logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

Chapter 2.
Toper's POV.
Gabi na naman at gusto kong malaman kung bakit hindi pumasok ngayon si Dave, kung gayong parati naman siyang pumapasok at nagpapaka-busy sa trabaho. Himala yata 'tong nangyayari...
Hindi ko alam kung bakit concerned ako sa kaniya, siguro dahil 'to sa pinagdadaanan niya.
Habang papunta sa bahay niya ay minaneho ko ang kotse kong bagong bili. Simula nang dumating ang mga tao ay marami nang nagbago, marami na ring mga naimbento. Na-iisip ko nga kung bakit hindi na lang kami humingi nang tulong sa mga tao o magpagawa nang gamot para makalabas kami sa umaga... At isang sagot lang ang alam ko, dahil baka ikapahamak namin ang gagawin naming paghingi nang tulong sa mga tao.
Ilang sandali pa nang makarating ako sa bahay niya. Hindi uso sa akin ang pagkatok, bakit pa ako kakatok kung marunong naman silang makiramdam 'di ba?
Pagkapasok ay nakita ko siya sa sala na nagbabasa nang libro.
"Hi bro." Feeling close kong bati.
"Bro," kasi usong tawag ng mga tao sa mga kaibigan nila kaya sinubukan ko, hindi naman kami magkaibigan ni Dave, pero sinubukan ko lang naman kung maganda bang pakinggan kung bibigkasin ko.
"What are you doing here?" Seryoso nitong tanong sa akin.
"Makikikain," sarkastiko kong saad.
"Tss, get out," usal nito.
"Si Jannelle pa rin ba ang nasa isip mo?" Seryoso kong tanong.
Nakatayo lang ako habang nakapamulsa. Nasa likuran niya ako at kitang-kita ko ang binabasa niya, malinaw yata 'tong mata ko.
Nang hindi siya tumugon sa tanong ko ay agad kong ginamit ang kakayahan kong makabasa nang utak, binasa ko kung ano ang iniisip niya. Nang mapasok ko ang isipan niya ay tama nga ang kutob ko, si Jannelle ang nasa isipan niya.
Hindi ba uso sa kaniya ang mag-move on?
Bakit naman kasi sinabi pa ni Nie na magkikita silang muli? Ayan yuloy umasa, hahays...
Haysst pag-ibig nga naman...
Alam kong natamaan ako nang pag-ibig pero haysst siguro kapag ako ang nasa puwesto niya ay gano'n din siguro ang gagawin ko pero ma-iisipan ko naman sigirong mag-move on.
"Are you done reading my mind?" Seryoso nitong tanong na ikinagulat ko.
"Uso ang mag-move on," usal ko.
"Kung kayo ang nakatadhana para sa isa't isa, hindi mo na siya kailangang hanapin pa, may tamang oras naman para magkita kayong dalawa... Baka isang araw magising ka na lang na nandiyan na pala siya sa tabi mo, pero siyempre it always has perfect timing or should I say panahon." Dugtong ko pa.
"Hanggang kailan ba ako maghihintay? Alam mo ba kung kailan? You dont even know a little piece of what I'm feeling right now," seryoso at mukhang galit nitong tugon.
"Hindi ko siya makikita kung hindi ko siya hahanapin," dugtong pa nito.
"Tama ka naman pero kasi marami nang na-aapektuhan," saad ko.
"Nagagawa ko ang lahat ng kailangan kong gawin, so you better f*c*ing shut up!" Na-iirita nitong saad.
"Tsk!" Singhal ko.
Diyan siya magaling sa bad worda at kapag nagsimula siya sa ganiyang nakakapanindig balahibo kapag nakita mo siyang seryoso na galit...
Namagitan sa aming dalawa ang katahimikan kaya naman napag-isipan kong pumunta sa kusina niya, gutom na 'ko eh ba't ba...
"Anong balak mong gawin?" Bigla nitong tanong sa akin.
"Magluluto ako," saad ko.
Hindi naman na siya nagsalita pa at pinabayaan akong pumunta sa kusina niya.
Madami na akong napanood na tutorial sa internet kaya susubukan kong magluto.
Binuksan ko na ang refrigerator niya at nakitang punong-puno iyon ng mga ingredients, kung tutuusin, maraming putahe ang puwede kong lutuin pero dahil hindi pa ako siguradong makapagluluto nang masarap na putahe ay isang putahe na muna ang gagawin ko.
"Ano nga bang puwedeng lutuin?" Tanong ko sa sarili.
Third Person's POV.
Nagluluto si Toper habang nag-iisip si Dave.
"Kung kayo ang nakatadhana para sa isa't isa, hindi mo na siya kailangang hanapin pa, may tamang oras naman para magkita kayong dalawa... Baka isang araw magising ka na lang na nandiyan na pala siya sa tabi mo, pero siyempre it always has perfect timing or should I say panahon."
Paulit-ulit na pumapasok sa isipan niya.
"Ano bang mali sa ginagawa ko?" Takang tanong nito sa sarili.
Hindi niya mapigilan ang mapapikit at sa pagpikit na 'yon ay nakita niya ang mukha ni Jannelle na nakangiting nakatingin sa kaniya.
"I want to find you," usal nito habang nakapikit pa rin ang mga mata.
Habang nakapikit si Dave ay narinig naman ni Toper ang sinabi nang binata, napalinga-linga na lamang ito at hindi mapigilan ang sariling mamamangha sa binata.
"Kung ako siguro ang nasa posis'yon ni Dave, siguradong sukong-suko na 'ko," usal ni Toper sa sarili.
Tinahak muli ni Toper ang kusina at tiningan ang niluto niyang noodles, habang hinahanda 'yon ay masaya at proud na proud siyang inihain 'yon sa lamesa.
"Dave!" Tawag nito sa binata.
Nang hindi tumugon si Dave ay agad itong pinuntahan ni Toper sa sala para sabihang sabay silang kumain.
Pagkarating sa sala kung na saan si Dave ay nakita niya ang binatang nakapikit na wari mong natutulog kaya minabuti niyang dalhin doon ang niluto niya.
Nang mailapag na niya iyon ay agad niyang ginising si Dave.
"What?" Seryosong tanong ni Dave sa binata.
"Kain na," saad ni Toper.
Nang maamoy ni Dave ang niluto ni Toper ay nilingon niya iyon.
"Eat well, tsk!" Singhal ni Dave kay Toper sabay tayo at punta sa kuwarto nito.
"Hoy, bastos tsk! Ikaw na nga pinagluto," nagdadabog na saad ni Toper.
"Marami na akong napanood na tutorials, at sabi nila mas maganda kung magsisimula muna sa basic!" Sigaw nito.
"Masarap naman 'tong noodles, tsk!" Na-iirita nitong saad at sinubo ang nilutong noodles.
Habang napangiti naman si Dave nang hindi nalalaman ni Toper, kahit papa'no ay natawa siya sa ginawa ni Peter.
Nag-expect kasi ang binata na masarap ang lulutuin nito para sa kaniya.
Habang nasa kuwarto, nakahilata lang siya habang nakatingin sa puting kisame, iniisip ang mga sinabi ni Toper na nagpabalik-balik sa utak niya.
Bakit nga ba natamaan siya sa sinabing iyon ni Toper?
Maraming dahilan na hindi niya maipaliwanag, iniisip niya ring baka umaasa siyang babalik pa ang babaeng pinakakamahal niya. Na baka hindi totoo ang mga katagang sinabi ni Nie sa kaniya no'ng ginawa nitong maglaho ang bangkay ni Jannelle. Sino nga bang maniniwala sa reincarnation? Kung gayong hindi 'yon nangyayari sa totoong buhay...
Hindi siya mapakali, natauhan man siya pero hindi niya kayang pigilan ang sariling hanapin at umasang makikita niya ang babaeng gusto niyang makasama.
Lumabas siya sa kuwarto, pagkalabas ay nakita niya si Toper na kumakain habang nanonood ng telebisyon.
"Sa'n ka pupunta?" Tanong ni Toper ng maramdaman si Dave.
"None of your business," seryosong usal ni Dave.
Lumabas siya nang tuluyan at agad na ginamit ang kakayahang tumakbo nang mabilis para malibot ang buong lugar.

Komento sa Aklat (47)

  • avatar
    A anterioIvan

    diamond gosto ko

    23/03/2025

      0
  • avatar
    Ieza Perocho

    nice

    26/11/2024

      0
  • avatar
    erokVancerenzyl

    good story

    26/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata