"Lou tara na! Bagal mo naman," angal ng kaibigan ni Lou mula sa labas ng silid. "Wait, I'm coming!" Pagmamadali n'yang sambit habang binabalik mga gamit niya sa bag. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa papalabas ng silid. Nang mawala na siya sa aking paningin bigla naman sumulpot sa kawalan si Caden, kaibigan ko. "Hanggang tingin ka nalang ba?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa gawi kanina ni Lou. Alam niya na mayroon akong gusto kay Lou last year pa, ngunit wala pa akong balak na umamin. Hindi ko na siya pinansin at tumayo na lang saka kinuha bag ko para umuwi na rin. "Hah! Hina mo talaga bud!" patawa-tawang sambit nito ngunit nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "O, Uuwi ka na?" salubong sa'kin ni Ken, kaibigan ko rin. Tango na lang ang isinagot ko rito. Maglalakad na sana ako ulit nang pigilan niya ako. "Sandali, si Caden hindi mo ba kasama?" tumingin ako sa paligid at umarte na parang may hinahanap. "May nakikita ka ba?" baling ko sa kan'ya. "Ahaha s-sige umuwi ka na lang," ilang n'yang tulak sa akin. Payapa akong naka-uwi ng bahay. Marahan kong hinaplos ang picture frame sa salubong ng pinto."Dad I'm home," bati ko sa litrato ni Dad. Pumanaw si Dad bago pa man ako maipanganak ni Mom. Glioblastoma grade four daw ang sanhi ng pagkawala niya, isang type ng brain tumor. "Mom naka-uwi na po ako," walang ganang gambit ko. "O, kumusta naman ang school?" panandalian niya akong nilingon at itinuon muli ang atensyon sa kan'yang pinapanood. "Still the same Mom," saka ko inilapag ang bag sa tabi niya. Nilingon na niya ako saka muling nagsalita. "Kasama mo ba sina Ken and Caden umuwi?" tanong n'yang muli. Nakasanayan na niya kasi na sabay-sabay kami laging umuuwi. "Nauna na po ko sa kanila, aakyat muna po ako." Walang gana kong wika saka sumenyas sa taas. "Ganun ba? Pero sige, nagugutom ka ba, gusto mo ba dalhan kita pagkain?" tanong niya habang papataas ako sa kwarto. "'Wag na po," sagot ko nang hindi na siya nilingon. Nang makapasok ako hiniga ko agad katawan ko sa kama. Nakakapagod araw na 'to. Nakarinig ako ng ilang katok sa pinto dahilan para inis kong buksan ang aking mga mata saka dumiretso sa pinto. Pagbukas ko ng pinto sumalubong sa'kin si Caden na nakangiti kasama niya din si Ken. "Kain," saad ni Caden saka iniangat ang dalang pagkain. Inis akong bumuntong hininga at sumenyas na pumasok sila. "'Yun! Tara, habang mainit-init pa." Excited niyang wika. Nang makapasok sila, Isasara ko na sana ang pinto nang sumalubong si Mom. "Sorry 'nak, nag pumilit kasi sila," nahihiyang sambit ni Mom. Pilit na ngiti nalang sinagot ko saka isanara na ang pinto. Alam niya kasi na ayaw kong na di-disturbo lalo na kapag natutulog ako. "Movie time!" excited na sabi ni Ken at naghanap na ng CD na papanoorin. Si Caden naman ay abala sa paghain ng mga pagkain na dala nila. Matagal ko ng kaibigan sina Caden Pascua at Ken Phoenix Lockwood. Kilalang-kilala na namin ang isa't isa at alam na rin ang bawat sikreto. Kaya wala kang maitatago pag sila kasama mo. Kaya nga alam nila ang tungkol kay Louise Natasha Filrochè. "Cold urong ko uli mesa ha? Ako naman mag sasauli mamaya," tanong sa'kin ni Caden. Yep, you heard it right. Cold tawag nila sa'kin, short for Colden. Si Mom nag pangalan sa'kin n'yan. Sabi niya kaya daw Colden pangalan ko dahil nung una niya ako mahawakan medyo malamig ako. Kaya din siguro um-apply name ko sa personalidad ko. Colden Ell Corvix- "Huy! Ako naman bahala mag sauli maya eh, wala kasi paglalagyan 'to oh," turo pa niya sa dala nila. Hindi pa pala niya kinuha. "Oo na, ikaw bahala," sambit ko saka nahiga na ulit. "Alam mo, bagay talaga pinangalan sayo ni tita, masyado kang malamig," iritable n'yang saad at saka umarte na parang nilalamig. "Hoy bilisan mo na d'yan nakahanap na ako ng palabas," dinig kong sabi ni Ken. "Oo na! Sandali- bago ba yan?" turo ni Caden sa TV screen. "Oo, 'di ko pa alam 'to nakalkal ko lang sa gamit niya," turo niya pa sa'kin. "Akala ko wala ng hobby si Cold, may natitira ka pa palang hilig. Akala ko huminto na mundo mo simula nung-Ah aray!" hindi na niya natapos ang kan'yang sasabihin nang hagisan siya ng bote ni Ken. "Bilisan mo nalang kita mong na nanahimik na 'yung tao inuungkat mo pa ang nakaraan," irita n'yang saad. Wala na akong nagawa kung hindi ang mag pakawala ng malalim na hinga. Ayoko naman ng alalahanin pa ang lumipas na. Matapos mag hain ni Caden ng pagkain nag-aya na silang kumain kaya bumangon na ako. Habang kumakain ay na nonood din kami. Ganun lagi set-up namin. Ang kaso nung mga nakaraang araw huminto muna kami sa gano'ng sistema. Atakihin ka ba naman ng anxiety. Kaya buti ngayon naisipan nilang muli pumunta sa kabila ng pag tataboy ko sa kanila. Kapag uwian na, diretso sila lagi sa bahay ko para mag movie marathon. Inaabot pa nga sila minsan ng mga ala-una kaka-tambay dito. "Teka bud, kumusta ka na pala? Nakapag pahinga ka ba?" alalang tanong ni Ken habang nag sisimula na ang intro ng napiling palabas. Tango na lang ang isinagot ko rito dahil abala rin ako sa pag kain. "Alam mo, 'wag mo kasi hayaang lamunin ka ng sakit ng nak-" bago pa niya matapos ang kan'yang sasabihin tinignan ko siya ng parang hindi-ako-natutuwa look at hindi naman ako bigo. "Sabi ko nga kakain na lang ako." Pag-iiba niya ng topic saka kumain. "Luh, gano'n lang?" hindi makapaniwalang tanong ni Caden habang nakatingin sa TV. Kakatapos lang ng pinanood namin. "Ang pangit naman ng ending!" iritableng saad ni Ken. "Ano ba naman 'to Cold? Saang lupalop ng tindahan mo 'to nabili? Ang corny na nga ng kwento, ang pangit pa ng ending," inis na lingon ni Caden sa'kin. "Baka kapag narinig ka ng fans ng direktor ng movie na 'yan maaga ka mawala sa mundo," pang-aasar ko. "Kung sino man mga fans ng direktor n'yan mukhang mali sila ng iniidolo," pag mamaliit niya dito. Nakaramdam naman ako ng inis sa narinig ko. "Vows: The Movie ay isa sa masterpiece niya, kaya sana 'wag ka basta-bastang mag bibitaw ng salita kung hindi mo naman talaga kilala ang gumawa," inis kong sambit sa kan'ya. "Sinayang lang natin dalawang oras natin d'yan eh! Namatay bida, dapat nabuhay, kasi pwede niya pang magawan ng paraan para makapag stay 'yung lalaki kaso mukhang nabalutan isip n'ya ng lungkot at takot kaya hindi na siya nakapag isip ng maayos," dagdag ni Ken. Nilingon ko naman siya. "What? Opinyon lang naman," depensa niya. Bumuntong hininga na lang ako. Ganyan talaga mga 'yan. Gusto laging happy ending. Pero hindi naman lahat ganun ang kapalaran. Kung iisipin mo ang reyalidad, wala talagang masayang pagtatapos, dahil lahat tayo ay mamamatay lang din. Kahit gaano ka pa ka-sikat, ka-saya o ka-yaman. Iiyakan ka lang ng mga mahal mo sa buhay dahil sa huli. Ang hantungan mo ay kabaong pa rin. Pero kung bibigyan ka naman ng eternal life, para sa'kin wala pa rin 'yun pagbabago sa una ko'ng sinabi. Oo, hindi ka mamamatay ngunit masasaksihan mo naman kung paano unti-unting nawawala mga mahal mo sa buhay. Humarap na ako sa kisame saka inisip nalang si Lou. Sasakit lang ulo ko sa . Mas mabuti pang sila na lang ang maka-realize ng sinasabi ko, without further explanations. Louise Natasha Filrochè, magandang pangalan na bumabagay sa isang magandang dilag. Mahabang buhok, kulay kapeng mga mata, makurbang katawan, maputi. Lahat ng kagandahan nasa kan'ya na. She actually looks almost perfect, yes almost. Wala pa ko sa buhay niya kaya hindi pa perfect- "Hoy!" sigaw sa'kin ni Caden. Nagulat ako ng bahagya pero 'di ko pinahalata at tumingin na lang sa kan'ya. "Bakit?!" Irita kong sagot dito. "Nagsisimula na oh! Tama na 'yang day dreaming mo! Wala ka mapapala d'yan kung puro ganyan ka," sarcatiko n'yang sabi saka tumalikod na. Binatukan ko naman siya. "Aray masakit!" hawak niya sa batok habang nakatingin sa'kin. "Gabi na-" hindi na pinatapos ni Ken ang sasabihin ko dahil sumabat siya. "Shushushush! Ang iingay niyo naman hindi ko na tuloy maintindihan pinapanood," angal ni Ken na tutok sa palabas at may hawak pa na chicken legs. Tuloy pa rin siya sa pag papak ng pagkain habang kami ni Caden ay kanina pa tapos. Inangasan ko pa si Caden at nanahimik na. Dalawang oras namin pinanood kanina 'yung isa at ito na naman panibagong palabas. Napa-iling nalang ako. Buti nalang talaga may stack ako ng CD's dito. Thanks to her. Maaga akong nagising kaya naman maaga akong naligo. Inayos ko na butones ng damit ko at tinignan sa salamin ang itsura ko. Gwapo pa rin naman. Tumalikod na ako at nakitang nakaratay pa rin ang dalawa. Sinipa ko ng mahina paa ni Caden para naman magising. "Gising na," ngunit bigo ako dahil umungol lang siya at nagpalit ng pwesto kaya naman sinipa ko ulit siya ng malakas dahilan para imulat niya mata niya saka tumingin sa'kin ng masama. "Bakit?!" naka pungay na mata niyang tanong. Tinuro ko wrist watch ko. " 6:48 na" malumanay kong sabi. Hindi siya agad nakapag react pero matapos malinawan, agad siyang napatalon saka pinalo si Ken na mahimbing pa rin natutulog. "Bakit?!" kunot noong tanong ni Ken habang kinukuskos pa ang kan'yang kaliwang mata. "Mag se-seven na kaya! Bumangon ka na d'yan" Si Caden. Inis na napa-kamot si Ken sa ulo saka bumangon. Bigla naman lumapit si Caden sa'kin at hinawakan pa ko. "Bud paligo muna! Sa bahay nalang ako mag palit! Salamat!" nagmamadali nitong sabi sa'kin ni Caden. Ni hindi na nga niya ko pinasagot. "H-hoy! Sandali! Mag ba-banyo lang ako!" Habol ni Ken kay Caden pero sinaraduhan na siya ng pinto. "Sabi ko sandali lang eh! Caden!" dinabog niya ang pinto. "Sa baba ka nalang, may banyo naman doon," malumanay kong sabi saka kinuha na bag ko. "Oo nga pala, Salamat!" saka patakbong bumaba. Mauuna na sana ako pumasok sa kanila ngunit nag pumilit sila na sabay-sabay na kami. Kaya naman saksi ako sa pagmamadali nila. "Pakagat!" Takbo sa'kin ni Ken saka kumagat sa tinapay na hawak ko at lumabas na. "Ako din!" takbo sa'kin ni Caden at akmang kakagat din pero iniwas ko. "Layag na!" Seryoso kong sambit dito. "Unfair nito!" ngusong saad nito. Wala na siya nagawa kaya lumabas na. Lalabas na rin sana ako nang tumawag si Mom. "Anak eto oh, baon niyo," nilingon ko naman hawak ni Mom. Tatanggi pa sana ako kaso inabot na niya sa kamay ko kaya tinanggap ko na lang. "Salamat po, una na po kami." Umalis na ako ng makuha ko na ito. "Mag iingat kayo sa pag bike ha!" dinig ko pa na sabi ni Mom. Nakarating na kami sa room namin at kumpleto na sila. Nakahinga kami ng maluwag ng makitang wala pa ang unang subject teacher namin. Hinanap agad ng mga mata ko si Lou. Nakita ko na nakikipag kwentuhan siya sa mga kaibigan niya. Dumating na ang first subject teacher namin at nagsimula na siyang mag turo. Nang matapos agad siyang nagbigay ng asignatura. "Hi" bati sa'kin ng mala-anghel na boses. Alam ko na kung kanino ito. Nilingon ko kung saan ang pinag-galingan ng boses na ito at hindi nga ako nagkakamali. Si Lou. "Hello?" bati ko pabalik. Kumagat labi muna siya bago mag salita. "Alam mo ba kung paano gawin 'yung sasagutan?-uh I mean 'yung assignment," naiilang niyang tanong. Bahagya siyang napa-kamot sa kan'yang batok. "Yeah, why?" patango-tango kong sabi. "Mabuti kung gano'n, p-pwedeng paturo?" Nahihiya niyang sambit. "Yeah, pwede naman, kailan mo ba gusto?" Walang alangan kong tanong. "Mamaya kaya? May gagawin ka ba after class?" Kunwari naman akong nag isip. "Nothing free ako," tango-tango kong wika. "That's good, so pwede kita tayo mamaya? Kahit sa cafè lang," masigla n'yang tanong. "Okay, text mo na lang ako," ngiti kong saad. "Yeah, thanks!" ngumiti akong muli at itinuon na ulit ang atensyon sa ginagawa ko. Akmang aalis na sana ito ng muli siyang mag salita. "Oh I forgot to ask kung ano nga palang number mo? Sorry." "Oo nga pala, lend me your phone." Inabot naman niya ito agad at tinype ko na ang number ko. "Here," abot ko sa kaniya nang matapos. "Thank you, see you later " may malaking ngiti na naka-ukit sa kan'yang labi kaya napangiti na lang din ako. Tuluyan na siyang umalis at pumunta sa mga kaibigan niya. Naiwan naman akong nakangiti habang tinutuloy ang naudlot kong ginagawa. "Hanggang ngiti ka na lang ba bud?" Sulpot ni Caden kasama si Ken. Hindi ko naman na siya pinansin. "So ano? Manliligaw ka na ba?" bulong ni Caden saka ako sinisiko sa braso. "Magpapatulong lang naman sa kaniya si Lou, ano na lang iisipin no'n kung biglang i-open 'yun ni Cold sa kan'ya," sabat ni Ken. Umayos naman ng tayo si Caden saka nilingon si Ken. "'Di na dahilan 'yan! Dapat amin ka agad kapag may chance! Bago pa mahila ng iba 'yan, nako po. Grasya na nga ang lumalapit, tatanggihan mo pa ba?" "Oo nga ang point ko kasi 'di pa naman ito 'yung chance na sinasabi mo plus this is not the right time. Hayaan mong si Cold mag desisyon," pagtatanggol sa'kin ni Ken. "Ay bahala kayo! Ahahaha ga-graduate na lang tayo ng 'di nagkaka-syota itong si Cold, ano stack ka ba sa una? Kaya di ka pa nag hahanap ng iba?" Pang -aasar niya, ngunit hindi ko nagugustuhan ang timpla ng mga sinabi niya. Tinignan ko siya ng masama. "I hate that look, I'm out." Nakataas pa ang mga kamay na animo'y sumusukong sambit nito. Lagi silang ganiyan pati buhay ko, lovelife ko, pinakekealaman at pinagtatalunan. Ang masaklap pa, laging inuungkat ang nakaraan. Nag tapos na ang paunang araw ng klase. Nag vibrate bigla phone ko kaya naman kinuha ko ito mula sa bulsa. 09517******: Hey! Let's meet up in a cafè nearby! See you! :> Hindi ko naman naiwasan mapangiti. Kaya agad ako nag tanong sa guard kung saan ang pinakamalapit na cafè. Itinuro naman niya ang Chini Tea Cafè. Binuksan ko na ang glass door saka hinanap si Lou. Nakita ko siya na tumayo kaya naman agad ko siya nilapitan. "Kanina ka pa?" tanong ko dito nang makalapit. "Nope, kararating ko lang nung nag text ako," saad nito saka na umupo kaya umupo na rin ako. "Ano pala 'di mo naiintindihan sa assignment?" tanong ko habang kinukuha mga gamit na kakailanganin namin. "Excuse me Ma'am and Sir, here's your espresso machiatto and coffee frappuccino." Masiglang wika ng waiter sa'min habang nilalapag ang dala. "Thank you po," ngiting ani Lou. "Nag order ka na pala," tanong ko nang maka-alis na ang waiter. "Oo, para sana pag dating mo okay na, a-ayaw mo ba 'yung iyo?" Bahagyang na lungkot nitong sabi. "No, okay lang naman," pagtatanggi ko. Iniabot na niya sa'kin ang espresso. Matapos kong maiayos ang mga gamit na gagamitin nagsimula na akong mag turo. "Thanks again for today Ell," natigil ako sa paglalakad ng banggitin niya second name ko. "Mm? Why?" Takang tanong nito ng mapansing huminto ako. Tumingin naman ako sa kaniya. "Ell?" Nagtataka nitong tawag sa'kin. "Huh?- w-wala-wala, sorry," nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad at gano'n din siya. "Ngayon lang ba may tumawag sa'yo ng second name mo?" Tanong niya ulit. "H-hindi naman," hindi ko maiwasan ang mautal. "Ahahaha it's fine if na iilang ka pa kapag tinatawag kita sa second name mo, Cold na lang din tawag ko," halatang hindi niya trip ang Cold sa paraan ng kan'yang pag sabi. "No.. o-okay lang naman, you can call me Ell if that's what you prefer," yumawa siya ng bahagya sa sinabi ko. "W-why?" taka kong tanong. Umiling-iling na lang siya Matapos no'n wala ng nagsalita sa'min. "Dito na lang ako." Saad niya at huminto na sa paglalakad. Tumingin ako sa paligid. "Dito na ba bahay niyo?" "Doon lang, lalakarin ko na lang mag isa, umuwi ka na rin anong oras na kasi," turo niya sa dulong bahagi ng daan. "Are you sure? Malapit ng mag gabi-" "Yeah, kaya umuwi ka na rin, salamat ulit," hindi na ko nakapag salita pa dahil nag tuloy na siya sa paglalakad. Pinanood ko pa siyang makalayo at sumakay na sa bike na dala ko saka umalis na. "Hi Dad," haplos kong muli sa frame ni Dad pagkapasok ko sa bahay. "Mom dito na po ko," bati ko ng makauwi. "Kumain ka na?" tanong ni Mom mula sa kusina. "'Di po ko nagugutom, tutulog na lang po ako." Narinig ko pa siya na bumuntong hininga. Ngunit dumiretso na ako sa'king silid. Kinabukasan maaga akong nakapasok dahilan siguro ito ng maaga kong pag tulog. Buti na lang hindi ako inatake ng insomnia. "Quiet muna grade ten!" suway ng adviser namin na si Miss andrea. "Excited agad kayo wala pa nga ako na babanggit na date," bahagyang natawang wika nito. Ia-announce na daw niya kasi ang retreat namin kaya naman ganito na lang kung mag ingay ang iba. Ilang beses kasi naudlot ang plano dahil sa pabago-bagong panahon. "Your retreat is on thursday and friday, this week. Saang lugar? Malapit lang po, doon po sa madera vision house ang location. Two buses ang maghahatid sa inyo kasi two grade levels kayo na magkakasama. Grade nine and kayong grade ten. Ang fee is three hundred fifty pesos sounds cheap, pero maganda ang place kaya no regret..." Hindi ko na narinig ang mga sumunod n'yang sinabi dahil tinawag ako ni Ken. Nilingon ko naman siya na parang nag tatanong."Sama ka?" may sigla n'yang wika. "I'm not sure," walang gana kong saad. "Sumama ka na! 'Di ka na nga sumama last year" bulong din ni Caden. "Pag iisipan ko." "Weh... Last year na nga natin dito," dagdag niya. Nagkibit-balikat na lang ako at nakinig kunyari sa harap. Dinig ko naman na suminghal ang dalawa. "Hi!" Isang pamilyar uli na boses ang narinig ko. Kasalukuyan kami ngayong kumakain sa canteen tutal lunch time na. Tinapos ko munang mahigop ang noodles na kinakain ko saka lumingon sa pinanggalingan ng boses. "Hello," bati nila Caden kay Lou na may dalang tray ng pagkain. Tumingin naman siya sa'kin at ngumiti. Ngumiti lang din ako sa kanya. "Pwedeng maki-upo?" "Sure-sure, dito ka na oh." Mabilis na tugon ni Caden. Pinaghila pa niya ito ng upuan. "Thanks, so sasama kayo ng retreat?" tanong niya nang makaupo. "Kaming dalawa oo," turo ni Caden kay Ken. "Pero ito umaarte pa eh." Pagbibiro ni Caden na nakaturo pa sa'kin. Umiling na lang ako. "Why? 'Di ka sasama?" Tanong sa'kin ni Lou. "'Di ko pa sure-" "Sama ka Ell, please! It will be fun!"naka pout niyang saad. Muntik ng maibuga nina Caden at Ken ang kinakain nila at sabay na tumingin sa'kin. Binitawan ko noodles at chopstick na hawak ko saka dahan-dahang tumingin kay Lou. "Sige, sasama na ko." Pilit kong hindi ipinahalata na ayaw ko. "Yey! Last year naman na natin dito sayang naman kasi," excited nitong sabi. "Woah bakit no'ng si Lou ang nag pilit napa-oo ka-" "Shut up bud," putol ko sa sinasabi ni Ken saka pilit na ngumiti kay Lou. Palihim naman na natatawa si Caden. 'Di ko na siya tinignan pa ulit dahil alam kong mas matatawa lang siya. Dismissal. "Bud umamin ka nga." Seryosong sabi ni Caden habang naka-akbay. "Kayo na ba?" walang alangan nitong tanong. Inalis ko pagkaka-akbay niya. "Anong sinasabi mo?" mas pinili ko pa rin na mag tanong kesa ang sagutin ito ng deretso. Natawa naman ito. "Kunyari ka pa eh! Bud, Alam kong ayaw mo na may tumatawag sa'yo ng second name mo" "Cringe daw kasi pakinggan," dagdag ni Ken. "At hindi lang 'yun, kasi alam naman natin ang nangyari no-" "Pwede ba? 'Wag niyo na ipaalala ang noon okay? Nakalipas na 'yun," hindi ko na napigilan ang inis ko dahil noong isang araw pa siya banggit ng banggit n'yan. "Saka hindi porque tinawag niya ako ng gano'n, kami na," dagdag ko. "Oh chill, masyadong mainit sayo ang nakaraan mo ah HAHAHA move on na kasi bud," dinaan na lang niya sa asar. "'Wag na nga natin pag usapan 'yan!" Ayoko talagang inuungkat ang kaganapan noon sa buhay ko. "Edi pag usapan na lang natin kailan mo balak ligawan si Lou para tigilan ko na pang aasar sa'yo," asar niyang muli. "Matagal pa mangyayari 'yun. Ayokong masira plano ko-" Tumawa naman ito. "Sabihin mo talagang wala ka ng balak!" tuloy pa rin sa pang-aasar niya. "Nako! Baka maunahan ka pa ng iba n'yan! Tsk tsk tsk," gatong ni Ken. "Bakit? Liligawan mo rin ba siya?" biro ko pabalik kay Ken. Halata naman na 'di niya in-expect ang biro ko maski si Caden. Hindi ako agad nakapag salita dahil sa reaksyon na ipinakita nila. "Ah-aha eto naman, biro lang 'yun!" naiilang kong sambit. Nang mag sink-in na sa kanila sinabi ko, tumawa na sila kunyari. Medyo awkward. Minsan na nga lang ako mag joke gano'n pa. "S-saka 'di ko naman talaga liligawan 'yun," naiilang nitong saad. Nagpatuloy na kami sa pag lalakad at iniba na lang ang usapan. Nang makauwi ako dumeretso na agad ako ng kwarto. Bumuntong hininga ako. "Kailan ko nga ba balak umamin?" Tanong ko sa sarili. "Tama nga naman sinabi nila baka maunahan pa ko ng iba" "Pero sino naman! Wala naman sinasagot si Lou sa manliligaw niya-argh" Inis ako napasabunot sa buhok ko.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
good 😊
08/06/2025
0bien
31/05/2025
0how to money
24/03/2025
0Tingnan Lahat