logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3

Venus,
"State the password."
"State the password," I lazily echoed.
I felt my heart take a sudden leap when a knife appeared in front of me. It happened so fast, I just felt Dos shaking my shoulder after he pushed me so I wouldn't be stabbed with a knife.
"Are you okay, Queen?" he asked again. I was suddenly back to reality when Dos flicked his finger on my forehead.
"W-What the freaking hell?!" I exclaimed, still trying to process what happened. I stood frozen on the ground as I stared at the door in front of me. My eyes blink.
"Hindi mo dapat iyon ginawa, Queen. Isang maling salita mo lang, mamamatay ka," he said in a low voice.
I almost fell as I felt my legs were about to disown me. Good thing he got to hold me by my wrist and my back.
"Gusto mo bang huwag muna tayo mag-ensayo, Queen? You look pale," he asked me.
Feeling ko maiiyak ako sa sobrang kaba at bilis ng tibok ng puso ko.
I shook my head slowly. "Just give me a second," I said before inhaling a large amount of air to calm myself down.
Nagsisimula na akong humanga sa mga inventions nila Uno at ng mga alagad niya, pero sa nangyari ngayon? Gusto kong sirain at ipatanggal lahat ng mga inventions nila rito sa Deemon's Mansion. Akala ko mamamatay na ako!
Nang makabawi ako ay malakas kong binatukan si Dos. "Aw! What was that for?" Dos almost shouted. Napapikit pa siya at huminga ng malalim.
"Dapat lang sa 'yo 'yan! Bakit hindi mo kaagad sinabi?! Paano kung mamatay ako, ha?!" I yelled, annoyed.
Napakamot naman ng ulo ang mokong. "Bakit kasi ginagaya mo 'yung sinasabi ng computer?" he fired back.
I shot him a piercing glare. "Bakit kasi hindi niyo ako in-inform?!" sigaw ko na umalingawngaw sa buong bahay. Muli akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Queen, okay ka lang?"
"Anong nangyayari rito?"
"Bakit?"
"Bakit sumisigaw si Queen?"
"Isusumbong kita kay Marcus, Dos," I threatened him, my gaze shifting from him to the four sub-leader of the group.
"Hoy, Dos, anong ginawa mo kay Queen, ha?" tanong muli ni Uno. Inambahan niya ng suntok si Dos ngunit bago pa niya magawa iyon ay nabatukan ko na siya. "Aw!"
"Ikaw talaga ang may kasalanan nito!" I accused him. Masama ko siyang tiningnan na ipinagtaka naman nila, lalo na si Uno.
"A-Anong ginawa ko, Queen?" tanong niya, umaarteng naiiyak na. Ang lumalabas tuloy ay inaapi ko ang demonyong ito.
"Muntik na akong mamatay dahil sa invention niyo!" sigaw ko, nakaturo sa pinto kung saan lumabas ang kutsilyo kanina.
Hindi ko na sila hinayaang makapagsalita at pumasok na sa loob. Wala na ulit lumabas na kutsilyo dahil nabuksan na iyon ni A2, nakaduwang siya ngayon sa pinto.
Pagkapasok ko roon ay nakita ko ang mga alagad ni Dos. Lahat sila ay kasalukuyang nanglalaban-laban. Muntik pa nga akong tamaan ng kamao ni A2 nang balak niyang suntukin si...wait, kilala ko ito, e-Aries!
"Sorry, Queen!" apologize by A2. I just gave him a nod and forced a smile. Hindi parin talaga ako maka-get over sa pinto na iyon!
Sinabayan ako ni Dos sa paglalakad. "Tuturuan kita kung anong gagawin mo, Queen, kapag may nagtutok sa 'yo ng kutsilyo," aniya.
Dalawang araw kaming nag-ensayo ni Dos. Tinuruan na niya ako kung paano makipaglaban. Tinuruan niya ako ng mga moves niya. Syempre, hindi maiiwasan na masaktan niya ako at ganoon din ako sa kaniya.
"Pero hindi pa kita natatalo sa sparring, ah?" I said, arching a brow. "Sabi nu'ng master kanina bago siya umalis dapat matalo kita."
"I want to see you try, Queen," Dos smiled in an annoyingly conceited way.
Yabang.
"Soon, Dos, soon." I looked at him with the same intensity like we were trying to see who would give up first.
Dos looked away and gestured them, the Mortals, to leave the room. "Stop dreaming, Queen," he said.
I rolled him my eyes. "Whatever, Dos."
He just laughed and started explaining to me about knife combat or knife fighting.
"The infrastructure for knife fighting is footwork," he seriously said which made me nod. "It allows you to maintain the correct distance between yourself and your opponent."
Seryosong-seryoso ang demonyo sa pag-e-explain sa 'kin. Hindi ko akalain na may ganito silang side. Sa sobrang seryoso nila, baka makapatay sila kapag nagtangka kang magbiro at may nasabi kang mali.
"Distance is the key when a knife is played, Queen. Too close means too easy to cut," he reminded me. "In combat, an experienced knife fighter always fights in largo mano range, which is just outside kicking range. He can more easily avoid being sliced, and he can still accomplish his primary objective, which is to cut his opponent's knife hand. If you-"
I raised my right hand to stop him, and he did. "Let me absorb it first, okay?" Dos nodded after rolling his blue eyes. Ang dami niyang sinabi. "Continue."
"If you cut your opponent's hand, you will instantly disarm him. It is physically impossible for him to hold a knife when the tendons, muscles, and ligaments responsible for controlling his hand are severed." Saglit siyang tumigil."Once you have defanged the snake, the snake is harmless; you then have the choice of killing it or letting it go. Correct footwork and distancing are crucial to making this strategy work."
"I understand." I gave him a nod.
"Let's start!"
Dos started teaching me some techniques. We take into account prison-style knife attacks called bull-dogging or the prison yard rush (ayon kay Dos), which involves rushing the enemy with a hand to his chest or face followed by lightning-quick swipes to either side of the neck.
To have the upper hand in a cold steel match-up, Dos told me that never stay head-on with the enemy, but rather they move at 45° angles to either side to not only avoid getting sliced but also to increase their chances of landing their slashes.
"I told you, Queen, always look directly into the eyes of your opponent," Dos told me. I sighed as I took a step backward. Mahirap na baka bumaon bigla sa katawan ko 'yung kutsilyo niyang hawak.
"I'm sorry," I apologize for the nth time. Pagod na pagod na ako pero ayaw niya akong pagpahingahin.
"One wrong move and game is over. Focus, Queen, you need to concentrate," aniya. Nakangiwing tumango naman ako sa kaniya. "Let's do it again."
* * *
"Good job, Queen!" Dos smiled at me, clapping his hands.
"I'm sorry, A2," I apologize. Inutusan kasi ni Dos ang isa niyang alagad para kalabanin ako. Ayaw niya talaga akong kalabanin dabil masusugatan lang daw ako.
"His name's Gemini not A2, Queen," Dos tried to correct me. "Ganiyan din ang itinawag mo kay Aries noong una."
"I'm bad at remembering their names, so I decided to call them A2," I answered in all honesty. "Maganda naman 'yung A2, ah."
"A2?" the semi-normal echoed, his eyebrows knitted.
Itinuro ko naman siya. "Ikaw, ikaw si A2," sambit ko. "Alagad ni Dos."
Both of them started laughing. Tila may sinabi akong nakakatawa. Inirapan ko lang silang pareho at lumabas na ng training room nila. Semi-normal's Training Room ang pangalan niyon. Para lang daw sa kanila iyon dahil nga speciality nila ang pakikipaglaban.
"A3, dumating na ba si Marcus?" I asked one of the mortals.
"Mamaya pa po 'yon, Queen," he answered, shaking his head a bit. Napatango nalang ako. "Virgo... Virgo Deemon."
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa papalayong mortal. Nagkibit-balikat nalang ako dahil sa ginawa niyang pagpapakilala. Ayaw ba niya ng A3?
"Kamusta ang training, Queen?"
I turned my gaze at Tres. Lumapit siya sa 'kin at sinuri ako. Wala naman akong masyadong galos maliban sa braso kong may maliit na hiwa. Magaling din naman kasi si A2 kanina. Nahirapan din ako sa kaniya.
"Okay naman, nanalo naman ako kay A2," sagot ko sa kaniya. Napahawak pa ako sa maliit na sugat ko sa braso nang makita kong doon siya nakatingin. "Daplis lang, hindi naman na nagdurugo."
He smiled at me. "Ayos 'yan, magaling talaga magturo si Dos," he said.
Napangiwi naman ako. "Medyo." Napansin ko ang pagkunot ng noo niya, nagtataka kung bakit medyo ang isinagot ko sa kaniya. "Niyayabangan ako ni Dos." Natawa siya sa hitsura ko. Nakanguso kasi ako at masama ang tingin sa pinto ng training room nila. "Hindi ko raw siya matatalo. Paano ko naman siya matatalo kung ayaw niya akong kalabanin? Tapos 'yung tinuturo pa niya sa 'kin... konti lang."
Muli siyang natawa."Dinadahan-dahan ka lang niya, Queen.
I shook my head as a sign of disagreement. "Ayaw niyang matalo ko siya kaya hindi niya tinuturo lahat. Tapos na nga kami sa knife combat, e. Kanina lang niya iyon tinuro."
"Hindi naman talaga nagpapalo ang mokong na 'yon," aniya. "Wala ni isa sa 'min ang nakatalo sa kaniya maliban sa isang tao."
My brows furrowed. "Who was it?" I asked him.
"The one and only... Marcus Jones." Uno put his hand on my shoulder. The way he uttered those word tila proud na proud siya sa master nila. "Kaya kung gusto mong matalo si Dos, sa kaniya ka magpaturo, Queen."
Napangiwi ako. "E, nasaan ba ang taong 'yon? Palagi namang wala. Saka... si Marcus, tuturuan ako?" I laughed sarcastically. "Malabo pa 'yon sa mga mata nu'ng A4."
"A4?" they echoed in unison, confused.
"Alagad ni Kwatro." Si Dos ang sumagot. Kalalabas lang niya ng kwarto nila. Kumindat pa siya sa 'kin na siyang ikinairap ko.
"Mali," sambit ko. Syempre, nagbibiro lang ako. Alagad ni Kwatro talaga ang ibig sabihin niyon pero dahil inaasar ako lagi ni Dos, iibahin ko. "Alagad ni Four 'yon."
"Gano'n din 'yon, e," Dos said, his eyes were mocking me.
Sa inis ko ay dinuro ko siya. Halos maduling siya sa lapit ng daliri ko sa mata niya. "Gusto mong tanggalan kita ng mata?"
"Gusto mong hindi kita turuan?" he fired back. Masama ako siyang tiningnan at ganoon din siya sa 'kin. Tila may kuryente na dumadaloy sa pagitan ng mga mata namin.
"Gusto mong magalit si Marcus?" ganti ko pa.
The smile on his suddenly faded. I thought I already won, but I guess... hindi pa. Bumalik kasi ang mga ngiting iyon ni Dos, hindi inaalis ang tingin sa 'kin. "Gusto mong mabansagan na sumbungera?"
"Gusto mong bumalik sa sinapupunan ng nanay mo?" Hindi ako nagpatalo. Mukhang hindi talaga kami magkakasundo ng lalaking 'to.
"Gusto mong ibalik kita sa pinagkuhanan sa 'yo ni Master?" he fired back, maintaning that mocking smile on his face.
Sina Uno at Tres naman ay nagpapalit-palit ng tingin sa 'ming dalawa. Hindi sila nagsalita o humarang sa pagitan namin ni Dos. Talagang hinayaan nila kaming magsagutan dito.
"Gusto niyong pancakes-a-anong meron?" Singko got halted by the tension between me and Dos. His eyebrows furrowed, probably thinking what's going on here.
I smiled at Singko like nothing happened. "Nagluluto kayo ng pancakes?" tanong ko.
"Oo," the man of few words a.k.a Kwatro Deemon answered.
I slowly nodded. "Okay... pupunta lang muna ako sa kwarto ko," I said. I then threw one final glimpse at Dos before going upstairs.
We're not done yet, Dos.
I went staright inside the bathroom to take a shower. I brushed my teeth and cleaned my wound before getting dressed. Saglit pa akong nagpahinga bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
I was about to go downstairs when I noticed Marcus' room. Bukas na ang ilaw niyon kaya malamang sa malamang ay nandito na siya. Ang mokong na 'yon, hindi man lang nagpapakita sa 'kin.
Without even thinking, I barged into his room. Nasabi sa 'kin ni Uno na hindi nila nilagyan ng mga invententions nila ang bawat kwarto ng Deemons, meaning walang high security sa kwarto ni Marcus.
I roamed my eyes around.
Damn.
Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kalaking kwarto. Kalahati lang yata ang size ng kwarto ko sa kwarto niya. Kasing laki siya ng original na training room ng Deemons.
Hindi ganoon karami ang gamit ni Marcus pero nabanggit sa 'kin ni Tres na may mga gamit ang master niya na nakatago. Ayaw raw kasi nito ang masikip kaya smart furniture ang iba sa mga gamit niya.
"Marcus?" I tried to call him. Nasa bathroom ba siya? "Hihiramin ko 'yung layout ng Deemon's Mansion!"
Still, no response.
Mag-iisang linggo na ako rito, hindi ko parin kabisado ang buong bahay. Ngayon ko lang na-realize na bobo pala talaga ako. At nakakamatay ang kabobohang 'yon, kaya kailangan ko ng layout ng bahay pati na 'yung nga functions ng mga advanced technologies nila rito.
"Marcus!" tawag kong muli. Naipairap nalang ako dahil hindi naman siya sumasagot. Tumapak ako sa carpet na nakapalibot sa napakalaki niyang kama ngunit tila isang malaking pagkakamali ang ginawa kong iyon.
"What are you doing in my territory?!"
My eyes widened in shock. Bigla na lamang may nagsalita at may limitaw na rifle mula sa kama ni Marcus. Palagay ko ay isa iyon sa mga inventions ng Normals.
"I'll give you three seconds. Runaway, now!"
I heard my heart beating wildly. I wanna move but I felt like I got frozen.
"3... 2... 1..."
Sh*t.
"This isn't playtime. Brace yourself!"
There was a short pause of silence until I heard the computer say... "Fire! Fire! Fire!"
Bigla na lamang tumutok sa 'kin ang rifle at... at tubig! Hindi bala ang lumabas doon kung hindi tubig!
"The trespasser has been slain. The place is now safe. All cleared."
The rifle vanished and I was left there, standing still, exhaling the breath I was holding for too long. My eyes were in disbelief and I couldn't hear of anything aside from my heart racing inside.
W-What just happened?
My gaze shifted when I heard the bathroom door open. Marcus came out. Nagulat pa siya nang makita ako roon but he just ended up laughing at me.
As I watched him laughing, I realized something. He's no longer intimidates me with his aura anymore. He's no longer giving me a piercing stare or pursed lips. But this time, a genuine laugh.
"Umulan ba?" he asked in between his laughs. Just then, I turned red with fury. He crossed his arm over his chest and tilted his head a little, still looking at me. "What happened to my... queen?"
"It's your rifle's fault," I said, then pointed to his bed.
"My rifle gave you three seconds to run away. Do you really want to get yourself drenched?"
I gave him a sharp look as I felt the nerve in my temple throbbing. Marcus looked around, pretending that I was glaring at someone else.
"I will freaking kill you, you freaking ass-"
"The language!" he cut me off, his face darkened. His eyes were now glaring at me.
"Bakit? Kayo lang ba may karapatang magmura, ha?!" inis kong sigaw sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin. He even held my wirst but I quickly pulled it away. "Don't fucking touch me-"
"LABAS!" Tila kulog ang sigaw niyang iyon. Napaarko ang katawan ko sa gulat at takot.
Hindi na ako nakapalag nang tuluyan na niya akong nahila palabas nang kwarto niya. Ngunit bago niya iyon isinara ay hinagis niya sa 'kin ang blueprint tube. Tumama pa iyon sa ulo ko.
"Layas na," he commanded, his eyes were now mocking at me.
I looked at him in betrayal but I didn't complain anymore. Pinulot ko nalang ang tube at umalis na roon. Nang marinig ko ang malakas na pagkakasara ng pinto ay natigilan ako. My eyes widened when I realized something, leaving my lips parted. Nakita ni Uno at Tres ang ganoong reaksyon ko dahil bigla nalang silang sumulpot sa harap ko.
"Queen, hindi kami mga multo," said by Uno and Tres laughed. Sunod siyang napatingin sa kabuuan ko."T-Teka... basang-basa ka, ah?"
"Anong nangyari sa 'yo, Queen?" Tres asked, his eyebrows furrowed. Lumapit pa siya kay Uno at bumulong. "Umulan ba?"
"Oh my freaking gosh," I muttered as I covered my mouth. My eyes blink. "Sh*t!"
Mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto ko, hindi pinapansin ang pagtawag nila sa 'kin. Kaagad kong isinara ang pinto at in-lock iyon.
Kaagad akong tumalon pasampa sa kama ko at nagtaklob ng unan. I was panicking, not knowing what to react.
I... I just saw Deemon's Master, Mr. Marcus Jones... topless! Sh*t! Bakit ngayon ko lang na-realize na nakatapis lang siya ng tuwalya?!
Agad akong napaupo. "Bakit ba late ko na na-realize?"
* * *
THE LOST PRINCESS SERIES II
by: thesweetest_thing

Komento sa Aklat (49)

  • avatar
    Ronielyn Arguelles

    it's so very nice story, 😊 I like it🥰

    27/07

      0
  • avatar
    mark angelo

    Angelo

    08/07

      0
  • avatar
    DudoyanJessie

    so beautiful story

    08/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata