logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

HAMMTON INTERNATIONAL SCHOOL

KABANATA 1
Mabigat sa dibdib 'kong bumangon matapos matulala sa kisame ng mahigit limang minuto. Wala namang sisigaw sa 'kin na "Hoy Hina! bumangon ka na diyan dahil unang pasok mo sa school!"
Wala...wala na'ng gano'n...
"Hina! Hina Boobie!si Aling Pacita nasa baba, tinatawag ka!"'yon lang...
Tuwing lunes ko iyon naririnig. Tumayo na'ko at naglakad papalapit sa pinto at pinagbuksan si Miles.
"Bakit daw?"mahinahon at kunot-noo 'kong tanong.
Nameywang siya saka ngumiwi. "Aba'y as usual, naniningil ng renta! hmm ikaw talaga!"pinagmasdan ko siyang tumakbo papalayo matapos akong tapikin sa braso. Pinalobo ko ang bibig ko bago naglakad pababa ng hagdan.
"Good morning po Aling Pacita,"nakangiting bati ko nang matanawan siyang nagpapaypay sa harap ng pintuan. Nilingon niya'ko matapos akong mapansin, pero imbes na gantihan ang pagbati ko ay ang magkasalubong niyang kilay ang bumati sa 'kin.
"Ikaw Hina!aba'y unang pasukan ng klase wala kang naiaabot saking bayad sa pananatili mo sa boarding house ko, ipapaalala ko lang sa'yo na mag-iisang buwan ka na rito!"malakas niyang sabi na tiyak 'kong narinig ng karamihan. 
Ngumiti ako sa kaniya bago umayos ng tayo.
"Nakalimutan niyo na naman po, pinuntahan ko po kayo kagabi sa bahay niyo at nagmamahjong pa nga po kayo no'ng dumating aki, ganito po ang sinabi niyo oh", 'Ano ka bang bata ka!'wag mo nga akong istorbohin!ano bang kailangan mo?!" Pangagaya ko sa sinabi niya kagabi.
"Pumunta po ako sa inyo para magbayad, pero pinalapag niyo lang po sa ibabaw ng ref dahil ayaw niyong maistorbo." Nakangiting pagpapatuloy ko na sinundan ng tawanan ng mga kaboard mates ko.
"Gano'n ba?" humina ang dating ng boses niya. "Hala sige!ano ba 'yan!ang kakalumutin 'ko na!" litong-litong aniya na nagsimula ng maglakad paalis.
"Mag-iingat po kayo,"pahabol ko pa bago umakyat ulit.
"LT talaga itong si Aling Pacita!'Buti 'yong renta 'ko hindi naalala samantalang hindi pa'ko nagbayad," tumawa-tawang sabi ni Shenna nang maglakad ako sa harapan nila, si Jovelyn ang kausap.
"Hala, bakit po kayo bumalik Aling Pacita?!"biglang sigaw ni Jovelyn dahilan para dali-daling magtago si Shenna.
Tumawa ng malakas si Jovelyn nang malingunan ni Shenna na wala namang tao sa ibaba.
"Letse ka dai!pakyu!"
Napapailing akong nagpatuloy at hindi na sila pinansin.
Tuluyan akong dumiretso sa kuwarto at isinara ang pinto.
Matunog akong bumuntong-hininga matapos sipatin ang sarili sa salamin.
"Grabe...hindi talaga siya halata..."
Ginalaw-galaw ko ulit ang mga kamay ko maging ang aking mga paa. Mas bihasa at sana'y na 'kong igalaw ang mga braso ko kaysa no'ng una tatlong-taon na ang nakakaraan, hanggang sa magbaba ako ng tingin sa dibdib ko, muli akong napabuntong-hininga habang tinitingnan ito.
"Palaki ka ng palaki ah,"mahinang sabi ko na tumagilid sa salamin.
"At mas bumibigat din ang dibdib ko,"dugtong ko bago kinuha ang tuwalya sa likod ng pinto 'tsaka pumasok sa banyo.
Ngayon ang unang pasok ko sa bago 'kong school. Matapos ang tatlong taon 'kong pagprapraktis para maigalaw ang mga kamay at paa ko, pinayagan na rin ako ni Miss Gazon para mag-aral, kaya mula sa Leyte ay pinaluwas ako ng Maynila, para naman daw maiba at maging bago ang mga taong makakasalamuha ko, malayo sa mga mapanghusgang lipunan na mayro'n ako noon.
Isang buwan narin no'ng una akong tumira rito. Marami naman akong bagong kakilala pero hindi ko alam kung matatawag ko ba silang kaibigan. Minsan kasi dahil nga malakas ang pandinig ko naririnig ko silang pinag-uusapan ang dibdib ko, kesyo sobrang laki raw. Ilang beses na'rin nila ako tinanong kung saan ako nagpagawa, pero ang totoo... humingi pa'ko ng pills kay Miss Gazon para paliitin ng kaunti ang dibdib ko. Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit lumaki 'to ng ganito.
Nagsimula akong maligo habang iniisip kung ano ang magiging hitsura ng bago 'kong school.
Babalik ako ng Senior high school kasi nga hindi ako nag-aral nang tatlong-taon.
Kaya inaasahan ko nang baka ako ang pinakamatanda sa'ming magkaklase, hindi ko pa nakita ang school ko dahil si miss Gazon na ang nag-enroll sa 'kin. Hindi ko masyadong maintindihan kung ano talaga ang trabaho niya, ang sabi niya sa 'kin isa raw siyang professional doctor na magiging kilala ring scientist balang araw. Huli na no'ng mapagtanto 'kong pinag-experimentuhan pala niya ang katawan ko, may tinatawag siyang cells na siyang naging dahilan para tumubo ang kamay at paa ko. Pero kaakibat no'n ay mayro'n din daw mga tools na sa loob ng katawan ko, kaya pala nabibigatan ako sa sarili ko kahit na hindi naman ako mataba.
Pero sa kabila no'n, malaki ang pasasalamat ko sa kaniya, kasi hindi naman kami magkaano-ano pero tinulungan niya 'kong makalakad at magkaroon ng kamay at paa, na naging dahilan para mabawasan ang mga nanunukso sa 'kin.
Sa ngayon, wala naman na 'yong mga bata at taong kinukutya ako, kasi tama nga si Miss Gazon, makakatulong ang pagkakaroon ko ng normal na buhay kung walang nakakaalam sa dati kung katauhan at hitsura, pero kung may magtatanong man sa 'kin tungkol do'n, ayoko ring ilihim...hindi ko kasi maatim na magsinungaling. 'Yon ang kaisa-isang pag-uugali na hindi ko mawala sa sarili ko.
Matapos 'kong maligo ay sinuot ko ang uniform ko, 'buti nalang at isa iyong long sleeve kaso ngalang ay masyadong maiksi ang palda para sa 'kin.
Tiningnan ko uli ang hitsura ko matapos suotin ang uniform ko. Hindi ko maiwasan na isipin kung paanong hindi halata na gawa lang ang paa at kamay ko, parang pangkarinawan na kamay at paa katulad ng nakikita ko sa iba. Pero ilang beses ding ipinaliwanag ni Miss Gazon na natural lang daw na hindi mapansin dahil tumubo raw ang kamay at paa ko dahil sa cells at hindi gawang artipisyal. Kaya pala ang tagal din bago ako nagising no'n, pag gising ko isang taon na ang nakalipas.
Inaayos ko na ang sarili ko nang biglang magring ang cellphone ko. Alam ko naman kung sino ang tumatawag, si Miss Gazon dahil siya lang naman ang laman ng contact list ko.
"Good morning po Miss Gazon," pagbati ko.
"Mommy!mommy na ang itatawag mo sa 'kin."
Nagsalubong ang kilay ko. "Ho?bakit ho?"
"Para naman may nanay kana, kawawa ka naman kasi." Alam 'kong biro lang iyon kaya napangiti ako.
"Mayro'n naman po akong Ninang,"sagot ko habang inaayos ang bag at mga notebooks. 
"Minsan ang sama talaga ng ugali mo! ikaw na nga binibigyan ng nanay e' ikaw pa ang nagrereklamo!" Alam 'kong nakasimangot na naman ang mukha niya kaya hindi ko mapigilan ang matawa.
"Nasiguro niyo po bang nakainom kayo ng gamot?" sa halip na tanong ko, tinima ko ang dala ko 'tsaka ako lumabas ng kuwarto.
"Hindi, wala ka naman kasi rito."
Nagsalubong ang kilay ' ko. "Pero nand'yan po si Robrob."
"Si Robrob?namatay na, ang sabi ko naman kasi bawal siyang maligo pero ayon! matigas ang ulo, ayon tuloy nachugi!"
Napapailing ako."Ilayo niyo po kasi ang swimming pool sa kaniya," sa halip na sagot 'ko.
"Aba'y ala namang 'yong pool ang mag-adjust para sa kaniya e' siya ang umiwas."
Napapailing ako, hindi 'ko maiwasang matawa. "Kayo po ang gumawa sa kaniya, sa susunod gawin niyo siyang masunurin, ginawa niyo kasing masipag kaya ayon," suhestiyon 'ko hanggang sa marinig 'ko ang ilang kalabog sa kabilang linya.
"Akala 'ko po sira na si Robrob?"
"Sira na nga kaya gumawa na'ko ng bago, aray!Ribrib iwasan mo ang computer 'ko!"
"Ribrib?gumawa na kayo?"
"Oo siya si Ribrib, kapatid ni Robrob pero sa tingin 'ko mas malala ang isang 'to, hula 'ko hindi rin 'to magtatagal ng dalawang linggo."
Napangiti ako. "Sa susunod, tutulong po ako kapag natapos ang unang week ng klase ko."
"'Wag mo na 'kong intindihin dahil pupunta kami d'yan next week."
Natigilan ako sa paglalakad."Talaga po?ano naman kaya ang magiging trabaho ninyo?" nakangiting tanong ko.
"Syempre truck driver muna para makaluwas kami d'yan, 'tsaka ako magiging business woman para may mayaman ka namang nanay."
Napa-iling ako sa sinabi niya.
"Magsimpleng damit nalang po kayo, pupunta naman kayo rito sa Maynila kaya walang makakakilala sa inyo,"suhestiyon ko 'tsaka kinawayan sila Miles at sinenyasang mauuna na'ko.
"Ribrib umalis ka nga d'yan! papatayin ko lang 'to, babye!" Pagkatapos ay nawala na siya sa linya.
Ibinulsa ko nalang ang cellphone ko 'tsaka nag-abang ng tricycle para magtungong school.
Pero bago 'yon...
"Saan ka, miss?" tanong ni Manong driver.
"Sa lomihan po kuya," sagot ko. Tumango siya at nagsimula na kaming umandar paalis sa lugar.
Hindi puwedeng umalis ako ng hindi kumakain ng lomi.
"Hintayin niyo po ako, bibili lang ako saglit,"baling ko kay kuya, tumango lang siya kaya tumalikod na'ko.
Dumiresto ako sa pilahan at habang inilalabas ang mga barya-barya 'kong pera, ay biglang may sumagi sa 'kin.
"Aray!"imbes na ako ang nasaktan ay siya itong narinig 'kong umaray. Agad 'kong binalingan ang mestiso at gwapong lalaki sa likod ko.
"Sorry po,"nakayuko ko na paumahin.
"Darn, your arm is so stiff, have you been working out?" nakangiwi niyang sabi habang hinihimas ang nasaktang braso. Nakokonsensiya akong tiningnan siya, kaya sa halip na sagutin ang sinabi niya ay muli nalang akong yumuko at humingi ng sorry.
"Nah, It's okay, its my fault anyway,"anito. Mabuti at mabait siya, ngumiti nalang ako bago muling tumalikod.
"Wait, do you eat here?"mahina man ay rinig kong tanong niya. Muli 'ko siyang nilingon at nginitian.
"Masarap ang lomi nila rito,"sabi 'ko at tumango-tango siya.
"But wait... Are you from HIS?"kitang-kita 'ko ang panglalaki ng singkitin niyang mga mata habang sinusuyod ang kabuuan 'ko.
Tumango ako. "Nag transfer ako do'n, unang pasok 'ko palang sana."
"I see, that explains why."
Nangunot ang noo ko. "Explain ang alin?" takang-tanong ko.
"Uhm, nothing. I mean, you're not familiar to me, I think that explains why because you're a transferee." Nauutal ang pagkasabi niya no'n. 
Hindi ko maintindihan kung bakit may pakiramdam akong hindi lang 'yon ang dahilan.
"Mukhang kilala mo ang bawat estudyante roon." Pag-iiba ko ng usapan.
Natawa siya ng bahagya.
"Not really, I can only tell when I saw their face once." Tumango-tango ako.
Tatalikod na sana ako nang muli siyang magsalita. " Uhm, sorry to bother you but...I need a little help."
"Ah, ano 'yon?"
"My sister asked me to buy lomi for her. I never done that once in my life so...I really have no idea with this kind of place." Kumakamot na pagpapaliwanag niya.
"Gusto mong tulungan kitang bumili?" Nakangiting tanong ko.
"Yeah, if you don't mind."
"Syempre naman ayos lang sa 'kin 'yon. Matanong ko, buntis ba ate mo?" Dagdag ko na na tumagilid sa kan'ya.
Matagal bago siya sumagot."You can say that, because?"
"Bigla 'ko nalang naisip." Kibit-balikat 'kong tugon.
"Ahh," Napipilitan siyang tumango -tango. "Yeah, I guess you're right, she's three weeks pregnant."
"Wow, congrats sa ate mo." Namamanghang sabi ko.
"Thanks,"nakangiwi siyang ngumiti bago naningkit na tumitig sa 'kin. 
"Bakit?" Takang-tanong 'ko.
"Ang tipid mo sa energy, what's your name again?"
"Hinata, pero hina nalang."
Tumango-tango siya."Your name is lovely Hina,"nginitian 'ko lang siya saka bumaling kay Aling susi.
Kami na ang susunod.
"Apat pong lomi Aling susi, ihiwalay niyo lang po, ah?" nakangiting sabi 'ko.
"O sige, naku sino 'yang mestisong kasama mo?ha?hina?" bulong sa'kin ni Aling Susi na sinulyapan ang lalaki sa likuran 'ko.
"Hindi 'ko po alam ang pangalan niya, pero bibili rin po siya ng lomi ninyo," bulong na sagot 'ko, agad namang tumabi ang lalaki sa 'kin at humarap kay Aling susi.
"Hi, I'm Calvin, I'm here to buy your lomi...po," hindi 'ko inaasahang magpapakilala siya, nag-angat lang ako ng tingin sa kan'ya matapos niya iyong sabihin kay Aling susi.
"Ay naku oo, masarap ang lomi ko rito." Nakangiting tugon ni Aling Susi 'tsaka siya lumapit ng bahagya sa 'kin para bumulong. 
"Napakagwapong bata naman niya'n iha, maganda kung makakatuluyan mo ang isang katulad niya, anak mayaman 'tsaka mukhang bagay kayo." Bumungisngis na aniya.
Kahit mahina ang pagkakasabi niya ay dinig na dinig ko parin.
"May girlfriend na po siya." Bulong na tugon ko.
Mabilis na lumukot ang mukha ni Aling Susi kaya natawa ako.
Hindi ko naman maiwasang sulyapan si Calvin, guwapo nga siya.
"Maraming salamat po Aling susi,"nakangiting sabi 'ko nang ibigay niya ang in-order namin.
"Mauna na ho kami," pahabol na paalam ko.
"O sige, mag-iingat kayo."
"Thanks a lot, Manang Suzi."
"Susi." Natatawang pagtatama ko.
"Right." Napapakamot siyang natawa 'tsaka ko pinangunahan ang paglalakad.
"Eto na ang para sa ate mo," sabi 'ko na iniabot ang isang plastic bag laman ang isang lomi para sa kan'ya.
"Thanks, how much is this again?"
"35 pesos lang 'yan, pero 'wag mo nang bayaran."
"No, I'll pay for it."
Umiling ako."Hindi na, alam 'kong walang Kang bayra para d'yan, isa pa wala rin akong panukli sa 'yo. Isipin mo nalang pang congrats ko 'yan sa ate mo. 'Tsaka...pakisabi mahalin niya ang anak niya... at alagaan ng mabuti, sa tingin 'ko naman magiging mabuti siyang ina,"seryosong pagpapatuloy ko.
Hindi siya sumagot at tumitig lang sa 'kin. Nang mamagitan ang katahimikan sa 'min ay ako na ang nag-iwas ng tingin. 
"Thank you," matagal bago niya 'yon sinabi.
"Walang anuman." Muli akong yumuko sa harapan niya.
"Are you on your way to HIS?" tanong niya, tumango ako.
"Bakit hindi ka nalang sumabay sa 'kin? I have my car." Itinuro niya ang pulang kotse na nakapark sa kabilang kalsada.
"Bakit?estudyante karin do'n?" namamanghang tanong 'ko. 
Tiningnan ko ang uniform na suot niya. May pagkamatch ang ilang kulay sa suot kong uniform, pero hindi naman ako pamilyar sa uniform ng mga lalaki roon kaya hindi ko rin mapapansin ang ibang nag-aaral do'n.
"Yes, I'm a senior high school, graduating."
"Ah, ako naman Grade 11."
"Yeah?I thought pareho tayo."
"Huminto ako e' ngayon palang ulit ako mag-aaral," naiilang na sabi 'ko. 
Pilit na ang ngiti niya.
"Then I guess, we have to go back, sumabay ka na sa 'kin."
"Ah, hindi na. " Mariing pagtanggi 'ko. 
"May naghihintay na tricycle sa 'kin e'." Itinuro 'ko rin ang Manong driver na naghihintay sa 'kin.
"Ah y-yeah, uhm, nakakahiya kasi ikaw pa ang nagbayad ng lomi. Hindi ko naman hahayaan na basta nalang tayo maghiwalay without giving back the favor."
"Ayos lang naman sa 'kin 'yon e' hindi ako humihingi ng kapalit."
"I know, but please just let me, besides it's better that you go there with a new mate, right? 'tsaka malayo-layo pa ang HIS, baka malate ka kung magta- tricycle ka lang," dagdag pa niya.
Napaisip ako sa sinabi niya.
Tiningnan ko ang gawi patungong school. Tama nga siya, pero kung hindi ako nakipagkwentuhan sa kaniya, siguro nakarating na'ko sa school ngayon. Isa pa, nahihiya na'ko dahil kanina pa'ko tanggi ng tanggi sa kan'ya, ayoko namang isipin niya na masyado na akong nag mamaganda.
"Sige."
"Nice, let's go?"
Tumango ako."Pero teka lang, babayaran 'ko lang si kuya."
"Oh, it's on me, magkano ba?"anito.
Hindi 'ko na nagawang makapagsalita nang mauna na niyang abutan ng isang libo si kuya.
Napailing ako ng kumunot ang noo ng tricycle driver. Lumapit ako at inabutan ito ng fifteen pesos.
"Fifteen pesos lang ang bayad. Wala silang barya dahil umaga pa lang." Nakangiting sabi ko sa kan'ya.
Nahihiya niyang ibinalik ang pera sa bulsa.
"Sorry."
"Halika na, baka pareho pa tayong dalawa ma-late."
Tumango siya at pinangunahan ang paglalakad.
Sumunod naman ako hanggang sa tuluyan kaming sumakay sa kotse niya 'tsaka nagtungo sa school.
Nakatuon lang ang buong atensiyon 'ko sa labas ng bintana, hindi na'ko nag-abalang magsalita pa dahil hindi 'ko rin naman alam ang sasabihin 'ko.
"I didn't see you during the enrollment." Hindi ko inaasahang babasagin niya ang katahimikan.
Mula sa labas ng bintana ay nilingon 'ko siya."Hindi kasi ako ang nag-enroll," tipid na sagot 'ko.
"I see, so its gonna be your first time to see our school?"
Nakangiti akong tumango."Gano'n na nga."
"I see. Are you excited?" 
Umayos ako ng pagkakaupo at nag-aalinlangan siyang nilingon.
"Hindi ko alam," matapat kong sagot.
"Huh?"
"Ano...matagal na simula no'ng pumasok ako sa school. Kahit noon pa, wala narin namang nagbago sa dating pakikisalamuha sa 'kin ng mga tao. Madalas masasabi ng isang tao na excited siyang pumasok dahil umaasa siyang makikita niya uli ang mga kaibigan niya, o may makikilala siya uli ng bagong kakilala. Sa kaso ko...hindi madali para sa 'kin ang makahanap ng totoong kaibigan. Pero ayoko rin namang umasa pa ngayon...na may pagbabago rin mula sa nakaraan ko kaya hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko, dahil iniiwasan kong umasa ng kahit na ano."
Tahimik siya matapos akong magsalita. Nang tingnan ko siya uli ay nakangiti siya habang nakatingin sa labas ng diresto. Hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin no'n.
"You're really straight forward and you describe very well what you feel."
"Masama ba 'yon?"
"No, it's actually the opposite. It's rare to meet a very honest people nowadays you know."
"Ah, tama ka."
"So you have no idea what HIS looks like? Don't you know any people there yet?"
"Wala, wala pa 'kong ideya. Bakit? Ano ba sa HIS? Mababait ba ang mga tao do'n? Ang mga teacher? Marami ka bang kaibigan? Hindi ba...madalas ang bullying sa inyo?" Sunod-sunod kong tanong pero sinuklian lang niya iyon ng pananahimik.
"Uhm..."
Napatingin ako sa harap ng bigla kaming huminto.
"We're here." Doon lang siya nagsalita at tumingin sa 'kin.
Mabilis kong hinubad ang seat belt at sumunod sa kan'ya nang mauna siyang lumabas.
"Welcome to Hammton International School, Hina." Kasabay ng paglabas ko ay ang pagsabi ni Calvin noon.
Mabilis na umawang ang labi ko dahil sa ganda at lawak ng HIS.
"Ang ganda niya,"mahinang sabi 'ko.
Grabe, napakalaki...kahit gate palang at parking lot ay napakaluwag na, sopistikada at talagang mayayaman.
"Who's that girl? Oh my god, don't tell me he's her new girlfriend?"
"I have no idea, hindi ko siya kilala. But I have no doubt, sabay silang pumunta rito, right? I'm envious!"
"So Calvin is taken already? Ouch naman..."
"Sino ba kasi siya? Ang laki ng ano niya ah..."
Pilit kong hindi pinansin ang mga bulungang iyon. Kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga maiwasang pahinain ang pandinig ko.
"Uhm Calvin, mauna na'ko, salamat sa paghatid," paalam 'ko na muling yumuko sa kaniya.
"You're welcome, see you around Hina,"tumango na'ko sa kan'ya 'tsaka mabilis siyang tinalikuran kahit dinig na dinig ko parin ang usapan ng bawat estudyanteng nadaraanan ko.
Hanggang sa makalayo nga ako ay naririnig ko parin ang ilang hiyawan na sinisigaw ang pangalan ni Calvin at ng Madman. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy na'ko sa paglalakad.
To be continued...

Komento sa Aklat (98)

  • avatar
    Arvin Santos Sordoncillo

    5.0

    07/08

      0
  • avatar
    Nhora Gonzales

    maganda ang kwento mayroon matutunan ang nag babasa

    07/08

      0
  • avatar
    fiberhomejhully

    awesome

    07/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata