logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

"Sigurado ka na ba talaga na sasama ka?" tanong sa'kin ni Caden. Kasalukuyan kami ngayon nasa canteen. Tango nalang ang isinagot ko rito dahil kumakain ako. "Mabuti naman, kailangan pala si Lou pa mag-aaya sa'yo para mapa-payag ka eh," paninimulang asar ni Caden.
"Did I just heard my name?" biglang sulpot ni Lou na may dala na namang tray. Napatingin kaming tatlo sa gawi ni Lou at ilang segundo silang nanahimik nang biglang mag salita si Ken. "Ah h-hindi—, m-makiki-upo ka ba ulit?" utal nitong saad. "Change topic huh?" pag su-suspetsa niya. Mag dadahilan pa sana ulit si Ken nang mag salita na ulit si Lou. "Pero yep, if okay lang naman," dagdag niya. "Oo naman, welcome ka dito lagi," sabat ni Caden.
"Sa susunod na araw na retreat 'no?" tanong niya ng ma-upo. "Kaya nga, sasama ka ba?" tanong ni Ken. "Yep! Sayang naman kasi last year na natin dito why not sulitin na diba?" mahinahong wika nito. Nabaling naman bigla sa'kin ang kan'yang atensyon. "Ikaw Ell? Sure ka na ba talaga sasama ka? Baka kasi napilitan ka lang dahil sa'kin" nakanguso niyang tanong. Dinig kong tinawanan ako nila Caden at Ken pero isina-walang bahala ko na lang. "Hindi naman... g-gusto ko din naman ma-experience ulit 'yung retreat," pag dadahilan ko.
"Weh? Hindi ka naman mahilig sa gano'n noon ah, saka bakit nauutal ka? 'Di ka naman ganyan— ack!" naputol ang kan'yang sasabihin nang tapakan ko paa niya mula sa ilalim ng mesa. Nag pigil naman ng tawa si Ken. "O-oo s-sasama talaga 'yan, m-mahilig talaga siya sa a-adventures" pilit na ngiting saad nito kahit bakas sa mukha na namimilipit ito sa sakit.
"You okay? Bakit parang may masakit sayo," takang tanong dito ni Lou. "Hindi, o-okay ako, 'wag mo na lang pansinin," pilit nitong ngiti kay Lou.
Bahagyang napa-tango na lang si Lou. "Pero your adventorous din pala Ell" muling baling sa'kin ni Lou. Mukhang napaniwala siya ni Caden na gusto ko ang adventure.
I really hate it actually, After what happened in the past? I started to hate everything, even my hobbies. I let out a deep sigh. I remembered the past again.
"Ell?" natigil ako sa pag iisip matapos kong marinig ang second name ko na kinaka-ayawan kong marinig.
I hate it when someone's calling me by that name. Only one person can call my by that. No one is allowed to say that word. No one, but since Lou is special. I am allowing her to call my by that.
"Y-yeah? Sorry what is it again? May sinasabi ka ba?" sunod-sunod kong tanong, masyado na kong napapahiya sa mga inaakto ko. Ngayon ko lang ulit kasi narinig ang word na 'yun. After 3 years.
"Never mind—uh, mauna na ako sa inyo, kung okay lang? May aasikasuhin pa kasi ako." Biglang pamamaalam nito habang inaayos ang kan'yang dalang gamit. Tumango nalang kami at pinanood siyang makalabas ng canteen. Ilang minuto pa kami nag stay sa canteen kahit kakaunti nalang ang studyante, pero kalauna'y na pag desisyunan na rin namin na pumasok na sa next subject.
"Mauna na kayo, mag cr lang ako." Sambit ko kina Ken at Caden na pa-akyat na. "Antayin ka na namin." Alok ni Ken na tumigil pa sa pag-akyat. "Hindi na, kaya ko na," saad ko saka naglakad na papuntang banyo.
Nang matapos ako, dederetso na sana ako sa room nang makita ko si Lou na nasa terrace ng hall sa second floor. Malayo ang tingin at mukhang malalim ang iniisip. Na pag desisyunan ko siyang lapitan. "Hey, akala ko may aasikasuhin ka?" tanong ko nang makalapit.
"Mm? Ikaw pala, kala ko pumasok ka na," halatang hindi niya ine-expect ang pagdating ko. "Wala naman na talaga ko balak na tumambay pa, not until I saw you here, mukhang malalim iniisip mo. Is everything okay?" Baling ko sa kan'ya.
Bahagya  itong natawa sa nadinig at tumingin sa'kin, "yes, I'm okay don't worry about me," pilit ang ngiting wika nito. "Okay, If that's what the truth, I think I have nothing to worry about," seryosong sagot ko sa kaniya. Mukhang hindi iyon ang inaasahan n'yang sagot ko dahil bakas sa kan'yang mukha ang pagtataka. "Ang bilis mo naman pa lang kausap," natatawa nitong saad.
"Why? You said you're okay, so what else I should worry about?" tanong ko dito na ikinatawa na naman niya ng bahagya. "You know what? You're funny, I like how you act and talk," natatawa nitong wika.
"But I'll be honest" bigla nitong pag seryoso. Hinintay ko siyang mag salita ulit. Tumingin ulit siya sa kawalan at nagpakawala ng malalim na hinga."Feeling ko kasi 'di ako makaka-graduate," walang alinlangan nitong sabi.
"Halos lahat ng subjects, mababa grades ko. Kaya nga sasama ako sa retreat baka sakaling makabawi ako," baling niyang muli sa akin at tingin muli sa kawalan. Nagpatuloy lang ako sa pakikinig habang nakatingin din sa kung saan.
"Ang hirap kasi, ginagawa ko naman lahat pero parang 'di naman sapat. I tried to read books, mag pa-tutor, at kahit ilang beses ko pa kabisaduhin ang mga binabasa ko nakakalimutan ko pa rin," malungkot nitong wika. "I'm just afraid that I might disappoint my parents" dagdag niya.
Ilang segundo siyang nanahimik kaya naman ako na ang nag-basag ng katahimikan. "That's all?" seryoso kong tanong habang nakatingin sa kaniya. Taka naman itong napatingin sa'kin. "H-huh?"
"Is that all you want to say?" paglilinaw ko. "Y-yeah, sorry alam kong maliit lang na problema 'yun for sharing it to you, sorry to bother you, m-mauna na ko." Naiilang niyang sabi saka akmang aalis na.
"Hey, it's not like that. I just want to help. I understand what you were feeling right now, but don't get me wrong. I just want to ask something..." muli kong pag papaintindi sa kaniya ng sinabi ko.
I actually hate explaining, I really hate it. One or two sentences should be enough for them to understand what am I saying or what is my point, but since Lou is special. I'll explain it for her.
"O-okay sorry, ano pala 'yun?" harap niya sa'kin. Tumingin ako ng deretso sa kaniya, "Well first, bakit ka naman natatakot na madismaya mo parents mo?" seryoso kong tanong. Again, I think she didn't expect that question. "Kasi s'yempre, expected na nila 'yun na matalino rin ako since matatalino sila and laging top nung ka-panahun-an nila," depensa niya.
"If that's what you think, well maybe you doesn't feel the love and care of them for you..." prangka kong sabi kaya agad siyang napatingin sa'kin. "What?" She didn't expect that. I think.
"Don't get me wrong Lou. If you really feel the love and care of them? You won't feel that force of being a genius just to make them proud and not to disappoint them. If they made you feel that way, maybe they were too strict at you am I right?" diretso kong tanong.
Hindi naman siya makapaniwala habang bahgyang natatawa. "You know what? I like you!" paturo-turo nitong sabi sa akin. "I like you for being honest. You don't use flowery words just to make me feel good."
"I thought you were going to give me some advices or something like that?" she's not being sarcastic right?
"Don't worry I'll help you." Alok ko. Natigilan naman siya sa pagtawa saka tumingin sa'kin. "Help? On what?" Taka nitong tanong. "Your studies, maybe in this way I can help," seryoso kong saad.
Natulala naman siya saglit at natauhan din. "O-okay, well thank you in advance," napakamot na lang siya sa likod ng kaniyang ulo sa hiya. "Thanks Ell," pag uulit niya, wala ng bakas ng hiya o kung ano pa. Nginitian ko na lang siya bilang sagot sa kaniyang sinabi.
I don't smile often much, but for her. I do.
"Oh! Anong oras na pala late na tayo sa next class," sabi niya nang mapatingin sa kan'yang wrist watch.
"Ah yeah, tara na ba?" Aya ko ng makita ang oras. Tango na lang ang isinagot niya saka na kami sabay na pumunta sa room. Absent ang subject teacher namin na dapat kanina pa pumasok. Kaya naman nagbigay nalang ng activity.
"Una na kayo, may gagawin pa ako." Dinig kong sabi ni Lou sa mga kaibigan niya. Binalik ko na lahat ng gamit ko sa bag para umuwi na. Natapos ng payapa ang klase ngayong araw kaya naman naghahanda na ang lahat sa pag-uwi.
Wala na sana akong balak na gumawa pa ng ibang bagay at deretso na lang sa pag-uwi ng ayain ako ni Lou na samahan siyang magbasa sa library.
"Bud tara na!" Dinig kong tawag ni Ken mula sa labas ng aming silid. Bago pa ako sumagot tumingin pa muna ako kay Lou. Tinignan niya naman ako na parang nag-aantay ng sagot.
Nilingon ko uli si Ken. "Una nalang kayo susunod ako." Saad ko dito.
"Bakit?" irita niyang tanong. Alam ni Ken na dumideretso na ako agad pauwi ng bahay kapag tapos ng klase dahil wala akong ganang gumala-gala pa.
"May gagawin pa ko." Sambit ko. Tumingin naman siya kay Lou at tumango na lang saka nauna na. Narinig ko pa na tinanong ako ni Caden sa kaniya pero nagpatuloy na sila sa paglalakad.
"May plano ba kayo?" Baling sa'kin ni Lou. "Wala naman, mga nakagawian lang. Tara na?" Tumango naman siya.
Tahimik lang kaming nagbabasa nang tawagin ako ni Lou. "Ell," bulong nito dahil bawal mag likha ng malakas na ingay lalo pa't nasa library kami. Nawala atensyon ko sa binabasa ko dahil nilingon ko siya. Sumenyas naman siya na kumain dahil nagugutom daw siya. Natawa naman ako saka tumango-tango.
Pumunta kami sa isang noodle house na malapit lang din sa school. "Let's eat!" Excited nitong wika matapos maihapag sa amin ang order naming pagkain. Tumango lang din ako saka nag simula ng kumain.
"Ha! Sarap ng noodles nila dito," ani Lou habang busog na nakasandal sa kaniyang upuan. May pagka lakas din pala siya sa pagkain. Ngunit nasa tamang kurba pa rin ang katawan niya.
"Baka matunaw ako ah," pang-aasar niya. Umayos siya ng upo ng mapansin n'yang nakatingin ako sa sa kaniya.
"Sorry, napansin ko lang kasi na medyo malakas ka pala kumain pero nasa tamang timbang pa rin katawan mo," nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Gano'n ba... siguro mabilis lang ako mag digest ng pagkain—uh by the way Ell," tumingin naman ako sa kaniya na parang nagtatanong. "Thank you sa pagsama sa'kin dito." Ngiting saad nito. "Wala 'yun, saka kahit saan namang kainan ma-aaya mo ako."
"Buti na lang hindi ka rin mapili," hindi makapaniwala nitong ani.
Mga ilang segundo bigla kong na realize kung na saan kami ngayon. "'Di ko alam na kumakain ka rin pala sa mga ganitong lugar?" sabi ko nang tumingin sa paligid. Kung sa totoo lang ang mga kakain lang dito 'yung mga naghahanap ng low budget foods. Si Lou naman kasi kayang-kaya naman niyang kumain sa mamahaling resto.
"Huh? H-hindi naman, nagkataon lang na na-puso-an ko 'yung mga hinahanda nila dito," naiilang nitong sagot. Napatango nalang ako. "Bakit mo pala natanong?"
"Wala naman, kilala ka kasi diba na nasa malaking pamilya kaya nakapag-tataka lang na ang isang tulad mo, kumakain sa ganitong klase ng lugar." Deretso kong sagot.
Bahagya siyang natawa sa narinig niya. "Hindi naman, saka 'di naman kasi ako mapili at kahit naman gano'n estado ko may karapatan pa rin naman kami diba na kumain sa mga ganitong lugar?" paliwanag niya.
"Of course, what I mean is bihira lang kasi ako makasalamuha ng tulad mo," walang ibig sabihin 'yun pero mukhang namula siya bigla sa sinabi ko.
Kinabukasan matapos ang klase. Lalabas na sana ako para mauna na sa library nang tumawag si Caden.
"Hoy! San ka pupunta?" Hindi naman sa maangas ang paraan ng pagtatanong niya, sanay na ako sa ganyang paraan ng pagsasalita niya lalo na pag may tampo siya.
"Library," tipid kong sagot.
"Wala naman lesson bukas sa retreat ah? Saka wala namang sinabi na may quiz? At akala ko ba susunod ko sa'min kahapon? Eh halos napauwi na kami ni tita hindi ka pa dumarating. Sabay ka na sa'min. Tara na!" Pag pupumilit niya.
"Nag aantay sa'kin si Lou—" pinutol naman niya sasabihin ko ng sumabat siya.
"Puro ka naman Lou! Alam mo kung ako sa'yo ligawan mo na! Kesa ganyan— asdfghjkl" tinakpan ko na bibig niya nang lumapit si Lou sa amin.
"Hey— w-what are you two doing?" takang tingin nito sa aming dalawa. Binitawan ko na si Caden at inis naman niyang inayos ang kaniyang uniporme. "We're just... having fun." Palusot ko. "Gano'n ba? Sorry sa istorbo, by the way gusto ko lang naman sabihin sayo Ell na sa susunod nalang tayo mag review for exams, mag aayos pa pala ako— uh, I mean ikaw din, for retreat."
Nakaligtaan ko pala na retreat na bukas. "Ah sige, na kapag review naman na tayo nung isang araw kaya kakaunti na lang naman na rereview-in mo."
"Hm yeah, about that pala thank you," matamis na ngiti nitong wika.
"Okay na kayo?" sarkastikong tanong ni Caden na kanina pa pala nakatayo sa pagitan namin.
"Y-yeah sorry ulit sa istorbo, sige bye Ell and Caden, una na ako." Matapos niyang magpaalam naglakad na siya papalayo.
"Tara na anong oras na oh." Inip na sambit sa'kin ni Caden. Nagsimula na siyang maglakad papalabas. "Sandali may gagawin lang ako." Pagkasabi ko no'n agad ako tumakbo sa hall dinig ko pa na suminghal si Caden pero hindi ko na siya nilingon at pumunta na lang ako sa room. Nagmadali akong ilabas ang notebook na naglalaman ng reviewer at saktong nandoon pa ang bag ni Lou kaya naman inilagay ko agad iyon doon saka na ko bumaba.
"Saan ka galing?" tanong nito pero hindi ko na siya sinagot sa halip ay dumeretso na ako sa labas.
Nang makauwi na kami ng bahay, gaya ng nakagawian. Inilapag ni Caden ang pagkain na galing sa groceries namin sa mesa at si Ken naman ang toka sa paghahanap ng movie habang ako naman deretso higa.
Nang makapag palit ako nahiga na ulit ako, dinig ko na nag vibrate ang phone ko kasunod mg ringtone ng message ko. Kaya naman agad ko itong kinuha at sinilip kung sino ang nag-text.
From: Louise
Hey! Ikaw ba nag lagay ng reviewer sa bago ko? omo! You're too sweet to do that but thank you Ell! Talagang makakatulong ito sa exams natin, thank you again :>
Buti naman nakita niya. Sa sobrang pagmamadali ko 'di ko na napansin kung maayos ba ang pagkakalagay ko sa bag niya no'n.
After namin makauwi galing sa noodle house kahapon agad kong binasa mga pointers namin at ginawan na siya ng notes para madali siyang makapag review. Naisip ko kasi na baka hindi ko siya masamahan mag review dahil alam kong mamimilit sina Caden na sumama sa kanila.
To: Louise
Welcome, hope you'll get a perfect score :>
Nang ma-sent na ang message ko agad na akong tumingin sa TV screen, kanina pa pala nagsisimula ang palabas. Pero imbes na makita ang mga artistang gumaganap sa palabas ang bumungad sa'kin mukha ni Caden na ngumunguya pa. Naka singkit pa ang mata niya. "Pangiti-ngiti ka pa diyan! Hanggang ganyan ka lang naman," sarkastiko nitong . "You don't care kaya alis!" Sabi ko saka nanood na. "Ewan ko sayo Colden Ell Corvix! Napaka torpe—"
"Caden we're watching so shut up," mukhang wala sa mood si Ken. Taka naman tumingin sa kaniya si Caden at medyo natawa. Napa smirk na lang ako sa akto niya.
Ibinaling ko na lang ang atensyon sa pinapanood. "Your just afraid to admit it john!" Jema shouted in frustration. "We all have fears, we're humans," john replied. "Yeah! And you confuse that with courage," Jema said that makes John silent. John ignored her and continued to sip a smoke.
Habang nanonood pakiramdam ko tinamaan ako sa sinabi ng actress na gumaganap bilang si Jema sa pelikula. Napabuntong hininga nalang ako at hindi na pinag patuloy ang pinapanood sa halip ay umidlip nalang ako. Unang part pa lang nakakatama na sa mga manonood.

Komento sa Aklat (119)

  • avatar
    Rashid Roa

    good 😊

    08/06/2025

      0
  • avatar
    Jhoiber Padrino

    bien

    31/05/2025

      0
  • avatar
    ItimShian

    how to money

    24/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata