logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Winter Heart of You

Winter Heart of You

loveinhearty


Chapter 1

Disclaimer:
This is not a typical story that you wish and expect. If you're not into flawed characters better skip this. The content of this story is fictional only.
Kahit ano pang mangyari, tuloy pa rin ang buhay. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit ako pa? All I want is a happy life, gusto ko rin nang pagmamahal na kahit parents ko ipinagkait sa'kin, hayyy. I wish I could turn back time where I am still young. 'Yung wala akong iniisip na mga problema. Pero ngayon tadhana na ang lumalaro sa'kin. May mali ba sa'kin? May sumpa ba ako? This is so unfair. Kung may maling nagawa iyong past life ko, oh gosh spare me naman.
Sa pagtingin ko sa dalampasigan ay siya ring pag agos ng aking mga luha. Funny how life makes me struggle. I'm not even sure if I can survive this bullshit life anymore. Sumisikip ang dibdib ko sa hirap na aking nadarama. Tao rin naman ako nasasaktan, bakit kaya hindi na lang nila ako inaruga at pinuno nang pagmamahal. Ano bang kasalanan ko sa kanila bakit nila ito ginagawa sa'kin? Na kung tutuusin nga'y lahat naman ginawa ko upang maging isang mabuting anak.
Napasinghap na lang ako sa hangin at napatingala, "Lord, help me pagod na ako." Pagmamakaawa ko.
Ilang sandali ay pinalis ko ang mga luha na umaagos galing sa aking mga mata. At sabay ngisi, ay oo nga pala sa tinagal tagal ko ng humihingi nang tulong sayo ni isa'y 'di mo napakinggan. Mapait akong napangiti, sabay talikod sa lugar na saksi ng lahat nang hinaing at paghihirap ko. Sa aking paglayo ay siya ring pagbuhos ng ulan na para bang nagpapahiwatig na pati siya ay malungkot para sa akin.
Sana naman sa susunod na mga araw ay maayos na ang lahat. Hindi ako bato, may damdamin din ako. Nahihirapan at sa loob loob ko'y nanghihingi nang saklolo ang aking kaluluwa.
——
Nasaan ako? Parang ibang lugar ata ito. Sa naalala ko ay galing lamang ako sa dalampasigan at umuwi ako agad dahil lumakas ang bugso ng ulan.
May kakaiba akong nararamdaman. Para bang galing na ako rito noon. At napakapamilyar sa aking pakiramdam ang bawat paligid na aking pinagmamasdan. Nakatayo ako sa isang highway at sa harapan ko mismo ay mayroon itong overpass. Tumingin ako sa paligid ko pero wala namang mga tao. Ni mga sasakyan hindi dumadaan dito. This doesn't feel right.
Ihahakbang ko na sana ang isang paa ko ngunit napatigil ako sa biglaang pagpagaspas ng hangin. Itinaas ko ang aking mga kamay, at iniharang ito sa aking mukha sapagkat ang mga alikabok ay sumasama rin dito.
Napaupo ako bigla dahil may biglang tumulak sa'kin. Ni hindi ko man lang namalayan na may lumapit pala. Sino iyon? Nakakakilabot dahil doon siya ring pagkawala nang malakas na pagaspas ng hangin.
"Sino iyan?! Magpakita ka!" Pero ni isa'y wala akong may nakuhang sagot.
"Anong lugar ito?! May alam ka bang malapit na terminal dito?" Muling pagtatanong ko sa kung sino man iyong nagtulak sa'kin. Pero wala pa rin akong may nakuhang sagot.
Kaya kahit medyo masakit ang aking pwetan at balakang sa impact ng pagkakatulak sa akin ay tumayo ako ng dahan dahan at paika-ikang humakbang.
Luminga-linga ako sa paligid pero wala pa rin akong may nakikita ni isang tao man lang bukod sa akin.
"A-ckkk." May biglang sumakal sa akin. Hindi ako makahinga. Sinubukan kong magpumiglas pero ang lakas niya. Sinubukan kong tignan siya pero wala siyang mukha. Nakaputi siyang bestida at kulot ang kaniyang buhok. Ibig sabihin babae siya! Pero ba-bakit ganito. Wala siyang mukha tapos ang lakas lakas niya.
"T-tama na." Pagmamakaawa ko, kahit hirap na hirap na ako. Pinilit ko pa ring alisin ang kamay niya sa aking leeg pero hindi ko talaga kayang makuha ito.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Nakakakilabot ang kaniyang pagtawa. Naiiyak na lang ako dahil wala akong magawa. Ito na ata ang katapusan ko. Walang awa talaga ang Diyos sa akin.
Unti unti nang tumitiklop ang talukap ng aking mga mata. Ito na siguro ang huling paghihirap na mararanasan ko.
Wala na akong maramdaman sa aking paligid dahil sa pamamanhid ng aking katawan at ako'y nabibingi na rin. Nang bigla nalang ako nitong hinagis.
Pinilit kong imulat ang aking mga mata kahit hirap na hirap na akong imulat ito. Kaya pala parang may tumama sa aking likod, sa may pader sa gilid ng daan niya pala ako hinagis.
Nakikita ko siyang naglalakad papalapit sa aking pwesto. Nanginginig na nang sobra ang aking katawan dahil sa takot.
Nang nalalapit na siya'y, pinatong niya ang kaniyang kamay sa aking ulo. At dahan dahang hinaplos ito pababa sa aking mukha. Nang biglang may naramdaman akong hapdi sa aking pisngi. Sabay tayo niya at tungo sa may pader na parang may isinusulat. Sa pagod ng katawan ko'y hindi ko na namalayan na napanawan na ako ng ulirat.

Komento sa Aklat (29)

  • avatar
    Geraldine Asonalleba

    so good

    23h

      0
  • avatar
    ambhet Cabanes

    Napakaganda

    18d

      0
  • avatar
    Geldin Hshs

    ndfjjficr

    20/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata