logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata II

KABANATA II
"Addy! Addy! " nagising ako dahil sa sunod sunod na katok sa pinto. Bumangon nalang ako at binuksan ang pinto as if I have a choice.
Si lolo tanda na naman to na napaka OA. Bumungad sakin ang nakakalokong ngiti niya na nakaka aning. Na parang may gagawin na namang hindi maganda.
"What?" Inis kong tanong sa kanya.
"Bumaba kana mag asikaso ka ng mabilis at may sasabihin ako sayo. Or should I say sesermonan kita" ma awtoridad niyang pahayag. Aba? Mood swing.
Nagbago agad ng expression samantalang kanina napakalawak ng ngiti. Dahil wala na naman akong choice sinarado ko nalang ulit ang pinto at dumiretso sa banyo.
Sandali lang ako naligo dahil bilisan ko nga daw mag asikaso dahil ako ay sesermonan na ni tanda.
Natapos nako sa aking morning routine at agad ding bumaba sa dining area ng mansiyon na ito.
Nakita ko na agad si tanda sa kanyang mahiwagang trono sa hapag kainan na may hawak hawak na namang dyaryo.
Agad naman akong umupo sa kabilang dulo. Which is katapat niya.
" Starting today dun kana titira sa small apartment na binili ko para sayo. Since your pretending to be a poor in my school, you need to be ready. Hindi nila pwedeng malaman na sa mansyon ka ng wilson nakatira. Ipapahatid ko nalang ang mga gamit mo sa apartment mo para dun kana dumiretso after ng klase mo. And one more thing sinabihan na kita na wag kang mag english ng mag english dahil mahahalata ka and also no more trouble. Kundi grounded ka sakin!" Nag nod nalang ako sa haba ng kanyang sinabi.
Wala akong magagawa dahil pinagtatabuyan nako ni tanda. Ayoko din naman dito .
Ayoko siya kasama ang aga aga mang gising. Hindi kami kami close ni tanda pero hindi din kami mag ka away.
Natapos nako magbreakfast kaya naman tumayo nako. Tapos na yan si tanda ng panenermon kaya aalis nako.
"I have to go" nag-nod lang siya bilang sagot sa sinabi ko. Kaya umalis na din ako .
Dahil maglalakad lang ako papuntang school dahil nga poorita ang ganap ko.
Nasa kalagitnaan nako ng aking adventure ng may dumaang rumaragasang sasakyan na kung siniswerte ka nga naman ay may putik pang dadaanan.
At dahil sa kamalas malasan ng isang nerd na katulad ko natalsikan ng putik ang aking kasuotan.
Ang suot kong white t-shirt ay hindi na white. Brown na! Brown!
Lintek na driver hindi ata alam ang salitang slow down.
At ang kapal ng muka. Hindi manlang huminto para humingi ng pasensya. Bweset makita ko lang ulit yun.
Grounded ka naman.
Sabi ng aking isipan. Ay o sige hindi ko na pala makikita. Wala naman akong sinabing may gagawin ako.
At dahil nga brown na ang aking kasuotan nagmadali nako maglakad para makarating sa school ng mas maaga at makapagbihis pa.
No choice ako kundi ipampalit ang P.E shirt sa locker.
Kahit hindi P.E time naka P.E ako. Lintek lang talaga na driver yun.
Natapos na din akong magbihis at dumiretso na sa classroom ko.
As expected pinagtitinginan at pinagtawanan na naman ako. Bakit daw ako naka P.E shirt eh hindi naman daw P.E.
Pasalamat nalang yung driver na yun kanina na hindi ko nakita ang pagmumuka niya. Dahil wala naman akong paki alam sa kanila dumiretso nalang ako sa aking upuan na nasa dulo.
Sakto namang pasok ng aming first teacher.
"Goodmorning class, My name is Shane Talavera I'm your math teacher. You can call me Miss Shane or Teacher Shane." Bali balita nga na may bagong papalit sa math teacher namin.
At kung siniswerte ka nga naman. First subject pa ang Math. I've decided to listen to her lesson.
Once kasi na nakaligtaan mo ang isang lesson ng math . Wala na , mahihirapan kana makahabol.
Depende nalang kung math savvy ka.
Hindi pa nangangalahati sa lesson si Miss Shane ay may lumagabog sa kung saan.
Sa pintuan pala galing dahil may mga pa importanteng estudyante ang nagbalibag nito. Limang nagagwapuhang demonyo. Este tao.
"Care to share, why are you late guys?" Nakataas kilay na tanong ni ma'am shane.
"TSS," the other guy said. He's wearing a white shirt and simple pants.
But, he's so handsome in his simple outfit. Parang nakita ko na siya dati. Somewhere familiar? Saka ko na iisipin.
He has this blue eyes pero pure pinoy naman siya. His cold stare is also familiar.
Parang nakita ko na siya.
Hindi ko namalayan na nasa harapan ko sila dahil titig na titig talaga ko sa isang guy na cold.
Yung katabi ko na si kris? Krisa? Ahuh? Ano nga pangalan nun? Krisha . Ayun. Si krisha. Nawala na sa tabi ko siguro pinaalis ng mga kumag na to.
"What?" Iritadong tanong ko sa kanila. Kasi silang lima. As in lima, five in english ay nasa harapan ko na animo'y kakainin ako ng buhay.
Hindi ko naman sila inaano. Nakaupo lang naman ako dito.
"Are you slow miss nerd? This is our spot from the beginning. You are just a transferee. So, please leave our spot." The singkit guy said. He has this singkit eyes na kapag ngumiti mawawala na ang kanyang mga mata.
And isa pang nakaka dagdag appeal sa kanya is his dimple na napakalalim. Mukang mayayaman sila dahil sa tindig at porma nila kaya hindi na nakapagtataka.
Makiki chismis nalang siguro ako kay krisha mamaya kung anong meron sa lima na to.
Dahil baka masangkot na naman ako sa anumang gulo.
Dahil I don't have a choice. Umalis nalang ako sa spot na sinasabi nila at lumipat sa vacant na nasa harapan din ng spot na sinasabi nila.
Di bale tabi rin naman ng bintana kaya pwede na.
Inikot ko ang aking paningin at sakto namang pagtingin ko sa kabilang side andun siya.
Si krisha kumaway pa katabi niya yung isa naming classmate na boy.
I don't know the names of my classmates and I don't care about their names.
Dahil si krisha lang ang nagpakilala sya palang ang kilala ko.
So, I need to talk to her later. Sinenyasan ko siya na we need to talk. She nodded her head and face our teacher again.
Hindi pa pala natatapos ang lesson kahit may eksena dito sa likod kanina. Kaya pala kanila ang spot na nasa likod dahil tutulog lang pala sila.
Sana di na sila pumasok kung matutulog lang sila.
Hindi na rin ako nakasunod sa lesson dahil sa lintek na pag eksena nila.
Siguro hihingi nalang ako ng copy ng lesson sa teacher. Dahil, I need to be a good girl. No more troubles. I don't know why lolo said that.
Isang beses lang naman ako nakipag away pero nilipat agad ako ng school.
I have this attitude kasi na short tempered. Kaya pag nainis ako lumayo kana.
Natapos na din ang klase ng hindi ko namalayan dahil sa story telling na ginawa ko sa inyo.
Tumayo na ko at didiretso na sana kay krisha para sabay na kami sa cafeteria para makausap ko siya ng may nabunggo akong impakto. Este tao.
Matangkad at matigas ang sakit sa ulo huh?
"TSS" is his famous line. That's why I looked at him irritated. Di manlang nag sorry? What a rude guy.
"Do you know the word sorry?"
"That's not my thing miss nerd. You're the one who bumps me. So, you must the one who says that magic word of yours." Englisherong impaktong mayabang na nilalang.
Ako pa daw magsosorry. Dahil sa inis ko dumiretso nalang ako kay krisha na nakatingin din pala sakin na nagtataka. Para namang may kinausap akong multo kung tumingin siya?
"Pwede ba kong sumabay sayo? Gusto kitang makausap." Kahit naiinis ako ay nagawa ko pa ding makipag usap ng mahinahon sa kanya.
Agad din naman siyang tumayo at naunang lumakad palabas at agad ko din naman siyang sinundan.
We decided to talk at the cafeteria. Siya na din ang nag order para saming dalawa at ako naman ay dumiretso na sa spot ko sa dulo.
Siguro naman wala ng mang aagaw ng pwesto dito.
"So, anong pag uusapan natin? You said you don't need a friend. I'm so shock right now that we need to talk na." Mahabagin at conyo niyang pahayag.
"Ipakilala mo lang sakin yung lima kanina. I need their names and their attitudes"
"Crush mo isa kanila noh?" Ngising ngisi niyang pang aasar sakin. Crush? Not my thing. I don't need crush. Kahit crush lang. I don't need them.
"No. Umiiwas lang ako. Muka kasing takaw gulo sila." Buti nalang hindi ako slung magtagalog. 1 year lang naman kasi ko sa new york eh. Masyado lang talaga akong pasosyal . Kaya english ng english.
"Takaw gulo talaga sila. Hindi man halata pero mga basagulero sila. Ipakikilala ko sila sayo. So, let's eat first? Nakakagutom ang math." Krisha said. So, ayun dahil no choice na naman nag umpisa nalang muna kami kumain.
Baka mamaya bigla nalang mahimatay tong kasama ko dahil sa gutom. Maging kasalanan ko pa.
She has this angel and innocent face. Clearskin and nasa 5'4 ang height. Hindi siya sobrang kaputian. Hindi din morena.
Fair skin siguro tawag dun. She has this long wavy hair na bumagay naman sa kanya.
And mahaba din yung mga pilikmata niya. Simple lang din siya manamit at walang kahit na anong kolorete sa muka.
So, bakit ko nga ba siya diniscribe ? Wala lang. I'm just starting to like her. As my first friend here at the academy. Sa totoo lang I don't want to be alone here.

Komento sa Aklat (200)

  • avatar
    gomezmaicy

    ang ganda ng story naka intriga at nakakairita sya sa una dahil parang clue less ka tlga sa mga mag yayari.. ang galing ng pag kakasulat..may part n matatawa k kikiligin at sobrang maiiyak k dahil sa dami ng pinag daanan n hirap ni addy.. thank u sa author ❤

    19/01/2022

      0
  • avatar
    CabiadesJervin

    beautiful

    15d

      0
  • avatar
    Disney's Albesa

    love

    18d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata