logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3

Kasalukuyan na kaming nasa byahe papunta sa destinasyon kung saan magaganap ang aming retreat. Dahil wala pa naman sa location nag desisyon muna akong umidlip.
Nagising ako sa ingay ng mga kasamahan ko kaya agad kong iminulat mga mata ko at tumingin sa paligid. Nabaling ang tingin ko sa labas ng bintana, kung saan makikita ang isang lumang malaking bahay. May malaki itong gate na medyo kupas na ang pintura at kinakalawang na.
"Buong byahe ka atang natulog bud," panimulang asar ni Caden na katabi ko. Hindi ko na lang siya sinagot. "Students, we're now here. Maaari na po tayong bumaba." Malumanay na wika ng aming guro na si Ma'am andrea. Agad naman kaming nag-ayos at kinuha ang mga gamit.
Nang makababa na kami agad hinanap ng mga mata ko si Lou dahil kanina habang sa byahe hindi ko siya na pansin sapagkat nakatulog ako. Bigo akong makita siya kaya naisip ko baka nauna na siyang makapasok.
Nang makapasok na kami pinapunta kami sa isang malawak na hallway kung saan may mga upuan. Luminga-linga ako sa paligid at masasabi mo talaga na antique na ito dahil sa mga kagamitan at disenyo ng paligid. Habang nag-aantay, dumating na sina Miss andrea at ang adviser ng kabilang section na si Miss cheska, kasama ang isang matandang babae. "Good morning students this is Miss gloria, ang may ari ng retreat house na ito," magalak na wika sa amin ni Miss andrea.
Masungit ang kaniyang itsura at mukhang mga nasa 70's na ang edad niya pero sa kabila no'n mukha namang malakas pa siya. "Hello Velagurall students," malumanay nitong bati sa amin. "Good morning po Miss gloria," bati namin pabalik. "I am grateful to see each one of you here, this is your first time here on my retreat house, right?" paniniguro niya. "Yes po," sagot ng ilan. "That's good, I heard na kilala ang Velagurall High School am I right?" lingon niya kay Miss andrea. "Yes ma'am," sagot nito.
"Okay, siguro naman disiplinado ang mga studyanteng ito," baling muli sa'min ni Miss gloria. "Of course Ma'am we discipline them well," sagot ni Ma'am Cheska, adviser ng kabilang section. "Good to hear," patango-tanong saad nito.
Marami pang diskusyon ang na ganap at iprinisintang mga batas sa retreat house na ito. Kaya natagalan din ang pagpunta namin sa kani-kaniya naming kwarto upang makapag pahinga saglit.
Ngayon ay magkakasama kaming tatlo nina Caden at Ken sa iisang kwarto. Malinis at amoy luma ang kwarto. Bumabagay rin ang kamang yari sa narra sa kabuoan ng kwarto pati na rin ang mga lumang cabinet.
"'Di ko inaasahan na mas cheap pa pala yung location kesa sa price," dismayadong sambit ni Caden. "Kaya nga eh, parang na guilty tuloy ako bigla na pinilit pa natin si Cold na sumama," dismayadong ani rin ni Ken.
Sa totoo lang wala naman na akong pake kung saan ang lugar o anong itsura ng aming pupuntahan. Basta matapos lang 'tong kalokohan na 'to nang makauwi na kami.
"Eh pare-parehas lang naman tayong na biktima ng 'cheap price pero maganda ang place'," may diin ang huling linyang kan'yang sinabi at sarkastikong tumawa. Nakisang-ayon na lang sa kaniya itong si Ken.
"Pero Cold, okay ka lang ba dito?" Pag-iiba ni Ken. Mukhang ako talaga ang iniisip nila. "Wala naman kaso sa'kin ang lugar, wala naman akong pake kung ganito ang na puntahan natin," walang gana kong saad saka na inayos ang dalang gamit.
"Baka nakakalimutan mong wala nga pa lang pake sa paligid itong si Cold," pag papaalala sa kaniya ni Caden saka tumawa habang inaayos na rin ang kaniyang gamit.
Napa-kamot na lang sa batok si Ken sa narinig. "Oo nga pala, kasi s'yempre pinilit pa natin siya na sumama tapos ganito pala 'yung pupuntahan. Akala ko ba naman sa mamahaling hotel. Pero sige mag-aayos na lang ako. Ito kasing si Caden laki ng problema!" asar niya kay Caden. "Baka nakakalimutan mong hindi tayo ang namilit d'yan, si Lou kaya ang na kapag pilit diyan. Himala nga at na papayag niya 'yan eh," tukoy niya sa'kin. Ako lang naman talaga ang lagi nilang pinag-uusapan ng harap-harapan.
"Saka anong ako? Eh totoo naman kasi na ang cheap ng lugar, ni hindi nga sumagi sa isip ko na rito tayo pupunta. Taas kaya ng expecta—"
Hindi naituloy ni Caden ang sasabihin ng may marinig kaming ilang katok sa pinto. Nagka-tinginan pa ang dalawa habang ako abala pa rin sa pag-aayos ng gamit.
Dinig ko na marahang bumukas ang pinto. "Mga hijo, baka nakakalimutan n'yong nasa retreat house kayo, matuto kayong babaan ang mga boses ninyo." Isang matandang lalaki ang nakasuot ng itim na pang itaas at babang damit na may puti sa bandang leeg. Sa tingin ko isa itong pari base sa kaniyang kasuotan.
Napalakas pala ang usapan nina Caden at Ken kaya siguro narinig sa kabilang kwarto kung saan ang kwarto ng paring ito. Nasabi na rin ito kanina ni Miss andrea sa'min ngunit nakaligtaan siguro ito ng dalawa.
"Sorry po Sir. Bababaan po namin ang pag-uusap namin. Pasensya po sa istorbo." Malumanay na pag hingi ng tawad ni Ken. Tumungo lang din sa kaniya si Caden, senyas ng paghingi ng tawad. Tumango-tango na lang ang pari at nang magawi ang tingin sa'kin saglit siyang nakipag titigan na animo'y nangungusap ang mga mata. Pero kalauna'y isinara na niya ang pinto.
Nagtaka man ako sa inakto ng pari ngunit mas pinili ko na lang baliwalain ito at ipagpatuloy ang ginagawa ko. Wala ng nagsalita sa'min at mukhang hindi naman nila napansin ang pagtingin ng pari sa'kin kanina.
Double deck ang kama at may isang kama na hihilain mula sa baba para sa pangatlong taong hihiga. Kaya naman sakto para sa aming tatlo ito. Mas pinili kong sa baba dahil mas komportable ang pwesto doon.
Sa kalagitnaan ng aming pamamahinga may kumatok na naman sa aming pinto at sumalubong naman ang lalaki naming kaklase. Ang sabi niya may magaganap daw na misa kaya naman agad kaming bumangon at nag-ayos saka na sumunod sa kaniya.
Matapos ang ilang oras na misa. Pinadiretso naman kami sa session hall kung saan may apat na kolehiyong studyanteng nag-aantay sa'min sa harap. Nang makaupo kami at dumating na ang lahat agad silang nagpakilala bilang mga grupo ng katoliko. May pa games sa una para ganahan ang mga studyante at may talk din about sa buhay at Diyos.
Sa loob ng mga ilang oras na pananatili namin dito. Ni isang beses hindi ako ginanahan na maki-cooperate. Hindi ko nakikita si Lou kaya siguro ganito na lang ako ka-walang-gana sa ka-ganap-an.
"Parang pansin ko, mas masaya pa 'yung mga nakaraang taon natin na retreat kesa ngayon," biglang sabi ni Caden. Nakahiga siya sa taas habang kaming dalawa ni Ken ay sa baba. Nandito na kami ngayon sa'ming silid at nagpapahinga matapos ng mahabang talk.
"Kaya nga eh, iba pa rin kasi 'yung solid natin noon," natatawang ani ni Ken. Mukhang na aalala niya ang nakaraang taon namin na ginagawa noong retreat.
Totoo naman ang sinabi niya. Apat kasi talaga kaming magka-kaibigan noon. Kaso nabuwag dahil pumunta ang isa sa ibang bansa upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral.
"Nakaka-miss kalokohan natin kasama si—"
"Mag pa-hangin muna ako saglit." Putol ko sa sinasabi ni Caden. Ayoko nang marinig ang kaniyang pangalan o maalala man lang ang masaya naming alaala kasama siya. Dahil kinalimutan na niya kami. Kaya wala ng rason para alalahanin pa namin siya.
Sarkastiko namang tumawa si Caden. "Umiiwas ka pa rin talaga pag siya ang usapan," baling niya sa'kin. Mas pinili ko na lang lumabas at 'wag na siyang sagutin pa.
Dahil free time na namin ngayon, halos lahat ata ng studyante ay nasa labas upang mag liwaliw ng mga sarili at maglibot. Pumunta ako ng garden para naman makalanghap ng sariwang hangin. Nang matanaw ko na ito napansin ko na may nakaupo sa bench. Ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagpunta roon. Nang makalapit ako lumingon siya at nakitang si Lou lang pala ito.
God, I miss her. After a couple of hours of not seeing her, I really do miss her. Pero alam kong wala naman akong karapatan na yakapin siya. Baka mag mukha naman akong katawa-tawa.
"Hey! Nakasama ka pala?" Gulat nitong tanong sa'kin. "Yeah, diba sabi ko sasama ako?" sambit ko saka naupo sa tabi niya. "Hindi kasi kita nakita simula nang makapunta tayo dito, I kept looking for you. Hindi ko naman din na tanong sina Caden dahil 'di ko rin sila nakita." naka-pout nitong wika. "Akala ko nga 'di kayo sumama, magtatampo na sana ako. Kung hindi kayo sumama? My 2 days will be so boring for sure," malungkot nitong sumbong. Hindi ko na naiwasan na matawa sa inaakto niya. "Hey, I'm being serious, 'wag ka nga tumawa d'yan kainis ka!" inis nitong sambit. Umiling lang ako. "Sorry, natawa lang ako sa sinabi mo," paliwanag ko. "Hey, I'm serious," she rolled her eyes. "Yeah, I'm sorry," sinserong sabi ko.
Nagpakawala siya ng malalim na hinga."By the way, hindi pa pala kita na pasalamatan sa binigay mong reviewer. Actually, dinala ko 'yun ngayon para naman sa weekends konti na lang gagawin ko," masigla niyang sambit. "Mabuti naman, saka pwede naman kita tulungan ngayon if you need help sa pag-review," alok ko.
"Talaga? Thank you! Hindi ko 'yan tatanggihan," mas lumawak ang kaniyang ngiti sa labi at napayakap pa dahilan ng pagkagulat ko. Ilang segundo pa bago niya marealize kaya bumitaw siya agad. "S-sorry, masyado lang akong nasiyahan," kagat labi nitong wika. "Okay lang," nailang kong sagot. Umiwas naman siya ng tingin.
"Andito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap. Oh hi Lou, magkasama pala kayo?" biglang sulpot ni Caden. "Akala ko hindi ka nakasama," dagdag niya. "H-hey, oo nakasama ako. Actually gano'n din inakala ko sa inyo kanina not until I saw him," turo niya sa'kin. Natawa naman si Caden sa narinig. "Nga pala punta na daw sa dining area para kumain." Turo niya sa likod. "Ah sige, sabay-sabay na tayo pumunta." Alok ni Lou. Tumango na lang kami at sinundan si Caden.
"Nabusog ako doon," nakahawak sa tiyan na sambit ni Caden matapos naming kumain. "Ayaw mo 'to? Akin na lang," turo ni Ken sa minatamis na saging at balak na niyang kuhain. Karamihan sa hinapag kanina at ngayon ay mga gulay at pang probinsyang pagkain. "Kakainin ko 'yan mamaya." Pag dadamot ni Caden kay Ken.
Habang nagtatalo sila ni Caden at Ken nahagip ng paningin ko ang isang lalaki na lumapit kay Lou at nagbigay ng dessert. Studyante lang din siya at mukhang sa kabilang seksyon. Ngiting tinanggap ito ni Lou at kinindatan naman siya ng lalaki saka umalis. Nakaramdam naman ako bigla ng pagka-inis. Totoo nga sinasabi nila Caden. Dapat unahan ko na sila bago pa nila ako maunahan.
Matapos naming kumain dumeretso na ako sa kwarto upang maghanda na sa pag tulog. Nang makapag palit nagpaalam ako sa dalawa na magpapahangin lang.
Natagalan ako bago mahanap ang lugar na 'yun dahil hindi naman ako agad nakaka-memorize ng lugar lalo pa't bago lang kaming nakapunta rito. Isa pa, masyadong maraming pa sikot-sikot ang bahay na ito.
Nang makita ko na ang hardin, nakahanap na agad ako ng spot na pag tatambayan. Pero sa kalagitnaan ng paglalakad ko patungo roon. Napansin ko si Lou at ang isang lalaking nag-uusap. Mag kaharap sila. Nalaman kong si Lou 'yun dahil nakaharap siya sa gawi ko. 'Yung lalaki naman ay nakatalikod sa'kin.
"Sorry ngayon lang ako nakapunta," rinig kong saad ng lalaki. Medyo pamilyar ang boses ngunit hindi ko matandaan saan ko ito narinig o kung kanino ito. Nginitian siya ni Lou saka kinurot ang kan'yang pisngi. "It's okay, na a-appreciate ko efforts mo para lang magkita tayo, kahit na patago. By the way is that for me?" turo niya sa dala ng lalaki. "Sorry kung kailangan lagi tayong patagong nagkikita, and yeah of course para sa'yo talaga 'to." Sabay abot ng boquet of flowers.
"Nah, 'wag mo na isipin 'yun it's okay, pero aww thank you buti na dala mo 'to," masayang wika ni Lou sa lalaki habang inaamoy ang iniabot na bulaklak. "Syempre naman, basta ikaw. You're special Louise and you deserve to recieve flowers kahit walang special occasions," mabulaklaking ani ng lalaki.
Hindi ko na pinagpatuloy ang pakikinig sa kanila at umalis na. Hindi ako sigurado kung ano ba niya ang lalaking 'yun dahil ang alam ko wala siyang sinasagot sa mga manliligaw niya. Saglit muna akong nag libot at dumeretso na sa kwarto. Nadatnan ko si Caden na mahimbing ng natutulog. Wala pa si Ken, malamang naglibot din 'yun.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang lalaking kausap ni Lou kanina. He even call her full name. Which is so rare to hear. Tingin ko espesyal na tao nga ang lalaking nakausap niya. Sa kalagitnaan ng pag iisip hindi ko namalayang nakatulog na ako.
Na alimpungatan lang ako sa pagsara ng pinto. Dahil madilim na, hindi ko na makita kung sino ito dala na rin ng medyo malabo ang paningin ko dahil kakamulat pa lang. Pero nakasuot sya ng puting polo. Puting polo?— puting polo gaya ng sa lalaking nakita ko kanina. Dala ng antok ay nakatulog ulit ako kaya hindi ko na nasuri masyado ang suot nito. Sigurado akong si Ken ito dahil siya na lang naman ang wala kanina nung pumasok ako. Would it be Ken? Si Ken nga ba ang lalaking nakipag kita kanina kay Lou? Pero bakit naman niya binigyan ng bulaklak si Lou? Bakit kailangan patago silang magkita? Sana mali ang naiisip ko. Sana talaga.

Komento sa Aklat (119)

  • avatar
    Rashid Roa

    good 😊

    08/06/2025

      0
  • avatar
    Jhoiber Padrino

    bien

    31/05/2025

      0
  • avatar
    ItimShian

    how to money

    24/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata