logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 2

SHANNY'S POV
Malamig ang hangin na tumatama sa aking mukha habang nakasakay ako sa kotse ni Ma'am Senya. Nang sinabi niya na sa kaniya na lang muna ako magtrabaho ay talagang natuwa ako, ikaw ba naman na tumulong lang at nagpagulong-gulong sa sahig ay nagkaroon agad ng trabaho. Napangiti na lang ako sa inuupuan ko at tumingin sa labas ng bintana.
Madilim na rin sa labas.
"Shanny?" Napalingon ako kay ma'am Senya na kasalukuyang nagda-drive.
"Po? Bakit po ma'am?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Lumingon siya saglit sa akin at ngumiti bago ituon ang atensyon sa daanan.
"Malayo-layo pa ang bahay namin, pwede ka munang matulog kung gusto mo," sabi niya habang nakatingin lamang sa daan.
"Hindi na po, okay lang po ako." Tumango na lamang ito.
Nakatingin lamang ako sa labas, halos mga puno na lamang ang makikita sa tinatahak namin ngayon. Hindi ko rin alam kung saan papunta ito dahil bagong luwas pa lang ako rito, nahihiya rin naman akong magtanong kay ma'am.
Gaya ng sabi ni Ma'am Senya mahaba nga ang naging biyahe namin. Maya't maya pa ay tumigil ang sinasakyan namin sa napakalaking gate. Tama nga ako nasa magandang estado ng pamumuhay ito.
"Nandito na tayo Shanny." Napatango-tango na lamang ako habang tinitignan ang malaking gate na nagsisimula nang bumukas. Pumasok na ang kotse at ganoon na lang ako napanganga sa laki ng bahay, hindi yata bagay na tawaging bahay dahil sa nakikita ko, mansyon na ito. Hindi ko na rin maalala kung saan kami nagdaan kanina dahil na rin sa pagka-inip ko, naiidlip din tuloy ako sa biyahe.
May lumapit sa amin na matandang babae na nakasuot ng damit na pangkatulong. Nakababa na kami sa kotse at hindi pa rin ako makapaniwala na ang simpleng pagtawid ko sana ay mapupunta pala ako rito. Nililibot ko lamang ang aking tingin sa malawak na mansion nila.
"Madam.” Yumuko ang matanda at nagbigay pugay. Grabe parang reyna pala si Ma'am Senya, nahihiya na tuloy ako.
"Manang Loshen maghanda kayo ng makakain at may bisita tayo." Pagkatapos no'n ay nilingon ako ng matandang babae mula ulo hanggang sa rubber shoes ko na maitim, bakas sa kaniyang mukha ang pagkairita sa akin. 'Anu ba 'yan parang bawas point yata ‘yung suot ko ngayon, 'di bale na, daanin na lang natin sa magandang usapan hehe.’
"Masusunod po madam.” Muling yumuko ang matanda at dahan-dahan nang tumalikod.
"Sandali lang, tawagin mo na rin ang mga anak ko," dagdag pa ni Ma’am Senya, tumango na lang si Aling Loshen.
"Oh Shanny, ikaw na ngayon ang magiging personal maid ng mga anak ko. Okay lang ba sa iyo?" Nilingon ko si Ma'am Senya.
"Okay lang po ma'am, maraming salamat po." Tatanggihan ko pa ba? Magiging madali lang ito, papaliguan, papakainin at ipaghahanda ng baon ang kaniyang mga anak. Sana naman hindi matigas 'yong ulo ng mga bata.
"Sige, napakabait mo talagang bata." Napangiti na lang ako. Naalala ko sila Lolo at Lola, lagi kasi nilang binibilin sa akin na tumulong sa kapwa kahit walang kapalit at talagang magbubunga ito ng malaki.
Pumasok kami sa mansyon at may maraming maid sila rito, sa laki ba naman ng mansyon.
"Maligayang pagdating Ma'am Senya!" sabay-sabay na bati ng mga ito. Tinanguan lamang sila nito, maya't maya pa ay lumapit ang isang babaeng katulong.
"Madam nasa mga kanya-kanyang kuwarto na po ang mga Sir."
Talaga pa lang mababait ang mga bata dahil tulog na sila, hindi tulad sa amin noon, 'yong mga bata na kapit-bahay namin ay namumuyat sa kakaiyak pati sina Lolo at Lola hindi makatulog.
"Ganun ba? Sige bukas ko na lang ipapakilala ang personal maid nila." Kanina pa rin ako hindi mapakali kung ilan ba 'yong anak ni ma'am, halos nila at sila lang mga naririnig ko eh.
"Ma'am Senya? M-may gusto lang po ako malaman..." tinignan niya naman ako, naghihintay kung ano iyong itatanong ko. "Ilan po ba sila na aalagaan ko?" kuryosidad na ang nagtulak sa akin.
"Apat sila... i-aasist mo lang sila sa mga kailangan nila, hindi naman sila mahirap kausapin," so ayon na nga, sa wakas apat sila.
Teka? Apat?! Ano apat?!
Ang dami pala nila, pero okay lang ang sabi naman ni ma'am ay madali lang sila mapakiusapan. Kakayanin ko 'to, ngayon pa ba ako aatras eh, baka hindi rin magkasya 'yong pamasahe ko pauwi. Sa layo ba naman nitong mansyon.
"Sige po, gagawin ko po ang best ko!" Oops napalakas 'yong boses ko, napatingin tuloy iyong ibang katulong.
"Halika, sumunod kana Shanny," tawag ni ma'am at inayos ko na ang malaki kong bag.
Tumigil kami sa isang pinto dito sa unang floor, may second floor pa kasi at ang laki ng napaka-gandang hagdanan. Binuksan ito ni ma'am at ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang kuwarto.
"Shanny, simula ngayon ito na ang iyong kuwarto, okay lang ba sa iyo o sa kabilang kuwarto ka na lang?" Hala! Ang dami pala talagang kuwarto pero syempre ayos na ayos na sa akin ito. Halos lahat siguro ng mga nagta-trabaho rito ay wala ng mahihiling pa.
"Ayos na ayos po ma'am, ang ganda ganda nga po eh. Maraming salamat po talaga." Nginitian niya lamang ako. Ang bait-bait niya talaga.
"Kapag may gusto ka pang itanong, nasa kuwarto lang ako sa second floor, o kaya pwede mong hanapin si Manang Loshen." Tumango na lang ako at nagpaalam na rin si ma'am.
Ibinaba ko ang malaki kong bag at naupo sa malambot na kama. Napakalinis nito, nilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng kuwarto, nagpapasalamat ako dahil may trabaho na ako. Napagdesisyonan kong maglinis ng katawan para maging komportable ang pagtulog ko. Hindi rin ako nagtagal magbihis dahil gabi naman na.
Hindi ako makatulog kaya nakatitig lang ako sa kisame. Napansin kong may kaunting siwang ang bintana kaya hinahangin ang kulay puting kurtina, dahan-dahan akong lumapit doon at sumilip sa labas. Namangha ako sa ganda ng mga bituin sa langin na nagniningning pa rin sa kalangitan. Naalala ko sina Lolo at Lolo, kung narito pa sana sila ay masaya akong nakikipag-kuwentuhan sa kanila. Si Lola na laging sinisigurado kung maayos ang hihigaan ko at laging nakangiti sa akin, siya rin ang mga nagkukwento sa akin ng mga magagandang istorya na ngayon ay hindi ko na muling maririnig sa kaniya. Si Lolo na laging nagbibigay saya sa amin ni Lola dahil sa mga biro niyang kay ganda. Namimiss ko na sila, sana ay nandito pa sila.
Napapikit ako nang humampas ang malakas na hangin kaya isinara ko na ang bintana. Ngunit may isang bagay na nakapukaw ng aking atensyon mula sa labas. Dalawang kulay itim na paruparo ang lumilipad pabalik-balik sa aking bintana. Nakapagtatakang may mga paruparo pa gayong gabi na, hindi kaya masamang panitain ito o baka sila Lolo iyon? Tama! Baka natutuwa silang may trabaho na ako kaya binibisita nila ako ngayon. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa mga paruparo. Nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking talukap ay lumukso na ako sa malambot na kama. Gabi na rin at sa pagod sa biyahe ay nakatulog na ako.
Bukas ay makikilala ko na ang mga bata na aalagaan ko.

Komento sa Aklat (205)

  • avatar
    Paulin Elcano

    the flow of the story is good. in every scene, you can't say that it is cliche because it's not. the story is very unique and, I know for sure, in the next chapters it will be more surprising. xoxo.

    15/02/2022

      5
  • avatar
    BactolMary genina bactol

    the story is good and unique, i like it...

    12d

      0
  • avatar
    ManarangjrSherwin

    It great

    16d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata