logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 05: Suspicious

SHANE'S POINT OF VIEW
"Yeah."
"And why are you going to visit me?" He seems suspicious.
"Para makita ka. May I?"
"Siyempre, hindi. At paano napunta sa iyo ang phone number ko? I don't remember myself giving my number to you." Hindi ko na napigilan ang pag-angat ng kanang kilay ko.
"Ibinigay sa akin ni May. May I visit you now?"
"At bakit mo ako bibisitahin?"
"Come on. Sinabi ko na nga ang rason ko."
Mapakla akong napatawa. "That's ridiculous!" Subalit sa totoo lang, hindi.
"Well then, I'm going to check if you're okay."
Eh? Seryoso? Kabilis naman? Kakikilala lang namin kagabi, ah. Bakit parang mas malala pa siya kay May kung bumisita?
"Huwag na. I'm completely fine," sabi ko. Ibinaba ko na ang phone pagkatapos n'on.
Si May talaga, ibinibigay na lang basta-basta ang phone number ko. Lagot iyon sa akin.
May narinig akong dalawang katok sa pinto.
"Ano iyon, Yaya?" Tumayo ako mula sa kama bago itinali ang buhok ko.
"Miss Shane, may bisita po kayo."
"Sino po?"
"Hayun pong nagbuhat sa inyo kagabi." Pati ba naman kayo, Yaya, hayan ang unang isasagot ninyo?
Teka, ano raw?! Hayung nagbuhat sa akin kagabi?! Bakit ba ang kulit ng lalaking iyon? Hindi naman kami close.
"Pakisabi na lang pong umalis na siya."
"Okay po, Miss Shane."
~*~
Akala ko ay magkakaroon na ako ng katahimikan ngunit, makalipas lang ang dalawang minuto, may narinig na naman akong katok sa pinto.
"Miss Shane, may nagpapabigay po sa inyo nito."
"Sino?" inis kong tanong.
"Hayun pong nagbuhat sa inyo kagabi." Eh? Namumuro na. Namumuro na talaga, eh.
"Ano po 'yan?"
"Miss Shane, buksan na lang po ninyo."
Napilitan akong maglakad papunta sa pinto at binuksan ito. Eh?!
"Hi!" bati sa akin ng lalaking nasa harapan ko. Dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa dala-dala niyang bouquet of blue flowers.
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa mukha niyang ngingiti-ngiti. Pinanlisikan ko siya ng tingin. "Hindi na nga ako pumayag na bisitahin mo ako, 'di ba?"
Ngumiti siya sa akin at mahinang tumawa. "To give these flowers," tukoy niya sa bouquet.
Tinaasan ko siya ng kilay bago pabagsak na isinara ang pinto. Akala mo, ah.
Idinikit ko ang aking kanang tainga sa wooden door para marinig ang pag-alis niya.
"Yaya, pakibigay na lang sa kaniya kung ayaw niyang tanggapin mula sa akin," bilin niya.
"Yes, Sir."
Narinig ko ang paglakad niya pababa ng stairs. Akala ko matutuwa na ako subalit bigla akong nakaramdam ng guilt. Hindi na nga ako nakapagpasalamat kagabi tapos hindi ko pa tinanggap ang mga flowers. Nakokonsensiya ako tuloy.
Binuksan ko ang pinto. Sa lakas ng pagbukas ko, napahinto siya at napalingon sa akin.
"Joke lang! In any ways, thank you!" Nginitian ko siya.
"Welcome." Nag-wave siya ng kamay sa akin bago nagpatuloy sa paglakad pababa.
"O, Miss Shane." Napatingin ako sa maid nang iabot niya sa akin ang bouquet ng white tulips. Namumula pa ang mga pisngi niya.
"O, may sakit po ba kayo? Bakit ka namumula?" nagtatakang tanong ko.
"Eh, Miss Shane, gusto niyo rin pala, eh—"
"Oh, shut up."
Kinuha ko ang flowers at ini-lock ang pinto. Ipinatong ko ito sa kama. Ano ang nakain niya at may pa-flowers pa?
Inilabas ko ang aking phone at umupo sa malamig na sahig nang tumunog ito.
'Unknown Number'
'1 new message'
"Nagustuhan mo ba?" sabi ng message.
"Ang ano?" I replied.
"The flowers."
Magtatanong pa, eh. Pagbigyan na nga. Napatingin ako sa mga tulips bago nag-type ng reply. "Not bad. I like it. Happy?" Of course, that was sarcastic.
Wala pang ilang segundo, may reply na siya agad. "More than that."
"Anyway, ano ang kailangan mo sa akin? Huh? Why did you give me these?"
"So, you're curious. Okay, I'll tell you. The reason is wala lang."
"For fun?" I asked.
"No."
"Then, what?"
"It's not the right time for you to know."
Mas lalo akong na-curious dahil doon. Of course, sino ba naman ang hindi maku-curious kung makabasa ba naman ng ganiyang message?
"Tell me. Now."
"On the right time."
Sige na nga. Sabi nga ni Yaya, 'kung ayaw, huwag nang ipilit'. "Fine. Is this your real number?"
"Yes, it is."
"Alright." I saved his number on my contact list. Hindi na ako nangulit pa ngunit ayaw akong tantanan ng kuryosidad ko.
~*~
Matapos akong makaligo at makapagpalit, lumabas ako ng bahay at sumakay ng taxi papunta sa bar, kung saan ko nai-park ang kotse ko.
"Manong, dito na po."
Nagbayad muna ako bago bumaba ng taxi at pumunta sa gilid ng kalsada, kung nasaan iyong white car ko. Nang marating ko na ito, napatigil ako sa paglalakad.
May naramdaman kasi akong parang may sumusunod sa akin. Lumingon ako sa aking likuran para tignan kung sino man iyon. Siya lang naman pala. Napabuntong-hininga ako bago humarap sa kaniyang direksiyon.
Nakangisi siyang parang baliw. Ano ang problema nito? Bahagyang kumunot ang noo ko at itinaas ang kanang kilay. Napatawa siya nang mahina at lumapit sa kinaroroonan ko.
"What?" tanong ko, nakaangat pa rin ang kilay.
"I knew it. Pupunta ka rin dito," wika niya, parang nakangising-aso.
"Ano ngayon? Malamang, kukunin ko ang kotse ko. Hindi naman puwedeng hayaan ko na lang dito. Hindi naman uuwing mag-isa ang sasakyan ko."
Napasimangot siya bigla. "Kasungit naman nito. Are you in your period?"
Literal akong napanganga sa sinabi niya. Seryoso? Tinatanong niya iyon sa babaeng tulad ko?! "Hindi, 'no!"
Biglang may sumaging ideya sa isipan ko. Hmm, masubukan nga. "Baka ikaw ang mayroon," pang-asar ko ngunit base sa mukha niya, hindi siya naapektuhan. Mukhang hindi talaga ako papasa kung mag-a-apply akong clown o sa comedy bar.
"Lalaki ako, kung 'di mo alam," sabi niya but this time, hindi na siya nakangising-aso, nakangiti na lang.
"Malay natin," tinignan ko siya mula ulo hanggang paa bago sa mukha niya ulit, "kung babae ka." Mahina akong napatawa dahil sa nasabi ko.
By the way, cool niyang tignan sa suot niyang jeans at gray polo shirt. Seryoso, Shane? Seryoso?! Papansinin mo pa talaga iyan?
"Kung babae ako, sayang naman itong handsome face ko." Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Kapal ng mukha.
"Maganda ka rin naman kung magiging babae ka. Try mong magbihis-babae."
Ngumisi ako sa kaniya subalit, dahan-dahan din itong naglaho nang mapansing kong naging seryoso ang mukha niya. Ewan ko ba ngunit sigurado akong nagkaroon ng lungkot sa mga mata niya. Hala. May nasabi ba akong mali?
"Kung magiging babae ako, sayang ang paghihintay ko sa kaniya."
"Kaniya? Sino?" I know that it was a personal thing but I could not stop myself from asking.
Ngumiti siya sa akin ngunit ang emosyon sa mga mata niya, hindi pa rin nagbabago. Umiling siya to dismiss the topic. "Never mind."

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    DiamanteKennkenn

    very good

    11/03

      0
  • avatar
    Mike Ablay

    hahaha about felings ☺️

    09/11

      0
  • avatar
    Judy Ann Caña

    ganda

    15/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata