logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Unknown Number

Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil naiwan ko pala sa office ni Sorren 'yung flashdrive ko.
Babalik na lang ako bukas.
Napukaw ang diwa ko dahil sa sermon ni Mariveth sa akin.
"Sinasabi ko naman kasi sa'yo layuan mo na 'yun. Lalapit lapit ka pa kasi sa gag*ong 'yun, nagpapaka-g*ga ka pa sa kanya. Alam mo in some ways bagay kayo, g*go siya ikaw g*ga! Nagpapakatanga sa lalaking hindi ka man lang tinatratong mabuti!" galit na sigaw ni Mariveth.
Umuwi ako dahil akala ko wala siya rito pero naabutan ko siyang nagluluto ng hapunan at napansin niya agad ang pag pasok ko.
Tinanong niya kung bakit napa-aga akong uwi pero sabi ko masama lang pakiramdam ko. Ngunit, hindi siya naniwala sa akin at pinipilit ako na sabihin kung ano talaga ang nangyari.
Ayaw ko sanang sabihin sa kanya pero nahalata niya ang mga mata ko at pinilit akong paaminin sa nangyari sa akin kaya ngayon parang umuusok na ang ilong niya sa sobrang galit.
"I love him, Mariveth," malungkot na saad ko pero tanging hampas lang sa balikat ang natamo ko sa kanya.
"Alam mo, tanga ka talaga! Ano ba nagustuhan mo sa kanya?" nakapamewang na saad niya.
Ano nga ba nagustuhan ko kay Sorren? Basta alam ko lang mabait siya sa akin noon. He is my friend before, my only friend. Siya ang unang nakilala ko noong high-school kami. Maraming lumalapit sa kanya na babae pero hindi niya pinapansin dahilan na rin na maraming naiinggit sa akin dahil lagi ko siyang kasama.
Maraming gustong makipagkaibigan sa akin at tinanggap ko sila pero gusto lang pala nilang mapalapit kay Sorren kaya ginamit lang daw nila ako. Sorren happened to know it to his guy friends kaya pinagsalitaan niya ang mga iyon at hindi na muling lumapit sa akin. Simula noon hanggang 4th year wala nang nagtangka pang makipagkaibigan sa akin dahil sa kanya.
"Hindi naman siya masama, Mariveth. I know him, he is kind. Pero hindi ko alam kung bakit siya biglang nagbago," saad ko kay Mariveth at tiningnan ito diretso sa mga mata.
Maayos pa naman kami bago ako mag confess sa kanya noon.
Nararamdaman ko na naman ang kirot sa dibdib ko kaya hindi ko maiwasang mapaluha ulit dahil sa bigat ng pakiramdam ko ngayon.
"Dakilang tanga ka talaga," naiiyak na rin na saad nito at naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin.
Kung pareho lang kami ni Mariveth ng pinapsukan noon na paaralan sana hindi ko nakilala si Sorren. Hindi sana ako naghahabol sa taong wala akong kasiguraduhan. But, on the other side of my mind, sobrang thankful ako na nakilala ko siya.
"Pakiramdam ko kulang ang pagkatao ko kapag hindi ko siya nakikita, Veth," saad ko rito sa kabila ng paghagulgol ko.
"Loka ka. Masyado kang tanga sa kanya. Kailan mo ba mare-realize na hindi ka niya kayang mahalin? Mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo dahil sa lalaking hindi ka naman kayang mahalin pabalik," humihikbi na ring saad nito. Habang marahan na hinampas ang likod ko.
"I don't know when to stop, Veth. I don't even tried to stop loving him. Naturuan ko ang puso ko na mahalin siya pero hindi ko maturuan ang puso ko na basta na lang kalimutan siya."
Hindi ko alam kung magugulat ba ako o matatawa sa kabila nang paghikbi ko dahil sa iyak ni Mariveth. Akala mo si Mama kung manermon pero kapag umiiyak na parang 'yung kapatid ko lang na 5 years old.
*phone ringing
Bigla akong kumalas sa pagkakayakap ni Mariveth dahil sa biglang pagtunog ng cellphone ko.
Mama calling...
Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba dahil nga namumugto na ang mga mata ko sa kaiiyak.
Tumikhim ako para mawala ang gralgal kong boses pagkatapos ay pinunasan ang mga luha ko na nagkalat na sa mukha ko gamit ang towel na nasa center table.
Tumikhim din ang din si Mariveth pagkatapos ay dinikit sa likod ko 'yung mukha niya para pahirin ang luha niya.
Pagkatapos ay tumingin sa akin na mugto pa rin ang mata at umakto na parang walang nangyari at sinabing,"Sagutin mo na!" umiling lang ako sa kanya bilang tugon.
Mabilis naman nitong kinuha ang cellphone at agad na pinindot ang answer button bago pa man mawala ang tunog.
"Hellow?" Untag ng isang boses bata sa kabilang linya.
"Hello, Ren-Ren!" masiglang saad ni Mariveth at nakangiting tinapunan ako ng tingin.
"Where is ate po?" malumanay at malambing na tanong ng kapatid kong 5 years old pa lamang na si Ren-Ren sa kabilang linya.
Inagaw ko naman kay Mariveth ang phone na ayaw pa sanang ibigay sa akin. Sobrang natutuwa kasi siya kay Ren-Ren dahil sa chubby ito at nacucute-tan raw siya rito.
"Hi, baby Ren-Ren ko! Kamusta ka na dyan? Pumayat ka ba?" pilit kong pinapasigla ang boses ko upang hindi nito mapaghalataan ang gasgas na boses ko.
"Ate! Hindi po ba shabi ko shayo big na ako. Hindi na baby," saad nito sa malambing pa ring tono. Sandaling nawala ang agam-agam ko kanina dahil kay Ren-Ren.
"Oh sige na nga, hindi na," natatawang saad ko rito pero bigla ko itong narinig na magreklamo nang may narinig akong maingay na background dito.
"Dianne Marie! Ano na!? Nakakuha ka na ba ng trabaho? Kumusta na kayo ni Mariveth?" Sunod-sunod na tanong ni Mama kaya bigla kong napalayo ang cellphone sa tainga ko sa lakas din ng boses nito.
Rinig ko rin sa kabilang linya ang ingay ni Ren-Ren na inaagaw ang telepono kay Mama at mga aso namin na nagsisitahulan.
"Ren-ren stop! I'm talking to your ate!"
"Ma! Okay naman ako, pati si Mariveth. May nakuha na rin akong trabaho sa isang IT Company."
"Ayy mabuti naman at nakakuha ka ng trabaho sa Labyrinth anak. Natupad mo na pangarap mo makatrabaho dyan."
"A-Ah opo, Ma. Mabuti nga po eh."
Narinig ko naman ang pasimpleng tikhim ni Mariveth kaya napalingon ako rito. Nakita ko ang pagtaas ng kaliwang kilay niya na hindi kumbinsido sa pagsisinungaling ko.
Natatakot ako. Natatakot ako na sa oras na malaman ni Mama na nasa Nebula ako nagtarabaho baka pauwiin niya ako.
"Bakit parang paos ka ata ngayon? Umiyak ka ba?"
Napatingin naman ako kay Mariveth para tulungan ako sa pagdadahilan pero sumenyas lang ito na parang may hawak na suklay at tinatapat sa bibig niya habang nakapikit.
I move my lips to asked her without voice,"Ginagawa mo?" kunot noo kong tingin dito pero paulit-ulit niya lang itong ginagawa hanggang sa nainis na siya at inagaw ang cellphone ko.
"Tita! Naku, kumanta ho kasi kami ni Diem. Grabe ang boses niya talaga Tita hindi ko alam kung saan niya napulot ang magandang..." pagtigil nito na ikinangiti ko dito pero nagulat ako dahil sa idinugtong niya,"pagkakasintunado niya. Hahahha!" Lihim akong napatampal sa noo ko dahil sa sinabi niya at mabilis na inagaw ang cellphone dito.
"Hahahaha!"
Rinig kong tawa ni Mama sa kabilang linya.
"Mama naman," nakanguso kong sabi rito pero mas lalo lang itong natawa.
"I'm sorry, anak. Mariveth never fails to make me laugh," saad nito sa gitna nang pagtawa niya.
Wala na pinag-kaisahan na ako. Tumingin ako nang masama kay Mariveth pero kumibit-balikat lang ito at tumayo para pumunta sa lababo.
"Ma. Tama na baka mabulunan ka na niyan sa laway mo," saad ko rito na agad naman nitong ikinahinto.
"Okay, okay! Wala ka bang trabaho ngayon? Buti na lang at nasagot mo ang tawag ni Ren-Ren."
"Ah sakto po kasi Ma, lunchbreak kami ngayon."
"Ahh ganun ba. Sige anak, speaking of lunchbreak maghahanda na ako dahil maya-maya darating na ang Dad mo. Take care, I love you!"
"I love you ate DM!" Pahabol pa na sigaw ni Ren-Ren at pinatay na ang tawag.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko at malalim na napabuntong hininga. Hindi ako sanay na nagsisinungaling kila Mama at Papa pero hindi ko rin kayang sabihin na nandito ako para magtrabaho sa Nebula at hindi sa Labyrinth.
My mom is a retired teacher kaya may pagka-strikto rin siya pagdating sa amin habang si Papa naman ay isang Veterenarian. Hilig ni Papa na mang-gamot ng mga aso o kahit na pusa na sugatan na makikita niya sa daan at inaampon na lang kapag walang may ari na sumisipot sa clinic niya.
"Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sa kanila?"
Napalingon ako kay Mariveth dahil sa biglang tanong na iyon. Naka-pamewang na naman ang kaliwang kamay nito habang hawak sa kanang kamay ang baso at umi-inom ng tubig pero kumibit balikat na lang ako dito bilang tugon at tumayo na para pumunta sa cr.
Ilang minuto rin akong nakatitig sa sarili ko sa salamin at pansin ko pa rin ang pamumula ng mga mata ko.
Pagkatapos kong humilamos ay lumabas na ako at kinuha ang cellphone ko na nasa center table.
5 text messages
Ms. Ynez
'Wag na ka raw munang pumasok sabi ni Sir pero he also said na you have to do what you need to do. Hindi ko alam kung bakit ka niya pinaa-absent pero sana 'wag kang pakampante na palaging mabait sa 'yo si Sir :-\
Ms. Ynez
'Yung flashdrive mo nasa drawer ng desk mo.
Ms. Ynez
Bago bago mo palang nakaka-absent ka na.
Mama
Ate, dalan m ako psaluBngg fromm Ren ren :)
Napangiti na lang ako sa nabasa dahil kahit sa text ay naiimagine ko pa rin ang ka-cute-tan ng kapatid ko.
Pero may isang text message galing sa isang unknown number kaya inopen ko ito at napangiti dahil sa text palang alam ko na kung sino ito.

Komento sa Aklat (269)

  • avatar
    Juvy Jec

    pwede naman maghintay ng ilang taon, kung bumalik si Sorren sa kanya. parang nahuhulaan ko. umalis siya nag abroad para sa isang. responsibilidad. kanino? sa parents ba niya at para sa mga kapatid? sana maging sila ni Diem sa huli.

    25/01/2022

    ย ย 0
  • avatar
    Inigo Abiog

    akoavsyvsusvsusgsgsuveus go evsibshsis euccfsid eubejdheveueushjebdhsidbvsgfevejkdjebeiejsvsufwbwjwiveneuscvwisvcdusvs drive thru did the thieve my ๐Ÿ‘€๐Ÿ‘€๐Ÿ‘€๐Ÿ‘๏ธ DND character and mo are going well โค๏ธโ€๐Ÿฉน a a little more about the same as all of the thieve a a good ๐Ÿ‘ I can do to si rylee I have a good idea ๐Ÿ’ก I can get you some pictures of a little more mo nlng Muna kame hahah my way home from a a little while I was in bed and then we have a good night ๐ŸŒ‰ I can do to si rylee my inuutos si rylee ksv

    17d

    ย ย 0
  • avatar
    Annalie Lewis Jacinto

    ganda

    01/03

    ย ย 0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata