logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Fever

Kabanata 6
Fever
--
I gave my number to him.
I think there's nothing wrong with that because we're already friends. I just wasn't really comfortable with his stare at me. It's as if I can't stand his stare. Para bang naiilang ako o ano bang tawag roon? Hindi ko maipaliwanag. Basta hindi ako komportable. Lalo na kapag titig na titig siya sa akin.
Pero hindi ko nalang inisip iyon. I still have a lot of problems to think about besides that. This shouldn't be my priority.
I still can't forget what happened earlier. I was happy to see my grandfather, nakausap ko pa. I just couldn't get rid of that pain in my heart because he doesn't know me. Hindi niya alam na ako ang kanyang apo. It's sad that I feel like I'm lost.
Matagal naman na akong nawala. From the moment I found out the whole truth I suddenly got lost. I don't seem to know myself anymore. Nagsimula akong mag isip na ano ba talaga ang pangalan ko? Sino ba talaga ako? Sino ang mga magulang ko? Kaninong pamilya ako nabibilang kung hindi kay Mama? Saan ako nagmula?
I was lost. I can't find myself. And that was the most painful thing I've ever felt in my entire life bukod pa sa pagkawala ng Mama ko. Sobrang sakit ng lahat. It hurts so much that I feel like I don't deserve to be in this world anymore. Hindi ko naman na kilala ang sarili ko kaya saan pa ako lulugar sa mundong ito? I was very lost.
But I kept reading the letter that Mom left me. I tried to remind myself that I needed to be brave. I am an Agravante. That's my name. That's where I came from. I'm not lost. I must not give up.
I know everything will go back to normal. I know that one day I will find myself too. I will return to the family where I belong. I will bring them all back. At sisiguraduhin kong mapaparusahan lahat ng mga taong ipinagkait sa akin ang buong pagkatao ko.
I will not allow them to just take everything from me.
"Sobrang gabi mo nang umuuwi. Eleven ang out mo? Eh, ang dami pa nating homeworks," si Audrey.
Kagaya ng sinabi niya, binisita niya nga ako sa convenience store kung saan ako nagtatrabaho. Napakilala ko na rin siya kay Greta at mabilis naman silang nagkasundo. Masaya ako na nandito siya. Atleast I had someone to talk to while working.
"Ayos lang. Kaya ko namang gawan ng paraan iyon," sabi ko.
"Paano? Siguradong kahit anong gawin mo, mapupuyat at mapupuyat ka," umiling siya.
I know she's just worried. But what can I do? I have to work to support myself.
"You know, why don't you just live with us? Pakakainin kita tapos tabi pa tayong matutulog! Or if you want me to sleep in another room, we have many rooms with us. Doon ka na rin kakain at siguradong susuportahan ka nila Mommy at Daddy sa pag aaral mo. Hindi mo na dapat pinapahirapan ang sarili mo ng ganyan."
Bahagya akong natawa. "Ikaw talaga. Your offer is good but I don't want to rely on others. I had to stand on my own. And I'm fine. Kaya ko ang lahat ng ito."
"Tss," umirap at ngumuso siya.
Natawa si Greta na nasa malapit lang, nag aayos ng mga pagkain. I was at the counter while Audrey was at the table, eating a cup noodles.
"Hindi mo kami maiintindihan dahil hindi ka naman katulad namin. Mayaman ka habang hirap kami sa buhay," si Greta.
"Oo nga pero... masama bang umoo sa tulong ko? Don't you want that? Maaahon na kayo sa hirap?"
"Exactly. Maaahon kami sa hirap. Pero paano kung mawala na lahat ng inaasahan namin? Paano na kami mabubuhay? Kanino na kami aasa? Kaya ang dapat na asahan lang namin ngayon ay ang sarili namin."
Ngumuso at hindi na nakapag salita si Audrey. Ngumisi ako at pinatunog ang mga pagkaing binibili ng isang customer.
Nanatili si Audrey hanggang sa inantok na siya. She said goodbye and left. I even laughed at her when she said her offer was still open. Pero nagpapasalamat ako dahil nandyan siya kung kailangan ko ng tulong. It's hard to find a friend like her so I'm very thankful.
Pagod na naman akong umuwi sa bahay pagkatapos ng trabaho ko. I'm sleepy but I still have to do my homework at school so I can't sleep yet. I stayed awake until twelve thirty early in the morning. Antok na antok na ako.
Bagsak ang katawan akong nahiga sa kama. I took a deep breath and stared at the ceiling. I remember what happened earlier. I smiled sadly. Siguro nga tama sila na traydor ang gabi. Pinapa alala nito sa atin ang mga bagay na ayaw na nating maalala. I'm hurting again because I remembered my own grandfather's cold look at me. As if he didn't know me. It's like I'm just a girl studying at his school.
Well... hindi naman talaga niya ako kilala.
I took a deep breath and just put it out of my mind. Ngunit isang bagay naman ang naalala ko pagkapikit ko dahilan ng muling kong pagdilat.
Naalala ko ang tinawag ni Louissa Agravante kay Amelia Mendez noong pinuntahan niya si Elizabeth sa convenience store kung saan ako nagtatrabaho. Tita ang tawag niya sa kanya. Paano naging tita ang tawag niya sa babaeng iyon?
Ibig sabihin kilala nila ang babaeng yon? Kaano ano nila siya? Ano kayang kasinungalingan ang sinasabi ng babaeng iyon sa mga Agravante? Sa mga pinsan ko? Mas lalo lang akong nagagalit kapag naiisip ko ang mga posibleng plano niya.
Does she plan to take over the company of the Agravantes? But that's impossible. Masyadong malakas ang mga Agravante para makaya niya. O baka naman gusto niyang magnakaw? Or does she plan to keep her daughter there so that they wouldn't lose money? Or maybe... she wants her daughter to inherit the properties of the Agravantes?
No. That can't be! I need to act immediately. Kailangan kong sabihin agad ang totoo sa mga Agravante!
Pero paano ko iyon gagawin? Pupuntahan ko sila at sasabihin nalang ng madalian? Paano naman nila ako paniniwalaan? Siguradong hindi sila maniniwala sa akin! I need evidence. Right! I need evidence! Pero... saan ako kukuha non?
Pumikit ako at malakas na bumuntong hininga. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Parang sasabog ang utak ko sa kakaisip kung anong gagawin ko. Bukod kasi sa hindi ko alam ang gagawin ko, naduduwag at natatakot rin ako. Nasasaktan rin ako sa sitwasyon ko ngayon. Sino bang hindi masasaktan?
Tumagilid ako ng higa at niyakap ang isang unan ko. Bahala na. Basta kailangan kong kumilos hanggat hindi pa nagtatagumpay ang kung ano mang plano ng walang hiyang babae na iyon. Hindi sila pwedeng magtagumpay ng anak niya.
Maaga ulit ako kinabukasan. Medyo puyat ako pero kaya ko namang mag aral. Medyo sumasakit nga lang ang ulo ko.
"Ayos ka lang?" tanong ni Arjun.
Nandito kami sa field. Audrey wasn't in the classroom yet so I went out first to freshen up and hoped that my headache would go away somehow but nothing happened. Mabuti nalang dumating si Arjun at may dala siyang pagkain.
"Ayos lang. Medyo masakit lang ang ulo ko," sabi ko at humawak sa sintido.
"Meron akong gamot rito. Gusto mong uminom?" naghalungkat siya sa kanyang bag.
"Talaga? Sige sana. Kailangan na kailangan ko. Baka maka apekto sa klase ko mamaya."
"Bakit kasi hindi ka nalang magresign dyan sa trabaho mo? Ayos na iyong trabaho mo sa kapitbahay natin na pagtu-tutor. Kumikita ka naman doon araw araw."
Inabot niya sa akin ang isang gamot para sa sakit ng ulo at agad kong tinanggap iyon. Binuksan ko ang mineral water na binili ko kanina at ininom na ang gamot.
"Hindi pwede. Kulang iyon sa mga gastusin ko," sabi ko at sinarado ang tubig.
"Magresign ka na dyan. Hindi maganda sa kalusugan mo yan."
I know he's just worried but I don't want him to interfere with what I'm doing. Kailangan ko ng pera kaya hindi ako aalis sa trabaho na iyon.
"Kailangan ko ang trabaho na yon," tanging sagot ko kay Arjun.
He sighed. "Bibigyan kita ng pera. Tumigil ka lang dyan sa trabaho mo."
Kumunot ang noo ko. "Hindi na, Arjun. Kaya ko naman ang sarili ko."
"Pero nagkakasakit ka na dahil dyan. Baka kung mapano ka pa."
"Malakas ako. Kaya ko, Arjun. Sige na. Salamat sa gamot. Kailangan ko nang bumalik sa classroom ko," sabay tayo.
"Cassandra," nagbabanta ang tinig niya.
"Hindi ako tatanggap ng kahit anong pera sayo, Arjun. Pero salamat sa pag aalala mo. I appreciate it. Mauna na ako."
Tinawag niya ulit ako pero nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad. Hindi ako nagagalit o naiinis o naiirita. Sadyang ayoko lang na pinapakialamanan ako sa mga gusto kong gawin. Gagawin ko ang kahit anong gusto ko. Hindi ako mapipigilan ng kahit sino.
Hindi naging maganda ang pakiramdam ko pagkatapos non. Mainit ang katawan ko at para akong lalagnatin. But I ignored that and continued to concentrate on the class. Audrey noticed it and she immediately got worried about me.
"Ayos ka lang? Namumutla ka!" anya at hinipo ako sa leeg na para bang alam niya ang mga ganon.
Iniwas ko ang sarili ko sa kanya. "Ayos lang ako."
"May lagnat ka! Kailangan mong pumunta sa clinic!"
"Audrey, kaunting lagnat lang to. Hindi ako pwedeng umabsent sa klase nang dahil lang rito. Mamaya iinom ako ng gamot," I assured her.
Nag aalala niya akong tinignan pero hindi naman na namilit pa. Umayos siya ng upo at hindi na ako pinakialamanan pa pero ramdam ko pa rin ang pag aalala niya. Pumasok ang teacher kaya hindi na kami nag usap.
Lunch nang sinigurado ni Audrey na iinom ako ng gamot. Iyon rin naman ang plano ko. We asked for medicine at the clinic and the nurse said it was just a fever due to too much stress. She told me to rest for a while and my fever would go away.
"See? Simpleng lagnat lang," sabi ko at ngumisi kay Audrey.
She looked at me sharply. "Kahit na. Kailangan mo pa ring magpahinga."
Naglalakad na kami pabalik sa cafeteria. I don't want to rest. Besides, if I rest here I'll just be hungry. I want to eat. Hinayaan naman ako ng nurse dahil kahit siya sinabi niyang kailangan kong kumain. Pampalakas daw iyon. I just had to go back immediately to get some rest but I refused. I have to go to class.
"Ayos ka lang ba talaga? Gusto mo bilhan kita ng juice?" si Audrey.
"No. I'm fine. Kakain at magpapahinga lang ako sandali tapos mawawala na to."
"You sure?"
Tumango ako at bahagyang ngumiti sa kanya. Nasulyapan ko ang table ng mga Agravante at nakitang normal naman silang kumakain gaya ng dati. Napansin ko nga lang ang pagsulyap sa akin ni Michelle Agravante. Hindi naman nagtatagal iyon at umiiwas siya agad.
Sinusulyapan rin ako ni Elizabeth minsan at matalim agad ang tingin niya. Hindi ko nalang pinapansin dahil baka magkaroon na naman ng gulo.
Medyo naging maayos naman ang pakiramdam ko pagkatapos kumain. Medyo pinagpawisan na rin ako pero mainit pa rin ang katawan ko. Audrey told me to rest at the clinic first but I insisted on going to class. Wala siyang nagawa.
Nothing happened to me after all the classes. Mainit pa rin at mabigat ang pakiramdam pero hindi na katulad nung kanina. Medyo maaliwalas na ang pakiramdam ko ngayon.
"Wag ka munang pumasok ngayon sa trabaho mo. Magpahinga ka muna sainyo," ani Audrey.
Hanggang ngayon nag aalala pa rin siya sa akin.
"Fine. I will rest, alright?" sabi ko kahit hindi talaga iyon ang plano ko.
I'm still going to work. I just said that to reassure her. I don't want to lie but I know she will just force me to rest. Somehow I'm happy that someone is worried about me but I can't really miss my work. Mababawasan ang sahod ko.
Umalis si Greta sa cashier nang dumating ako. Tinutor ko pa rin ang batang babae sa kabilang bahay sa amin kahit sobrang sakit an ng ulo ko. Nakaya ko naman kahit papaano.
"Ayos ka lang? Namumutla ka, ah?" napansin rin ni Greta.
"Ayos lang..." bahagya akong ngumiti.
"Naku, baka stressed ka na, ah? Magpahinga ka naman kahit sandali."
Tumango ako at ngumiti ulit. Hindi ko na dinugtungan. Masaya talaga ako na may mga nag aalala sa akin pero kaya ko pa naman talaga.
Ilang minuto palang akong nasa cashier nang pumasok si Brandon sa store. Nagkatinginan agad kami. Wala siyang ibang kasama, siya lang ang pumasok sa loob. Gaya ng dati, hindi ako ngumiti. Bukod kasi sa hindi ko gawain iyon, medyo masama pa rin ang pakiramdam ko.
My heart pounded when he walked towards me. Nakatayo lang ako roon, naghihintay sa maaaring customer na magbabayad. Siya wala pa naman siyang binibili pero lumapit na siya. Pakiramdam ko tuloy ako ang sadya niya.
"Are you okay?" iyon ang bungad niya sa akin nang nakalapit siya.
"Oo naman," sagot ko.
"You looked pale," tinitigan niya ako nang mabuti at mas lalo pang lumapit.
My heart pounded hard. Especially when he raised his hand and placed it on my forehead. Napakurap kurap ako sa gulat. Hindi agad ako nakagalaw.
His jaw clenched. "You have a fever."
Iniwas ko ang aking noo sa kanya. Bahagya pa rin akong gulat sa ginawa niya pero nakabawi naman na kahit papaano. Tumikhim ako.
"Kaunti lang. Mawawala rin yan. May bibilin ka ba?" pag iiba ko ng usapan.
"Uminom ka na ba ng gamot?"
Pero hindi tumalab sa kanya iyon.
I sighed. "Uminom na. Kanina. Bumili ka na ng kakainin mo."
His serious eyes stared at me for a moment. Bukod sa pagkaseryoso ng mga mata niya, nakita ko rin ang pagdaan ng pag aalala roon.
Sa huli ay tumalikod siya at namili na nga ng pagkain na gusto niya. I took a deep breath and bowed to calm my heart for a moment.
What the hell? What's wrong with you?
Bumalik si Brandon ilang minuto lang ang nakalipas. Hinanda ko na ang sarili para patunugin ang mga napili niya nang nakita ko kung ano ang mga binili niya.
Nilapag niya sa harapan ko ang isang gamot para sa lagnat, tubig at cup noodles na alam kong pampainit ng katawan. Umawang ang labi ko sa gulat. Nag angat ako ng tingin kay Brandon.
"Inumin mo ito at kainin. Mawawala agad ang lagnat mo," he said seriously like I can't say no to this.
Hindi agad ako nakapag salita. Hindi ko alam kung bakit parang may mainit na kamay ang humawak sa puso ko.
"Hindi mo naman na kailangang gawin to. Simpleng lagnat lang ito at mawawala rin bukas," sabi ko.
"But that will disappear immediately if you take these. Morrisa often gets sick so I know what to do to get rid of that."
Hindi agad ako nakapag salita. Tinitigan ko siya. His dark eyes was telling me that he won't accept a 'no' to what he wants to happen.

Komento sa Aklat (109)

  • avatar
    Asteria_luna

    Hi! I finished reading your story in just one day, it's a piece of art! I can't help it, crush ko na ata si Brandon😭😭

    09/02/2022

      0
  • avatar
    David Montañez

    nice 👍👍

    20/08

      0
  • avatar
    CruzCassandra

    good

    29/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata