logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6: The Warning

THE DISCO'S INFERNO
CHAPTER SIX: THE WARNING
J U L I A N N A
Pagkatapos kong maligo sa shower room sa may athlete’s court ay agad akong nagbihis ng uniform. Buti na lamang ay may extra si Miss Irene kaya pinahiram niya ito sa akin. Tinuyo ko muna ang aking buhok ‘tsaka nagsuklay. Habang nakatingin sa salamin ay hindi ko maiwasang manggigil. Sobra-sobra na kasi ang ginagawa nilang pambubully sa akin, gusting-gusto ko nang gumanti pero hindi pa ito ang tamang oras.
Nang matapos na ako sa pag-aayos ay agad na akong nagtungo sa opisina ni Miss Irene. Pagkapasok ko sa opisina ni Miss Irene ay agad akong sinalubong ng lamig at maaliwalas na paligid. Sa isang malaking kwarto ay may apat na bahagi dahil hindi lamang si Miss Irene ang umookupa, apat sila pero magkakahiwalay. May sari-sarili silang opisina na para bang nagtatrabaho sila sa isang kumpanya. May iisa silang banyo, may pantry at may sleeping quarters. Ang tatlong kasama ni Miss Irene ay ang mga head adviser tulad niya kaya’t ganoon na lamang kaganda ang opisina niya.
Agad akong bumati nang makita ko si Miss Irene, nakahinga ako nang maluwag nang walang madre ang nagtungo sa opisina ni Miss Irene. Kahit ako ang biktima ay natatakot ako sa kapangyarihan ng mga madre sa aming eskwelahan dahil tiyak na magiging masakit ang parusa nito sa taong lumabas sa utos ng paaralan. Nakita ko rin si Justine at sir Laurenz na nakatayo sa gilid ni Miss Irene.
“Plastik…” rinig kong wika ni Kimberly nang bumati ako. Hindi ko na lamang siya pinansin dahil ayaw ko nang lumala pa ang gulo. Sa tabi nito ay may apat na estudyanteng umiiyak habang ang isa naman ay nakatayo. Umupo ako sa sofa sa may kanan at muling tiningnan ang aking kapatid na walang ginawa kun’di ang kumalikot sa kanyang cellphone.
“Can you please put down your phone Miss Kimberly? Nakakabastos ka,” saway sa kanya ni Sir Lorenz. Napatingin si Kimberly sa kanya at inirapan ito bago padabog na ipinasok ang kanyang cellphone sa kanyang bag. Napasinghap na lamang ako sa inasal niya. Ako ang nahihiya para sa kanyang ugali. Napakabastos. Mabait naman ang kanyang mga magulang, hindi ko alam kung bakit ganoon ang ugali niya. Nakukuha niya lahat ng gusto niya, maganda siya at matalino pero ang ugali ay palpak. Hindi ko naman masisisi si mommy at daddy kung bakit ganon ang ugali niya.
“Let’s wait a few more minutes, paparating na ang mga magulang niyo,” wika ni Miss Irene kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Ang apat na babae na kanina pa umiiyak ay mas pumalahaw pa ang iyak dahil siguro sa takot na mapagalitan sila. Sa uniporme ng mga ito, mukhang grade 7 ang mga ito. Napakabata pa nila para mangbully.
“What? Bakit kailangang ipatawag ang parents namin?” tanong ni Kimberly na para bang galit ito na kinakabahan. Lihim naman akong natuwa sa kaloob-looban ko dahil panigurado ay tuturuan siya ng leksyon ng aking mga magulang. Makakamit ko na ang hustisya ng pambubully niya sa akin. “May problema ka ba doon Miss Kimberly?” Matapang na taanong sa kanya ni Miss Irene. Muling umirap si Kimberly habang naka-halukipkip.
K I M B E R L Y
Hindi maiwasang kabahan ako nang malaman ko na ipapatawag ang parents ko regarding this issue dahil tiyak na papagalitan nila ako, lalo na si mommy. Kung hindi lang naman kasi nagsumbong at nagpakasipsip si Kobe, ang nagsumbong. Sa pagkakaalam ko ay kaklase ito nila Rainer kaya marapat lang na turuan siya ng leksyon at isa pa, imbis na naging matagumpay ang plano namin, naging basura ang lahat nang dahil kay Juli. Hindi ko inaakala na papatulan niya ako sa pagkakataong ito. I know Juli, she’s weak and ayaw niyang pumapatol, ewan ko nga kung bakit nagawa niyang patulan ako ngayon and ang malala pa ay muntik na niya akong mapatay, kun’di dumating si Justine.
Ang plano talaga namin ay malinis ang pangalan ko kay Justine dahil naisip ko na kung magbaabait-baitan ako at maging anghel sa paningin niya ay magugustuhan niya ako. Ito na lamang ang paraan para mangyari iyon, lalo na’t kaagaw ko si Juli pero nabaliktad ang lahat. For sure na kaakampihan ng lahat si Juli pero sana hindi umamin ‘tong apat na walang kwentang kanina pa iyak nang iyak sa tabi ko.
Ilang saglit pa ay tumayo na si Miss Irene sa pinto. Kinabahan ko dahil I’m really fucked up.
“Juli anak!” rinig kong wika ni mommy nang makapasok siya sa loob ng opisina kasama si daddy. Napairap na lamang ako dahil si Juli pa ang unang nilapitan imbis sa tunay nilang anak.
Paawa effect!
Nang makita nila akoy ay hindi man lang nila ako nagawang lapitan. Masamang nakatingin sa akin si mommy habang si daddy naman ay emotionless. Nakita ko pa nga na lalapitan sana ako ni daddy nang masama siyang tiningnan ni mommy. Mas lalo akong nainis sa kanila. Ano bang problema sa akin ni mommy? Anak niya ako pero ako ang pinapahirapan niya ng ganito. Mas mahal niya pa ang punyetang pulubi na ‘yon kaysa sa akin!
“Since lahat tayo ay nandito na, let’s start our meeting,”wika ni Justine. Nauna niyang tanungin si Juli, as expected, nagpapaawa ito. Umiiyak pa ang gaga. Kinukuha niya talaga ang sympathy ng lahat, nakakainis!
“Paawa amputa.” Mahina kong bulong habang nagkukwento siya. “Sinabi ko bang magsalita ka Miss Kimberly?” tanong sa akin ni Miss Irene kaya napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko. Gustong-gusto ko nang magwala at saktan si Juli sa sobrang inis.
“Sino naman ‘tong apat na ‘to?” tanong naman ni Miss Irene habang nakaturo sa apat na estdyanteng katabi ko. Magsasalita na sana si Kobe nang pigilan siya ni Justine. “Miss Irene, what if itanong natin mismo sa mga students kung sino sila at ano ang ginagawa nila rito,” wika ni Justine. Gosh! I’m dead!
“K-Kami po ‘yung inutusan ni ate Kimberly na gawin ‘yon kay ate Juli,” wika ng isa sa kanila habang umiiyak. “Napag-utusan lang po kami d-dahil fan na fan kami ni ate Kimberly,” wika naman ng isa.
“So si Miss Kimberly pala ang may pasimuno ng lahat?” tanong ni Justine kaya tumango ang mga estudyanteng inutusan ko. Napayukom ako ng kamao sa inis, mga traydor ‘tong mga kupal na ito.
“Mr. and Mrs. Beltran, hindi niyo po ba alam na walang araw ang nagdaan na hindi nangbubully ang aanak niyo?” tanong ni Sir Lorenz, hindi naman nakasagot ang mga magulang ko, napakapit na lamang ako sa aking ulo. Sobrang stress na stress na ako ngayon. “Hindi niyo ba itatanong kung ano ang ginawa sa akin ni Juli?” tanong ko sa kanila. “Ako nga ang tumulong sa kanya tapos ako ang agbibintangan niyo na may pasimuno sa lahat? And I don’t know them,” wika ko sa kanila. “So ano pala ito Miss Kimberly? Gusto mo bang iplay ko pa ‘to sa projector?” tanong ni Sir Lorenz habang hawak ang camera na hawak ko kanina habang vinivideo ang pantitrip namin kay Juli. Wala na talaga akong kawala, punyeta.
“You are now done Kimberly Beltran. With honors ka pa naman tapos ganyan ang ugali mo. I’m sorry to tell you but you’ll be doing a community service for one week,” wika ni Miss Irene sa akin. Gusto ko pa sanang magreklamo kaso madadagdagan ang offense ko. Community service? For real? Ayokong makisalamuha sa mga madre at mga janitors no?
“Kayong apat din, you’ll be doing a community service. Once na naulit ito, sad to say idodrop out ko kayo. Lalo ka na Miss Kimberly, you are running for being a valedictorian.”
What? I’m running for being a valedictorian?

Komento sa Aklat (138)

  • avatar
    Raven Pacia

    super cute ok nadin

    3d

      0
  • avatar
    Mariafe Ilao

    hi po

    21d

      0
  • avatar
    Ricky Mahinay

    so happy

    20/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata