logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

PROJECT CLUB TEAM

KABANATA 5
"Kaklase mo si Hina? E' 'di ba graduating ka na?pa'no nangyari 'yon?"
Hindi naman sumagot si Lerwick sa tanong ni Kara at tumingin lang sa 'kin. Nakikinig ako sa usapan nila habang nagsisimula kaming kumain.
Nababagot na tiningnan uli ni Lerwick ang kapatid."Obviously, I was informed that I failed to pass to move to the next year, kaya bumalik ako,"bumuntong-hiningang anito.
Nanlalaki ang mata ni Kara na tiningnan ang kapatid."Lagot ka talaga kina Mommy!"malakas na sabi niya, napangiwi si Lerwick dahil sa tinis ng boses nito.
"Ayan, puro ka kasi gulo, 'di ka na nag-aral!hindi porke matalino ka at guwapo ay madadaan mo na lang sa pagpapacute lahat ng lecturers mo, mabuti nga dahil si kuya Jayson ang naging adviser mo noon kaya ayan 'di ka nakapasa!"magkakrus muli ang brasong asik ni Kara na inirapan si Lerwick.
"Will you shut your mouth?"pasimple niya akong sinulyapan. "May kasama tayo rito, kahit saan ka dalhin ang dal-dal mo, tch!"
"Tch! tch! tch!"hindi siya pinansin ni Kara. "Humanda ka talaga dahil isusumbong kita, para sa States ka nalang pag-aralin katulad no'ng kay kuya Lerdi."Patuloy na banta ni Kara na dinuro ang kapatid.
"How would you do that?Mom and Dad are in the Spain, once in a year nga lang natin sila nakikita." Parehong nakataas ang kilay na singhal ni Lerwick.
"Hello?" Kasabay nitong hinawi ang buhok patungo sa likuran. "Anong silbi ng skype? social media, at cellphone, noh?kung 'yon ang ikinababahala mo marami akong source." Ngumisi pa si Kara na halatang iniinis ang kapatid.
Napabuntong-hininga akong nagpatuloy sa pagkain habang nakikinig sa kanila, hindi ko maisa-ayos ang pagkain ko dahil tuwing susubo ako ay siya namang pagsasalita ng isa, patuloy ang singhalan at sigawan nila sa harapan ko. 
Hindi ko alam na ganito pala silang magkapatid, ang pagkakaalam ko kasi sa mga kambal ay talagang malalapit sa isa't isa.
"Then tell them!" Biglang tumaas ang boses ni Lerwick, 'tsaka siya ngumisi na sinasabayan ang kapatid. 
Sa totoo lang, para silang mga bata sa paningin ko.
"Madali lang din naman ipaalam ang kalokohan at kabaliwan mo kay Calvin, at kapag malaman niya 'yon...busted twin sister!" Pumitik si Lerwick sa ere at unti-unting ngumisi. Napalingon uli ako kay Kara na halatang natigilan.
"E-ede magsumbog k-ka!akala mo natatakot ako?g-go!feel free to do it!gusto mo samahan pa kita e." Patuloy na hamon ni Kara. Hindi ko mapigilang matawa ng palihim dahil taliwas sa sinasabi nito ang panginginig sa boses.
"Sure, it would be my honor Kara Leigh. " Nakangiting naglabas ng cellphone si Lerwick at umastang nagdadial.
Napatingin naman ako kay Kara na hindi maipinta ang reaksyon sa mukha.
"What?miss me?"
Muling naibaling ang paningin ko sa cellphone ni Lerwick, hindi ako maaring magkamali, si Calvin nga ang nasa kabilang linya.
"Nah, but my dear sister does," nakangising sagot ni Lerwick. Tumingin ako kay Kara na aligaga akong sinulyapan. Tumango ako sa kan'ya biglang hudyat na totoong kausap ni Lerwick si Calvin.
"No!"agad na inagaw ni Kara ang cellphone kay Lerwick at pinatay ito.
"Oo na!" Pasinghal niyang hinarap ang kapatid.
"Hindi na!basta 'wag na 'wag mong sasabihin kay Calvin!" Biglang humina ang dating ng boses niya. 
"Please naman Christian Lerwick Boston, oo na!ikaw na ang pinakaguwapo at pinakamatalino 'kong kapatid!hindi na kita isusumbong basta 'wag mo lang sasabihin sa kan'ya, ikamamatay ko..."pahinang-pahinang aniya.
Gusto 'kong mamangha dahil kitang-kita ko ang panlulumo sa boses ni Kara at ang mga matang konti nalang ay maiiyak na.
"Tch!umalis ka nga d'yan!ang oa mo. Pasinghal na inalis ni Lerwick ang kamay ng kapatid na nakapatong sa kamay niya.
"Che!" singhal ni Kara na inayos ang sarili.
"Kahit naman hindi ko
sabihin ang mga kabaliwan mo...hindi ka parin niya magugustuhan," prangkang sabi ni Lerwick.
"Hoy!below the belt na 'yan ah!ang sakit mo magsalita, parang 'di ka kapamilya," sumisinghot na tugon ni Kara.
"What?I'm just saying...ayaw ni Calvin sa mga maiingay." Ramdam 'kong natigilan si Kara sa sinabi ni Lerwick.
"Lalo na sa mga maaarte,"patuloy nito dahilan para mapatayo si Kara.
"Hindi ako maarte ah!maingay lang ako pero 'di ako maarte!"
"Tch!yes you are," tumayo rin si Lerwick para pantayan ang kapatid. 
"'Tsaka ang oa mo, kaya natuturn-off ang mga lalaki sa'yo e." Tuluyan nang natahimik si Kara at tila maiiyak na ngumuso sa isang tabi.
Nakatitig lang ako sa reaksyon niya 'tsaka bumaling kay Lerwick.
Nakipagtitigan ako sa kan'ya hanggang sa makuha niya ang ibig 'kong sabihin 'tsaka siya tumingin kay Kara.
"What I'm saying is..."humina ang dating ng boses niya. 
"Hindi mo kailangang gawin ang mga gan'yang bagay para makita si Calvin at mag mukha'ng desperada, don't you think na stalking 'yang ginagawa mo?you should know your worth, and if a man don't see it, then let go! ayoko namang makita ang kapatid ko na nagmumukhang tanga kakahabol sa isang lalaki lalo na sa tropa 'ko. Look, Calvin is a good guy...well among us I know how faithful he is in loving someone...maybe he can see you special someday in a settled time...hayaan mong mangyari nalang...hindi 'yong ikaw nang ikaw 'yong humahabol. " Matapos magsalita si Lerwick ay tumingin na 'ko kay Kara. 
Tumulis ang nguso nito habang pinapahiran ang basang pisnge. 
Bumuntong-hininga ako 'tsaka hinawakan ang kamay niya. Nag-angat naman siya ng tingin sa 'kin 'tsaka ako ngumiti.
"Wala naman akong masasabi sa'yo dahil hindi ko pa naranasan ang magmahal ng gan'yan pero...sa tingin ko tama si Lerwick. Dapat alam mo kung anong halaga mo, kung ngayon sa tingin mo ikaw lang ang nagmamahal sa inyong dalawa...'wag ka paring susuko, hanggang sa makuha mo na ang pagmamahal niya. Pero, dapat alam mo kung pa'no gawin 'yon ng tama at maayos...may ibang paraan para maiparamdam mo sa kan'ya ang pagmamahal mo." Nakangiti 'kong pagtatapos, hindi ko naman inaasahang yayakapin niya 'ko.
"Tch!spare me with the girls drama." Nag-iwas ng tingin si Lerwick habang nakataas ang dalawang kamay.
Natatawa kaming kumalas ni Kara 'tsaka kami nagpatuloy sa pagkain.
Nagpatuloy kami sa pagkuwentuhan, kasali na ro'n kung paano kami nagkakilala ni Kara at kung paano kami nagkalapit ni Lerwick nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Ms. Hinata Dein Montero," dahan-dahan ko silang nilingon.
Tatlong lalaki na ngayon ang nasa harapan ko, maayos silang nakauniform pero bukod do'n ay kapansin-pansin ang pagkakatulad ng mga suot nilang kuwentas at badge sa manggas ng uniform nila.
"Ano 'yon?"nagtataka 'kong tanong.
"The Dean sent us to convey you to his office. Puwede ka bang sumama sa 'min?"
"Para saan daw?" Naunang magtanong si Lerwick.
"We are the PCT or Project Club Team, we are the assigned Officers to convey Miss Montero to Dean's Office." Pag-uulit nang lalaking nasa likuran.
Naalala 'kong may binanggit nga si sir Jayson tungkol sa binuo nilang team na siyang mag-iimbestiga sa nangyaring insidente at sa mag proprotekta raw sa 'kin, pero hindi ko inaasahan na mapapadali pala iyon.
"Teka, para saan daw? mayro'n na palang PCT ngayon sa HIS?"tila hindi naniniwalang singit ni Kara.
"Sige, sasama ako,"ani ko.
Hahakbang na sana ako nang biglang hawakan ni Lerwick at Kara ang magkabila 'kong braso. Nagtataka ko silang tiningnan.
"Teka lang Hina, baka mga double gangers ang mga 'yan, baka kung saan ka dalhin, sasamahan ka na namin,"bulong sa 'kin ni Kara na talagang hinila ako pabalik.
"Sasama kami," sabi niya sa PCT.
"Yeah, we're coming." Patuloy ni Lerwick.
"I'm sorry, but Miss Montero is only allowed to come with us, kung magpupumulit kayo we have another team to convey you to the Guardians Office," nakangising sagot ng lalaking nasa unahan, napabuntong-hininga akong binalingan uli sina Kara at Lerwick.
"Wala namang mangyayari sa 'kin," nakangiting paniniguro ko. 
"Sige na, mauna na'ko," muling paalam ko. 
Napipilitan nilang binitawan ang braso ko at tumango. 
Binalingan ko uli ang PCT at nagsimula kaming maglakad patungong D.O 'Deans Office'.
Nakayuko ako habang naglalakad, nasa unahan ko ang isa sa kanila at nasa likuran ko naman ang dalawa pa. Kapansin-pansin ang tindig na tindig nilang pagkakatayo, masyadong seryoso ang mukha nila, at para sa 'kin hindi sila mukha'ng ordinaryong estudyante ng HIS.
Ilang minuto pa bago namin marating ang building ng D.O. Sa nakalayong malaking room pala ang office ng Dean.
Pero habang papalapit kami, mas lalo 'kong nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ito rin kasi ang unang beses na makikilala at makakaharap ko ang Dean, pero wala naman akong dapat na ikabahala, kailangan ko lang sabihin kung ano ang mga nakita ko, pero hindi ko akalain na sa pangalawang linggo ko rito sa HIS ay makakapasok agad ako ng Dean's Office...parang hindi normal...at nakakapanibago. 'Yong pakiramdam ko ay masasabi 'kong kakaiba sa lahat. Para bang ako mismo ang may gawa at kasali sa gulo. 
Napapailing ako sa naisip. Pinalobo ko nalang uli ang bibig ko 'tsaka malalim na huminga. Tama...wala namang mangyayari, at wala namang mangyayari masama. Bukod pa ro'n ay makakatulong pa 'ko sa paghahanap ng totoong may sala.
Pero hindi mawala sa isip 'ko ang totoong motibo nang taong may gawa no'n. 
"We're here." Napatango ako sa lalaking nasa unahan na siyang nagbukas ng pinto. Agad 'kong inilibot ang paningin sa mga taong naroon. 
Nagtama ang paningin namin ni sir Jayson na siyang nakatayo sa likod ng Dean. Madali para sa 'kin na mahulaan ang pagkakakilanlan niya dahil nakasulat na mismo ang pangalan niya sa ibabaw ng mesa, kung saan nakalagay ang plaque.
Bukod pa ro'n ay may babaeng nakatayo katabi ni sir Jayson, 'yong nasa kanan naman ng Dean, nakaeyeglasses siya at mariin ang pagkapusod ng buhok.
Kami lang ang naroon. Ako, si sir Jayson, ang mukhang sekretarya ng Dean, si Dean at ang tatlong PCT na sumundo sa 'kin.
"Dean, this is Miss Hinata Dein Montero, a STEM under my advisory, new transferee from the province of Leyte and the one who convey Mr.Jackson Hammton into the Hospital, our only witness from the case scene." Pagpapakilala ni sir Jayson sa 'kin, napabaling ang tingin ko sa Dean na may katandaan na ang edad, litaw na litaw na kasi ang ilang puting hibla ng buhok niya.
"Good afternoon po,"nakangiti 'kong bati, mariing nakayuko ang ulo.
"Have a sit Ms. Montero,"inilahad niya ang dalawang upuan na nakaharap sa kan'yang mesa. Tumango nalang ako at naupo.
"First of all, I would to apologize for calling you over lunch break, but I cannot let this slip especially that we already have a witness to proceed on solving the start of chaos." Kahit na matanda na siya, ay buong-buo pa 'rin ang boses niya.
Nakinig nalang ako dahil maging lahat ng naro'n ay tutok sa kan'ya.
"Siguro nabanggit na sa 'yo ni Lec. Jayson kung bakit kita ipinatawag dito, tama ba?"tumango ako na sinulyapan si sir.
"Bilang isang Dean ay tungkulin 'kong panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa paaralang ito, lalo na sa mga estudyante ko." Pinagdaop niya ang parehong palad bago nagpatuloy. 
"Ang totoo niyan hija, hindi ito ang unang beses na may nangyaring kaguluhan sa loob ng HIS, na ang mga nagsisimula lagi ay ang mga nabuong SBH at gang dito sa loob. Pero, sa mga pangyayaring iyon, ni isa ay wala kaming nakuhang pruweba at mga witness na siyang magpapatunay na nangyari nga ang insidenteng iyon..." Mariin siyang tumutok at lumapit sa 'kin. 
"Ngayon palang..."patuloy niya, napababa ako ng tingin. "Kaya naman nang malaman namin na may isang witness sa naganap na gulo ay bumuo agad ako ng Team at nagpasimula ng imbestigasyon, kaya Ms. Montero... inaasahan ko ang koopersiyon mo sa gitna ng imbestigasyon. Maaari mo na bang sabihin sa 'min kung ano ang mga nasaksihan mo?" pagtatapos ni Dean, nakangiti siyang tumunghay sa 'kin.
Napapalunok akong bumuntong-hininga.
Anong sasabihin ko?ang totoo wala naman akong nakita...at kung mayro'n man... sigurado akong alam na nila ang bagay na 'yon...
"Dean... I'm sorry po pero...ang totoo po niya'n wala naman po akong nakita,"nag-aalinlangan 'kong sagot.
Matunog silang bumuntong-hininga kagaya ko, bakas sa mga mukha nila ang pagkadismaya.
"Paanong nangyaring wala kayong nakita Ms. Montero? e, nando'n kayo sa pinangyarihan ng insidente," mahinahong sabi ni Dean.
"Uhmm..."
"Ganito nalang, para hindi ka masyadong malito, you can start telling us first why you're in the library, " ani ng sekretarya. 
Awtomatiko akong napalingon kay sir Jayson bago nagsalita.
"Inutusan po ako ni sir Jayson na ibalik ang mga libro sa library," sagot ko, mabilis nilang nilingon si Sir na bumuntong-hininga.
"Then what happened when you got there?" Tanong ni Sir.
"Pagpunta ko po do'n ay sirado na po, pero sinubukan ko paring pumasok kasi may ilaw pa'rin akong naaninag sa loob. No'ng kakatok na po ako, bigla akong nakarinig ng kaluskos, at kahit hindi ko pa nahahawakan 'yong siradura ng pinto, ay bigla nang bumukas iyon..."
"Kaya pumasok ka?" Nilingon ko ang isang miyembro ng PCT at tumango.
"Wasn't you scared to enter?"tanong naman no'ng nasa likuran niya.
Natigilan muna ako, saka umiling.
"Akala ko kasi nando'n pa 'yong librarian, 'tsaka may ilaw pa kasi sa pinakadulo kaya pumasok na 'ko," sagot ko.
"You said you didn't even touch the door knob, who possibly opened it?" Napalingon uli ako kay sir nang maalala ang anino sa likod ng pinto.
"May nakita po akong anino sa likod ng pinto nang bumukas iyon."
"Paano ka naman nakakita ng anino kung madilim sa loob?"tanong uli nang lalaking PCT officer na siyang nasa unahan.
"That is possible,"sagot ni sir bago pa 'ko makapagsalita. "She mentioned that there's a light at the end of the hallway, if we're going to imagine the structure of the end of the hall to the door, nakatapat lang siya mismo sa pinto kaya 'yong ilaw na nagmumula sa dulo ng hall ay nagrereflect sa white tiles ng library, kaya nakakita siya ng anino," patuloy ni sir.
Nilingon ko ang natahimik na officer.
"Go on hija,"baling uli sa 'kin ng dean. Napabuntong-hininga akong nagpatuloy.
"Dahil madilim po sa unang bahagi ng library ay binuksan ko po ang flashlight ko, hinanap ko po 'yong librarian hanggang sa makarating ako sa gitna, natapos ko na pong i-check ang ilang bahagi ng library hanggang sa matira po 'yong pinakadulo, pupunta na po sana ako ro'n nang makarinig ako ng dalawang taong nag-uusap."
"Is it Jack and Jacob?" tanong ni sir.
"Isa po ro'n 'yong lalaking dinala ko sa hospital, pero 'yong isa po hindi ko na po nakita dahil umalis na po siya," sagot ko.
"It was confirmed by Mr. Jack Hammton that he's with Jacob that time." Tumango ang Dean sa sinabi ni sir 'tsaka muling tumingin sa 'kin.
Nagpatuloy uli ako sa pagkukuwento.
"Nagtatalo po silang dalawa, hanggang sa marinig ko na papatayin raw ni Mr. Grumpy 'yong kausap niya, natakot ako sa narinig ko kaya napaatras ako, kaya lang nasagi ko 'yong estante ng mga libro kaya nalaman nilang may ibang tao, nagtago po agad ako hanggang sa makarinig ako ng paghampas at pagsigaw ng isa sa kanila, sinundan po iyon ng paglabas ng isang lalaki."
"Isa lang ang lumabas?" tanong ni Dean, tumango ako.
"Then what about the shadow behind the door that you saw? Ang sabi ni Mr. Jack Hammton ay habang kaharap niya si Jacob ay may pumalo sa ulo niya mula sa likod, that is it mean that the shadow and the culprit is supposed to be the same?"Nagsalita ang mukhang sekretarya at napabuntong-hininga naman ako.
Posible kaya 'yon? Hindi mawala sa isip ko ang napansin ko na sumusunod sa 'kin ng mga sandaling iyon, na akala ko wala lang.
"We can consider that,"dugtong ni sir Jayson. 
"Then can we say that the suspect was there the whole time?" bumuntong-hiningang sagot nang isa sa mga officer.
"Tsk, what are those jerks doing." Rinig kong mahinang mura ni sir Jayson na tiyak 'kong ako lang ang nakarinig.
"Ano pa ang mga sunod na nangyari hija?"tanong niya at muli ko namang kinapa ang sarili.
"Sigurado ka ba talagang isa lang ang lumabas sa kanila?hindi mo ba nakita na magkasamang lumabas ang dalawang lalaki?" magkakasunod na tanong ng lalaking PCT officer sa likuran.
"'Yong lalaking nanggaling lang talaga sa dulo ng hall ang lumabas,"paninigurado ko.
"And then?"
"No'ng masiguro ko na pong wala na sila...do'n ko po naisip na tingnan 'yong lalaking sumigaw, at nakita ko nga siyang nakahiga na sa sahig at duguan ang ulo, halos hindi na 'rin po siya makamulat, bago ko pa siya mabuhat ay nawalan na siya ng malay, kaya dinala ko nalang po siya sa hospital,"pagtatapos ko.
"Binuhat mo siya? na ikaw lang?na kaya mong ibaba siya mula sa 6th floor ng building patungong hospital?"nagtatakang tanong ni Dean, alinlangan man ay tumango ako.
"Looks like she has an incredible strength, kung na kaya niyang buhatin ang anim na makakapal na libro ay hindi na'ko magtataka kung nakaya rin niyang buhatin ang kapatid ko."
Napalingon ang lahat nang magsalita si sir, nakababa ang ulo ko at nagsisisi sa mga ikinilos.
Dapat hindi ako masyadong nagpapahalata. Paano ko naman kasi sasabihin sa kanila na kaya ko lang nagawa 'yon dahil gawa sa bakal ang ilang parte ng katawan ko?
"Kung gano'n mukha'ng kakailanganin parin pala talaga nating imbestigahan ito at alamin kung magkasabwat ang lalaking iyon at si Mr. Jacob." Biglang tumayo si Dean kaya tumayo na'rin ako. 
"Ms. Montero, thank you for participating and cooperating with us today, asahan mong pangangalagaan ka ng Project Club Team hanggang sa matapos ang kaso ng insidenteng ito, sa ngayon makakabalik ka na sa iyong klase, maraming salamat sa iyong pagdulog," nakangiting anito, inilahad niya ang kamay sa 'kin.
Alanganin ko iyong tinanggap na sadyang pinagaan ang kamay para hindi niya iyon mapansin.
Nakita ko ang pagtabingi ng ngiti niya nang magbaba sa kamay ko."Y-your hand is even denser."
"Ah hehehe,"napipilitan 'kong ngiti na nilingon ang ibang naroon.
"Mr. Texon?" Sunod na binalingan ni Dean ang lalaking PCT officer na siyang nasa unahan. "Kindly escort Ms. Montero to her next class." Tumango ito at bumaling sa 'kin.
"Let's go Ms. Montero?" tanong niya, nakangiti akong tumango.
Para sa 'kin masyado siyang pormal.
Paglabas namin ng pinto ay napahinto rin ako nang marinig ko ang boses ni sir Jayson na tinatawag ang pangalan ko.
"Bakit po sir?" nilingon ko siya.
"After hearing the whole story, I even wanted to thank you." Napangiti ako sa sinabi niya. 
"Wala po 'yon, sana lang po ay mahuli na ang may gawa no'n, at maging mabuti narin ang kondisyon ng kapatid niyo." Ngumiti siya at tumango.
"I am actually planning to visit him, you wanted to come? to personally meet him, baka maisipan ka rin niyang pasalamatan." Nakangiwi na ang ngiting aniya.
Hindi ko mapigilang matawa ng bahagya.
May pakiramdam akong gusto 'kong tingnan ang kalagayan ng lalaking iyon, pero may pag-aalinlangan din sa parte ko.
Hindi ko mahulaan kung ano iyon.
Nang tingnan ko uli si sir ay naalala ko ang uniform ko.
Tumango nalang ako." Sige po sir."
Baka pagkatapos naming bumisita ay puwede ko nang tanungin kung saan ako magpapagawa.
Nakakahiya kasi kung itatanong ko iyon sa kalagitnaan nang insidente.
"Basta po saglit lang, ah?hindi po kasi ako puwedeng abutan masyado ng gabi sa daan,"naiilang 'kong dugtong.
"Of course, a couple of minutes will do."
"Sige po,"tumango na siya at tumalikod na'ko.
Sumunod naman sa 'kin ang isa sa PCT officer.
Napabuga ako ng hangin matapos may rumihestro sa isip.
Hindi ko maintindihan, pero ang kaisipang makikilala ko na ang Madman na sinasabi nilang kasali sa gang at siyang may-ari ng buong school pakiramdam ko nakakakaba ng masyado. Aminado kasi ako sa sarili na kung makilala man niya ko, pakiramdam ko hindi parin niya ikatutuwa ang presensiya ko.
To be continued...

Komento sa Aklat (98)

  • avatar
    Arvin Santos Sordoncillo

    5.0

    07/08

      0
  • avatar
    Nhora Gonzales

    maganda ang kwento mayroon matutunan ang nag babasa

    07/08

      0
  • avatar
    fiberhomejhully

    awesome

    07/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata