Chapter 4 Maven's POV. Argh! What did I say! Hutek bakit ko nasabi 'yon! Napaghahalataan na ba ako? Pero sa kabilang banda ay masaya ako, inaamin kong may gusto ako kay Yuri, no'n ko pa siya nagustuhan. May pagkamaldita man siya, mabait naman at may mga bagay na sobra kong hinahangaan sa kaniya. "Attention everyone, King Randyle said that we should all meet at conference room, now." Usal ni Peter. Anong meron? May hindi ba magandang nangyari sa kompanya? Imposible namang may hindi magandang nangyari sa kompanya, ang galing kaya magpatakbo ni king Randyle at brother in law Dave, wahaha kinilig ako ro'n hutek! Back to the topic, dahil sa galing nila hindi bumababa ang comany plus hardwork pa nang mga ibang bampira at warewolves. Ano kaya ang pag-uusapan? Bago pa man ako pumunta sa conference ay sinilip ko muna si Yuri sa cubicle nya at ilang sandali lang ng makarating ako ay wala na akong nakitang Yuri sa loob niyon kaya naman tiningnan ko ang kapeng inilagay sa table niya. Nakita ko siya kanina na nagtitimpla, at nabigla naman ako nang bigla siyang umalis. Kaya naman pinagpatuloy ko ang itinitimpla niyang kape at inilagay 'yon sa table niya. Kaso mukhang hindi niya pa nakikita, kaya hindi pa nababawasan. "Anong ginagawa mo sa cubicle ko?" Seryosong tanong ng isang pamilyar na tinig sa bandang likuran ko. "Tinitingan ko kung tapos na ba 'yong ibinigay ko kaninang paper works, may nakatambak na naman kasi sa table ko," nakangisi kong saad. "Tsk! Sa makalawa.mo na ibigay, mag-l-leave ako bukas," saad nito. "At bakit?" Tanong ko. "Pake mo?" Nakataas kilay nitong saad. May sasabihin pa sana ako nang bigla siyang umalis, hayss... Bakit siya mag-l-leave? Huminga ako nang malalim at ibinuga iyon, saka naglakad papunta sa conference room. Nakapamulsa kong tinahak ang daan papunta sa conference room at ilang sandali lang ng makarating ako ay nakita kong marami nang bampira at asong lobo ang nakatayo roon. At sa palagay ko hindi pa sila nagsisimula. May ilang nagbubulungan habang ang ilan naman ay tahimik lang na naghihintay. Umupo naman ako sa puwesto ko... Wala pa ang ilang kasamahan ko at napapatanong ako bakit wala pa rito si Yuri. Ang mga naka-upo ang nagsisilbing taga-gawa nang plano habang ang mga nakatayo ang kumikilos at nakikinig, to be short, team work was involve here. Ilang sandali lang ay pumasok na sina King Randyle at Dave, umupo ang dalawa sa kani-kanilang upuan. May sampung upuan na nakapalibot sa isang rectangle table, si Dave ang nasa gitna sa parteng kaliwa habang si King Randyle naman sa parteng kanan. Nakita ko naman ang ilan naming kasamahan na nagsidatingan, nasa unahang parte ni Dave si Yuri habang ako ang sumunod kay Yuri, sunod sa akin ay si Rose, sunod ay si Jamwell, naka- holding hands pa ang dalawa. Amp, ang sakit sa mata! Ang nasa harapan naman namin ay sina Nie, Bontwo, Peter, Max at si kayla sana ang nasa bakanteng upuan kaso mukhang MIA siya, Missing in Action "Ano ang pag-uusapan natin?" Tanong ko. "Alam niyo naman sigurong lahat, na may nawawala tayong kasamahan, which is si Kayla." Saad ni Yuri. "Kailangan natin siyang mahanap at kung may clues tayong matatanggap within this week galing sa hindi kilalang kalaban, ibig sabihin buhay at maganda ang pamumuhay niya, but if we do have clues within this week it means an another fight with some, " saad ni King Randyle. Nagulat naman ako sa mga sinabi nila, sana okay lang si Kayla at maganda ang pamumuhay niya. Hayst, may labanan na naman kayang magaganap? Kung meron paniguradong hindi 'to basta-basta. Sa pagdukot pa lang ay sobrang linis, hindi katulad ng mga nakakalaban namin na nagkakalat ng clues dahilan para madali lang naming matalo... "For now, ito na muna ang masasabi namin sa araw na ito. Kapag may balita o clues na kaming natanggap ay ipapatawag ulit namin kayong lahat." Saad pa ni King Randyle. Isa-isa na silang umalis habang nakita ko naman si Yuri na naka-nap. Problema nito? "Don't stare at me," seryoso nitong saad. "May probema ka?" Malumanay kong tanong. "None of your business," saad nito sabay tayo at lakad papalayo. Naiwan naman akong mag-isa sa silid na 'yon. Napasandal naman ako sa sliding chair na kinaka-upuan ko, sabay buga nang malalim na hininga. Ako ba ang dahilan kung bakit siya nagkagano'n? Siguro nga napapahirapan ko siya dahil sa andami-rami nang ibinibigay ko sa kaniyang paper works, napapansin ko rin na wala na siyang pahinga. Hayst, anong gagawin ko? She shouldn't feel upset on me... Agad akong tumayo at pumunta sa cubicle niya, nakita ko naman siyang ginagawa ang trabaho niya. Lumapit ako sa table niya at kinuha ang mga papel na ibinigay ko sa kaniya kanina lang. Sa pagkuha ko ay napatingin siya sa akin while wearing a questoning face. Hindi ko naman 'yon pinansin at hahakbang na sana ako papunta sa cubicle ko nang bigla niyang hilahin ang dulo namg suot kong damit, dahilan para mapahinto ako. "Anong ginagawa mo?" Takang tanong nito. "None of your business," seryosong sagot ko at tuluyang pumunta sa cubicle ko. Inilapag ko 'yon sa table ko at agad na trinabaho ang trabahong hind dapat ako ang gumagawa, kung hindi ko talaga siya... Ayshh! Third Person's POV. Habang busy ang lahat ng bampira at asong lobo sa Vamware company ay busy naman ang kalaban nila sa pagpapahirap kay Kayla. "Sabihin mo sa 'min kung anong mga paghahanda ang ginagawa niyo para matalo ang mga nagtatangkang kumalaban sa inyo?" Nakakatakot na tanong ng isang lalaking nakamaskara sa harapan ni Kayla. "Sino ba kayo? Ha!" Usal ni Kayla habang mahigpit na nakagapos ang katawan sa isang bakal na upuan. Sobrang dilim ng paligid, wala siya gaanong makita... "Ang papatay sa lahi niyo," seryosong tugon nito sa kaniya. Nakakakilabot itong humalakhak kasunod niyon ay 'di namalayan ni Kayla ang mga kasamahan nito sa dilim. Ang mga mata nito ay para bang nagliliwanag sa dilim habang nakalabas ang mga matutulin na mga pangil, ang katawan nito ay may mga balahibo habang ang mga kuko nito ay parang isang kutsilyong sa sobrang talim. Ramdam ni Kayla ang takot, wala siyang mahingan ng tulong, wala na siyang ibang nagawa kung 'di tanggapin na magtatapos na ang kaniyang buhay sa araw na 'yon. "Sabihin mo , paano n'yo pinaghahandaan ang mga kumakalaban sa inyo?" Tanong ulit nito sa kaniya. "Tss..." Singhal ni Kayla. "Ramdam ko ang kaba mo kaya 'wag mong pag-initin ang ulo ko," usal nito sa kaniya. "Mmm, anong mangyayari kapag sinabi ko?" Seryosong tanong ni Kayla. "Papalayain ka namin," nakangising saad nito sa kaniya. Ramdam ni Kayla ang larong ginagawa nito, hindi niya akalaing mapagtatanto niya na hindi siya magaling makipaglaro lalo na kung loyalty ang nakasalalay. "Gusto mo... Niyong malaman?" Nakangising saad ni Kayla. Tumango naman ang mga ito at hinintay ang susunod na sasabihin ng dalaga. "Una, magaling kami. Pangalawa, bobo ang mga kumakalaban sa amin. Pangatlo, walang makakatalo sa 'min." Nakangising dugtong nito. "What the!" Usal lamang ng nakamaskarang lalaki sa kaniyang harapan. "Pinipilosopo mo ba kami, ha?" Galit nitong turan. "Pilosopo lang ba 'yon sa paningin mo?" Natatawang saad ni Kayla. "Ang bobo niyo naman, hahaha." Tawa pa nito. "You—." "What I've said was true, so if I didn't satisfy you with my answer... You better kill me, cause I'm ready to die... Later or even now," seryosong saad ni Kayla. "You all heard that, what she said is our grant," nakagising utos ng nakamaskarang lalaki sa mga kampon nito. Agad naman na nagsitakbuhang ang mga ito na parang mga pusa, malaking puso na gutom na gutom na gustong kumain ng karne nang isang bampira. Brutal nilang pinagsasaksak ang kawawang bampira, hindi ito nasusunog sa mga kuko nang mga ito, ngunit kaya nilang kainin ang katawang meron ang isang bampira. Ramdam ni Kayla ang sakit sa bawat mararamdaman ang mga kukong bumabaon sa kaniyang katawan, dahilan para hindi niya maramdaman ang mga luhang kusang tumutulo at dumadaloy sa kaniyang mukha. Ang dugo niya ngayo'y dumadaloy na sa sahig at ang ilan dito ay nasa kuko nang mga hindi mahinuhang kalaban. Ilang sandali lang ay naramdaman na ni Kayla ang panghihina, ang mga mata niyang gusto nang pumukit, at ang katawan niyang gusto nang maglaho... Hindi na niya nakaya, tuluyan na nga siyang sumuko at nagpa-alam. Nakita iyon ng nakamaskarang lalaki dahilan para mapahalakhak siya nang malakas. "Hindi pa sapat ang mga ginawa ko, dapat na kayong mawala sa landas ko. Tikman niyo ang aking paghihiganti," saad pa nito. Lumapit naman sa kaniya ang kaniyang kampon, ang mga soro. Sa paglapit ng mga ito ay nakita nang nakamaskarang lalaki ang tanging ulo ni Kayla. Napangisi naman siya dahil do'n at agad na inutusan ang kaniyang kampon na ikahon ang ulong 'yon. Mga sorong nagbabalat anyo sa gabi at nagiging mukhang normal na tao sa umaga, except sa mga mukha nito, ang mukha nang mga ito ay nananatiling soro habang ang katawan ay nagmumukhang normal na kutis ng tao. Dahil dito lumalabas sila umaga nang nakamaskara... Ang mga sorong ito ay kampon ni Braille...
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
diamond gosto ko
23/03/2025
0nice
26/11/2024
0good story
26/11/2024
0Tingnan Lahat