na lamang ay mabilis ang reflexes ko at kaagad na tumakbo papasok sa kwarto.
"Char lang naman, Uncle!" sigaw ko mula sa loob at tahimik na napabungisngis. Hay! Hindi ko talaga na-gets ang nga thunders!
Umiling-iling ako at nalingon si Katelyn na sumasayaw ng walang music. Mukhang hiphop na mala-robot na ewan ang sinasayaw niya. Para kasing pinapa-snappy niya 'yong bawat galaw niya. 'Yon bang may pitik. Kakagaya niya 'to sa idol niyang si Jade kemberlu, e. Ang hirap kasing banggitin ng last name kaya kemberlu na lang.
"Para kang tanga . . ." komento ko habang pinapanood siya.
Huminto naman si Kat at nakapameywang akong hinarap. Nakataas pa ang isang kilay nitong on-fleek. Hindi pa ata nagsisimula sa night skincare routine kuno niya.
"I'm dancing and it's a form of art, Florence. Nakaka-disappoint ka. Arts' student ka tapos simpleng sayaw hindi mo ma-appreciate!"
Nagulantang naman ako sa pinagsasabi niya. Dinibdib, 'te?! Binibiro ko lang, e.
"Hoy! Labas na kayo d'yan! Kakain na! H'wag ni'yong hintayin na lapitan kayo d'yan ng pagkain!" sigaw ni Auntie.
Pinanlisikan pa ako ng tingin ni Kat nang dinaanan niya ako. Nagtaas naman ako ng dalawang kamay hudyat na sumusuko. Hindi ako papalag. Mas malaki siya sa akin, e! Dehado pa ako.
Nang makalabas si Kat ay sumunod na rin ako patungong hapag-kainan. Hindi ako sigurado kung ano ang ulam namin. Mapula siya at may peas. Afritada ba ito? Mechado? Menudo o baka Kare-kare? Ugh! Parang 'yong mga multiple choices lang t'wing finals!
"Nasaan na 'yang kambal mo Kate at parang hindi na alam ang salitang 'uwi'?!"
Nagkibit-balikat lang si Katelyn sa tanong ng Mama niya. Alam naman naming parehas na kung nasaan si Karlos. Paniguradong nando'n iyon sa kabarkada niya at nagdamag na nagpapraktis. Gusto kasing lamangan ang Zenith!
Natapos na kaming kumain ng hapunan nang hindi ko nalalaman ang tawag sa ulam na kinain ko, (at wala si Karlos) pero at least nabusog naman ako. Niligpit ko na ang mga pinagkainan namin at nilagay sa lababo. Ako ang toka palagi sa paghuhugas ng mga pinggan. Kumbaga ito 'yong kapalit sa lahat ng ibinigay sa akin nila Auntie. Para nga akong stay-in dishwasher nila plus may incentives pa, kasi libre ang pag-papaaral! Hindi na rin masama kasi halos t'wing gabi lang ako naghuhugas. Sa umaga at tanghali kasi ay may pasok ako kaya si Auntie ang naghuhugas. Pero kapag weekends o 'di kaya ay may suspension ay matik na ako ang naghuhugas buong araw.
Pagod akong umakyat sa higaan ko sa itaas ng double-deck. Para talaga akong tinatakasan ng lakas sa t'wing naghuhugas! Ang kakapit kasi ng sebo!
Papikit na ako at magpapantasya muna sa love story kuno namin ni Jazz bago ako tuluyang matulog. Kumbaga nagde-daydream ako habang nakapikit. Nabasa ko kasi sa isang article online na malaki ang chance na kung ano ang iniisip mo bago ka matulog ay lilitaw sa panaginip mo. At so far, totoo naman kasi palaging nasa panaginip ko si Jazz at mag-jowa pa kami ro'n! Madalas talagang mas maganda pa ang manatili sa panaginip, e.
Gumawa ako ng senaryo na kung saan ang tema ay fantasy o 'yon bang may powers-powers. Isa kasi akong prinsesa na kinulong ng isang masamang damo na lalaki kasi labis siyang naiingit sa kagandahan at kasikatan ko sa buong nasasakupan. And then, biglang nawasak 'ying dingding at lumabas mula sa usok si Jazz na may kapang pula at nakapatong ang pulang brief sa dilaw na latex niyang pants. Makintab at maayos ang pagkaka-brush uo ng kaniyang buhok at may nakakasilaw na ngiti.
"Narito ako para iligtas ka . . . aking prinsesa."
S'yempre tuwang tuwa at kilig na kilig ako dahil dumating na ang hero slash prince charming ko. Tapos sinabihan niya pa akong prinsesa niya! Mabilis kong nilapitan si Jazz at hinaplos-haplos ang t'yan na may apat na abs. Gusto ko pa sanang ibaba 'yong kamay ko para kahit papaano sa panaginip ay maramdaman ko 'yong totot niya kaso biglang dumating 'yong kontrabida.
Ang itim na kapa nito ay parang pakpak ng paniki kasi may dalawang sungay sa corners ng upper na kapa niya. Naka-all black ang kaniyang get-up. Pamilyar ang magulo nitong buhok at matalim ang mga mata. Pero mukhang mas nakakatakot ang mga mata niya ngayon. Para bang gustong manakit! Pinasadahan niya ng dila ang kaniyang mapupulang mga labi. Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko roon at pagdaloy ng kuryente sa aking sistema.
Potek! Pamilyar itong lalaki, ha?!
"Sa akin ka lang! Walang makakaagaw sa 'yo mula sa akin!" dumagongdong sa buong lugar ang kaniyang boses. Kasabay no'n ang pagkidlat at pagkulog. Parang hindi na ito kasing lamig ng kanina dahil naging malalim ito at puno ng otoridad!
Ito 'yong ma-attitude na tindero sa bakery!
Kahit na hindi pa ako tuluyang nakakatulog ay mabilis akong bumangon at hingal na hingal na para bang hinabol ng isang daang kabayo. Malakas na umalog ang double deck sa biglaan kong pagbangon dahilan para magreklamo si Kat na natutulog sa baba.
"Hoy! Magpatulog ka, Florence!" inis na reklamo nito mula sa baba.
Hindi ko pinakinggan ang hinaing niya at sa halip ay hinawakan ko ang aking dibdib at dinama ang kabog ng aking puso. Pumikit pa ako at pilit na pinapakalma ang sarili.
Taena! Ano 'yon?! Bakit parang nagka-virus 'yong daydreaming ko?!

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    Arabella Fernandez

    good

    18/05/2022

      0
  • avatar
    MylesCharielle

    ❤️❤️❤️

    30/03/2022

      0
  • avatar
    Lieve_gnthe

    supportttt ♥️

    18/03/2022

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata